Showing posts with label Pilipinas. Show all posts
Showing posts with label Pilipinas. Show all posts

2 Jun 2009

Lihim

Matapos nga ang ilang linggong pagpaplano namin sa aming pag-uwi at pagdeklara na gawing lihim ang aming pagdating sa bandang huli ay maibubunyag din pala. Ang totoo niyan ay wala pa talaga ako sa Pinas at kung bakit hindi ako makapagpost ay sa kadahilanang ang pag-uwi pala nmin ay hindi nangangahulugang kami ay magsasaya na nga. Heto nga at sumasakit ang bungo ko kung paano mapagkakasya ang budget sa pasalubong. Daig pa ang mamamalengke sa tutuban sa dami ng mga bilin ng malaman ang aming pag-uwi. Tingin ko ang alam nila eh pinupulot ko ang salapi dito. Teka bakit nga ba ganun hano? pag alam nila na naka-abroad ang isang tao iisipin ng iba mayaman at kumikita ng pounds or dollar. Pero ang totoo niyan, sa taas ng cost of living kung saan kaming mga overseas pinoy at pinay ay naroroon ay ganun din kataas at kamahal. Yun nga lang ang kaibahan, dito sa UK kung saan ako ay naroroon, kahit papaano hindi mapolusyon. Walang basura sa gilid ng daan. Walang mga batang-yagit na nangangalabit sau para humingi na mamera. At walang tricycle na halos sunugin ang baga mo sa kapal ng usok. Minsan pag naikukumpara ko, mas secure talaga ako dito. Ihiwalay na natin ang financial matter dahil sa bagay na yan ako ay tagtuyot hehehe.. Pero dito kasi wala nman akyat bahay. Ang mga kapitbahay ko nman ay sadyang mababait kahit na tulig na tulig sila sa aking pagkanta paminsan minsan. Hindi nga lang kainaman ang panahon lalo na pag taglamig pero at least hindi ko mararanasan dito yung meron ibang taong nakakapasok sa loob ng bahay mo ng di mo nalalaman. Katunayan nga niyan, 4 days and 3 nights akong mag-isa dito nung nakaraang May 23. Kasi nga si Habibi ay  napunta sa London at dahil kami nga ay uuwi, minabuti ko na lang magpaiwan. Aba, nun ko ulit naranasan makahinga ng maluwag at walang iniisip na ipaghahanda ng pagkain.

 

 

Neway, mabalik tayo sa lihim. Eto ngang lihim na trip namin to Pinas ay hindi na nakaya pang ilihim. Dahil nnga sa mga pagkakataon na madalas kami ay nadudulas at isama mo na rin yung excitement na nararamdaman namin ayy tinawagan na nga nitong si Habibi si Inay. At hayun, ang lihim pala talaga ay hindi nananatiling lihim. Naisip ko nga rin na mainam na rin na sabihin ang aming pagdating kesa nman sa dumating kaming waang mag-asikaso sa amin. Di ba? lahat kasi ng kapatid ko ay mga bulugan. kaya nman hindi ko inaasahan na maghahanda nga sila sa aming pagdating. Alam ko dahil nung minsang ako eh me sakit at hindi makabangon, ni hindi ako inalagaan ng aking kapatid hehehe.. Iniisip niya siguro na ako ay nag-iinarte pero ang totoo daig ko ang nagpaikot ikot ng sampung beses sa roller coaster sa hilo na nararamdaman ko. Yun nga at ng pagdating ko sa hospital, 90-60 na pala ang blood pressure ko. Toink! Mahihilo nga pala talaga hehehe..

 

 

15 days to go at nasa Pinas na nga kami. hindi ko pa alam kung san kami gagala sa loob ng 4 weeks pero yung 7 days siguradong alam ko na. hehe

 

 

Pero para sa ibang nasa ibang bansa at gustong magsiuwi, lalo na at first time niyong uuwi ng Pinas, ngayon pa lang ay mag-ipon na kau. wag nio akong gayahin na nagpabigla-bigla at ngayon ay namomoroblema sa ipapasalubong. Para sa kaalaman ng lahat, hindi pala madali ang umuwi hehe. Siguro matatagalan ulit ang aming pagbalik pagkatapos neto. O sia.. Magandang pagbati sa lahat ng nakibasa.. Salamat sa lahat na nagpabalik-balik para bassahin ang blog ko na walang update ni isa.. ngayon pa lang hekhekhek…

15 May 2009

Pilipens Hir Ay Kam

After nga ng ilang araw na pag-iisip, heto at nag-empake ang lola mo. hindi ko alam kung ito ay dala ng aking pagkahomesick o dahil sa lahat ata nang nasa friendster ko eh nagsiuwi ng Pinas. Kaya eto at nakigaya na rin ako.

 

Gamit ang mahiwagang martilyo ay talaga namang binasag ko ng bonggang-bongga ang aking jar. Habang si habibi at nagmamadaling umakyat at tsineck kung ano ang nangyayari. Aha! tamang-tama para sa pamasahe. Kahit masakit sa loob ko na gawin yun, naisip kong this is the right time hehe. Bakit nga hindi sasakit ang loob ko, eh iniipon ko yun para makabili ako ng isang Canon DLSR o SONY. Naman! Pagkakataon ko na sana pero di bale na! mas importante ata na ako ay makalanghap ng hanging-pinas. Kaya naman ng malaman ni habibi ang aking plano, eh eto lang ang nasabi nia:

 

“ I’ll go with you!”

Oha! Sasama ang loko! ayaw maiwan hahaha. Kasi nga nman ang lungkot kayang mag-isa at sia eh naku siguradong mabeberat dito.

 

Kaya eto ako at ilang araw nang puyat. Aba parang gusto ko ischedule ang aking pagkain sa buong stay ko hehe. Pinakbet, pritong tilapya, inihaw na isda,diningdeng, at isama mo pa ang mga street foods. At hindi lang ako ang nangarap ng pagkain ha, pati si habibi. hehe gusto daw nia ang T-Bone Steak at Crispy Pata twice a week haha. Naman naman! At hindi daw sia kakain ng ibang Mcdo Meals maliban sa Mc-Breakfast. lol! Eh kasi nga nman ang kanyang belly ay lolobo n nmn. natatandaan ko ng umuwi to sa pinas gating-ting sa payat. aba ngayon nman parang nakalunok na ng pakwan. Hay naku excited na tuloy ako! Pero ang plan ko ay manorpresa hehehe.. yung susundo at ung tutuluyan ko lang ang nakakaalam. Hano kaya ang mga reaction nila mudra at pudra pag bgla kaming dumating sa probinsiya???Hmmmm Todo na to! Exciting talaga.

 

At siya nga pala, first time namin ni Habibi umuwi ng Pinas na magkasama. Oha! Ate liza magkikita na rin tau sa Pinas! hahaha

LinkWithin

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin