Showing posts with label Ramblings. Show all posts
Showing posts with label Ramblings. Show all posts

7 May 2009

Operasyon Binyag Get-up!

Kasabay ng aking pagbabalik-tanaw sa aking kabataan ay ang aking pag-eemote sa harap ng aking camera. Feel na feel ko ang bawat click at nagpapalit-palit pa ako ng damit hehe.. Parang modelo nman ako sa harap ni habibi habang panay ang lakad ko sa harap niya. Heto ang sampol.

 

Tweetums

 

O di ba ? Wa ka ma-say hano? hehe kinulot ko na nman ang sarili ko kasi gusto ni Habibi na curly ang buhok ko.

 

Pero ang totoo niyan, ako eh naghahap ng maisusuot sa Christening ng Anak ng Pinsan ni Habibi.. Thomas ang name nia at wala pa kaming gift na naiisip bilhin. Yan ay sa darating na a-disisyete ng Mayo. Josme! Alam niyo ba kung bakit ako ay aligaga sa pagpili ng maisusuot? pano nman kasi ayoko na meron silang masabi sa akin hano. Minsan-minsan na nga lang ako dumalo sa mga celebration na gaya nito eh magmumukha pa akong kakaiba diba? Ayoko nman na maiwan kumbaga kasi ang hirap kaya ng ganung feeling? kaya nman operasyon hanap ng maisusuot sa aking wardrobe.

 

Ang totoo niyan meron akong naorder na simple ankle skinny jeans at snake print top pero nung dumating kanina, akalain ko ba nmang ung smallest size eh pang Braguda ang size. Pagkalaki-laki sa akin kaya inempake ko ulit para i-return. Aba, sayang nman ng ibabayad ko kung hindi ko nman maisusuot di ba? Yung lumang skinny jeans ko na lang ang isusuot ko. Eto yung ilan na natira mula sa apat na naorder ko.

 

Tsaran!!

 

 

100_3346-tile

 

Yun top na yun ang nagustuhan ko. hehe. Siempre nag-ayos ako kaagad ang tiningnan kung anong ayos ang babagay kaya nman pati ang aking mga accesories ay nailabas hahaha.. Pwede na kaya yan?

 

100_3348-horz

At heto nman ang love na love kong wedge sandals na nabili.. wuhoo.. Clark Leather Wedge Sandals na very comfortable sa paa kahit mejo mataas ng bahagya. Hindi talaga ako matatapilok dito promise hehe! Love it!

 

At since ready na ako sa upcoming christening, cguro kelangan ko nang mag-spend ng time para nman sa gift na bibilhin hehe.. ano nga kaya? sabi ng mommy nia he loves Thomas and friends character kaya malamang hanapan namin ni habibi ng terno.

 

O hayan, comment ka nman kung ok lang yang suot ko para sa christening. Hehe yan lang ang nakayanan ng aking budget yahey!

29 Apr 2009

Kapag Puno na ang Salop, kailangan nang kalusin!

Sa oras na ginagawa ko ang post na ito ay parang pakiramdam ko umaakyat ang dugo ko sa ulo ko. Pano ba nman kasi, meron kaming kapitbahay dito na matanda na at mahina na ang pandinig. Mabait nman talaga siya kung tutuusin pero yun nga lang madalas sa mapaghusga at nag-iisip ng masama sa kapwa.

 

Nung dumating ako dito sa Wales, yung ale na to (na hindi ko na papangalanan_, ang isa sa mga napakahirap intindihin sa lahat ng makausap ko. Bukod sa hindi maliwanag ang salita eh gaya nga ng nasabi ko mahina na ang pandinig nia. Kamakailan nga eh nagkaroon daw sia ng infection sa tenga at madalas kumatok at humingi ng pabor kay habibi tungkol sa mga kailangan ayusin at kung ano-ano pang bagay na hindi nia kayang gawin mag-isa. Madalas nman din na pinupuntahan ni Habibi. Kahit ang mga byenan ko at madalas din siyang kumustahin. Dahil nga sa kaibigan ng family ni Habibi kahit hindi  ko sia naiintindihan polite nman ako lagi at madalas ngumingiti na lang sa kanya para nman hindi nia isipin na iniisnab ko sia. Hindi nman talaga ako pala-isnab. Lahat nga ng makasalubong ko ay nginingitian ko at binabati kahit di ko kilala.  Pero ang totoo ngang dahilan eh nahihirapan talaga akong makipag-usap sa kanya. hindi nia ako naririnig kahit na makalimang beses kong uulitin ang sinabi ko hindi pa rin maririnig. kahit pa nga nasa level 9 na yata un volume ng boses ko.

 

Ang isyung ito ang dahilan kung bakit ngaun ay sumusulak ang dugo sa ulo ko. Kahapon kasi habang nagmamadali akong ibalik ang mga bins at boxes sa mga Beach house na pinamamahalaan ko eh nasalubong ko sia. si Habibi ay nasa shop at bumili ng ilang mga gagamitin namin sa bahay bago siya tumuloy papuntang Holyhead. Nasalubong ko ang ale kasama ang kanyang aso. Sabi nia eh kelangan daw nia ang tulong ni Habibi. Ang sabi ko namn eh sasabihin ko kay Habibi na puntahan sia sa bahay nia na hindi nga rin narinig. Pero iminostra ko na lang. After ng ilang oras, si Habibi ay nasa kabilang bayan na para sa kanyang check up. Kumatok itong ale at tinatanong si Habibi. Sabi ko nasa holyhead at may appointment sa kanyang doktor. Ilang ulit tinanong at ilang ulit ko rin pinaliwanag at sinagot kung nasan si Habibi. Ang sagot sa akin itinatago ko raw ba ang asawa ko. Ahay! Hindi ko nman talaga pinansin ang kanyang panghuhusga sa mga oras na ito. Ang sabi ko bakit ko nman itatago ang asawa ko. Ibinukas ko pa nga ang pinto para makita niyang mag-isa lang ako ng mga oras na yun. Sabi ko pagdating ni habibi eh sasabihin ko na pumunta sa kanyang bahay oramismo. Tumalikod na ang ale nang hindi nagpaalam sa akin bagay na hindi ko naman sineryoso dahil nga naiintindihan ko ang kalagayan niya.

 

Kanina lang alas dos ng hapon at kumatok na nman ang ale. tutop-tutop ng kanang kamay nia ang tenga niya. Naawa pa nga ako eh pero nun tanungin nia ako kung nandito si Habibi ( na sa oras na un ay tulog pa)  ang sabi ko nga eh natutulog pa. Napuyat kasi nun nakaraang gabi kaya hinahayaan ko na magpahinga muna. Nakasimangot ang ale. Ako nman ay nangiti na nagsosorry sa kanya kasi ilang beses niyang nattsambahan na laging wala o tulog si Jamie. Hindi ko  nman pakay na tawanan sia pero sumimangot bigla ang ale at sinabi wala daw nakakatawa sa sinabi nia. At dinagdag pang “ Nevermind, I won’t be bothering you ever again. I’ll just ask my  neighbor to do it for me..” yan ang sagot nia na nakasimangot at nagmamalaki pa sa akin. Nagulat ako siyempre, bakit naman bigla niya na nman akong hinusgahan. Bakit ang init-init ng dugo niya sa akin? Ang sabi ko nabanggit ko na kahapon kay habibi na  kelangan nia ng tulong pero busy rin nman kasi si Habibi at nasa kabilang bayan. Ang sama nito eh yun pa ang sinagot sa akin at bagkus tinalikuran ako ng bonggang-bongga. nabastos talaga ako sa mga oras na yun. Kaya nman dali-dali akong pumanhik at ginising si habibi at ipinaalam sa kanya na ang ale eh nagagalit na, kahit sia ang me kailangan eh siya pa ang nagagalit. ( Jusmio marimar!) Pambihira! Na-depress ako at naiyak ako sa galit. Alangan nman na bungangaan ko un matanda hano ? kawawa din nman pero sa isang banda hindi ko nman yata deserve na bastusin ng ke-aga-aga. isa pa ilang beses na niya akong hinuhusgahan kahit na napakabait ko sa kanya. Ipinagluluto ko pa nga ng pagkain un kahit na hirap ako mamili dahil vegetarian sia. Ang sa akin lang nman, ang dapat ay binigyan niya ako ng chance na ipaliwanag sa kanya ang actual na sitwasyon. Hindi ko nman ugali ang sumagot sa matanda. Nakasanayan ko rin nmang gumalang dahil yan ang turo ng aking mga magulang pero iba pala pag kahit gumagalang ka na eh binabastos ka pa rin ng mas nakatatanda. Mas nakakukulo pala ng dugo pag ganun? Hay naku, Dapat ay tigilan niya ang panghuhusga sa kapwa at dapat kung sia ang nanghihingi ng tulong eh magpakumbaba. Ganun nman talaga di ba?  Ang sama nito, ako pa ang lumabas na masama. Ang sakit ng loob ko talaga pero idinaan ko na lang sa iyak. Ang sabi ko kay habibi eh hindi ko na siya kakausapin kahit kailan. Ignore ko na lang din sia yun pala ang gusto nia. Sabi nga, kapag puno na ang salop, kailangan nang kalusin. Pasensiya na lang si ale, napuno niya ang salop eh.. Kung naging mas mapang-unawa at polite sana siya sa paghingi ng pabor eh malamang kausapin ko pa siya? Eh pano nman kung palaging ganito ang gagawin nia sa akin? Parang tinanggap ko na rin na bastusin nia ako kung kelan niya gusto hindi ba? Hindi ko alam ukung maiintindihan nio mga ka-blog ang aking pag-aalburoto pero talagang hindi ko gusto ang naramdaman ko. :(

25 Apr 2009

Busy o wala sa mood?

My mind is occupied lately with lot of things. Kaya nman naetsapwera ang aking blog. Kasi nman, nagkaroon kami ng bisita for how many days. Prior to that, eh nagbisi-bisihan ako sa kakalinis para sa darating na bisita. of course hindi rin ako makapost dahil ako ang knilang chef hehehe.

 

Anyway, last monday at nakaalis na ang aming bisita. Kasunod nun ang pagkaubos ng aming pagkain kaya nman sumugod kami sa Morrisons para mamili ng stock. Ano pa ang pinagkaabalahan ko?

 

Ayun nga at matapos ang pag-iistima sa bisita ay bumalik ako sa paglilinis. wala akong maisip maipost talaga. Isa pa naging busy ako sa ilang araw na pagtutok sa kaso ni Ted Failon hehe.. Close kami eh. Parang naging mas interesting sa akin ang uriratin ang pagkamatay ng asawa niya at ang pang-aabuso ng ating pulisya… TSk!tsk!tsk! Tingin ko nman ay walang kasalanan si Failon sa mga pangyayari pero hindi rin natin masasabi. baka merong ibang isyung maglitawan ..

 

Pero balik tau sa aking linis-trip. Eto nga at ang kuarto namin ni habibi ang aking pinagdiskitahan. lipat ng posisyon ng kama at hoover, hoover, hoover na walang patumangga. pinagtatapon ko rin ang mga maliliit na papel at inilagay sa charity bag ang mga damit na hindi naisusuot. Ang mga winter clothes ay itinabi ko na rin dahil summer na yehey! Eto na ang bagong porma ng aming bedroom.

 

101_3303

Eto na ngayon ang posiston ng bed. malapit sa bintana para mabilis kong makikita ang pagsikat ng  araw hehehe.. lagi kasi akong tinatanghali magising lol. Hindi nman direkta sa araw yan kung inyong itatanong dahil kami ay naka sideview sa pagsikat at paglubog ng araw kaya ok na ok lang. isa pa, nasa likod niyan ang aming radiator kaya pihadong hindi kami lalamigin sa panahon ng taglamig hehe.Eto pa ang istorya ng kama na ito. meron kasing mga kahoy na nakakabit sa paligid niyan kaya pinagbabaklas ko at ng magkaroon nman kami ng konti pang espasyo.

101_3299

At siyempre sa tapat ng aming bed ay ang aming TV. Free ko lang yan sa aming pag-sign up sa mobile hehe.. isang 32” sony bravia para sa aking panonood ng TFC. Kaya mas lalo akong nagbababad sa aming room ngaun kakapanood ng mga teleserye at kung ano-ano pa. Naka connect din yan sa aming skybox para nman pag si habibi eh gustong manood ng movie bago matulog eh ayos-ayos ang aming panood. palipat-lipat na lang.

101_3300

At eto nman ang aking office kuno. Sa tabi lang ito ng aming bed kaya kahit hindi ako magmumog pagkagising eh isang talon ko lang jan at ako ay online na. ang gulo ng table ko hano? sa tabi nito inilagay ko ang aking mga bag para mabilis makapamili ng bag na aking dadalhin in case na kami ay magshopping. O d ba? para akong tindera ng bag hehe.

 

101_3305

Sa kabilang side nman ang aking collection ng cap. Hehe! hindi ko inisip na makakakolekta ako ng hat pagdating ko rito. Pero dahil malamig eh ayan, meron na akong limang piraso ng hat at cap na napagpapalit-palit sa tuwing kami ay may pupuntahan.

 

101_3311

At bago matapos ang aking araw ngaun, heto at niluto ko na ang isang Irish recipe na itinuro pa ni mother in law. hehehe.. Very easy to cook to kaya itry mo na. Click mo lang DITO.

 

Kaya naman, paumanhin sa mga hindi ko nabibisita ng madalas lately. Ngayon bumabalik na ulit ako sa mood sa pagpopost, bibisitahin ko kau at iiwanan ng bakas sa abot ng aking makakaya.

 

At sa mga madalas mag- HI sa aking site, maraming salamat sa inyo. Busy lang talaga ako at wala sa mood magpost nung mga nakaraang araw.

19 Apr 2009

Hindi masakit..

Medyo may pagkapilya ang entrada ko pero mali ang iniisip mo frend.. hehehe Eto kasi yun, natatandaan niyo ba nun minsan nagpablood test ako. Got the result yesterday nun ako eh bumalik para sa Cervical Screening naman. Ang sabi ni Nurse eh all is well nman daw. Everything is normal kasi chineck sugar, thyroid and kung anik anik pa.  Poteks! Yun kasunod na test ang hindi ko maimagine. Eto nga yata ang dahilan kung bakit nag-hahallucinate ako madalas sa pagtulog dahil ako eh natatakot. Kung hindi nio alam ang Cervical Screening, na tinatawag ding Pap Smear or Smear test ay compulsory dito sa UK. Lahat ng kababaihan na edad 25 pataas ay kailangan mag-undergo ng test na ito para ma-check at ma-protektahan ang mga kababaihan sa anumang sakit gaya ng cancer o ano pang mga pwedeng maging sakit nating mga babae.

 

One week before, panay ang tanong ko sa hipag, byenan, kapit-bahay, pinsan, nanay at kaibigan ko. lahat na yata ay natanong ko tungkol dito. Huahh! kinakabahan talaga ako. So ang sagot nman nila eh ang mga sumusunod :

 

Byenan : Its not painful at all. You cant barely feel it and its just one minute. You can bring your husband with you if you are shy. But don’t take it for granted. ( Talagang kelangan ko raw.. )

 

  • Hipag : No, its not painful. Ive had that last year 3 times coz they’ve found abnormal cells and had it removed. ( O siempre lalo ako kinabahan. Eh paano kung ako eh magkaroon din ng abnormal cells ? huahh!)
  • Nanay : Hindi masakit yun. Kukuha lang sila ng sample para ma-test. Pero kayang-kaya mo yun. ( Moral support pa )
  • Kapit-bahay : Naku nakakahiya talaga yan. Siempre meron sila ipapasok na bagay sa ano …. ( Yun na yun .. itong comment na to hindi nakatulong sa akin.. hehe mas lalo ako kinabahan.)
  • Kaibigan : Matagal na ako nagpaganun. Kelangan ko na nga pero kaya mo yan. Go Girl! ( Motivate din to.. Mejo tumatapang na ako ng konti. Kumabaga nasa 70% na yung tapang ko.)
  • Pinsan : Hindi nman masakit yan. Uncomfortable lang. ( Umakyat na sa 80% ang lakas ng loob ko lol)
  • Habibi : You’ll be fine. It wont be painful and just focus that after the test u’ll be home and won’t bother again for the next 3 years.

 

At dahil hindi pa ako nakuntento, pati so Google tinanong ko. At si Yahoo Answers hehe. Pero Bumagsak sa negative 1 yung lakas ng loob ko na umakyat na sana ng 100%. Shocks! Eh pano nga namn sobra nman ang mga pagdedescribe na nabasa ko sa mga nasearch ko. Na kesyo asyadong masakit at dumugo. Gross and horrible experience ang mga nabasa ko.

 

So, habang lumalapit ang araw ng test, lalo kumakabog ang dibdib ko. First time ko eh , bakit ba? Hindi ko nman mapigil wag maimagine ng napasama kasi nga nagbasa pa ako ng mga comments sa internet. Hayz! Wednesday, aga kong nagising kasi ang sched ko at 10:30 am pero kinansel ng nurse kasi wala daw un doctor ko. They had to postponed it till friday tapos nurse din pala ang bagsak ko. hay aku eh di lalo nadagdagan ang kaba ko.

 

Eto na Friday, nagbestida pa ang lola nio para hindi ako mahirapan pag isinagawa na ang test. Nanginginig ang bahay-tae ko talaga pagpasok sa may kubling kurtina. Pero tinanong ako ng nurse na friendly hehehe kung nag-undergo na ako before. pilit ko pa nga hinahagilap ng mata ko un material na gagamitin ng nurse pero di ko makita. Sabi nia, “ help your self, remove everythings thats needed to remove and lye in bed. you can cover ur self using this…” sabay turo sa giant tissue hehe. Nasa loob pa rin ako ng cubicle na may kurtinang nakatabing habang si Habibi eh kinakabahan din na nag-aantay sa isang tabi.

 

Maya-maya, sabi ng nurse.. “ You’ll be fine.. Don’t be nervous I will be quick. Ill just get a sample and its finished.

 

panay ang salita ni nurse na alam ko namang pinapakalma nia ang nararamdaman ko. nakita ko un hawak niang isang piraso ng para plastic clamp. transparent at kaiba sa ineexpect ko na metal na nakasaad sa nabasa ko.

 

“ Are you ready now? Are you comfortable ?” tanong pa ni nurse.. Tapos tumango lang ako. Di na ako makakibo. Di na nga rin ako makalunok nag-unahan na un tibok ng puso ko at parang nabubulunan ako sa hangin hehehe.. ( Exxagerated ba? ) pero totoo yan ang nararamdaman ko talaga.

“ Of course I need a light. Open ur legs… Take a deep breath and <TOINK>..”

“ the take a deep breath again .. and its finished! That’s it. I’ll leave you now to fix urself.. “

 

hay naku! Ganun lang pala yun kadali. hehehe hindi ko nga naramdaman kahit kagat ng langgam hehe. Kasi ang talagang iniisip ko eh meron akong mararamdaman na pain inside. Pero hindi naman pala. At hindi pa nga yata tumagal ng 1 minute ang pagkuha ng sample. Siguro nagiging masakit lang talaga kapag mejo uncomfortable ang pasyente. Yung tipong nahihiya talaga. Eh ako nman kinakabahan pero sabi ko sa isip ko kelangan matapos to at ma-treat kung merong makitang problema di ba? kaya sa mga natatakot jan, eh wag kau matakot kasi we need to undergo cervical test para maagapan ang problema. kaya nman nakakatulog na ako ng mahimbing sa gabi ngayon hehehe.. ill be expecting result in the next 3-4 weeks. Normal kaya or what? sanay nakatulong ang aking pagbahagi ng experience ko. Promise hindi talaga masakit!

15 Apr 2009

Makahiya

100_1952

Nung ni-research ko kung ano ang scientific name ng damo na to, eh eto raw:

 

“Mimosa Pudica is the scientific name of Makahiya. Pudica = shy = hiya.” – from wiki.answers.com

 

Hindi nman talaga ito ang topic ko for today. Pero dahil kasi nahihiya ako ay naisipan kong i-taclke na rin ito. I’ll tell you later kung bakit.

 

So natatandaan nio ba ang isang uri ng damo na ito? Nung ako ay bata pa, madalas ko kolektahin yun pink na bulaklak nito. inilalagay ko sa gilid ng aking tenga o di nman kaya at ginagawa kong laruan sa bahay-bahayan. Kung minsan pag nawiwili ako sa paglalaro ng tutubi sa parang, madalas na mapagdiskitahan ko ito. kasi nakakatuwa na kapag nahipo mo ng bahagya eh kusa talaga siyang titiklop na animo nahihiya. Wala niyan dito sa UK. O maaaring meron pero sa kasamaang-palad eh wala pa akong nakikita. Hindi ba nakakatuwa na maalala ang mga simpleng bagay nung ating kabataan?

 

Nung elementarya nman ako, madalas kami pagdamuhin sa harap ng aming room. Gamit ang matatalim na dulo ng bato, madalas ko ma-encounter ang damong makahiya. kung pag-uusapan eh paglalaruan lang gustong-gusto ko ito. pero kung ito ay bubunutin ko gamit lang ang aking mga kamay, hate ko talaga. kasalungat ng pangalan nito ay ang bagsik ng katawan nito na puno ng matitigas na tinik. hay.. sarap magbalik-tanaw!

 

Eh bakit nga ba ako nahihiya? kasi nga meron kaming bisita sa ngaun. Kanina halos mag-chorus pa sila sa pagccheer sa kanilang football match na pinanonood. Hay ang ingay! pero nakahiyaan ko nang lumabas kasi hindi nman kami close nun kahit na sabihin pang best friend ni habibi.. hindi ko pa siya ganun kakilala. tutal nakaluto na ako at malinis ang bahay nun kanilang datnan ayos na akong manood ng TFC sa aking kuarto. ito kasi ang hirap kapag nag-iisa kang babae. Ganito na nga ako nun tapos hanggang dito ba naman? uahhh?!!

 

At speaking of food, pansit bihon ang niluto ko. mga chinese mahihilig sa bihon hindi ba? ayun! first time yata kumain ng pansit bihon kaya nun nag-hello ako eh natapon pa sa sahig ang hinayupak na bihon. hehehe.. nagandahan ba sa akin o ano? lol! kaya pumanik na ako agad para hindi nman sia mapahiya. heniway, bukas nman ay aalis na sila at babalik ulit sa biyernes. bigla ko tuloy namimiss si habibi. minsan kasi pag ganitong oras eh kulitan time na hahaha..Eh ngayon ayun at priority nia ang mga friends nia. hmmp.. di bale ako nman ang aalis sa friday. sabi kasi ni habibi kanina eh na-miss daw nia ako nun minsang gumising sia na wala ako sa tabi niya. tumuloy sia sa kusina at nagtimpla ng kanyang tsa-a pero un bahay daw ay parang siya lang ang nakatira. sabi ko nman dati nman siyang namumuhay na mag-isa. ang sagot niya, iba na raw ngayon kasi ayaw na raw nia na mawala ako sa tabi niya ( o di ba ang sweet ni habibi). Eto pa, parang itinadhana ng Diyos na amraming maka-miss sa akin. ito ba ay dahil sa binangungot ako nun isang araw o talaga lang namimiss nila ako. hehehe tinawagan ko kasi si tatay. Medyo nakainom pero mabuti nman at nakatawag ako, napauwi tuloy siya ng di oras. Ayaw nia bitawan ang kanyang phone at ipasa kay tatay kasi nga eh namimiss daw niya ako. Nung makatulog, ang sabi ni nanay naiyak daw si tatay. hay naku! kung hindi lang nila alam, namimiss ko na rin sila. Mahirap kaya mabuhay ng nag-iisa ka dito. kung pwede nga sanang lumipad akong simbilis ni Darna or nu Underdog eh ginawa ko na. kaso hindi nman ganun kadali yun hindi ba? kelangan ng datung bago makauwi hehe.. Di bale malapit na! Malapit na akong mag-start mag-ipon ng pamasahe lol!

29 Mar 2009

Proud of Myself

Bakit ba ito ang title ng aking post entry today? Hindi ko maipost ang ibang mga pangyayrai sa aking vacation dahil hindi ko maisip kung papano uumpisahan .. hekhekhek.. kaya naman minabuti kong ipahinga muna ang isip ko sa pagbabalik tanaw ng mga magagandang alaala sa aking ITALY get-away. Ni sa hinagap kasi hindi ko inisip na mararating ko ang isa sa mga holy country na gaya nito.

 

Five years ago binuo ko sa pangarap ko na isang araw at mararating ko ang Italy. Yun ay sa kadahilanang 5 years ago ay may nakilala ako sa chat na sa Italy naka-base. Yunung taong biglang nawala. hehe Natatandaan nio ba yun sa love story ko? Kaya sabi ko nun bigla siyang nawala eh mararaitng ko rin ang lugar kung nasaan sia. Ang nasa isip ko nun eh hahanapin ko sia . Pero since ako nman eh meron nang Habibi nabago ang aking pananaw at imbes na hanapin ang taong naging sanhi ng aking unang pagkabigo eh aba keber ko? hehe Libutin ang Rome kasama ang love of my life hano?

 

Hindi ito ang tema ko today eh . Hehe kung bakit Proud of Myself ang title ay heto ang dahilan :

nonoy

Kung nakita mo at nabasa ang picture sa taas, eh yan ang dahilan kung bakit Proud of Myself ang titulo ng aking post. Natatandaan nio ba ang entry ko na  Frustrated Singer? Kung hindi pa eh balikan mo at makikita mo kung saan ko kinaptyur ang comment na yan. Hindi ko alam kung siya nga ay si Nonoy Zuniga pero sino man siya eh sapat na para maging proud ako sa sarili ko. Hindi lang sa kanya kundi sa mga kaibigan ko sa blogosperyo na matyagang pinakinggan ang aking pagngawa sa mikropono. Pero fan talga kasi ako ng mga kanta ni Nonoy Zuniga dahil madalas itong kantahin ni tatay sa aming videoke kapag naka 4 na bote na siya ng beer. Isusunod pa ang kanta ni Marco Sison. Bonggang-bongga di ba? sabi nga eh mga alamat na itong mga singer na to pero hanggang ngayon kita nio nman at patok pa rin sa takilya ang kanilang mga kanta. Kahit siguro mga new generation eh kabisado ang mga kantang kagaya ng mga song piece ni Nonoy Zuniga. Ang pinakapeborit ko siempre sa lahat eh ang DOON LANG. Pero alam niyo ba nun nareceive ko ang comment na to parang nabigyan ako ng moral na ipagpatuloy ang pagkanta. Mula kasi ng mapunta ako dito eh parang feeling ko walang lugar ang pagkanta dito kasi hindi nman sila talaga mahilig kumanta gaya nating mga pinoy. Hehe Ako lang talaga ang adik lol! Well, tingin niyo ba si Nonoy Zuniga sia?

 

Para sayo Nonoy Zuniga, maraming-maraming salamat sa pagdaan mo sa aking blog. I appreciate it sooo much!! Kaya nga I’m so proud of myself na eh. Sana makagawa ka pa ng mga bagong kanta at ipagpatuloy mo ang pagperform kasama ang iyong mga kaibigan. Alam kong kayo at may mga concert na ginaganap sa iba’t ibang bansa kaya ang masasabi ko, MORE POWER to you!

21 Mar 2009

Aligaga nga ba ako o Gaga lang ako?

Aligaga, ang kasing-kahulugan ay maraming ginagawa. sa Ingles ay BUSY at sa mga hindi naniniwala o pabirong-salita, pwede na rin ang bisi-bisihan.

 

Kahapon nga dahil ang ganda-ganda ng sikat ng araw at nag-ayaw si Habibina maglakad-lakad sa tabi ng beach.

104_2119Heto nga at dali-dali akong nagbihis ng pang jogging ko. Jogging sa alas tres ng hapon.. Hehe. Pero pwede na yun hano, napakalamig kaya ng panahon dito. Ang naiba masikat ang araw ngaun pero ang temperatura eh parang alas-singko na rin ng umaga sa Pinas. 

 

Reding-redi na nga ako to kaya pumose pa muna ako bago namin umpisahang tahakin ang daan patungo sa beach.

 

104_2132

Andito na nga kami sa Beach kaya take some picture muna .. ang lugar kung san kami nakatyo ay tinawag ni jamie na small beach. Ewan ko ba kung anong kaibahan. pero itong view na kinuhanan ko kung dun kami nagpunta, ang tawag daw ay large beach? ahahay! Naloka ako…

 

104_2135  Heto pa ang picture niya na nanghihinayang at mukhang nagbibilang ng Seaguls na lumalangoy sa tubig dahil natalo na nman sa scratch card ang loko.. hayan napala mo!.. hehehe.

 

Adik kasi sa scratch card si Habibi… Siempre masaya ako pag nananalo sia dahil sisigaw na nman ako ng “BALATO”. Sabay sapilitan talaga ako hihingi ng balato para me maisubi sa aking walang laman na pitaka. Pero pag natalo, kadalasan sinisisi ko pa hihihi.. Ang daya hano?

 

Siyempre pa nag-stay muna kami jan. Nagkulitan at nanood nga mga bata na naglalarao sa dalampasigan. Kasama siempre ang mga mommies nila. Nainggit tuloy ako ulit dahil nakita ko silang nagbabatuhan ng buhangin at nakikibaghabulan sa kanilang mga alagang aso. Ang iba nman ang nangongolekta ng shells at makikinis na bato. Pero bago pa ako mainggit at kulitin si jamie na gumawa na kami ng chitkiting patrol namin eh lumarga na kami pabalik ng bahay.

 

Gamit ang short cut napadaan kami sa kids park at sa ilang kabahayan na na napliligiran ng mga Daffodils. Naaliw ako siyempre. Kaya nman pinagpipicture-an ko sila at heto nga ang close up encounter ko sa kanila.

 

104_2142 104_2144

 

Ang gaganda talaga nila.. Kelangan ko na lang maghintay ng ilan pang linggo para nman makita kong mag-usbungan ang iba pang mga bulaklak gaya ng tulips at kung anik anik pa.

 

Pag-uwi ko wala pa rin naisipan kong Iluto si Lucky Me pancit canton para sa aming dinner. Hindi healthy kaya nman nilagyan ko ng shrimp, cabbage at carrots. ( Dahil yan na lang ang meron sa Fridge… huhuhu)

104_2149

O ayan, niluto ko pa yan na ako ay lumuluha. Hehe kasi nga meron ginawa si habibi na hindi ko nagustuhan. Kung hano yun eh secret na lang.. Ahihihi  ..Pero in fariness, tamang-tama ang alat nito kahit na nilagyan ko ng konting tubig para maluto ang mga gulay. Try nio magluto ng lumuluha at naku .. PERFECT ang timpla!

 

 

104_2152

At dahil Tampo mode ang lola niyo pati ang Fireplace ay napagdiskitahan ko. Sinimento ko ng bonggang-bongga. Nagawa tuloy sia ng di oras hehe.. Napapabuti pa yata pag ako ay naiinis kasi nagiging superwoman ata ako at sumasapi ang aking byenan sa katauhan ko.

 

Eto kasing fireplace na to ay nasira dahil na rin kay Jamie. Nagcrack sa side. At dahil baka abutin nman ng kung ilang panahon bago magawa, eh naisip kong simentuhen kesa magbasag ng pinggan sa kusina.  Sayang kaya yun? Ayan kelangan ko na lang ng makikinis na bato para ilagay next time.. at ayos na uli ang aming fireplace yihaaa!

 

PS.. Bati na kami after 30 minutes hehe… Kasi nahulaan na niya kung bakit ako na-upset. Ang tanong naging Aligaga nga ba ako o naging gaga lang ako? Censia na tinopak lang …

18 Mar 2009

Paniniwala ko o paniniwala niya?

Hmmp.. Napakasakit ng bunbunan ko ngayong araw na ito. Hindi ko alam kung epekto ba ito ng pakikipag argumento ko nun nakaraang gabi kay Habibi patungkol sa Bibliya o ano. Pero mukhang malamang sa sumakit ang ulo ko dahil napuyat ako sa pagdedepensa sa aking paniniwala.

 

Naalala ko ilang buwan na ang nakalipas ng bumista ang kaibigan ni habibi na kilalanin na lang natin sa tawag na Mr. D. Hehe.. Eh kasi ba nman three days nag-stay dito. Ayos nman ang kanyang pagbisita. Wala silang ginawa ni habibi kundi magpustahan sa Wii sa larong PGA 09. o di nga ba sa larong wii eh para din silang totoong nag-go-golf. eto na, madalas sa abutin kami ng 3am sa pagkkwentuhan at paglalaro. At take note KAMI. hehe kasama ako kasi nga hindi ko nman ugaling di na lang pansinin ang bisita. siempre kahit papano eh bumababa din ako mula sa aking lungga at naghahanda ng pagkain at nakikipagkwentuhan.

 

Nung kanyang huling araw, napagdiskusyunan namin ang tungkol sa pananampalataya. Si Mr. D para sa kaalaman ng lahat ay hindi naniniwala sa Diyos. Bagama’t alam ko na na ganun na nga ang kaniyang paniniwala eh naging mapagmasid at maayos na tagapakinig ako habang sila ni habibi at nagaargumento.

 

Sabi ni Habibi, ilang beses na nilang pinagtalunan ang tungkol dito. Na ang Diyos ay hindi nag-eexist. Sa patuloy na pagdidiskusyon, hindi ko na kinaya ang mga sumunod na pangyayari. Nagpanting ang aking tenga ng ako ay tanungin niya nang,

Ikaw ba Edna, naniniwala ka ba na may Diyos? Sabihin mo sa akin na hindi.. Pakiusap … (translated sa tagalog )”

Naniniwala ako na may Diyos “ Maikli kong pahayag na talagang seryoso.

Naniniwala ka na ginawa ng Diyos ang Langit at lupa? ang lahat sa mudo sa loob ng anim na araw at sa ikapitong araw ay itinalagang araw ng pamamahinga?” tanong niya muli.

Naniniwala ako..  “ pahayag ko ulit.

Paano ka nakakasiguro na Diyos nga ang gumawa ng lahat ng iyan pati na ang lahat ng bagay na nabubuhay sa mundo. Na Diyos nga ang nagbigay buhay sa tao?…Paano pag kayo ay nagkaanak? Yan din bang paniniwala mo ang ituturo mo sa kanya?” tanong niyang walang katapusan.

200% .. Kung ano ang paniniwala ko yan dina ng ituturo ko sa mga anak ko. Dahil yan ang nararapat…” matigas kong sagot

Kawawa nman ang magiging anak niyo. Gagawin mong miserable para lang paniwalaan ang Diyos na hindi nman totoo.. Aalisan mo sila ng karapatan na paniwalaan ang tama.. “ sagot ni Mr. D.

Napipikon na ako sa mga huli niyang mga katanungan na tingin ko ay talagang sinasadya niya upang ako ay inisin. Ipinipilit niya kasi ang kanyang paniniwala sa Evolution of Man ni Charles Darwin. Pero hindi ako naniniwala sa syentipikong paliwanag na ang tao ay nagmula sa isda o sa unggoy. Matatag ang paniniwala ko na Diyos at tanging Diyos lamang ang nagbigay buhay ng lahat sa mundo. Tinanong ko siya…

 

Paano ipapaliwanang ng siyentipiko ang lahat ng buhay na meron sa mundo? bakit may hayop ? bakit may mga halaman? bakit may mga tao? bakit may kanya-kanyang kapasidad ang utak ng bawat buhay na ito? “ Yan ang tanong ko .

“… At paano mo ipapaliwanag ang mga pagkain na ipin-rovide ng panginoon para sa atin. Ang ibat-ibang klase ba ng prutas na makikita mo sa gubat ay kaya bang patunayan ng iyong teyorya?” Pahabol na tanong ni Habibi.

batid kong hindi niya masasagot ang lahat ng balik-tanong namin sa kanya dahil alam kong tanging Diyos lang ang makakapagpaliwanag ng lahat. Ngunit bigla niyang sinabi..

kapag nasalubong ko ang Diyos na pinaniniwalaan niyo sa daan o kahit saan, mabilis kong ipupukol ang palakol sa kanyang ulo…” yan ang mabangis niyang pahayag.

Hindi ko na talaga kinaya ang pambabastos niya sa Diyos sa mga oras na iyon. Hindi ako Katoliko at hindi ko alam kung ano ang relihiyon mayroon ako sa oras na ito pero alam kong merong Diyos. At siya ay kinatatakutan ko. Kahit na sabihin natin na hindi ko SIYA nakikita at hindi lahat ng hiling ko ay natutupad. Kahit na binibigyan niya ako ng problema, kakapit lang ako sa KANYA.  Ito ang dahilan kung bakit kahit hindi akon isang Katoliko ay pinipilit ko na huwag makalimot. Hindi ko man perpektong nabubuo ang simba sa loob ng isang taon pero ako ay pumapasok sa Simbahan ng Katoliko dito sa aming Village para magpasalamat sa lahat ng ibinibigay niyang tatag ng loob sa akin dito sa banyagang lupain.

 

Pero ang sumunod na nangyari, bigla kong naramdaman masakit ang loob ko. Bakit kailangan niyang bastusin ang paniniwala ng iba? Kung hndi siya naniniwala, bakit kailangang inisin at tratuhin niyang parang hayop ang Diyos na pinaniniwalaan ko simula’t sapul pa?

 

Natagpuan ko ang aking sarili na umiiyak sa kuarto namin ni Habibi. Iyak ako ng iyak na parang ako ang sinasabihan niya ng masasakit na salita. Hindi ko alam pero ang sakit talaga ng loob ko. Ilang oras kong dinamdam ang argumento na iyon. at Hindi na ako lumabas mula noon makapasok ako sa kuarto hanggang sa nakauwi na nga sia sa kanyang sariling bahay. Mula noon hanggang ngayon, wala na kaming balita pa sa kanya. Yan ay desisyon na rin si Habibi upang hindi na magulo pa ang aming isipan sa katotohanan na aming kinamulatan.

 

Kagabi, nabalik sa dati ang aming argumento ni Habibi. This time, ang diskusyon namin ay nauwi sa Bibliya. Na ayon sa kanya, siya ay naniniwala sa Diyos pero hindi sa nasusulat sa Biblia. Ang sabi ko nman masyadong malawak ang talakayan pagdating sa bibliya. Maraming tao na rin akong kilala na madalas pagtalunan ang paniniwala at ang laman ng Bibliya pero ang sabi ko sa kanya bago mauwi sa kung saan ang pagtatalo namin, Ipangako niya na kahit na anong mangyari, iisang Diyos pa rin ang paniniwalaan niya. Ang Diyos na kinamulatan ng bawat tao.. ng bawat nilalang..

 

Marami ring tanong si Habibi na hindi ko masagot pero sigurado ako na nasa tama ang paniniwala ko. Sabi ko sa kanya kung binigyan man siya ng malaking problema ng mga nakaraang panahon na naging dahilank ung bakit kailangan niyang tanungin at subukin ang pananampalataya nia sa Diyos, wag na wag siyang bibitiw. Kahit sabihin nan natin na mejo confusing ang ibang nasusulat sa Bibliya wag niyang alisin ang pananalig niya sa puso niya. Yan lang ang nasabi ko sa kanya kasi nga puputok na ang brain ko sa pagpapaliwanag hehe..

 

Bago ko pala tapusin ang aking post. Para sa kaalaman ng lahat, dito sa lugar kng saan ako naroroon, masasabi kong 80% ng mga tao dito ay hindi na naniniwala sa Diyos na gaya ng kinamulatan natin sa Pilipinas. Kaya sabi ko kay Habibi, kung sakali ako ay magkaroon ng mga chitiking, gusto ko sa Pilipinas sila lumaki at mamulat ng moral values.

 

Teka ikaw? ano ang gagawin mo kapag naka-encounter ka ng kagaya ni Mr. D? Ano ang mafefeel mo pag narinig mo sa kanya ang mga tinanong niya sa akin?

Pagbabalik-tanaw sa simpleng buhay!

Matapos kong humanap ng sideline kanina para sa aking babaunin sa maikling bakasyon eh heto na nga ako kasama si habibi sa aming bahay. Excited akong naglinis ng kuarto habang iniisip kung ano-ano ang mga kailangan kong dalin sa bakasyon-grande namin ni habibi. Hmmm.. Isang linggo na lang kasi at makakarating na rin ako sa lupain ng mga taong mahihilig sa pasta at lugar kung saan ang katoliko ay naging sentro ng talakayan ng buong mundo. Wow ha? san ko ba hinugot ang kaalaman na yun? hindi ko nga rin sigurado kung tama ba ang source ko. Heniway, yan nga ang alam ko. baka sakali pag nakarating ako eh madagdagan pa ang kapupot kong nalalaman.

 

Linis ako ng kusina at nakita ko ang rice cooker ( naks! sosi) na halos kalahati pa ang laman na kanin. Sus ginoo! Itatapon ko na nman ba ito kapag hindi ko nakain? Binuksan ko ang refrigerator ( isa pa yan! hehe wala kami niyan sa probinsiya !) at nakita ko meron pa nman pala akong natitirang Chinese Cabbage. Maliban sa dalawang itlog at ilang piraso ng bacon eh wala ng ibang laman ang aming fridge. Minabuti kasi namin na huwag nang mamili ng pagkain gayong kami nman eh aalis. Saka na kami mamimili pag nakabalik na kami.

 

O heto na nga, kakaisip ng pwede kong maluto, biglang nag-tingaling ang aking isip. tamang-tama, meron pa akong Mega sardines na natira sa cupboard. Ayos! tutal namimiss ko ang pagkaing probinsiya, heto ang aking naisipang iluto.

 

104_2112 104_2115

 

At dahil naisip ko sa panahon ngayon kelangan magtipid at maging wais, naisipan kong isangag na lang ang kaning-lamig na nakita ko sa akin rice cooker kesa ipainit. Para naman maiba hindi ba? Konting bawang at sibuyas, ayos ang buto=buto. (Actually mas masarap sana kung mejo marami ang bawang nito.. pero pinaghati ko na lang para nman maigisa ko ang aking ulam ) At mula sa chinese cabbage at mega sardines na natagpuan ko sa aking cupboard, nag-gayat ako ng sibuyas at bawang para igisa si mega sardines at cabbage. Eto ang aking naging din-din ( dinner). siguro merong ilan na hindi magugustuhan ang pinagpartner kong hapunan pero sanay kasi ako sa pagkaing kagaya nito. Kung ako nga ay nasa aming probinsiya, malamang sa talbos ng kamote ang isinahog ko dito. Bakit nga, sa aming bahay-kubo, meron akong mga tanim na kamoteng-baging at saluyot sa aming bakuran. At etong chinese cabbage na kilala ko sa tawag na Omboc or baguio cabbage ay isa nang gulay mayaman sa aming baryo. Madalang ang nakakabili nito sa totoo lang. At kaya nman kaibigan ko si sardinas eh kasi nga madalas na kami ay maiwan ni mudra at ni mudro ng isang buong linggo at itong si sardinas lang ang aming karamay sa panahon ng taggutom. Inuutang pa namin yan sa kumare ni nanay hehe. Ang bayad eh kapag kami ay nakaani ng palay o di kaya sibuyas at iba pang gulay na meron kami sa bukid.

 

Tulad nga ng nabanggit ko, madalas na maiwan kaming apat na magkakapatid na meron lamang sampung piso naiwan mula sa panganay. Yun ang ibibili namin ng isang takal na bagoong, vetsin o asin kapag kinailangan. At madalas, tuwing Biyernes ng hapon pagdating nila madir at padir galing ng bukid sakay ni Samsom ( ang aming baka) meron na silang mga dalang sitaw, talong, saluyot, papaya, kamatis, petchay, bayabas, mangga, luya. hehe at maraming pang iba. Yun ngang mga gulay na nabanggit sa bahay kubo naitanim na ni tatay yun eh hehe. Kaya nman kumpleto rekado. Ang sama nito dahil pana-panahon nga ang pagtatanim ng gulay madalas na napupurga kami sa gulay na inaani. hehe nakakasuya talaga. Tulad pag panahon ng sitaw, mula inabraw, adobo at kung ano ano pang resipe mula sa sitaw matitikman namin. Pag hindi ba nman mapanaginipan mo pa. Iba nman pag panahon ng kalabas. Nakupo, lahat ng klase ng luto ng kalabasa winner na nman ang nanay ko. Pati okoy tinira. hehe.. Eto ang masaklap, pag panahon ng sibuyas, winner sa ginisang sibuyas. habang meron sibuyas na available yun ang uulamin namin. GInisang sibuyas na nilagyan ng itlog ang kadalasan. Pag kami eh pumasok sa skul, huwag na huwag kang uutot at malamang kilala na nila kung sino ang salarin. Kami lang kasi ang nagtatanim ng sibuyas nun araw sa aming baryo hehe..  Kaya jusko, nakakakaba talaga. Obligado bago mag-first bell nailabas ko na ang lahat ng masamang hangin kung ayaw kong magsabog ng lagim sa skul wahehehe..

 

Pero alam niyo ba, ngayon na hindi ko na natitikman ang mga lutuin at payak ng resipe ni mamu, namimiss ko sila. Gusto kong kumain ng tinapa na sinasaw-saw sa tinadtad na punlang sibuyas na inihalo sa alamang at kamatis pero hindi ko magawa. Gusto kung kumain ng tinola na ang tanging sahog lang ay knor cubes at talbos ng malunggay. Tapos apg tinanong namin si nanay “ Tinola ba ito Nay? Nasan ang manok? “ Tapos sasabihin nman ni Nanay.. “ Anak, tinola yan, lumipad lang yung manok….” O hindi ba? nakakamiss yun? Heto pa ang namimiss ko, buong taon halos mabibilang ko lang sa aking daliri kung kelan kami makakatikim ng karne ng manok o baka. Karne na manok kadalasan iniaadobo ni nanay yan. yan eh sa tuwing meron kaming exam sa skul hehe. Ang sama nito minsan pag niluto iyan ni nanay bago pumuntang bukid isasabid niya sa aming kisame yan kaso madalas nauunahan kami ng alaga namin pusa. Pag darating kami isang kaserolang walang laman na lang. Nakulti na ang utak mo sa pagsagot sa test paper tapos iniisip mo na darating kang meron adobong manok na paghahati-hatian namin pero wala pa, eh di mauuwi na naman kami sa sardinas. Wag niyo nang itanong kung bakit lagi sinuswerte si muning dahil sa noon sa aming probinsiya hindi kami gumagamit ng refrigerator. Hehe makaluma kami dun. Ang pangluto namin ay kahoy na madalas maging dahilan kung bakit lagi akong huli sapagpasok lalo na pag taglamig. Isipin mo ngang magparingas ng kalan na basa ang kahoy hehe. Gamit pa namin ang pinutol na kawayan at ihip dito at ihip dun ang gagawin. Alin sa dalawa ang mangyayari, pumasok kang me uling sa mukha o maitim ang butas ng ilong. Madalas mangyari sa akin yan! Pero ganun pa man, hindi ako nagsisisi sa aking kabataan. Kasi nga, kung hindi ko naranasan iyon, malamang din na hindi ako matapang sa pakikibaka. Katunayan lang yan, na kung sakaling dumating ang kagipitan sa aking buhay na kinailangan kong magitpid, kaya kong mabuhay na simple katulad ng dati.

 

Di ko man naranasan makahawak ng malaking baon sa pagpasok sa skul pero at least nakakabili ako ng pisong palamig o ice candy na gawa sa milo at isang pirasong saging na saba. Masasabi kong maswerte pa rin ako kumpara sa iba. Pero tulad ng sabi ko, walang pagsisisi sa akin. At least hindi ko man nasulit at naranasan ang kaluwagan sa buhay nun aking kabataan, naging ok nman ang aking buhay ngayon hindi ba? No regrets eka nga!

10 Mar 2009

Singbilis ng kidlat ang mga magnanakaw!

Kanina lang pagkadating ko galing sa Beach house na nilinis ko dumiretso agad ako sa pagbblog. Pano nga nman kasi sabi ni kuya payatot sa blog niya pag walang internet nakakabaliw at nakakabanas. Susme ganun din kasi ako. Para bang katapusan na ng mundo pag hindi ako nakagamit ng internet sa isang araw, Ito kumbaga ang nagsisilbi kong bitamina. Walang araw na nagmintis ako sa paggamit ng internet lalot nandito lang ako sa bahay. Minsan nga mas gusto ko pang i-kiss ang PC ko kesa kay Habibi hehe.

 

Tuloy ang kwento.. Ayun nga nakita ko nagmessage si kuya payatot sa aking Purse/Bag Tag at gusto raw niya dekwatin ang laman ng bag ko. hehe Yan ang dahilan kaya nagpost ako. Kasi naalala ko yang dekwat na yan! Ano nga ba ibig sabihin niyan? Magnanakaw ang kasing-kahulugan nito ayon sa aking pagkakaunawa..

 

I-share ko sa inyo ang nangyari.. Heto na ang kwento..

 

October 8, taong 2007 nanggaling ako ng Maynila dun sa Philaxa Building sa tapat ng RCBC Plaza sa Makati para magsubmit ng aking mga rekitutos sa pag-aaply ng aking Fiance Visa papunta dito sa Uk. Dala-dala ko lahat para kako sigurado nang ma-approve ako. Ang mahal ng Visa Fee! 49K plus pero siempre hindi ko dala yun ng cash no. Naka Money Order siya.. Kala niyo yun ang na-dekwat no? Anyway, Maghapong stress ang inabot ako. Bukod sa nasa 25th floor yun eh yung pagsusubmittan mo ng mga documents mo eh napakasungit. Ang sarap tirisin! Kung bakit ang tatapang nila na kelangan ka pang supladahan eh pwede naman sabihin ng maayos. Hindi eh! Ippahiya ka pa sa harap ng ibang aplikante, dahilan para manginig ang mga bahay-tae nun mga ibang nakapila. Haysus! after ko maibigay lahat biometric ang sumunod. Akala ko hinlalaki lang ang kelangan ng fingerprint, lahat pala ng daliri hehe.. Natapos nman ng maayos ang pagsusubmit ko. sabi sa akin tatawagan ako. Binigay ako ang mobile number ko kung sakali at meron nang result pwede nila ako matawagan anytime. Diretso kami pauwi ng Cabanatuan kasama ko ang kaibigan ko. Tapos kamalas-malasan, mainit na nga ang panahon, umusok pa ang sasakyan ng kaibigan ko dun sa bandang Bulacan. Mejo talahiban pa nman tapos magttakip-silim na eh di kinakabahan kaming parehas. Kamilang dalawa ang bumiyahe papunta manila tapos balikan din, yun pa ang inabot namin. Buti na lang me mabait na mama na tumulong sa amin at naremedyuhan nman. Ako nman, ang sama na ng pakiramdam ko ng humirit na uli sa kalsada ang kaibigan ko. Lalagnatin ata ako kasi nga sa sobrang init at lamig na inabot ko sa Maynila. Inuubo at sinisipon akong dumating sa Cabanatuan dun sa apartment ko sa Bantug. Dalawa lang kaming nakatira dun. ako at yung dalagitang pinag-aaral ko ng vocational.

 

Kinabukasan nga ay natuloy ang trangkaso ko at nagdecide ako na magpahinga na lang ng isang araw bago muling pumasok sa opisina. Yun namang dalagitang nakatira sa akin na ang pangalan ay Carmie eh nagsimba at maagang umalis ng apartment. Naiwan akong hilong-hilo at uubo-ubo.

 

Bandang alas-diyes ng umaga me naririnig akong pumupukpok. Hindi ko lang mawari kung sa kapitbahay ba o sa sa kabilang apartment. Hindi ko na tiningnan kasi baka meron kakong ginagawa o baka meron inrerepair sa katabing unit eh kalilipat lang din. Isa pa, nahihilo nga ako dahil nilalagnat ako. Naidlip ako ng ilan pang oras..

 

Maya-maya narinig ko bumukas ang pinto sa sala. Yung apartment ko kasi up and down. Dalawa ang kuarto sa taas tapos sa baba sala, kusina, labahan at toilet. Pero dahil nasa taas ako at nakaawang ang pinto ng kuarto ko narinig kong may pumasok na sa bahay. Sabi ko sa sarili ko baka si Carmie na. Eh naiinis pa nman ako kasi hindi ako ipinagluto ng agahan eh me trangkaso nga ako. Sabi ko sesermunan ko pag nakapagpalit na siya ng pambahay. So dahan-dahan akong lumapit sa pinto at sinara ng dahan-dahan, bumalik ako sa kama at nagtulug-tulugan. Naririnig ko kumakaluskos pa rin sa salas ko. Hmmm medyo kinakabahan na ako pero cge, baka kako nagluluto na si Carmie. Umiba ako ng posisyon patalikod sa pinto ng kuarto  ko para hindi niya mapansin na nagtutulug-tulugan ako at nakikiramdam. Ang laptop ko naka-on pero yun mga wire, nakapaikot sa paa ng kama ko. Yun dalawang cp ko, kung hindi ako nagkakamali, N70 yun at isang 3310 nakapailalim sa Unan ko na inuunanan ko pa. Dun ko kasi hilig ilagay ang Cp ko para pag meron nagtext or tumawag, gising agad ako.

09102007(009) 100_0486

(Eto ang itsura ng Sala ko nun sa apartment na yun. Yung mga drawer na yun ang binaklas ng manderekwat)

Ilang saglit pa akong nakarinig ng mga kaluskos sa sala pero mukha nmang pati yun nakalock na mga drawer eh binubuksan. Sabi ko iba na yata to. Pumasok sa kabilang kuarto at narinig ko nagbagsakan ang ibang gamit doon.Tapos narinig ko bumukas ang pinto ng kuarto ko. Nakapantulog lang ako nun. Hindi ako gumagalaw kasi nga iba na talaga ang pakiramdam ko. Hindi ko na inisip na tingnan o ano kung sino ang pumasok kasi alam kong hindi ako makakasigaw kung sakaling tama nga ng kutob ko dahil wala akong boses nun araw na yun. Naaninag ko lang na nakataklob ng Orange tuwalya na nagkataong tuwalya ni Carmie. Binuklat ng kung sino man ang nagmamay-ari ng kamay ang aking table. Naalala ko yun kamera ko nasa bandang ibaba ng drawer. Natatakluban ng mga underwears ( hehe ). Tingin ko meron hinahanap yun tao. Sigurado na akong hindi si Carmie ito. Kasi hindi naman yun pumapasok ng biglaan lalo na kapag nasa loob ako ng kuarto. Pigil hininga na talaga ako. Todo ang pag-arte ko na tulog ako. Naramdaman kong gumalaw ang unan ko tapo Ilang saglit pa narinig ko na ang yabag palayo sa kuarto.. Dinig ko rin ang mga hakbang sa hagdanan atmalakas na pag sara ng Screen Door... Kinapa ko yun cp ko sa ilalim ng unan ko para itext sana yung kuya ko na nasa Office nun mga oras na yun. pero uahhh!! Hindi ko makita ang cp ko ?? Hala !! Tama nga yata ang hula ko .. Kinuha ko ang walis tambo na nakalagay sa puno ng hagdanan pababa at tuloy-tuloy na tumakbo palabas ng pinto. Maingay sa kabilang bahay dahil meron mga estudyante na nag-iinuman. Pagtingin ko sa sala nakabukas ang mga drawer, sira ang mga lock. Tiningnan ko ang main door buong natanggal ang door knob! Akyat ako hawak ko pa rin ang tambo, nakita ko parang ni-ransak ang kabilang kuarto. takbo ulit ako palabas ng bahay! This time sumisigaw na ako! Sabi ko paglabas ko na nakatakip pa sa daster na suot ko at nkapambahay lang ako ..

100_6188

(Eto yun room ko nun. Yun yung 2 phone ko na nadekwat. Me ala-ala pa pala ako )

" Wala ba kayong nakitang lumabas ng bahay ko?  Nanakawan ako!!" Halos wala pang boses na lumalabas sa bibig ko.

Tapos sabi nun estudyante na kapitbahay ko.. " Bakit ate? Ano ang nangyari??"

 

"nanakawan ako! Nawawala ang cellphone ko! Ang mga cellphone ko" Sumisigaw na ako nun.

Narinig ata nun landlady yun sigaw ko. " Eds ano ba yan? Ano ang nangyayari jan?"

" Ate Lanie pinasok ako ng magnanakaw!" nangininig ako. Tapos nakapaa lang ako at hawak ko pa rin ng mahigpit ang tambo.

"Eh paano mo naman nalaman? Paano nakapasok? bakit hindi mo napansin?" sagot niya.

"Ate Lanie hindi ko talaga alam na magnanakaw nga. Nagtulug-tulugan ako kasi akala ko si Carmie yun nasa loob ng bahay. Pero nun bumangon ako at hinanap ang CP ko nawawala na ito. Tingnan mo ate ang pinto ko at lahat ng mga lock ng drawers sira lahat!! Hindi ba kau ang dapat kong tanungin kung bakit hind niyo napansin na meron na palang tumutungkab ng pintuan ko??" yan ang sagot ko na may halo ng pagkadismaya at galit sa land lady.

" Diyos ko! Buti hindi ka napano! Hindi ko rin alam kasi naidlip ako. Pati yang mga estudyante di rin nila napansin?" sagot ni ate Lanie

100_6186

(Eto yung table ko sa room. Yun laptop di niya nakuha kasi nga nakapulupot ang mga cables nia sa kung saan.. hehe ganyan ang set up nun time na pinasok ang bahay ko.)

Sabi nga ng mga estudyante na naabutan ko nag-iinuman pa sa labas ng bahay eh hindi nga rin nila napansin. Pero may nakita silang isang binata mga edad 20 years old na umiinom ng ice tubig sa harap ng apartment ko. Dalawang lalake at yung isa naka-jacket ng itim at naka-cap na kasawa nun look-out sa labas ( yun umiinom ng ice tubig) Naiwan pa nga yun ice tubig sa labas. Sabi ng anak ng may-ari sa kanya pa bumili ng Ice tubig. At hindi nman niya napansin ang itsura. Diyos Miyo eh mananakawan nga pala talaga ako. Wala na rin akong magagawa Kahit siguro maghumiyaw pa ako dun. Buti na lang naisip ko pa lang magtulug-tulugan kung hindi eh isa na pala akong malamig na bangkay kung sakali. Na-trauma ako sa totoo lang. Tinawagan ko ang kuya ko para sabihin ang nangyari at ng dumating sabi tumawag kami ng pulis. Yun may-ari bumalik na sa tindahan na para bang walang nangyari. Tapos tumawag ako sa pulis at ang sabi kelangan daw na ako eh pumunta ng personal kung ako eh nagrereklamo. Huh!! Nanakawan nga ako eh? hindi ba dapat nasa area of incident ang pulis para mag-imbestiga? At maiiwan ko ba ang aking bahay na nakabuyangyang? eh sira nga ang mga lock nito?? Kaya kesa sa pag-aksayahan ko pa ng panahon, tutal cp lang naman ang nawala at hindi ang aking buhay eh magpasalamat na rin ako. Ang Pilipinas hindi talaga uunlad kung meron mga landlord na walang pakialam sa mga tenants nila at walang kapulisan na gagawa ng mga responsibilidad nila. Tsk! Tsk!

 

Inisip ko na lang na premonition iyon ng aking pag-apply sa UK. Siguro kako ang negative katumbas nun eh postive naman in the future. Pero hindi pa rin maiaalis yun trauma ko mula ng ako ay madekwatan. Ipinagwalang-bahala ko kasi yun madalas kong madatnan ang bahay na nakabukas. Akala ko kasi nakalimutan lang isara kasi wala nman nawawala. Nawala ang GOld Watch ko pero inisip ko nailaglag ko sa kung saan. Ang totoo pala eh naghahanda na pala ang mga magnanakaw sa kanilang susunod na pagbisita. At malamang na ilang beses nang pinag-aralan ang pasikot sikot sa loob ng bahay.  Kaya after ng incident eh lipat-bahay ako agad within 24 hours haha.. Biglaan talga! and this time ang pinili kong apartment eh yung meron mataas na gate at may security guard. Pero bago ko pa nailipat ang mga gamit ko sinisingil ako ng may-ari sa door knob na nasira! Ano ba yan, hindi nman ako ang sumira kundi ang magnanakaw! Sa accounting nga kung hindi ako nagkakamali eh kasama yun sa fortuitous  events. Yun bang mga expenses or loss sa di inaasahang pangyayari gaya ng kalamidad, sunog at kung ano-ano pa. Inassume ko an kasama na rin ang hindi inaasahang manakawan hehehe

 

November 17 tumawag ang British Embassy sa number ng Kuya ko. Ang sabi nila eh matagal na raw sila kumokontak pero cannot be reached ang mobile number ko. Siguro kako ito na ang kapalit ng insidenteng nangyari. Nang tawagan ko ulit ang embassy eto ang usapan:

 

"Hello sir this is Edna Leen Agustin. Nabanggit po ng kuya ko na tumawag po kau sa kanya twice today. Ask ko lang po sana kung regarding po saan? Meron na po ba akong visa? " Excited pa ako niyan ha.

" yes tumawag nga ako miss agustin pero ive tried if for 2 weeks pero palaging patay ang celphone mo. Sinubukan ko ring tawagan ang isa pang number na iniwan mo pero ring lang ng ring. Nakita ko ang number ni mr. oliver agustin sa likod ng passport mo at ayun buti namn at nakausap ko. regarding your  visa hindi ko alam kung meron ka nang visa pero meron nang result yun application mo nun pang november 6. Please visit our office tomorrow. 2-3 Pm mo lang pwede ipick-up ang result. " Yan ang sabi ng baklang operator. Pero mabait naman hehe tumatawa pa nga eh

" Sorry sir about the contact numbers. Nanakawan po kasi ako. i've called the embassy in fact to tell them my new contact number pero hindi pala naiupdate. Anyway hindi ko ba sir pwede malaman ang result? para nman makatalon na ako at makahiyaw kung positive ang result..." Asa pa ako niyan hehe

" Sorry but we are not allowed to open your envelope. Puntahan mo na lang tomorrow dito sa Philaxa Building. Ang higpit no?

E di wala nang magawa ang beauty niyo kundi lumuwas ng manila oramismo. nang makuha ko ang envelope, hindi ko binuksan hanggang sa makarating ako sa sasakyan ng friend ko. Sa loob ng sasakyan ko binuksan un envelope. nanginginig pa! hehehe  and thanks GOD! Ive got the Visa. Pero siguro kung hindi ko nkuha ang visa ko malamang sa tinutugis ko kung sino man ang magnanakaw na pumasok sa bahay ko. Langya na yun! Pasalamat siya at meron magandang balita after ng ginawa nila.

 

P.S. After one month nabalitaan kong lahat ng kapitbahay ko sa lumang apartment na tinutuluyan ko ay nanakawan. Hindi ko alam kung natimbog kung sino man ang mga magnanakaw na yun pero inisip ko na lang na sila sana yun nakitang bangkay sa isang bakanteng lote sa terminal ng bus sa cabanatuan. Nabalitaan kong isinabit ang apat na braso sa wire ng kuryente.

 

Moral lesson? Wag magcelphone ng mamahalin hahaha.. O kaya bawal magkasakit kasi malas! Ano pa ba? Magkabit ng CCTV para makilala ang mga manderekwat! At maglagay ng note sa labas ng pinto na " NO VALUABLE THINGS INSIDE!" Joke lang  Sa susunod i-share ko nman ang nangyari sa akin sa Budol-budol gang hehehe.. Type na type nila akong biktimahin bakit kaya?

8 Mar 2009

Shopping Trip and Adobong Pusit Recipe Try-Out!

I was with my Pinay Neighbour yesterday to Bangor to buy some rice and just go round the shops to see some bargains. Me and Jamie ended up shopping inside the Pound shop and Debenhams. When we were inside, my goal is to find a medium sized sling bag that I can use for our Italy Vacation but we passed through these designers Men's Clothes and Accessories. I thought hey why don't he buy a pair of pants and shirt. But guess how many he just picked!

100_1922 100_1918

He got this new leather shoes, leather belt, designer's pants and a nice leather look jacket. They all look smart when Jamie tried it. Among my favourites are the Jacket and the pants lol.

We go straight to the cashier to pay for it. It says they are all 20% off but still worth 185 Pounds. And if you convert it to peso that's worth 12,600 pesos more or less. I wonder why Men's clothes and accessories are more expensive that girls. I dont remember paying this much for the things I want to buy except for the coat I've got from catalogue. All of them are worth 1 pound to 5 pounds. He rarely buy clothes though so its fair enough. Let's just say this is my Anniversary treat to him. But when we, are about to pay the items, We have been offered by the supervisor a credit card I can use to shop anywhere plus they will be giving another 10% off if I signed up. And will not pay for the item for a month without interest. Jamie thought its a good idea signing up rather than use the cashto pay for it. ( Baka daw kasi un mga damit at sapatos na binili namin para sa kanya ang aming kainin for 2 weeks lol) I go for it and I was approved easily.

100_1933

After shopping we go to the Asian Market nearby to buy some rice for me. I wasn't sure when did I last eat rice. I just felt I'm more weaker than usual without rice. SO I asked Jamie If I can buy the 10 Kilos rice and he was laughing his head off. He said what made me decide to buy that big bag of rice. I told him, It cheaper and will last longer.

Anyway, I go round that asian market, got some skyflakes and ginger tea for me and to my I saw a box of frozen Calamares or Squid. Its worth 3.60 but drooling with the Idea of making  Adobong Pusit for my Dinner last night. So when I arrive, I go straight to check for the recipe online and started my cooking experiment. Above is the finish product of my experiment. ( Mukhang totoo no? Marunong din nman ako magluto kahit papano hehe ) Not bad ei? Well its yummy! I'm full to the brim! If you want to try this visit www.recipes.yooneek.info

21 Feb 2009

Resaykel

Nagtataka siguro kayo kung bakit "Resaykel" ang pamagat ng post ko sa araw na 'to. Ito'y hindi patungkol sa pagreresaykel ng papel or ng bote at garapa kundi Resaykel sa pagkain.. Oo tama ang iyong nabasa kaibigan. Naisipan kong i-post na nga ang patungkol dito at kanina pa nai-stress yung utak sa mga letra ng salitang ito. Sabi na utak ko ipost mo na, sabi naman ng isang bahagi nito gawin mo muna ang tag ni ate Liza. ( hehe censia na nauna na ito te liza.. di ko maisip umpisahan yun tag ahihi).

Ang pagreresaykel ng pagkain ay madalas nating maranasan. Mapa-ulirang ina man o ulirang negosyante. Nabanggit ko ito dahil ganito ang byenan ko. Lahat yata ng tao dito sa village namin kilala ang nanay ni Jamie. Bukod sa makwento ay talagang napakabait. Lahat din ng tips tinuturo niya sa akin. Naroong magbake kami ng pastry, cake at tinapay. Yun nga lang napakabilis gumalaw. Lahat ng bagay ay alam mula pagkakabit ng tiles, pagkukumpuni ng sirang silya, pagpipintura, pagsesemento, pati nga bakod tinira na rin. Hay bilib talaga ako sa kanya pagdating sa pagreresaykel. Wais siyang tunay! Hindi siya bumibili ng bagong gamit. Tulad ng ibang ina, laman siya ng charity shops kapag meron siyang pera. Laman din siya ng furniture shop dun sa bandang Birkenhead. Yung mga sinoling items na hindi nagustuhan ng mga clients dun kasi ibinebenta. Sa dami siguro ng karanasan nito sa buhay kaya natuto sa lahat ng bagay. Kailan lang nung binisita kami chineck niya ang buong bahay. Kapag ganito kasing binibisita ako ng byenan ko, nahihiya talaga ako. Kasi alam kong lilibutin niya ang buong bahay at maghahanap ng mga sirang gamit na kelangan kumpunuhin. Ayun habang nga suot ang kanyang bagong bestida, boots at talagang kuntodo porma, eh nakita kong inaayos ang aming bath tub. Kasalanan ko rin kasi dahil nagbara gawa ng mga buhok kong nalalagas (lol). Eh hindi ko maalis. At dahil siya rin ang nagkabit ng bath tub na yun, alam na alam niya kung paano ang gagawin. Baklas dito, baklas dun tapos........ Toink! Tapos ang trabaho! Di ko nga lam kung tatawagin kong Wonder Woman eh. Aba bihira talaga ang babaeng kagaya niya. Kaya swerte talaga ng asawa at mga anak niya. Hindi pa marunong magreklamo.

Teka nga, mabalik tayo sa resaykel na pagkain.. Eto na talaga! Nun kasing despedida ng kapitbahay ko eh maraming chicken na natira. Kasi nga dalawang roast chicken ang inihanda namin para sa kanila. Eh siempre hindi nman naubos. Kung ibabaligtad ko yung manok eh marami pa talagang laman. Pero ayoko naman ulitin yung ginawa ko last valentine na pinilit ko ubusin yung manok. Nahilo nga ako nun eh nasobrahan ata ako. So ang ginawa ko nga ni-resaykel ko. Bakit ba eh sayang nman kung itatapon. Pwede pa nman kainin. ang kaso wala naman kakain ng ganun ang estado nito. Puro pinagkurutan tapos meron buto-buto. Kaya ang ginawa ko hinimay ko lahat! Himay, himay, himay.. Nangawit ako kakahimay tapos un ibang natitira sa buto kinakain ko na rin.. hehe sayang at saka tipikal na pinoy di ba? Bati buto nginangatngat natin dahil nandun ang lasa. Kung nakita siguro ako ni Jamie malamang sabihin nin "... Eeewwww..." Ayaw kasi nun ng buto.. gusto nun puro pitso ..At pagtapos ginawa kong chicken soup. hehe gusto mo malaman kung paano.. Maging wais ka na rin kagaya ko heto ang ihanda mo ..

Rekado :

  • 1 piraso katamtamang haba ng Hiniwang Leek ( Yun parang chop-chop lang)
  • 3 Piraso Patatas , hinati sa apat bawat piraso
  • 5 pirasong sprout ( Hindi ko alam ang tagalog pero tingnan sa baba ang itsura nito)
  • 1 piraso ng katamtamang carrot ( Chop-chopin mo rin baby)
  • 1 piraso ng Chicken Knorr Cubes
  • 4-5 Tasang Tubig
  • Asin ( Tantiyahin )
  • Betsin (.. kung abeylabol )
  • Hinimay na manok ( Walang buto siempre,hinimay nga eh..)

390688507_80f6a2ffd7

Heto ang picture ng Sprout. Ewan ko lang kung meron nito sa Pilipinas. Pero malamang ang makita niyo sa pinas eh ung malaking version nito, hehe Repolyo ba. Ito kasi, madalas steam ko lang kasama ng brocolli at baby carrots. Masarap kasi iterno sa mashed potato, chicken and gravy.

O ayan na ang mga rekado. Pagsama-samahin mo sa isang kaserola. Pagtapos pakuluin mo hanggang sa lumambot lahat ng gulay. At dahil sa ang manok nman na gagamitin natin ay resaykel nga, dun na sila magkikita ng gulay sa finals dahil luto na yun

Pag ayos na ang lasa ng pinakulong mga rekado, ilabas ang Liquidizer o blender. Ilagay ang pinakulong gulay at iliquidize. Pagkatapos, ibalik sa kaserola pag pino na lahat. Dagdagan ng tubig kung kinakailangan at isama ang hinimay na laman ng manok. Pakuluan ng mga ilang minuto at huwang hayaang matuyo. Jaran!!! Meron ka nang instant soup!

Mas masarap itong kainin with bread and butter. Paborito ng mister ko yan. Isa pa, pagkakataon ko na rin na mapakain siya ng gulay. Pwede niyo itong gawin sa mga chikiting na hindi mahilig sa gulay.

Ewan ko kung makakatulog ang Tip ko. Pero kung gusto mo magtipid pwede mo gawin. naisip ko lang kasi ipost ito dahil sa hirap ng buhay ngayon kelangan maging wais. mahirap pa naman humanap ng pera ngayong panahon ng krisis.Isa pa alam kong kahit sa maliliit na karinderya eh ginagawa itong pagreresaykel ng pagkain. Aba puhunan ang pinag-uusapan dun. Kaya minsan makikita niyo meron lugaw, arrozcaldo, goto o di naman kaya sinangag hehe...Yun  iba nga ginagawang spring roll un mga natirang karne. Saka ko lang nman nalaman na may mga resaykel sila kasi meron na ako dating nakainan na ganun eh .. ang sama nito nalasahan kong mamanis-manis un arrozcaldo with egg pa kamo. Kaya pala panay ang abot sa akin ng kalamansi hehe.. Hindi ko nga nman mapapansin kung panis nga bang talaga o sadyang maasim lang.

Anyway, wala nman masama sa resaykel basta pwede pang kainin at malinis hindi ba? Pero kung tayo mismo ang gagawa " nakakasisiguro, pagkain ay laging bago .. este malinis pala "" Toink!

25 Sept 2008

Curry Thursday!

When was the last time I posted my ramblings here in LAFH? Hmmm.. Its been a while because I was so busy learning and earning. But today, I finally have time to cook for my hubby. Not because I was busy working, learning and earning but because we are very tight in our budget and lived on tomatoes, eggs, bacon and bread for the past weeks. Lately, my hubby asked me to cook one of his favorite Filipino Dish - Chicken Curry (Pinoy Style). Also gave a bowl to my filipina friend so I can pay her back on giving lots of food and pretty plants.

Now, I'm thinking of going back again to learning how to optimize my adsense earnings lol. And then go back to eating eggs and tomatoes. By the time I have learned all the tricks in adsense, I'd be so skinny and yet lots of earnings lol!

LinkWithin

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin