Eniwey, ang aking entry ngaun ay ang aking recording. Dahil wala akong maisip ipost, ipost ko na tong ginawa kong album na ako lang din ang may kopya. Naks! Hindi nman talaga ako magaling kumanta. Hilig ko lang talaga. Hehe Frustrated singer nga ako weh, pero si mudra, siya ang singer nung araw. Kumakanta siya sa isang AM Radio station sa Nueva Ecija nung kanyang kabataan. Tapos kasi nga maagang lumandi si mamu, ayun nakipagtanan kay itay. Kaya ang kanyang singing career ay napabayaan. Hanggang sa nagkapamilya na nga siya at naipasa sa amin ang hilig niya sa pagkanta. Hindi kasing galing niya pero ina-assume ko na nasa tamang tono ako hehe. Heto ang ilan sa mga sampol:
Recordings
O hano? papasa ba sa panlasa niyo? Sabi ko sa inyo, yan nag dahilan kung bakit ako lang ang me kopya hihihi.. Sabi nga sa kanta ni Nonoy Zuniga eh “ Ang aking Inay ang tangi kong tagahanga…!” Arekup kasaklap nman ng katotohanan na yun hehe.
Bueno-bueno-bueno.. matagal tagal ko naipon ang mga kantang yan na sa palagay ko eh siya nang pinakamaayos na narecord ko. Eto ang mga meaning ng kanta na yan para sa akin :
1. All of My Life - yan ang madalas ko kantahin kay habibi pag kami lamang dalawa at tipo kong haranahin siya.
2. From the Start - Sablay ako sa kantang ito dahil tingin ko eh pumiyok na parang manok ang lola niyo. Kaya tinantanan ko na. Talagang kulang na sa praktis.
3. We Belong - Kapag kinakanta ko ito kay Jamie habang nag-iinuman kami ng amingmga kapit-bahay dito eh kinikilig si Aling Brenda at si Mang Andy hehe.. Kasi nga We belong di ba?
4. Kailan - Nagkataon lang na nakanta ko to nun minsang naglibot ako sa Youtube. Wala lang kasi nga eh napanood ko sa A very special love hehe.. BTW ang gma rocerd po na ito ay walang pratisan hehe.. Tingnan nio sa background at meron pang nag-uurong. Ang damongkles na Carmie nagdadabog pa ata nun naghuhugas ng pinggan. lol
5. Kahit Sandali - Hmmmm nahiya ako kantahin ito kasi dumating un kuya ko at hipag ko. Pakinggan sa mga huling parte nito at meron busina ng kotse hehe.
6. Love Hurts – Pihadong magugulat kayo kasi ang intro nito ay hindi Love Hurts. Mixed songs ito pero naisipan ko na rin ipost kahit na tumatalon ang CD ko nun nirecord ko ito.
7. Because of You – Kinanta ko ito sa Wedding ng college friend ko sa simbahan ha. At minamalat pa ako nun time na yun pero nakanta ko nman ng maayos. Ang siste meron isang mama na nagustuhan ata ang boses ko at nagrequest pa sa loob ng simbahan na pwede daw bang kanta ni Sharon Cuneta naman. Hello?? Nasa altar ako nun mga time na yun tapos ginawang bar ni manong hehe. Kaloko hano?
8. Only Reminds Me Of You – Sinusi ko ang pinto ng aming kuarto ng nirecord ko ito para hindi ako maabala ni Habibi. Sukat nag- BUZZ sa aking YM. Ayan nasa record pati yung Buzz. hehe
9. I’ll say Goodbye for The Two Of Us – Nun time na nasa Pinas si Jamie para ako bisitahin at kami eh nagkatampuhan. Kinanta ko ito sa aking Magic sing at nilakas ko ng todo hehe. Naiinis kasi ako nun sa kanya eh tapos mukhang tinablan nman sa mensahe ng kanta kaya nagsorry siya agad.. Ayaw daw niyang mag-goodbye hehe.
10. Push the Button – Eto naman narinig ko sa kapatid ng hipag ko. Medyo pilya ang lyrics ng kanta na to pero pinagtyagaan kong kabisaduhin kasi nga mejo masaya at nang maiba nman ang aking mga kinakanta. Ipinalit ko ito sa kantang I Will Survive na madalas kong kantahin nun araw. Luma na kasi yun lol
11. Girl in the Mirror – Etong kanta na to ang madalas naming kantahin ng aking College Friends. Nirerecord din namin ito nun araw, nga lang dinig pati yun pagbahing nun katabi ko sa sobrang makalumang pagrerecord. Hehehe Trip kong kinakanta ito pag ako eh nag-eemote tapos nakaharap sa salamin. Ayos!
12. So Slow – Heto naman all time favorite ko talga ito eversince na natuto akong maghulog ng 5 pesos sa Videoke na hiniuhulugan. Hehe Dedicated din ke habibi kasu ang bagal niya pumorma nun ako eh nililigawan niya.
13. Underneath your Clothes Eto naman eh kinakanta ko lang ng madalas nung kami ay mag-asawa na ni Habibi. Kung ano ang dahilan ay alam nio na yon. hehehe ( Aww!)
14. Sundo - Gustong-gusto ko talaga ang kanta na ito mulang nun una kong marinig sa program dati ni KC Concepcion about Paris. Ang ganda lang ng lyrics pero pacensia na sa version ko at muntik na atang pumiyok lol kaka-ipit ng boses. Kung nasa Pinas ako eh kahit maghumiyaw ako maabot ko lang ang nota lol!
15. My Immortal - Pagtapos ko perpekin ang Bring Me To Life ng sumikat ang singer ng kanta na ito, eto namn ang pinagpraktisan ko. Mas maganda sana kantahin ito ng me echo kaso ang aking recorder eh kulang sa sound card lol. Hindi tuloy kinayang pagandahin ng equalizer ng Mono ang aking boses.. hasus!
16. If I Ain’t Got You – Kasama ko ang mga ka-officemate ko nun kantahin ko to matapos namin mananghalian sa aking apartment isang araw na malakas ang Ulan. hehe.. Tingin ko bumagyo nga matapos ko kantahin to eh.
Pagpasenciahan niyo na ang recording kung minsan eh naliligaw ang aking tono. Kasi nman mahirap kumanta ng tahimik dito sa UK hehe. Isa pa, etong mga kantang naririnig nio eh nirecord ko lang gamit ang aking PC. Kasi nga pakiramdam ko nangangalawang na ang aking vocal chords hehe.. Tingin ko eh habang tumatagal parang nakakalimutan ko nang kumanta at bumirit lol! Asa pa ako!Pang-aliw lang kaya ko naisipan magrecord. Kumakatok pa sa dingding ko niyan ang kapitbahay namin habang nagwawala ako sa pagkanta. Kaya tuloy ipit ang boses hehe.. ( nagpaliwanag pa eh no? Walang dahilan eka nga hehe) Kung makakalusot lang.. nasa saiyo na kung pipiliin i-stop ang player o tuluyan nang iwanan ang aking blog. Basta ako eh frustrated singer hehe! At least narinig niyo na ang boses ko. Hindi pa ako slang promise! meron pa accent at hndi pa natutunan ang tamang pronounciation ng words hihi.
P.S. Ang mga recordings ko ay nasa dalawang format, Stereo at Mono. Kung sa tingin niyo ay hindi papasa sa inyong panglasa, manyaring mag-iwan ng komento. Sabihin mo na rin kung alin sa mga kantang ito ang paborito nio at baka sakaling mas karirin ko sa susunod na ma-berat ako heh.Pero please pagbigyan niyo na ako minsan lang hehe.. Baka sakali kahit sa blogosperyo eh magkaron ako ng fans. Paunawa na muli, ang mga kantang ito ay ni-rekord ng walang praktis. Ako ay naaadik lang sa pagrerekord sa tuwing ako ay naiinip o nakakatikim ng ginisang gulay na halo-halo na ibinigay ni loving neighbour ( Na-high ako promise). Alam ni Ate Liza kung anong klaseng luto yun hehe
talaga naman!!pwede na!!nagulat si Haruka nung pinatugtog ko ni record mo eh--matagal na yata akong di nagpapatugog ng hinde JPop dito.Natawa ako dun sa KAILAN-kalabog ng kalabog yung pinggan ah!lol!!ayaw ka yatang pakantahin ah!haahaa!!
ReplyDeletegaling naman pala kumanta ni tita eds, alam mo ba na nagkokoment ako e tumutunog ang music mo at di ko matipa ang keyboard ng pc ko, ewan ko kung bakit? prang nalito ako. ehek, nalito sa echo ng kanta mo...hehehehe, ano ba gamit mo dito, gitara ba? hahahaha..tunog kase gitara...pero may boses ka nga tita, parang galing sa ilalim ng aparador...joke lang po..maganda naman ang kinalabasan may echo nga lang at pag naka headset ka e lakas lalo ng echo nya...sa kabuuan, ok naman..pasado na yan...
ReplyDeletehahaha puro videoke ang gamit ko.. sabi ko nga sa post eh dalawang klase ang kanta. isang stereo at mono lol.. buti na lang pasaado.. para pala akong nag-aaudition nio hano kuya tot. yehey ! pasado ako sa unang judge lol!
ReplyDeleteHehe ate clarissa.. loko talaga yun alaga ko na yun eh.. sabi ko pa nman, wag sia gano maingay at magrerecord ako. mantakin mong sinadya pa yata hahaha.. surmaryosep me background pa ako tuloy
ReplyDeletehoy grabe ang ganda ng boses mo ha!! Talo mo pa yung mga original artists na kumanta nyan. Sumasali ka ba sa mga singing contest dito sa pinas? Mahilig din ako kumanta. Dati nag rerecord ako sa singsnap.com.Member ako dun pero pinagbubura ko na mga awitin ko at nakakahiya. hihihi! Nga pala di ko anak si Ykaie.Pero magkamukha kami! lol! Anak sya ng sister ko. pero parang anak ko na din kasi isang bahay lang namn kami nakatira. Ako ay isang dalaga.. I mean dala na. hahahha.
ReplyDeletehuatt anney?? i thought she's ur daughter.. grabe ka ha .. napeke mo ako dun hehehe... Anyway, u have a cute pamangkin..
ReplyDeleteAbout singing contest, dati sumali ako pero sablay sa star in a million.. hahaha.. kasi nman hindi ko alam na dun pala kami papunta at idinala lang ako ng friend ko dun sa pila ng abs-cbn.. eh ang dami pala ng contestant. kaya ayun bagsak ang lola mo..
O talagang tumambay ako dito para makinig ng songs mo. Feel na feel ko na nga yung song na love hurts kaya lang tumatalon talon nga. hehehe! Pero pasado syempre! Type na type ko yung The girl in the mirror. Walang sinabi si Britney Spears sayo!Panalo!
ReplyDeletehaha.. naku nakumbinsi na nga si Anney.. fan na ba kita niyan hehehe.. hindi na lang si inay ang tangi kong tagahanga.. Si kuya tot at si anney na rin harharhar!
ReplyDeleteOY ednaleen, nang marinig ng mother ko ang kanta mo, kala eh nagpapatugtog ako ng radyo. Ayan may fan ka na, hehehe. May mga background lang, pero you did great cuz! Ayan tuloy, di na ko kakanta when you are around. Bakit kaya may mga taong biniyayaan ng magandang boses, ako hindi wahhhh!
ReplyDeletenaku radyo na Am pa cguro ang akala ni mamu hehe.. ang pagkanta nman dapat lang confident ka at nafifeel mo ang kanta. hamo na yang tono ang importante eh nakanta mo ang gusto mo diba? At least tinry mo kesa sa hindi mo tinry kahit minsan hehe... Kaya pag tau eh nagkita mag-duet pa kita.. hehe saya cguro nun:D
ReplyDeleteHi Eds!
ReplyDeleteCongrats! U do hevuh very nice voice! Balewala ang mga simple songs sa 'yo. Konting polishing nlang pwede nang tumabi c Kayla! hehehe...
Keep on singing lalo na Becuz Of U. Kantahan mo c habibi mo nyan i'm sure super ganda ng labas!
And my warmest regards to u and ur family!
~Nonoy Zuñiga
www.nonoyzuniga.com
Nonoy Zuniga ikaw nga ba ? Wow im chuffed to have been visited by a Big star. Grabe! Totoo ba ito? Bigla nman akong nahiya sa aking voice.
ReplyDeleteMaraming salamat po sa inyong compliment.. Prang bgla akong naging proud sa sarili ko hehehe..
By the way, my tatay loves all your songs. Tapos parang kelan lang nakita ko pa po kayong nag-guest sa Wowowee.. Sabi nga ni Papi eh guest ang mga alamat.. joke lang hehe..
Nag-visit po akong sa inyong site pero i cant find a way to comment or leave a message para mag-thank you sa pagdalaw nio sa aking site.. Sana bumalik pa kau hehe.. At sana pag nag-guest po kau ulit sa Wowowee eh batiin niyo haku.. Thanks po ulit ng maraming-marami.. pang-motivate din ito sa akin paa magtuloy-tuloy sa pagkanta .. :)
God bless and more power pos a inyong mga concerts..:)
Ang ganda naman ng boses mo.Ako pala kaibigan ni Sir zaldy dito sa Kuwait.Hanga talaga ako sa inyo ng kapatid mo magaling na writer at singer....si Zaldy?mmmmm kapag umiinum lang kami joke..wagsasabihin yari ako kay Sir Zaldy.Pati si Nonoy Zuniga napahanga lupit!..link mo naman ako joke..ewhoops.com.kailan ang susunod na recording?
ReplyDeletehi bunso.. hehe bunsi din ako eh .. pero ill add u up once i get back.. nasa bakasyon grande pa ang lola mo lol..
ReplyDeleteNaku sir mo ba si kuya zaldy? lagot ka sumbong kita.. hehehe.. anyway, nagulat nga ako kau mr. nonoy zuniga.. parang gsuto ko tuloy irecord ang kanta niya sa next album ko na hako lang ang me kopya nyahehehe.. salamat sa pagbisita.. i-add kita agad ha o next week na. mapapapicture taking lagn muna hako kay Pope Benedict .. lol
bunso!!!.. heheh :)
ReplyDeletemaganda, naka record pala ang mga videoke na yan tuwing may session huh..
ellow eds, na miss ko naman boses mo.lam mo bang tumotulo na laway ko pag nadidinig ko mala anghel mong boses.lol.parang andun yata ako sa nung nirecord mo yung If I aint got you a?ewan ko.hehe.fav ko yung song na yun..
ReplyDeletelol noel nanjan ka nga.. tau nila ate kat kaya yan hahahaha.. at sabi mo isa pa nga ako nman hehehe
ReplyDelete