7 Aug 2009

Bulaklak

DSC_0342

DSC_0344

DSC_0340

DSC_0343

 

“Bulaklak…. ang ganda ng bulaklak.. ng mga bulaklak…”

 

Senti mode lol! Wala lang! Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganun na lang ang nararamdaman ko today. Parang ang lungkot ng buhay …. Hayz… Siguro dumadating lang sa buhay ng tao na minsan makaramdam ng biglaang pagkalungkot. Oh well, gusto ko lang i-cheer ang sarili ko sa pamamagitan ng paggawa ng post bago pa gumulong ang nag-uunahang patak ng luha sa aking pisngi. Siguro naaalala ko lang ang isang problemang naiwan sa Pinas at isang masamang balita mula sa isang kaibigan. ( Siempre wala namang namatay noh!) Medyo masyado lang kumplikado kung aking hihimayin ang istorya.

 

Anyway, kwento ko na lang kung paanong nagkaroon ako ng mga pictures na ito. I actually took these pictures while we’re in Bora. Hmmm… masyadong na-amaze lang ako kung paano magiging maganda ang kuha sa mga bansot na rosas sa Pinas hehe.. Sa picture pala, hindi naman nakikitang ang mga halaman na to eh nakatanim sa mabato at tuyong lupa na kundi pa uulan eh hindi madidiligan. ( taray!) Pero nakakachallenge lang kung paanong ang pangit ay nagiging maganda kahit sa litrato man lang. Feeling photographer nman ako? hehe Dapat cguro eh magpasalamat ako sa aking sweetheart sa gift nia last bday.. Thanks sweetpeach!

6 Aug 2009

Insomnia – Craig David ( Video Entry )

Had to post this MTV kasi i really like it. I know medyo late na yata ako sa mga new music ngayon but it just reminds me of Boracay. (Lol) Meron pa rin hang over. Actually, hubby danced on this music while we are drinking at Bamboo Inn o ano na nga yun. nakalimutan ko na ang name but they play really nice music. And hubby’s friend had to pay 100 pesos sa DJ on deck para sia ang makapagmix ng kanta kasi nga medyo kumagat na ang mga alak na nainom nila. Heres the video that im pretty sure na magugustuhan nio rin..

31 Jul 2009

Dating Pangulong Corazon “Cory” Aquino, Patay na!

cory-aquino

Nagulat ako habang ako eh nanonood ng TFC ng mabalitaan kong si Ginang Cory Aquino ay patay na. Siya po ay namatay sa ganap na alas 3:18 ng umaga dahil sa Cardio Respiratory Arrest.

 

March 2008 ng malaman ng sambayanang Pilipino na siya ay nagkaroon ng colon cancer. Nag-undergo sia ng operasyon para maalis ang nasabing cancer at ito ay naging successful nman. Ngunit nagulat ang lahat ng noong June 22, taong kasalukuyan ay isugod muli sa Hospital ang dating Pangulo. Hanggang sa mangyari nga ang kinatatakutan ng lahat ng pamilya partikular na ang bunsong anak na si Kris Aquino.

 

Isa sa pinakamaimpluwensyang tao sa kasaysayan ng Pilipinas ang dating Pangulong Cory Aquino. Ika-labing isang Pangulo at kauna-unahang babaeng naging Pangulo sa buong Asya. Sino ba ang hindi makakalimot sa People Power – Edsa Revolution? malamang halos lahat tayo ay alam ang patungkol dito. Pero nakakalungkot isipin na ang orihinal na Ina ng bansa ay pumanaw na.

 

Para sa Pamilya ni Ginang Cory Aquino, ako ay lubos na nakikiramay. Sana’y mahanap mo ang tunay na kapayapaan kasama ng Poong Maykapal. Mananatili kang ala-ala sa kasaysayan ng Pilipinas.

25 Jul 2009

Welcome Back

After more than a month of not blogging, I’m back again .. Kelan pa nga ba ako huling nagpost dito? Hindi ko na rin matandaan.

 

Anyway, matapos ang mejo mahaba-habang bakasyon ko sa Pinas, balik UK na nman ako. Nun ko tuloy napagkukumpara ang ambience ng Pinas at UK. Ano nga ba ang gugustuhin ko ? Sa Pinas sobrang init na kahit umuulan ng malakas para ka pa ring nasa loob ng pugon. Pero kahit napakainit ( at hindi nman lahat ng masang pilipino kaya maka-afford ng pambayad sa aircon) ang paligid ay masaya pa rin.

 

Hindi ko  nga makalimutan si Habibi nung kami ay nasa Pinas. Lahat ata ng sweat glands nia ay aktibo dahil walang puknat ang pagpapawis. At kung dito hindi mo mapaligo ng araw-araw, sa Pinas hindi mo na kelangang kulitin dahil 3 times maligo ang lolo mo sa sobrang init. Kung bago kami dumating ng Pinas ang bukambibig nia eh

 

“ Theres no way I can walk around Boracay with no shirt on..”

 

Kinain nia yang sinabi nia dahil buong araw halos nakahubad at panay ang tampisaw sa dagat. At dahil sa kagustuhang umitim, hindi lang sunburn ang inabot kundi parang natapunan ng kumukulong tubig sa tindi ng sunog sa katawan. Sa totoo lang, Yun ang pinaka-highlight ng aming bakasyon.

 

Heto ang ilan sa mga pictures from Boracay:

 

Day 1 – Arrival / Eating and Drinking Session

DSC_0473 DSC_0520

DSC_0557 DSC_0547

 

Day 2 – Pictorial/Kulitan with Family and Friends and some Massage by the beach lol

DSC_0020 DSC_0029 DSC_0022

DSC_0170  DSC_0214

 

Day 3 – Its my Birthday! Dolphin/Banana Boat Ride ( Too bad I didn't manage to take a picture of my cake :(

DSC_0326 DSC_0384

DSC_0540 DSC_0426

DSC_0635 DSC_0714

Day 4 – Island Hopping/Snorkeling/Picnic and Swimming with the whole berks and family

DSC_0026 DSC_0028 DSC_0077 DSC_0079

 DSC_0165 DSC_0174

DSC_0207 DSC_0228

Day 5 – is my rest day coz im not to well .. but my family manage to visit Station 1 and took some picture with the Sand Castle.

DSC_0468 DSC_0552

Day 6 – Parasailing/ Helmet Diving ( The highlight of the Boracay Getaway)

DSC_0614 DSC_0637

DSC_0645 DSC_0676

OLYMPUS DIGITAL CAMERA         OLYMPUS DIGITAL CAMERA           

DSC_0851 DSC_0847

Day 6 – Tequilla Night with my Friend Mich from Italy. One of the best lasingan nights in Boracay. Imaging those pulutan in front of us. Isaw and lechon manok from andoks .. harhar

DSC_0007 DSC_0004

 

Day 7 – Uwian na . But we all missed each other after those 7 days of bonding. Gumising nga ng maaga si Habibi on our last day kasi nga he wants to say goodby to Bora Beach. He really enjoyed his stay. Maybe next time, mag-stay kami ng 2 weeks kasi hindi pa raw sapat ang 7 days eh naghirap na nga kami hehe.. Tips for those who are planning to go to Bora, never ever eat on restaurants kasi super mahal.. Tiyaga na lang kau sa Andoks or wendy’s or better yet sa gma turo-turo sa palengke para makatipid. Then spend every penny para matry nio ang lahat ng sea adventures.

 

Nakakamiss talaga ang Pinas lalo na pag nakikita ko ang mga pictures na kagaya nito. Kahit mejo nasagad ang ipon eh ayos lang. No one can replace the enjoyment we had in Boracay. Hopefully makabalik kami next time ng mas matagal..

2 Jun 2009

Lihim

Matapos nga ang ilang linggong pagpaplano namin sa aming pag-uwi at pagdeklara na gawing lihim ang aming pagdating sa bandang huli ay maibubunyag din pala. Ang totoo niyan ay wala pa talaga ako sa Pinas at kung bakit hindi ako makapagpost ay sa kadahilanang ang pag-uwi pala nmin ay hindi nangangahulugang kami ay magsasaya na nga. Heto nga at sumasakit ang bungo ko kung paano mapagkakasya ang budget sa pasalubong. Daig pa ang mamamalengke sa tutuban sa dami ng mga bilin ng malaman ang aming pag-uwi. Tingin ko ang alam nila eh pinupulot ko ang salapi dito. Teka bakit nga ba ganun hano? pag alam nila na naka-abroad ang isang tao iisipin ng iba mayaman at kumikita ng pounds or dollar. Pero ang totoo niyan, sa taas ng cost of living kung saan kaming mga overseas pinoy at pinay ay naroroon ay ganun din kataas at kamahal. Yun nga lang ang kaibahan, dito sa UK kung saan ako ay naroroon, kahit papaano hindi mapolusyon. Walang basura sa gilid ng daan. Walang mga batang-yagit na nangangalabit sau para humingi na mamera. At walang tricycle na halos sunugin ang baga mo sa kapal ng usok. Minsan pag naikukumpara ko, mas secure talaga ako dito. Ihiwalay na natin ang financial matter dahil sa bagay na yan ako ay tagtuyot hehehe.. Pero dito kasi wala nman akyat bahay. Ang mga kapitbahay ko nman ay sadyang mababait kahit na tulig na tulig sila sa aking pagkanta paminsan minsan. Hindi nga lang kainaman ang panahon lalo na pag taglamig pero at least hindi ko mararanasan dito yung meron ibang taong nakakapasok sa loob ng bahay mo ng di mo nalalaman. Katunayan nga niyan, 4 days and 3 nights akong mag-isa dito nung nakaraang May 23. Kasi nga si Habibi ay  napunta sa London at dahil kami nga ay uuwi, minabuti ko na lang magpaiwan. Aba, nun ko ulit naranasan makahinga ng maluwag at walang iniisip na ipaghahanda ng pagkain.

 

 

Neway, mabalik tayo sa lihim. Eto ngang lihim na trip namin to Pinas ay hindi na nakaya pang ilihim. Dahil nnga sa mga pagkakataon na madalas kami ay nadudulas at isama mo na rin yung excitement na nararamdaman namin ayy tinawagan na nga nitong si Habibi si Inay. At hayun, ang lihim pala talaga ay hindi nananatiling lihim. Naisip ko nga rin na mainam na rin na sabihin ang aming pagdating kesa nman sa dumating kaming waang mag-asikaso sa amin. Di ba? lahat kasi ng kapatid ko ay mga bulugan. kaya nman hindi ko inaasahan na maghahanda nga sila sa aming pagdating. Alam ko dahil nung minsang ako eh me sakit at hindi makabangon, ni hindi ako inalagaan ng aking kapatid hehehe.. Iniisip niya siguro na ako ay nag-iinarte pero ang totoo daig ko ang nagpaikot ikot ng sampung beses sa roller coaster sa hilo na nararamdaman ko. Yun nga at ng pagdating ko sa hospital, 90-60 na pala ang blood pressure ko. Toink! Mahihilo nga pala talaga hehehe..

 

 

15 days to go at nasa Pinas na nga kami. hindi ko pa alam kung san kami gagala sa loob ng 4 weeks pero yung 7 days siguradong alam ko na. hehe

 

 

Pero para sa ibang nasa ibang bansa at gustong magsiuwi, lalo na at first time niyong uuwi ng Pinas, ngayon pa lang ay mag-ipon na kau. wag nio akong gayahin na nagpabigla-bigla at ngayon ay namomoroblema sa ipapasalubong. Para sa kaalaman ng lahat, hindi pala madali ang umuwi hehe. Siguro matatagalan ulit ang aming pagbalik pagkatapos neto. O sia.. Magandang pagbati sa lahat ng nakibasa.. Salamat sa lahat na nagpabalik-balik para bassahin ang blog ko na walang update ni isa.. ngayon pa lang hekhekhek…

LinkWithin

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin