Sa totoo lang ha, ang tamad tamad ko talaga lately. Parang binabawi ko yata ang pagod ko nun nakaraang dalawang buwan. Kung dangan nman kasi naumpisahan pa itong pag-rerepair at pag dedecorate ng bahay, yan tuloy hindi ako maka agwanta.
Neways, cge eto ang una kong pasilip sa aking mga pinaggagagawa lately. Isa lang muna kasi kelangan pa ng finishing touches nito. Mejo magulo pa nga ito eh hehehe..
Ito ang itsura nung hindi ko pa inuumpisahang pakialaman ang pagreredecorate ng aming room. Ang walls ko ay plain cream paint lang. corner computer table na hindi akma sa kuarto at meron pa akong ilaw-ilaw sa aming ulunan. Para romantic tuwing malamig ang gabi hehehe. Yung itaas ng aking wardrobe eh puno ng kung ano-anong kahon.
Eto nman ang aking newly transformed bedroom. (transformed daw?) hehe.. winolpeyper ko lang nman ang aking buong kuarto pero itinira ko yung sa gawi ng aming ulunan para meron nman akong feature wall. Yun daw ang tawag dun. At dahil mejo madilim ang kulay na napili ko, at choice din ni habibi eh naglagay ako ng isang mejo malaki-laking salamin para magbigay ng liwanag sa room.
Ang room na to eh pinaghirapan ko kaya proud ako sa aking ginawa kahit hindi pasok sa inyong panlasa. Pero tumatanggap nman ako ng criticisms o suggestions para mas lalong gumanda ang aming pugad ni habibi. O diba?
Ang aking wardrobe ay mas makulay. Ang dahilan eh ang magic varnish. Kaya kung kayo eh meron mejo luma, lumang furniture, bumili ka lang ng barnis para magmukhang bago. Yun taas nito eh ginawa kong pugad ng aking stuffed toys. kulang pa nga sa kabila kaya inilagay ko na lang ang aking mga koleksyong angels.
Ang aking kubre-kama eh nabili ko sa Pound stretcher for £14.99. mura na kumpara sa iba na halos triple ang presyo. Pinatungan ko sia ng Throwover set na katerno ng aking wall. Perfect di ba?? So ang kulang ko na lang eh Kurtina. Pero nag iisip pa ako kung anong kulay ang nararapat. Gusto ko sanang light color un nga lang tabing daan kasi ito. Ayoko nmn na kapag nagsindi ako ng ilaw eh nakikita ang anino ko sa bintana. Parang yung nagsasayaw ng careless whisper hehehe.. Kaya ang plano ko ay black out curtain o di kaya black out blinds na katerno ng motiff ko at white curtains para mging maliwanag nman pag araw.
O eh ano kaya sa tingin mo? ok na kaya ito?