Kahit natulog ako na Zigzag ang hugis ng nguso ko sa nakakaimbyernang lunes eh nagkaroon naman ng umagang kayganda sa araw na ito. Halata ba? hehehe Eh kasi nga last weekend ng makausap ko ang aking new found friend na si Mary Joy, inintroduce nia ako sa online pinoy shop kung saan makakabili ng mga fresh filipino foods at ibang pang products na miss na miss ko na talagang gamitin. Ang totoo niyan, meron nman akong online store na binibilhan pero kadalasan puro ingredients lang. Eh hindi naman pupuwedeng the same recipe ang filipino foods na ilalaman ko sa aking sikmura araw araw hano. Kaya nman tuwang-tuwa ako ng dumating ang parcel kaninang umaga. Hay, sa sobrang excitement di ko napicturan ng buksan ko.
Iditetalye ko na alng ang nabili ko ha. Voice, Red Horse ( request ni Habibi yan), Papaet, Longganisa, Tocino, Bopis, Bangus Belly, Adobo Marinate ( silver Swan), Chicken Sausage at kung ano ano pa na hindi ko na maalala. Balak ko nang bumili ng ng mga gulay kaso hindi ko sure kung maipapadala nila thru parcel force no. Kaya pupuntahan ko na lang sa katapusan ng Mayo para mapili ko lahat ng gusto kong bilhin. hehe teka bago ko makalimutan, heto’t maglaway ka muna dito sa aking masarap na agahan. Engrande yan … tamang-tama hindi ako kumain ng kahit ano kahapon lol!
O diba ang bongga ng umaga ko.. ? Ang sarap sarap nga eh .. Yun longganisa kasabay ng sariwang kamatis at ang bangus belly sinawsaw ko sa sukang maanghang.. huwaw!!!
alam mo mas masarap yan kung andun ka sa bukid tapos ang kanin mo e yung bagong bigas na bagong ani lang di ba, ang sarap...
ReplyDeleteang maganda lang dyan sa inyo e kahit na malayo ka sa pinas nakakakain ka pa rin ng mga pinoy food, ganyan kayo ka swerte. samantalang yung mga bata dito sa atin na di naman ganun pinalad sa buhay e andun sa pasilyo ng isang gusali at namumulot ng makakain...kinonsensya pa ano? hahahaha.. wala lang naalala ko lang tita..kamusta ka na pala?
oo nga naiisip ko nga lagi un .. kaya nga lahat ng niluluto ko eh kinakain ko. nakakapanghinayang kasi.. Dito ang Briton pag pinaglagyan mo ng pagkain sa pinggan kahit tatlong butil na lang ng kanin ang natira sa plato hindi pa kakainin pag idineklara nilang busog na sila. Kaya minsan nagagamit ko yang sinasabi mong mga batang hindi makakain sa pinas.
ReplyDeleteBonggang bongga talaga! Dami ulam ha! takaw! hihihi!
ReplyDeletedi nman anney.. konti lang hehehe
ReplyDelete