6 May 2010

Unang Pasilip

Sa totoo lang ha, ang tamad tamad ko talaga lately. Parang binabawi ko yata ang pagod ko nun nakaraang dalawang buwan. Kung dangan nman kasi naumpisahan pa itong pag-rerepair at pag dedecorate ng bahay, yan tuloy hindi ako maka agwanta.

 

Neways, cge eto ang una kong pasilip sa aking mga pinaggagagawa lately. Isa lang muna kasi kelangan pa ng finishing touches nito. Mejo magulo pa nga ito eh hehehe..

 

IMG_0113 Ito ang itsura nung hindi ko pa inuumpisahang pakialaman ang pagreredecorate ng aming room. Ang walls ko ay plain cream paint lang. corner computer table na hindi akma sa kuarto at meron pa akong ilaw-ilaw sa aming ulunan. Para romantic tuwing malamig ang gabi hehehe. Yung itaas ng aking wardrobe eh puno ng kung ano-anong kahon.

 

DSC_2310

DSC_2321

Eto nman ang aking newly transformed bedroom. (transformed daw?) hehe.. winolpeyper ko lang nman ang aking buong kuarto pero itinira ko yung sa gawi ng aming ulunan para meron nman akong feature wall. Yun daw ang tawag dun. At dahil mejo madilim ang kulay na napili ko, at choice din ni habibi eh naglagay ako ng isang mejo malaki-laking salamin para magbigay ng liwanag sa room.

 

Ang room na to eh pinaghirapan ko kaya proud ako sa aking ginawa kahit hindi pasok sa inyong panlasa. Pero tumatanggap nman ako ng criticisms o suggestions para mas lalong gumanda ang aming pugad ni habibi. O diba?

 

Ang aking wardrobe ay mas makulay. Ang dahilan eh ang magic varnish. Kaya kung kayo eh meron mejo luma, lumang furniture, bumili ka lang ng barnis para magmukhang bago. Yun taas nito eh ginawa kong pugad ng aking stuffed toys. kulang pa nga sa kabila kaya inilagay ko na lang ang aking mga koleksyong angels.

 

Ang aking kubre-kama eh nabili ko sa Pound stretcher for £14.99. mura na kumpara sa iba na halos triple ang presyo. Pinatungan ko sia ng Throwover set na katerno ng aking wall. Perfect di ba?? So ang kulang ko na lang eh Kurtina. Pero nag iisip pa ako kung anong kulay ang nararapat. Gusto ko sanang light color un nga lang tabing daan kasi ito. Ayoko nmn na kapag nagsindi ako ng ilaw eh nakikita ang anino ko sa bintana. Parang yung nagsasayaw ng careless whisper hehehe.. Kaya ang plano ko ay black out curtain o di kaya black out blinds na katerno ng motiff ko at white curtains para mging maliwanag nman pag araw.

 

O eh ano kaya sa tingin mo? ok na kaya ito?

9 comments:

  1. wow ang bongga nya ha! I love every inch of it..di lang ako mahilig sa purple, but it looks really nice. Sa bintana mo naman eh maglagay ka na lang ng sheer sa gitna pero may makapal sa magkabilang gilid, kapag gabi eh isasara mo ang makapal na curtain, sa umaga naman eh yugn sheer mo ang nakaladlad, para di ka mag mukhang careless whisper. oh di vah??

    ReplyDelete
  2. Isa un sa mga naisip ko.actually my voile curtain n yan. Ok n rin sana yan curtain ko pero sabi ni jamie mas ok d
    aw humanap ako ng mejo may touch of aubergine para tumerno.kaya mag aabang ako sa pound stretcher ulit.

    ReplyDelete
  3. Looks great! Galing mo mag interior design. Purple is my daughter's favorite color.

    ReplyDelete
  4. Ang ganda ng pugad nyo ni habibi mo,sistah Eds!Maganda ang pagkaka-ayos mo lalo na with the colors,sexy ang dating ng kulay nya^_^

    ReplyDelete
  5. Hello Carmen .. thank you sa compliment.. I dont really like purple pero when I was painting my feature wall and bought the matching wall paper na-excite ako. I have them all matching. But still need to do some finishing touches. kelangan pa ng carpet :)

    ReplyDelete
  6. Ate Izza, naku thanks .. buti na lang nagustuhan nio ang aking ayos hehehe.. this is my first attempt to decorate kasi. Im not that good pero gumana kahit papano ang aking imagination hehehe.. thats because of my mom in law.. Happy Mothers day sa inyo :)

    ReplyDelete
  7. Huwawwwwwwww ang laki ng iginanda ha! Kala ko nga kung saang hotel na yan e. hehehe! May talent ka pala sa pag de decorate ha!

    ReplyDelete
  8. anney meron nman ako talent konti nga lang.. hehehe mas talented ka :D

    ReplyDelete
  9. i love it. Beautiful bedroom!Purple is my favorite color where infact on my wedding...my bridesmaid had a purple dress.

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin