18 Mar 2009

Paniniwala ko o paniniwala niya?

Hmmp.. Napakasakit ng bunbunan ko ngayong araw na ito. Hindi ko alam kung epekto ba ito ng pakikipag argumento ko nun nakaraang gabi kay Habibi patungkol sa Bibliya o ano. Pero mukhang malamang sa sumakit ang ulo ko dahil napuyat ako sa pagdedepensa sa aking paniniwala.

 

Naalala ko ilang buwan na ang nakalipas ng bumista ang kaibigan ni habibi na kilalanin na lang natin sa tawag na Mr. D. Hehe.. Eh kasi ba nman three days nag-stay dito. Ayos nman ang kanyang pagbisita. Wala silang ginawa ni habibi kundi magpustahan sa Wii sa larong PGA 09. o di nga ba sa larong wii eh para din silang totoong nag-go-golf. eto na, madalas sa abutin kami ng 3am sa pagkkwentuhan at paglalaro. At take note KAMI. hehe kasama ako kasi nga hindi ko nman ugaling di na lang pansinin ang bisita. siempre kahit papano eh bumababa din ako mula sa aking lungga at naghahanda ng pagkain at nakikipagkwentuhan.

 

Nung kanyang huling araw, napagdiskusyunan namin ang tungkol sa pananampalataya. Si Mr. D para sa kaalaman ng lahat ay hindi naniniwala sa Diyos. Bagama’t alam ko na na ganun na nga ang kaniyang paniniwala eh naging mapagmasid at maayos na tagapakinig ako habang sila ni habibi at nagaargumento.

 

Sabi ni Habibi, ilang beses na nilang pinagtalunan ang tungkol dito. Na ang Diyos ay hindi nag-eexist. Sa patuloy na pagdidiskusyon, hindi ko na kinaya ang mga sumunod na pangyayari. Nagpanting ang aking tenga ng ako ay tanungin niya nang,

Ikaw ba Edna, naniniwala ka ba na may Diyos? Sabihin mo sa akin na hindi.. Pakiusap … (translated sa tagalog )”

Naniniwala ako na may Diyos “ Maikli kong pahayag na talagang seryoso.

Naniniwala ka na ginawa ng Diyos ang Langit at lupa? ang lahat sa mudo sa loob ng anim na araw at sa ikapitong araw ay itinalagang araw ng pamamahinga?” tanong niya muli.

Naniniwala ako..  “ pahayag ko ulit.

Paano ka nakakasiguro na Diyos nga ang gumawa ng lahat ng iyan pati na ang lahat ng bagay na nabubuhay sa mundo. Na Diyos nga ang nagbigay buhay sa tao?…Paano pag kayo ay nagkaanak? Yan din bang paniniwala mo ang ituturo mo sa kanya?” tanong niyang walang katapusan.

200% .. Kung ano ang paniniwala ko yan dina ng ituturo ko sa mga anak ko. Dahil yan ang nararapat…” matigas kong sagot

Kawawa nman ang magiging anak niyo. Gagawin mong miserable para lang paniwalaan ang Diyos na hindi nman totoo.. Aalisan mo sila ng karapatan na paniwalaan ang tama.. “ sagot ni Mr. D.

Napipikon na ako sa mga huli niyang mga katanungan na tingin ko ay talagang sinasadya niya upang ako ay inisin. Ipinipilit niya kasi ang kanyang paniniwala sa Evolution of Man ni Charles Darwin. Pero hindi ako naniniwala sa syentipikong paliwanag na ang tao ay nagmula sa isda o sa unggoy. Matatag ang paniniwala ko na Diyos at tanging Diyos lamang ang nagbigay buhay ng lahat sa mundo. Tinanong ko siya…

 

Paano ipapaliwanang ng siyentipiko ang lahat ng buhay na meron sa mundo? bakit may hayop ? bakit may mga halaman? bakit may mga tao? bakit may kanya-kanyang kapasidad ang utak ng bawat buhay na ito? “ Yan ang tanong ko .

“… At paano mo ipapaliwanag ang mga pagkain na ipin-rovide ng panginoon para sa atin. Ang ibat-ibang klase ba ng prutas na makikita mo sa gubat ay kaya bang patunayan ng iyong teyorya?” Pahabol na tanong ni Habibi.

batid kong hindi niya masasagot ang lahat ng balik-tanong namin sa kanya dahil alam kong tanging Diyos lang ang makakapagpaliwanag ng lahat. Ngunit bigla niyang sinabi..

kapag nasalubong ko ang Diyos na pinaniniwalaan niyo sa daan o kahit saan, mabilis kong ipupukol ang palakol sa kanyang ulo…” yan ang mabangis niyang pahayag.

Hindi ko na talaga kinaya ang pambabastos niya sa Diyos sa mga oras na iyon. Hindi ako Katoliko at hindi ko alam kung ano ang relihiyon mayroon ako sa oras na ito pero alam kong merong Diyos. At siya ay kinatatakutan ko. Kahit na sabihin natin na hindi ko SIYA nakikita at hindi lahat ng hiling ko ay natutupad. Kahit na binibigyan niya ako ng problema, kakapit lang ako sa KANYA.  Ito ang dahilan kung bakit kahit hindi akon isang Katoliko ay pinipilit ko na huwag makalimot. Hindi ko man perpektong nabubuo ang simba sa loob ng isang taon pero ako ay pumapasok sa Simbahan ng Katoliko dito sa aming Village para magpasalamat sa lahat ng ibinibigay niyang tatag ng loob sa akin dito sa banyagang lupain.

 

Pero ang sumunod na nangyari, bigla kong naramdaman masakit ang loob ko. Bakit kailangan niyang bastusin ang paniniwala ng iba? Kung hndi siya naniniwala, bakit kailangang inisin at tratuhin niyang parang hayop ang Diyos na pinaniniwalaan ko simula’t sapul pa?

 

Natagpuan ko ang aking sarili na umiiyak sa kuarto namin ni Habibi. Iyak ako ng iyak na parang ako ang sinasabihan niya ng masasakit na salita. Hindi ko alam pero ang sakit talaga ng loob ko. Ilang oras kong dinamdam ang argumento na iyon. at Hindi na ako lumabas mula noon makapasok ako sa kuarto hanggang sa nakauwi na nga sia sa kanyang sariling bahay. Mula noon hanggang ngayon, wala na kaming balita pa sa kanya. Yan ay desisyon na rin si Habibi upang hindi na magulo pa ang aming isipan sa katotohanan na aming kinamulatan.

 

Kagabi, nabalik sa dati ang aming argumento ni Habibi. This time, ang diskusyon namin ay nauwi sa Bibliya. Na ayon sa kanya, siya ay naniniwala sa Diyos pero hindi sa nasusulat sa Biblia. Ang sabi ko nman masyadong malawak ang talakayan pagdating sa bibliya. Maraming tao na rin akong kilala na madalas pagtalunan ang paniniwala at ang laman ng Bibliya pero ang sabi ko sa kanya bago mauwi sa kung saan ang pagtatalo namin, Ipangako niya na kahit na anong mangyari, iisang Diyos pa rin ang paniniwalaan niya. Ang Diyos na kinamulatan ng bawat tao.. ng bawat nilalang..

 

Marami ring tanong si Habibi na hindi ko masagot pero sigurado ako na nasa tama ang paniniwala ko. Sabi ko sa kanya kung binigyan man siya ng malaking problema ng mga nakaraang panahon na naging dahilank ung bakit kailangan niyang tanungin at subukin ang pananampalataya nia sa Diyos, wag na wag siyang bibitiw. Kahit sabihin nan natin na mejo confusing ang ibang nasusulat sa Bibliya wag niyang alisin ang pananalig niya sa puso niya. Yan lang ang nasabi ko sa kanya kasi nga puputok na ang brain ko sa pagpapaliwanag hehe..

 

Bago ko pala tapusin ang aking post. Para sa kaalaman ng lahat, dito sa lugar kng saan ako naroroon, masasabi kong 80% ng mga tao dito ay hindi na naniniwala sa Diyos na gaya ng kinamulatan natin sa Pilipinas. Kaya sabi ko kay Habibi, kung sakali ako ay magkaroon ng mga chitiking, gusto ko sa Pilipinas sila lumaki at mamulat ng moral values.

 

Teka ikaw? ano ang gagawin mo kapag naka-encounter ka ng kagaya ni Mr. D? Ano ang mafefeel mo pag narinig mo sa kanya ang mga tinanong niya sa akin?

10 comments:

  1. People are entitled to their own opinions and so are you. But if they force me like Mr.D to believe on their belief,that's a totally different story di bah?!

    ReplyDelete
  2. butasin ang ulo nya para di na sya pamarisan pa ng ibang tao....joke lang pero mali naman talaga sya, isipin na lang na pati sya ay likha ng diyos tas ganun ang asala nya di ba? ang sakit talaga sa loob nyang ganyan na diskusyon..

    siguro ang magagawa mo na lang ay ipakita kay habibi mo ang values na natutunan mo sa pinas na kung saan ay buhay ang pananampalataya ng isang tao na di tulad ng sabi mo dyn na 80% na ata ng tao ay di na naniniwala sa diyos..ang sakit naman ng katotohanan na yan pero siguro ay may dahilan sila kaya ganyan ang kani;lang paniniwala..

    igalang mo na rin lang ang kung anong meron silang paniniwala dahil dun sila nabubuhay sa ganung kaisipan..mag aaway lang talaga kayo kung pagtatalunan nyo yan...

    ReplyDelete
  3. ay grabeng kasira ng ulo ng taong iyon...
    di naniniwala na may diyos...
    tao ba iyon lol...
    anong religion ba ng taong iyon...
    wala namang masama kung sabihin natin...
    sa mga anak din ang tungkol sa diyos...
    eh un nga ang turo ng mga pari...
    sa simbahan eh...
    bakit ate anong religion mo po ba...

    ReplyDelete
  4. Kita mo kuya tots, nanggigil ka rin hano? ganyan ang nararamdaman ko sa mga oras na un kaya umiyak na lang ako.. sabi ko na lang sa sarili ko kahit anong mangyari patatatagin ko ang pananampalataya ko sa Diyos na pinaniniwalaan ko.

    As for habibi nman, naniniwala nman sia sa Diyos. yun nga lang mejo confused sia sa nillaman ng bibliya.. ask ko nga sia anong version ba ang nabasa niya? eh sa dami kasi ng version ng bible talgang nacoconfuse ang mga tao.. ganun na rin sa ibat-ibang relihiyon na naitatag sa mundo.

    ReplyDelete
  5. Korek ka ate Clarissa.. I respect nman Mr. D's belief. Sinasagot ko nman ang kanyang mga tanong pero nun sunud-sunurin nia na para bang nasa husgado ako eh ibang usapan na iyon.. Kung ang paniniwala ko sa Diyos na nakilala ko ay babaguhin niya eh talgang argumento to the max kami.. Pasalamat nga lang sia at mejo bobo ako sa english ehhee hindi ko maitranslate ng mabilisan un gusto kong sabihin lol

    ReplyDelete
  6. Hi rose.. sa katoliko ako bininyagan pero nakilala ko ang DIyos sa buhay ko ng kami ay maging brethren ng Worldwide Church of God mula nun elementary ako. But since nawala na sa Pinas un religion ko and binago ang lahat ng policy ng church parang nawalan na ng gana si tatay na mag-attend ng service. Pero un amin namng pananamplataya eh nanatili namn sa puso namin..

    Si Mr. D naman kung tinatanong mo kugn ano ang religion eh sia poat isang pagano hehe... ang lahat halos dito eh pagano.

    ReplyDelete
  7. ay! grabe naman tong Mr D na to! Dapat palakukin nya sariling ulo nya para matauhan sya! Di ka na nya dapat ininis. Kung di sya naniniwala sa diyos e di hindi. Wag na yung kung anu ano pa sasabihin nya. Respetuhan lang yan ng paniniwala.

    ReplyDelete
  8. tama ka anney.. parang gusto ko ngang gawin sa kanya ung sinasabi niya eh.. pero naisip ko Love your enemy. kaya umalis na lang ako bago pa ako hindi makapagpigil at umatungal na lang ng bonggang-bongga sa rum namin ni habibi.. sana lang malaman niya one day na nagkamali sia ng pinaniwalaan. and i think nasabi ko sa kanya na malalaman nila lang na totoong may Diyos sa panahon ng Paghuhukom.. salamat sa pagbisita :)

    ReplyDelete
  9. Hehehe, di ka talaga nakatiis at ibinlag mo ang tungkol kay Mr D huh. OH well, maganda na talaga ang naki clear ang thoughts natin, nakakagaan ng feeling, yeahhh!

    Matagal ko na siyang binura sa aking isip, hahaha! mula ng mag chat tayo ng tungkol sa kanya ,kaya when I read this blag, di na ako masyadong nang galaite na gaya ni Payatot, butasin mo raw ang ulo, ang sakit kaya nun.Hehehe. Oy, di na makatao ang pagbutas ng ulo huh.

    ReplyDelete
  10. pano nmn ksi ate liza nging topic n nmn nmin ni jamie yan nun isang gabi kaya nainis n nmn ako hehe.. naalala ko tuloy si mr d.

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin