1 Mar 2009

Rush na naman!

Hay ang hirap talaga ng nagru-rush palagi! Hmmp... Last week nga ay nag-uumpisa nang magsipagdatingan ang mga tourist dito sa Cemaes bay. At siyempre pa, dahil nga sa iniwanan ko na ang aking unang work sa hotel, tinaggap ko na rin ang maging alipin ng Beach House. Hindi nman kahirapan ang trabaho dun. Kung tutuusin eh Beach House Manager ako hehe.. Kasi nga ako ang mamamahala sa beach house dahil ang talagang may-ari eh sa kung saang lupalop ng United Kingdom nakatira. At dahil ako ang manager, trabaho ko na hawakan ang susi ng mga ito at icheck kung ano-ano ang mga magiging problema. Magsindi ng heater bago dumating ang mga bakasyunista at magpagpag ng mga alikabok sa ibabaw ng lamesa at iba pang kasangkapan. Trabaho ko rin na alisin ang gma nalagas na buhok ng kung sino man ang huling guests na dumating. Boring ano? Pero iniisip ko na lang sa bawat alikabok at buhok na maalis ko meron 15 pounds na naghihintay sa table. Ang paglilinis ko nman eh depende. Pag malinis, leave as it is eka nga. tapos ibubulsa ko na ang 15 pounds sabay daan sa shop para bumili ng sausage roll. No sweat! 15 pounds in 15 minutes hehe

 

Actually kagagaling ko lang sa dalawang beach house ngaun para icheck kung malinis at dun sa isa nman eh para i-on ang mga heater na itinawag sa akin kanina. Yes na nga lang ako ng yes eh kasi ang daming bilin ni kumareng Sue. Tapos eto balik na ako ulit dito sa aming munting tahanan para nman magmadali sa pag-eempake at pamamalantsa ng damit na dadalhin namin papuntang London.

 

Sa totoo lang hindi ako nag-eenjoy sa get-away na hindi ako na-relax. Jusme! Minsan naisip ko mahirap pala ang may-asawa. Kasi nga dahil ikaw ay desperate housewife kelangan lahat ng trabahong bahay gawin mo. Linis, laba, luto, plantsa, tupi huaaaa!! nakakabaliw pala ito? Ayoko na tuloy isipin na sa isang araw eh 1 year na pala kaming married. At kaya kami pupunta ng London eh para i-celebrate ito. Wish ko lang eh mapuntahan namin ang lahat ng lugar na gusto ko mapuntahan sa London no! Ang mahal kaya ng train ticket at hotel. Tapos eto ako nagrurush para gumayak at maglinis ng bahay bago umalis samantalang si Jamie ko eh nakasalampak sa sofa at nanonood ng football! Shocks! Di bale, magtatake na lang ako ng maraming pictures. Baka sakaling pag ginawa ko iyon eh mas maging exciting naman kahit sa larawan lang ang aming munting pamamasyal!

4 comments:

  1. ok naman pala ang gawa mo dyan, 15pound in 15 min, di ba? mgaang naman ang work kaya ok an rin...

    kaka stress ba ng may asawa? lalo mahirap ang wala asawa di ba? mabuti na rin yan kesa naman old maid ka, hehehehe..oi, hapi anniv sa inyo ni jamie at sana, tumagal pa ng mhabang panahon ang inyong pagsasama..

    ingat na lang sa byahe..goodluck

    ReplyDelete
  2. Aba eh mag Kodak to the max ka talaga, para naman masulit ang pag ra rush mo noh! Manager ka na pala ngayon, sarap naman, may work ka, meaning may pounds..wahhhh! ako work ng work, free food at accomodation lang, hehehhee...

    Enjoy yourselves huh!

    ReplyDelete
  3. kuya payatot tama ka jan.. nakaka-stress pero meron kang point.. mahirap din nman tumandang dalaga.. Salamat sa iyong wish para sa amin.. sana magkasama kaming tumanda ..

    ReplyDelete
  4. Ate Liza mahirap din pala ang nagbabakasyon.. butas ang bulsa .. hehehe ok nman pala yun free food at accomodation pero pag work ng work madaya yun hehe.. dapat meron bonus ke kuya rodney ahihi

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin