1 Apr 2009

Happy Birthday Ate Liza!

1_895293841l

Ok.. Ok.. Ok.. Its her Birthday nga! Palalagpasin ko ba naman ang araw na to? Hmmmm…. Nakakaamoy ako ng Mainit-init na pansit, spaghetti at kung hano-hano pang noodles sa lamesa.. ( Tipikal na Pinoy Bday Party!) Siempre lahat ng noddles inilatag sa lamesa hekhekhek.. pamparami daw un ng handa.. Heniway, gusto kong ipaabot ang lubos na pagbati sa aking Pinsan na hindi ko pa nakita sa personal hehehe.. Pero cousin kami ( Beeehh!!) For ate liza,

 

MyHotComments.com

Seryoso na to! Ang bilis talaga ng panahon 16 ka na..( Oiii naniwala! )Pero Insan another year older ka na nman .. Yan ang katotohanan na bagamat hindi natin mapigil eh talagang darating. Lahat naman tayo ay patungo sa pagtanda, ang mahalaga ay nagiging makabuluhan ang bawat araw na nagdaraan sa atin kasama ang ating mga pamilya. At kahit na tumatanda basta bata ang puso at laging nakangiti kahit na merong mga problema paminsan-minsan eh ayos na ayos lang. Kaya ang wish ko na lang sayo ay magandang pangangatawan ( Dahil parating na si kaibigang Rayuma hihihi) at happiness siyempre sa iyong family. Kahit na alam ko naman na haping-hapi ka sa ngayon dahil iyong macucute na chikiting.

MyHotComments.com
Gusto ko na ring i-take ang opportunity na ito para ikaw ay pasalamatan sa lahat ng iyong mga payo at suggestions. Ang lahat ay naappreciate ko, Siyempre nman. Kahit hindi pa kita nakikita ng personal eh parang ang gaan-gaan agad ng loob natin sa isat- isa. Lahat nga ay napag-usapan na natin kahit na mga sikretong malulupit eh napagchikahan na rin natin. Mula sa mga latest showbiz news sa Pinas hanggang sa aking latest movie na nasunog eh napaguusapan pa rin. Ang bibilis nga ng reply mo pag tayo ay magkachat kahit na halos magkasya na ang patagilid na skyflakes sa bibig ni alex kakangawa dahil gustong mag-youtube pero hindi ka nagsasawang makipagtsikahan sa akin. Wala ka ring pinalampas na mga post ko na hindi ka nag-comment. Pati Friendster at Facebook iniisa-isa mo talagang lagyan ng comment hehe.. Naaapreciate ko lahat yun ( Singhot).

Gusto ko rin malaman mo na hindi ka lang isang MABAIT at MAGANDANG pinsan para akin kundi isa ka na ring ATE.. Sister na nga itatawag ko sau bukas eh wuhoo!! At huwag mong isipin na kaya kita binabati ngayon dahil alam kong ikaw ay uuwi sa Pinas at ikaw ay aawitan ko ng Tuyo at daing pagbalik mo dahil yon ay totoo wahahaha.. This time makikiusap ako sau hehe.. Na padalhan mo ako ng tuyo kung sakaling ikaw ay makapagpuslit ng kilo-kilong tuyo at gara-garapong bagoong.. Dahil jan love na kita ate liza hehe. Nung nakauwi si mother dear eh hindi niya talaga ako nakalimutan. Akala ko nga joke joke lang yung padadalhan niya ako ng mga tuyo na yun eh pero totoo pala.. Sana ngayong pag-uwi niya eh hindi talga joke hehe.. Pero teka, bakit ba parang ako ang humihiling? hehe nadala lang po ako ng emosyon. Pero insan, since panahon ng graduation ngayon eh sasabitan kita ng isang kumikinang kinang na Ribbon. Nabasa mo ba yan, WORLDS GREATEST COUSIN? Totoo talaga yan. Kaya kayo ha Dont Ever Break or hurt my Cousin’s Heart or I will Break your face hehe.. Ang tapang hano? Isang bagsak para kay Ate Liza Happy Birthday Again! … Sana ay mabusog mo kamiiiiiii….

 


10 comments:

  1. Pati ikaw nag post din ng about my birthday? Huwaaaa! ang luha ko, bumabalong, ganyan na ba ako ka love ng mga blog friends ko. kakapanood ko pa naman ng Regalo. si ate Vi pinapula ang aking eyes, at pinatulo ang aking ilong. Tapos pagtingin ko sa aking blog, iyak blues na naman.

    Salamat sa pagbati at lalong salamat sa ribbon na kumikinang kinang. Ang ganda. parang ako, hehehe..OY yung mga chikkahan atin eh lagi akong tuwang tuwa, sobrang patawa ka kasi, pareho tayong may sense of humor kaya nagkakasundo tayo, ehehehe. Yung sa tuyo, aba, eh kahit isang kilo, or 2 pa basta kasya sa flat rate ng priority mail box, wohoooo!

    OH eh ate naman talaga tawag mo sa akin, langan namn tawagin mo akong Kuya, oh ha? Saka I can be the sister you never had. Salamat sa pagturo sa akin mag blog ha. I owe you everything, nagkaroon ako ng mga friendship sa blog ng dahil sayo. Thaks din sa mga padala mong sinunog na mga dvd ng movies, lagi akong updated sa mga chikka about Philippines, pati ang movie ni Piolo at Angel na di ko naman alam, tenks...Ikaw ang dapat bigyan ng ribbon na kumikinang kinang. Again, salamat ng marami at sige lika na, kain na tayo ng pansit, hispageti at kung hano hano pang nudels...Love you cuz!!! Mwahhh, tsup at sabay sultop, hehehe..

    ReplyDelete
  2. wwweee!Talagang araw ni Momy Lizagayo!!Kahit saan ako mag-blog hopping ngayong araw na to,cya anglaman!!Mabait kasi s Mmmy Lia e!!Ang dami nyang kaibigan!!
    Ang sweet mo naman,Eds!!\(^0^)/
    Happy Birthday,Mommy Liza!!

    ReplyDelete
  3. hi tita eds, naku kanina ko lang nalaman na bday pala ng mommy ng mga blogger dito sa ere..wala man lang abiso kung saan ba ang kainan para makasama man lang kami, waaaaaaaa, joke...

    seryoso, ang sarap maging kaibigan ni tita liz ano? ay pinsan mo pala sya! kapag dumaan yan sa site mo parang gusto ng gawing post ang kanyang comment sa haba ba naman di ba? happy bday na lang din tita liz at sana ay marami pang kaarawan ang darating at marami pang biyaya..ingatan lang an kalusugan at di na tayo bumabata ha!

    ReplyDelete
  4. hehe ate liza siempre namna pwede ba kita makalimutan? naks .. awhooo!! sarap cguro ng celebration mo jan hano? Naku enjoy mo lang ang celebration ha.. happy birthday ulit!

    ReplyDelete
  5. Tama ka ate issa. naku eto talagang si ate liza mula ng maturuan ko sa blog talagang ginawang araw ang gabi sa pagpopost hehehe.. kasi nga dami nia tsikiting ayan pag me time sia nakaharap sa laptop nia yan .. sana lang ay present tau no? kaso wala nman taung magagawa kundi igreet sia sa blogosphere.. :)

    ReplyDelete
  6. Kuya tots hindi ba nasabi ni ate liza sau un bday nia? o baka nman nasabi nia nakalimutan mo lang hehehe.. sabi mo nga di na tayo bumabata hehe.. Tama ka. Itong si ate liza pag nagcomment gusto gawing post haha.. natawa nman ako dun . salamat sa pagdaan ..

    ReplyDelete
  7. Napaka sweet mo namn eds!Ang picture na pinost pang beaty queen ha! Kaya tuwang tuwa sayo si Liz e.Sigurado na yang tuyo mo! hehehe! Maligayang kaarawan kay Liz!!

    ReplyDelete
  8. Hehe sigurado na yan anney .. hindi na makakahindi si ate liza hihihi.. samalat sa pagbisita anney :)

    ReplyDelete
  9. woi late ata ako dito ah....naka what a nice gesture of you sis...Belated Happy Bday kay Mommy Liz....:)

    ReplyDelete
  10. Hi Dhemz.. talagang hinabaan ko yan para di nia makalimutan ang bilin ko kahit malayo pa hehehe.. at least alam ng buong blogosphere hehe

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin