5 Apr 2009

Pasensiya na..

Naisip ko kanina nung nagblog walk ako eh parang ang lahat ng blagista eh namahinga sa pagbblog. Kitang-kita ko sa list ko kung sino lang ang mga nagupdate ng blog.. at isa ako sa mga hindi hehehe.. Abril na kaya tapos wala pa ako sa mood magpost. Huhuhu.. kasi nman hindi ko alam kung bakit lagi akong inaantok at feeling ko pagkagising ko sa umaga eh hindi pa ako nakakabangon gusto ko na ulit matulog. Ano kaya ang nangyayari sa akin??

 

Eto pa.. kung hindi ba nman ako nerbyusin. Bukas nakatakda ang aking blood test. at dahil hindi nman ako sanay sa mga doktor doktor na yan at lalong hindi ko naranasan ang ma-confine sa ospital eh ako ay takot na takot. Gaano kaya karaming dugo ang kukunin nila sa akin?? takot nga ako matusok ng aspile eh.. pag nga sa bukid natitinik ako eh di ko rin gusto ang feeling yun pa kayang ang talagang goal nila eh tusukin ka at kuhanan ng dugo? hmmp! Pero bahala na! para nman daw sa akin sabi ni habibi.. parang kinurot lang daw ako.. sana nga ganun lang.. tapos after nito next week at another blood test na nman .. huahhh. si doktora talaga parang gusto nila magdonate ako ng dugo ah? Anyway sana ay maging manhid ang aking pakiramdam bukas.. wish ko lang! hehehe

 

101_3216Siempre pa, bilang paghahanda sa aking doctor’s appointment, ako ay kumain ng napakasarap na sinigang. naks.. eto nga ang picture niyan eh .

 

O di ba? maswerte ako na nakasama ako nun minsan na namalengke si loving neighbor sa asian store at naku.. lumuwa talaga ang mata ko ng makakita ako ng bangus.. hehe kaya halos maglumuhod ako today para sa dinner ko kasi ang sarap talaga kumain ng isdang familiar na familiar sa’yo. Tulad nitong sinigang ko. Hindi man ako makahanap ng pechay dito eh yung spinach at chinese cabbage na lang ang isinahog ko. Siyempre pa eh sinigang ko ito gamit ang tubig mula sa pinaghugasan ng bigas. ano ba ang tawag dun? yun kasi ang paraan ng pagsisigang namin sa baryo kaya naisip kong gawin ang paraan ng pagluluto ni mamu.. haha itry mo at masarap .. walang halong biro!

 

Eniway, ako ay matutulog muna at wish me luck tomorrow. sana nman ay healthy pa rin ako. Have a good Holy Week  at pasensiya na rin sa lahat ng mga hindi ko nadadalaw. promise puntahan ko kayo soon.. :)

8 comments:

  1. sige lang magpahinga ka na at para s doktor mo bukas e malusog ka..madali lang naman kuhana ng dugo, tama si habibi mo, parang kagat lang yan ng langgam..walang sakit yan..baka naman tinamaan ka na ni habibi mo? di kaya ganun yon ha? palagay ko buntis ka na nyan, wahahahahahaha

    ReplyDelete
  2. di ka naman buntis tita eds?

    shakkss...ang susyal naman ng sinigang, spinach and chinese cabbage pa ang nilagay, susyal tlga...pero havent tried ang tubig na galing sa pinaghugasan ng bigas..ma itry nga yan at ikakalat ko yang bagong natuklasan kong idea..

    ReplyDelete
  3. naku wish ko nga lang kuya tots .. sana nga eh tinamaan na haha

    ReplyDelete
  4. naku susya na susyal talga ang gma recipe ko dito jez. pag di nman lahat ng rekado ek kelangan mo ng substitute hehe. buti na lang maparaan ang mga pinay hano?

    Etong sinigang pag ginamitan mo ng pinaghugasan ng bigas ay mas masarap hehehe. kung nga meron bayabas dito eh bayabas ang ipinangasim ko o kaya ay santol hehehe

    ReplyDelete
  5. Sarap ng bangus, wahhhh! dito walang tindang bangus sa mga panahong ito eh, kahit sa commissary eh wala rin, gusto ko mag paksiw...

    ReplyDelete
  6. hehe dapat ipaksiw ko yan eh kaso naisip ko sayang ang gulay ko hehehe pero next time magpaksiw nman ako hmmm.. at mag saciadong bangus yummy ...

    ReplyDelete
  7. wow sis..naman..kakatakam naman tong bangus mo...mukang fresh na fresh ah....hehhee...woi magkadugo talaga kayo ni TLiz kasi you cook as good as her...hehhehe!

    woi nako..masarap din to sa paksiw at fried....:)

    ReplyDelete
  8. naku dhemz dahil malaki yang bangus na yan hinati ko. un kalahati eh sinigang ko un kalahati pinirito ko. wala kasi akong siling panigang kaya hindi ako nakapagpaksiw. di bale next time hehehe..

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin