10 Apr 2009

Tamad Mode

Parang ang tamad ko yata lately.. una antok at antok at antok ang kaisa-isang nararamdaman ko. ngayon nman pati pagpopost kinatatamaran ko na rin. tapos pati paghohop nakakalimutan ko pa? epekto kaya ito ng pagkahomesick ( tamang inggit lang sa mga nagbabakasyon ngayong holy week) hehehe. O kabado lang ako sa part two ng blood test at nun isa pang test hehehe.. tingin ko parehas eh (lol). Mahirap talaga pag first time.

 

Kahapon super linis ako ng oven, kusina at iba pa. pero iba ngaun kasi maghapon akong nakatunganga sa harap ng PC. haha ang pahinga ko uminom ng tubig, coke, kape at kumain ng niluto kong meal para sa akin at akin lamang. Si habibi kasi ayaw ng isda kaya nagtiyaga sa pizza-pizza. Eh sayang nman ang nabili kong bangus kung masisira hindi ba?

 

Eto yun nilantakan ko maghapon. Tsaran!

100_3275

Heto ang version ko ng sarsiyadong bangus. Dahil yun kalahati eh isinigang ko  nun isang araw at buong araw ko rin inupakan, eh heto nman ang kalahati. uy, tinernuhan ko pa ng pechay yan o di ba? kasi lagi ko naiisip na kelangan kumain ng gulay dahil kulang na kulang na ako sa mga green leafy vegetables. Hmmp! Kung kelan ako tumanda tsaka ako di nakakatikim ng gulay. Eh nung bata ako dahil walang makain kulang na lang isuga ako ng parents ko sa parang me maisubo lang hehe. In fairness ha, yung kulitis-bukid na matinik, himbabao, ligaw na talbos ng ampalaya, sigarilyas pati na ang ligaw na saluyot ay madalas iabraw ni inay sa bukid. Ang sarap nga nun eh. laging merong ternong inihaw na tilapya o do kaya pag sinwerte dalawa pa ang ulam namin. Yun ay pinangat na biya hehe.

 

\Mabalik ako sa sarsiyado. Sabi ko kay habibi eh tikman niya nman ang dish ko pero ayaw talaga niya at tingin daw niya eh masama ang tingin nun bangus sa kanya. Kung hindi nio kasi naitatanong eh parteng ulo po itong niluto ko hehehe. At ang mga Briton eh hindi mahilig sa mga isda o kahit anong seafoods na meron ulo, buntot at tinik.

Hay naku, sarap ng buhay pero nakakainip pala yung maghapon na nakaupo. May heater sa tabi ko, nakabukas ang TFC na tatlong beses ko yata napanood ang lahat ng programa. Muntik ko na mamemorize yun mga linya ni Judy Anne Santos sa Maala-ala mo kaya. Boring hano? Ganun pa man, eh tinatamad pa rin akong gumalaw-galaw hehe.. Eto nga 2:30 am na nakaharap pa ako sa computer. lol Kelan kaya babalik ang dating eds? Eds! Nasan ka ba?

8 comments:

  1. okay lang yan tamad mode lalo na kapag nabakasyon ka ng matagal.Ganyan din ako eh.

    Mukhang masarap iyang sarsiado mo huh.Ang ulam namin ngayon ay Pesa kasi Biernes Santo..

    ReplyDelete
  2. aba, matulog ka na at baka mahirapan ang baby sa sinapupunan mo nyan..mabalik ako sa gulay e ganun din ako nun sa bukid, kulang na lang din e nakasuga ako sa tabi ng mga talbos, isa na dun ang malunggay, sili, kangkong, papaya, unti, puso ng saging tapos gagataan mo yon, naku ubod ng sarap..kahit ngayon pag umuuwi ako sa amin ipinagluluto ako ng mga kapatid ko dahil alam nila na sanay ako sa gulay..at yon lng din ang ulam ng panahon na yon na bata pa ako..

    ReplyDelete
  3. HHoooiissstt!!Tulog ka na!!Samantalahin mo na lang ang minsang nabo-boring ka--pag meron ka ng alaga dyan,sa ayaw mo man o hinde,magiging busy ka rin!^_^Gusto mo ipahiram ko sa yo mga chikiting ko para may gawa ka?Hinde ka ba dyuntis?

    ReplyDelete
  4. Hi peachy, kaya nga ako ay nakikiisa sa biyernes santo hehe

    ReplyDelete
  5. Kumusta nman ang baby sa sinapupunan? hehehe kuya tots wala pa ngang baby eh..Wish ko lang :D

    Yang mga gulay na yan talaga nmang yan ang nammiss ko. ganun pala yun. pag nasanay ka talaga sa mga simpleng ulam mamimiss-at mamimiss mo talaga..

    ReplyDelete
  6. Ate issa hindi pa ako jontes hehehe.. pahiram ng chikiting mo hehe parang ang sarap nilang kalaro kahit makkukulit at malilikot minsan hano?

    ReplyDelete
  7. wahahahah tita eds. epekto nga yan ng samu't sari mong nararamdaman. okei lang maging tamad paminsan minsn huwag lang forever,,hahahaha

    nitong mga araw, puro isda gulay, isda gulay ang kinakain...pero oks lang. healthy food naman...

    tama, nakabakasyon ako, pero pinilit ko pa rin dumalaw. di makatiis eh..eheheheh

    ReplyDelete
  8. Naku kala ko dyontis ka na! Ito talaga si payatot hehehe! Na excite pa naman ako! hay naku minsan talaga dumadating sa buhay ng mga bloggers ang tamad mode. ako din namn ganyan minsan. kumain ka na lnag muna n kumain! sarap ng niluto mo a!

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin