There you go! Presenting Thomas David.. Welcome to the Christian World. Siya nga at walang iba ang anak ng pinsan ni habibi na bininyagan last weekend. Ang cute niya noh? Grabe itong bata na to. Kahit san ipasa ng mommy nia hindi talaga umiiyak. Prang yung pamangkin ni Jamie. Gusto ko na tuloy isipin na lahan ng baby dito eh matahimik. hehe Kumpara kasi sa mga pamangkin ko eh puro sampu at kaputol na iyakin.. Toink! Kaya ang mga mommy nila eh halos hindi makatulog sa gabi. O ni hindi man lang makalibot ng matagal sa ibang bahay kasi nga eh nag-aalburoto ang mga tsikiting. O eh bago ko makalimutan, yung babae sa kaliwa ay lola ni jamie. We call her Nanna. ( Sagwa sa tagalog yan hehe kaya wag mo i-translate) Ang ibig sabihin nun eh grandmother or sa madali’t sabi, Lola. Yung nasa Kanan nman ay ang aking Mother in law. O di ba? terno ternong blue and suot nia. pati tights ma-mlu-mlu. hehe. Kuha ito sa isang posh pub na ang president ay dili’t iba kundi ang uncle ni habibi.
Saturday evening kami nag-travel papuntang Wirral England. Maganda ang panahon at ang araw ay halos parang alas nuwebe ng umaga sa pinas. Pagdating namin, sumabak agad kami sa panonood ng Eurovision Singing Contest 2009 kung saan lahat kami ay naging hurado sa lahat ng contestant ng buong Europa. Big deal kasi itong contest na to lalo na sa kapatid ni Jamie na walang pinalalampas na episode nito. so, gamit ang papel at ballpen, nakilista na rin ako ng gma bansang kalahok at ngbigay ng puntos sa mga contestant na tingin ko eh merong may pinakamagandang kanta. At Bingo! Ang nagaustuhan ko nga eh ang bansang Finland. Pero ang siste, hindi pala sa ganda ng melodiya, composition at catchy na tunog binabase ang mananalo kundi sa boto ng iba’t ibang bansang kalahok. Ano ba yan! balewala pala ang aking pagbigay ng puntos hano dahil Political voting din pala nauwi ang labanan. Kung saan nagkakaroon ng kampihan ang magkakapitbahay na bansa para magkaroon ng mataas na puntos. Ayan tuloy, natalo kami sa aming mga pusta sa betting hehe.. hamo na nga!
Kinabukasan, kahit wala akong ganong tulog eh gumising ako ng maaga para makagayak ako ng bongga. hehe tulad ng naplano ko, kelangan kulot ako sa araw nang binyag. Yun nga lang hindi ko nasunod ang aking planong get-up dahil nga ang lahat pala ay nakasuot ng dress. buti na lang nagbaon ako ng dress. heto o :
Yan ha.. Nagpapicture pa ako hanggang sa tabi ng bin.Sabi ko nga hindi dapat ito ang suot ko pero ang lahat eh nakadress kaya sabi ni habibi ito na lang daw ang suutin ko. Ayoko namang maiba na nman ako. Itong summer dress ko eh pinatungan ko na lang ng blazer. hayan ok naman di ba? kahit maulan eh talagan kineri ko suotin yan. feeling ko nga eh sasayaw ako ng folk dance hehe. pero ang siste eh ako lang nakamahaba. hang iikli ng mga suot nila at labas ang mga puklo hehe. alam nio na siguro ang ibig kong sabihin.
Heto nman ang mga couples of the day. From left, Rachel and John, Habibi and Me, Katie and John. Mahilig sila sa John. Psst Tabi jan hehe!
Siyempre pa kaninan portion. Eto ang Moroney Clan. Meron cgurong 50 visitors sa pub na to kung saan ang lahat halos ay umiinom ng beer. ( tagay Pare!) Ako siyempre hindi ako uminom no. Ganda ng suot ko eh tapos iinom ng beer hehehe.. pang dalagang pilipina ang get up ko no. Kaya kelangan mahinhin. Naks!
Tingin ko nga pagkatapos ng kainan eh naempatso ako. Puro kasi ham, beef, salad at mga pastang matatamis. Ano ba yung sauce na nakain ko sa ham ung mustard. Halos hindi ako makilala ni Habibi ng matikman ko. (Pweh!) ang hirap nman nag inosente hehe.. dami ko pa nman kinuhang mustard tapos ikinalat ko pa sa ham. ang lasa pala eh hindi mo matanto sa anghang. Naku ha, never again! Pero I like the prawn, dipped in mayonaise.
Tapos nagkulitan ulit sa picture .. ayan ang ebidensiya.. ! Tinanong ko si Habibi kung ano ang gamw na to kasi tingin ko eh naglalaro sila ng shotput. haha yun bang metal na bilog na palayuan ng bato. Pero napaisip ako, bakti ang daming bola. Parang billiard nman ang naisip ko kasi meron silang tinitirang kulay dilaw na bola. Ipinaliwanag sa akin ni Habibi, eto pala ang version nila ng bowling. Grandslam daw si nanna dito. Kung paano laruin eh inihahagis lang ang bola at kung sino ang may mas pinakamalapit na pato sa bolang dilaw sia ang winner. Hmm interesting di ba?
Kasama ko si Habibi na nanonood ng larong ito sa labas ng pub. Kasi kelangan nia mag-smoke. Dumating ang Auntie ni Habibi at ang MIL and FIL ko. Tuloy nakilanghap na rin ako ng mga smoke nila ..Pinagitnaan ba nman ako eh di wala akong choice. Hehehe Pambihira no? Khit hindi ako nagsmoke parang naka-apat na stick din ako ng yosi. Pagtapos kong mag-store ng maraming nikotin sa katawan eh lumarga na kami pauwi.
Ang totoo niyan, dapat kinabukasan pa kami uuwi subalit datapwat dahil ang aming pusa ay ibinilin namin kay aling bingi eh mejo minalas ng konti. dahil ang susi na binigay namin ay sukat ginamitan ng pliers, naputol lang nman at naiwan sa aming key hole ang kaputol . Ang kawawang pusa, na dyeta ng hapunan, agahan at tanghalian habang kami ay namumutaktak sa kakakain sa binyagan hehe. Ang problema nman kasi, masyado na yatang mahina si aling bingi at ginamitan pa ng pliers ang aming pintuan. hay naku! Di bale buti na lang umuwi kami. Pagdating namin, kumpleto pa kami sa gadgets kung papaano mabubuksan ang pinto. Para lang malaman sa bandang huli na wala nman pala ang kaputol sa butas . Hay naku ha ang gulo! Naiimbyerna tuloy ako . Sabagay ayos na rin, at least nakapasok kami ng bahay ng walang kaproble-problema maliban sa nagkalat na pagkain ng pusa sa sahig dahil isinulot ni aling bingi sa aming letter box ang mga cat food. Yaiks! Ang sangsang tuloy sa living room :(
Uy ang taray ng get-up natin naka-maxi dress! Kung ako yata ang magsusuot nyan magmumukha akong limang buwang buntis.Sayang lang at di mo naisuot ang plano mo suutin.
ReplyDeletenag mamaxi dress ako kahit malamig hehehe. wuhoo preskong presko hahaha.. pag jan ko sa pinas sinuot yan baka pagtawanan ako hehe
ReplyDeleteang daming ginawa at nangyari sa okasyon ano tita eds? enjoy na enjoy ka ha! ganda ng suot mo para kang maria clara na di madadapuan ng anumang kasalanan...hahahaha....pansin ko rin na mahilig sila sa jhon at buti na lang e di jhon ang ngalan ni habibi ano? kung nagkataon may parada pa ng jhon, waaaaaaaaa....
ReplyDeleteoi, mag alis ka naman ng nicotin at baka ka magkasakit sa lungs, mahirap yan...paano ba naman e singhutin mo ba naman ang usok ng mga yan ...
hehe buti nga hindi naging john. tatay ni habibi john. bf ng kapatid nia john. bf ng pinsan nia john.. asawa ng kapitbahay kong pinay john.. kaibigan ng dad ni habibi john .. huahhh!!! parada nga ng mga john ..
ReplyDeleteat etong pagpupurga ko ng nikotin kahit ayaw kong tanggpin eh parang obligasyon ko nang langhapin. jusmio marimar..
Huwaw naman! mala celebrity ang dating mo sa suot mo! Bonggacious!! O bati na ba kayo ni aling bingi? hehehe! At least nakaisip ng paraan para makakain si pusicat nyo! hihihi!
ReplyDelete