Kasabay ng aking pagbabalik-tanaw sa aking kabataan ay ang aking pag-eemote sa harap ng aking camera. Feel na feel ko ang bawat click at nagpapalit-palit pa ako ng damit hehe.. Parang modelo nman ako sa harap ni habibi habang panay ang lakad ko sa harap niya. Heto ang sampol.
O di ba ? Wa ka ma-say hano? hehe kinulot ko na nman ang sarili ko kasi gusto ni Habibi na curly ang buhok ko.
Pero ang totoo niyan, ako eh naghahap ng maisusuot sa Christening ng Anak ng Pinsan ni Habibi.. Thomas ang name nia at wala pa kaming gift na naiisip bilhin. Yan ay sa darating na a-disisyete ng Mayo. Josme! Alam niyo ba kung bakit ako ay aligaga sa pagpili ng maisusuot? pano nman kasi ayoko na meron silang masabi sa akin hano. Minsan-minsan na nga lang ako dumalo sa mga celebration na gaya nito eh magmumukha pa akong kakaiba diba? Ayoko nman na maiwan kumbaga kasi ang hirap kaya ng ganung feeling? kaya nman operasyon hanap ng maisusuot sa aking wardrobe.
Ang totoo niyan meron akong naorder na simple ankle skinny jeans at snake print top pero nung dumating kanina, akalain ko ba nmang ung smallest size eh pang Braguda ang size. Pagkalaki-laki sa akin kaya inempake ko ulit para i-return. Aba, sayang nman ng ibabayad ko kung hindi ko nman maisusuot di ba? Yung lumang skinny jeans ko na lang ang isusuot ko. Eto yung ilan na natira mula sa apat na naorder ko.
Tsaran!!
Yun top na yun ang nagustuhan ko. hehe. Siempre nag-ayos ako kaagad ang tiningnan kung anong ayos ang babagay kaya nman pati ang aking mga accesories ay nailabas hahaha.. Pwede na kaya yan?
At heto nman ang love na love kong wedge sandals na nabili.. wuhoo.. Clark Leather Wedge Sandals na very comfortable sa paa kahit mejo mataas ng bahagya. Hindi talaga ako matatapilok dito promise hehe! Love it!
At since ready na ako sa upcoming christening, cguro kelangan ko nang mag-spend ng time para nman sa gift na bibilhin hehe.. ano nga kaya? sabi ng mommy nia he loves Thomas and friends character kaya malamang hanapan namin ni habibi ng terno.
O hayan, comment ka nman kung ok lang yang suot ko para sa christening. Hehe yan lang ang nakayanan ng aking budget yahey!
wow ikaw po ba ito ate edz...
ReplyDeletewow ang ganda niyo po pala ehehehe....
nice ng damit mo te....
simple but elegance....
wow ninang siya ^_~
ok na yan tita eds, ang mahalaga lang naman dyan ay may baon kang regalo sa bata..hahahahaha...joke lang ha, pero ok naman na talaga ang ayos na yan kaya sige go na at para makakita ng regalo...
ReplyDeleteoi rose nambola ka pa hehehe.. ganda ng damit hihihi.. salamat sa pagbisita :)
ReplyDeletekuya tots tama ka jan.. yan na talaga ang isusuot ko comfortable pa hehe..
ReplyDeletepa cute ka talaga! hehehe! Ok yan! E baka naman talbugan mo pa yung magpapabinyag? hihihi!
ReplyDeletenatawa ako sau anney hehehe.. obvious bang pa-cute? naku ha pag natalbugan ko sila bahala sila hahaha
ReplyDeleteEh bakit ba naman gusto mo pa mag pa impress sa binyag, eh kahit anong suot mo ikaw pa rin ang pinaka maganda, ganon? ahahaha..la bang pwedeng maibalibag na damit galing UK to US? ehehehehe... Ano ba mga suot ng tao sa binyag? Di kasi ako umaattend ng binyag dito eh. Simple is better di ba? Pero OK naman ang attire mo..Oy, post ka ng pictures after the binyag ha?
ReplyDeleteUy bonggang-bongga ka na naman nyan eds. I love the curly hair dun sa first pics mo.Bagay sa'yo. sana ako din binabagayan ng curly hair.
ReplyDeletehehe ate liza hindi nman pa-impress hehe.. kaso nga kasi dahil iba ang nationality ko madalas naiiwan ako sa isang sulok pag nagkikita-kita sila. gaya nun kasal ko hehehe ang tahimik ko eh kasal ko kaya un hahaha.. pero i like simple din nman siempre ..
ReplyDeleteKahit na anong suot ni Eds eh bagay naman at naayon sa okasyon.At saka outstanding ang beauty ng pinay kaya mapapansin ang beauty mo dyan!^_^
ReplyDelete