Matapos nga ang ilang linggong pagpaplano namin sa aming pag-uwi at pagdeklara na gawing lihim ang aming pagdating sa bandang huli ay maibubunyag din pala. Ang totoo niyan ay wala pa talaga ako sa Pinas at kung bakit hindi ako makapagpost ay sa kadahilanang ang pag-uwi pala nmin ay hindi nangangahulugang kami ay magsasaya na nga. Heto nga at sumasakit ang bungo ko kung paano mapagkakasya ang budget sa pasalubong. Daig pa ang mamamalengke sa tutuban sa dami ng mga bilin ng malaman ang aming pag-uwi. Tingin ko ang alam nila eh pinupulot ko ang salapi dito. Teka bakit nga ba ganun hano? pag alam nila na naka-abroad ang isang tao iisipin ng iba mayaman at kumikita ng pounds or dollar. Pero ang totoo niyan, sa taas ng cost of living kung saan kaming mga overseas pinoy at pinay ay naroroon ay ganun din kataas at kamahal. Yun nga lang ang kaibahan, dito sa UK kung saan ako ay naroroon, kahit papaano hindi mapolusyon. Walang basura sa gilid ng daan. Walang mga batang-yagit na nangangalabit sau para humingi na mamera. At walang tricycle na halos sunugin ang baga mo sa kapal ng usok. Minsan pag naikukumpara ko, mas secure talaga ako dito. Ihiwalay na natin ang financial matter dahil sa bagay na yan ako ay tagtuyot hehehe.. Pero dito kasi wala nman akyat bahay. Ang mga kapitbahay ko nman ay sadyang mababait kahit na tulig na tulig sila sa aking pagkanta paminsan minsan. Hindi nga lang kainaman ang panahon lalo na pag taglamig pero at least hindi ko mararanasan dito yung meron ibang taong nakakapasok sa loob ng bahay mo ng di mo nalalaman. Katunayan nga niyan, 4 days and 3 nights akong mag-isa dito nung nakaraang May 23. Kasi nga si Habibi ay napunta sa London at dahil kami nga ay uuwi, minabuti ko na lang magpaiwan. Aba, nun ko ulit naranasan makahinga ng maluwag at walang iniisip na ipaghahanda ng pagkain.
Neway, mabalik tayo sa lihim. Eto ngang lihim na trip namin to Pinas ay hindi na nakaya pang ilihim. Dahil nnga sa mga pagkakataon na madalas kami ay nadudulas at isama mo na rin yung excitement na nararamdaman namin ayy tinawagan na nga nitong si Habibi si Inay. At hayun, ang lihim pala talaga ay hindi nananatiling lihim. Naisip ko nga rin na mainam na rin na sabihin ang aming pagdating kesa nman sa dumating kaming waang mag-asikaso sa amin. Di ba? lahat kasi ng kapatid ko ay mga bulugan. kaya nman hindi ko inaasahan na maghahanda nga sila sa aming pagdating. Alam ko dahil nung minsang ako eh me sakit at hindi makabangon, ni hindi ako inalagaan ng aking kapatid hehehe.. Iniisip niya siguro na ako ay nag-iinarte pero ang totoo daig ko ang nagpaikot ikot ng sampung beses sa roller coaster sa hilo na nararamdaman ko. Yun nga at ng pagdating ko sa hospital, 90-60 na pala ang blood pressure ko. Toink! Mahihilo nga pala talaga hehehe..
15 days to go at nasa Pinas na nga kami. hindi ko pa alam kung san kami gagala sa loob ng 4 weeks pero yung 7 days siguradong alam ko na. hehe
Pero para sa ibang nasa ibang bansa at gustong magsiuwi, lalo na at first time niyong uuwi ng Pinas, ngayon pa lang ay mag-ipon na kau. wag nio akong gayahin na nagpabigla-bigla at ngayon ay namomoroblema sa ipapasalubong. Para sa kaalaman ng lahat, hindi pala madali ang umuwi hehe. Siguro matatagalan ulit ang aming pagbalik pagkatapos neto. O sia.. Magandang pagbati sa lahat ng nakibasa.. Salamat sa lahat na nagpabalik-balik para bassahin ang blog ko na walang update ni isa.. ngayon pa lang hekhekhek…