2 Jun 2009

Lihim

Matapos nga ang ilang linggong pagpaplano namin sa aming pag-uwi at pagdeklara na gawing lihim ang aming pagdating sa bandang huli ay maibubunyag din pala. Ang totoo niyan ay wala pa talaga ako sa Pinas at kung bakit hindi ako makapagpost ay sa kadahilanang ang pag-uwi pala nmin ay hindi nangangahulugang kami ay magsasaya na nga. Heto nga at sumasakit ang bungo ko kung paano mapagkakasya ang budget sa pasalubong. Daig pa ang mamamalengke sa tutuban sa dami ng mga bilin ng malaman ang aming pag-uwi. Tingin ko ang alam nila eh pinupulot ko ang salapi dito. Teka bakit nga ba ganun hano? pag alam nila na naka-abroad ang isang tao iisipin ng iba mayaman at kumikita ng pounds or dollar. Pero ang totoo niyan, sa taas ng cost of living kung saan kaming mga overseas pinoy at pinay ay naroroon ay ganun din kataas at kamahal. Yun nga lang ang kaibahan, dito sa UK kung saan ako ay naroroon, kahit papaano hindi mapolusyon. Walang basura sa gilid ng daan. Walang mga batang-yagit na nangangalabit sau para humingi na mamera. At walang tricycle na halos sunugin ang baga mo sa kapal ng usok. Minsan pag naikukumpara ko, mas secure talaga ako dito. Ihiwalay na natin ang financial matter dahil sa bagay na yan ako ay tagtuyot hehehe.. Pero dito kasi wala nman akyat bahay. Ang mga kapitbahay ko nman ay sadyang mababait kahit na tulig na tulig sila sa aking pagkanta paminsan minsan. Hindi nga lang kainaman ang panahon lalo na pag taglamig pero at least hindi ko mararanasan dito yung meron ibang taong nakakapasok sa loob ng bahay mo ng di mo nalalaman. Katunayan nga niyan, 4 days and 3 nights akong mag-isa dito nung nakaraang May 23. Kasi nga si Habibi ay  napunta sa London at dahil kami nga ay uuwi, minabuti ko na lang magpaiwan. Aba, nun ko ulit naranasan makahinga ng maluwag at walang iniisip na ipaghahanda ng pagkain.

 

 

Neway, mabalik tayo sa lihim. Eto ngang lihim na trip namin to Pinas ay hindi na nakaya pang ilihim. Dahil nnga sa mga pagkakataon na madalas kami ay nadudulas at isama mo na rin yung excitement na nararamdaman namin ayy tinawagan na nga nitong si Habibi si Inay. At hayun, ang lihim pala talaga ay hindi nananatiling lihim. Naisip ko nga rin na mainam na rin na sabihin ang aming pagdating kesa nman sa dumating kaming waang mag-asikaso sa amin. Di ba? lahat kasi ng kapatid ko ay mga bulugan. kaya nman hindi ko inaasahan na maghahanda nga sila sa aming pagdating. Alam ko dahil nung minsang ako eh me sakit at hindi makabangon, ni hindi ako inalagaan ng aking kapatid hehehe.. Iniisip niya siguro na ako ay nag-iinarte pero ang totoo daig ko ang nagpaikot ikot ng sampung beses sa roller coaster sa hilo na nararamdaman ko. Yun nga at ng pagdating ko sa hospital, 90-60 na pala ang blood pressure ko. Toink! Mahihilo nga pala talaga hehehe..

 

 

15 days to go at nasa Pinas na nga kami. hindi ko pa alam kung san kami gagala sa loob ng 4 weeks pero yung 7 days siguradong alam ko na. hehe

 

 

Pero para sa ibang nasa ibang bansa at gustong magsiuwi, lalo na at first time niyong uuwi ng Pinas, ngayon pa lang ay mag-ipon na kau. wag nio akong gayahin na nagpabigla-bigla at ngayon ay namomoroblema sa ipapasalubong. Para sa kaalaman ng lahat, hindi pala madali ang umuwi hehe. Siguro matatagalan ulit ang aming pagbalik pagkatapos neto. O sia.. Magandang pagbati sa lahat ng nakibasa.. Salamat sa lahat na nagpabalik-balik para bassahin ang blog ko na walang update ni isa.. ngayon pa lang hekhekhek…

11 comments:

  1. uy eds,matagal ka na ngang di nakakauwi. Mataas na ang rate ng mga batang-yagit ngayon.Limag piso na...hehehe.

    ReplyDelete
  2. Kala ko naman e nasa pinas ka na at di ka mahagilap dito sa blog mo. hehehe! At nabunyag na nga ang lihim! Sabihin mo sa mga kamag anak mo na ang pinakamagandang pasalubong mo sa kanila ay ang iyong pagdating! O diba di ka na gagastos? pero tanggapin kaya nila? heheh! siguro namn pwede na sila sa chocolates. wag ka a mamili ng mga masyadong mamahalin para namn may extra money ka pang lakwatsa pagdating mo ng pinas.

    ReplyDelete
  3. hi eds, buti ka pa pupunta ng pinas. at least mkakapiling mo ang pamilya mo sa pinas. kainggit! hayz ako matagalan pa... =(

    ReplyDelete
  4. chus!wala ka pa pala sa Pinas??!!Nag-imagine pa tuloy ako sa pagkikita nyo ni Mommy Liza--parang ako ang uuwi eh no?
    Ganun talaga ang akala ng ibang tao para sa katulad nating nasa ibang bansa.Di nila alam na mahirap din ang buhay ibang-bansa diba?Ako dati nung talent pa ako,nagbigay ako ng pasalubong s mga kapit-bahay ko--walang man lang thank u,ang sabi pa--ito lang?sabay likod sa akin!! kkuuuu!!kakagigill!!pero pag naaalala ko yun,natatawa na lang ang lola mo.
    Don't worry sa pasalubong mo,importante ang time mo sa pamilya mo.Have fun,dearie!!^_^

    ReplyDelete
  5. inggitation naman akuuu....but am super happy for you kse makakasama mo ulit ang iyong fabulous families & friends..thanks for the advice yung mga friends ko nga dito ganyan din, 3 years preparation he he...ewan ko ba, ganyan na talaga eh alam mo naman pag may famiy sa abroad, un lang din ang chance na minsan konting chocolate & pasalubong and am sure they will be grateful (hopefully) kung anuman ang maibigay mo sa kanila..otherwise..deadmarushh!! ha ha..
    so you guys have fun!! am sure ulanin ang blog mo ng mga pictures and wento pag balik mo..

    have a safe and enjoyable trip!

    ReplyDelete
  6. oi paano naman kami? wala ba kaming pasalubong din dyan? joke lang..ganyan talaga ang kala ng iba sa atin na para kang namumulot ng salapi pag ikaw ay nasa ibang bansa kase iniisip nila na marami kang pera at mayaman ka na kaya ganun......

    sige at mag enjoy na lang kayo pag uwi dito at sa wakas ay magkikita na kayo ni tita liz sa hinaba haba ng panahon...akalain mong magpinsan kayo tas dito lang kayo nagkakilala ano?

    ReplyDelete
  7. wow eds! medyo matagal-tagal din pala ang ilalagi mo dito sa pilipinas. tungkol sa tanong mo, maraming mura na pwedeng pag-istayan sa bora. ung samin kasi libre gawa ng nasalihan ko nuon. pero yung friend ko, 1,500 lang room nila nung pumunta sila dun.. same week lang din. yun nga lang.. bka dun ka sa plane ticket mamamahalan. try mo na mag-book ngayon sa cebupacificair.com kasi may promo pa sila ngayon hanggang june 9, bka umabot ka kung may balak ka mag-bora. :)

    ReplyDelete
  8. waaahhhh... am not sure kung pumasok yung una kong comment kaya sulat uli ako. hay.. etong blogger talaga oh, walang "undo"! feeling ko pati comment ko sayo nabura, ang haba pa naman nun. T_T

    anyways, maraming mura pwedeng pag-stayan sa bora eds. ranging from P500-5000 room/night dun. kung balak u pumunta dun, try mo na mag-book ngayon, baka maka-abot ka pa sa promo ng mga fares sa plane. :)

    enjoy !

    ReplyDelete
  9. may meme ako para sayo. I hope u can participate before june 12

    http://blogniako.blogspot.com/2009/06/operation-111.html

    thanks!!

    ReplyDelete
  10. Wow naman at sya pala si Dr.Z! At may balak ka pa talagang makipag eyeball kay Dr.Z ha? hehehe! Buti ka pa binibisita ng mga sikat!

    ReplyDelete
  11. tita edssss!!!
    asan pasalubong kooohhhh..
    (hehehehe)

    san kaba sa pinas at mapuntahan ka..hehee

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin