After more than a month of not blogging, I’m back again .. Kelan pa nga ba ako huling nagpost dito? Hindi ko na rin matandaan.
Anyway, matapos ang mejo mahaba-habang bakasyon ko sa Pinas, balik UK na nman ako. Nun ko tuloy napagkukumpara ang ambience ng Pinas at UK. Ano nga ba ang gugustuhin ko ? Sa Pinas sobrang init na kahit umuulan ng malakas para ka pa ring nasa loob ng pugon. Pero kahit napakainit ( at hindi nman lahat ng masang pilipino kaya maka-afford ng pambayad sa aircon) ang paligid ay masaya pa rin.
Hindi ko nga makalimutan si Habibi nung kami ay nasa Pinas. Lahat ata ng sweat glands nia ay aktibo dahil walang puknat ang pagpapawis. At kung dito hindi mo mapaligo ng araw-araw, sa Pinas hindi mo na kelangang kulitin dahil 3 times maligo ang lolo mo sa sobrang init. Kung bago kami dumating ng Pinas ang bukambibig nia eh
“ Theres no way I can walk around Boracay with no shirt on..”
Kinain nia yang sinabi nia dahil buong araw halos nakahubad at panay ang tampisaw sa dagat. At dahil sa kagustuhang umitim, hindi lang sunburn ang inabot kundi parang natapunan ng kumukulong tubig sa tindi ng sunog sa katawan. Sa totoo lang, Yun ang pinaka-highlight ng aming bakasyon.
Heto ang ilan sa mga pictures from Boracay:
Day 1 – Arrival / Eating and Drinking Session
Day 2 – Pictorial/Kulitan with Family and Friends and some Massage by the beach lol
Day 3 – Its my Birthday! Dolphin/Banana Boat Ride ( Too bad I didn't manage to take a picture of my cake :(
Day 4 – Island Hopping/Snorkeling/Picnic and Swimming with the whole berks and family
Day 5 – is my rest day coz im not to well .. but my family manage to visit Station 1 and took some picture with the Sand Castle.
Day 6 – Parasailing/ Helmet Diving ( The highlight of the Boracay Getaway)
Day 6 – Tequilla Night with my Friend Mich from Italy. One of the best lasingan nights in Boracay. Imaging those pulutan in front of us. Isaw and lechon manok from andoks .. harhar
Day 7 – Uwian na . But we all missed each other after those 7 days of bonding. Gumising nga ng maaga si Habibi on our last day kasi nga he wants to say goodby to Bora Beach. He really enjoyed his stay. Maybe next time, mag-stay kami ng 2 weeks kasi hindi pa raw sapat ang 7 days eh naghirap na nga kami hehe.. Tips for those who are planning to go to Bora, never ever eat on restaurants kasi super mahal.. Tiyaga na lang kau sa Andoks or wendy’s or better yet sa gma turo-turo sa palengke para makatipid. Then spend every penny para matry nio ang lahat ng sea adventures.
Nakakamiss talaga ang Pinas lalo na pag nakikita ko ang mga pictures na kagaya nito. Kahit mejo nasagad ang ipon eh ayos lang. No one can replace the enjoyment we had in Boracay. Hopefully makabalik kami next time ng mas matagal..
Lola, welcome back!! ang taray ng mga pictures nyo sa Bora!! an sexy mo at bagay na bagay kayo ni habibi..susko, ako hanggnag Batangas lang ang narating ko nung nakaraang Summer!
ReplyDeletehehe at first plan nga namin un sa batangas na pinuntahan nio.. panay ang bukas ko ng blog mo nun. pero i realize maybe its time na idala ko ang parents ko sa Bora para matry nman nila sumakay ng airplane o di ba.. and they've enjoyed it nman..
ReplyDeleteAbout Bora, naka-sale ang ticket niyan nun nagpunta kami. around 1,500-1700 pesos round trip so ininvite ko na rin ang mga kaberks hehe kaya nman masaya..
at tulad ng nasabi ko never ever eat on restaurants. pwede ka kumain sa talipapa or sa mga turo-turo para mas matipid. naalala ko tuwing magkakainan eh lagi ako nagugulat pag bayaran hehe..
great Bora pictures :)
ReplyDeleteThanks Bailey for Dropping by.. :)
ReplyDeleteWelcome back,sistah Eds!!Na-miss kitang masyado noh!!Sobrang sosi naman yang getaway nyo dyan--yan ba ang kinapos sa pocket money??!!^_^Di pa nga kami nakaranas mag-boracay eh hanggang cebu lang kami para malapit lol!hhooisst!!mahal bang mag-boracay??nagtanong pa eh!!^_^
ReplyDeletehi ate izza .. yehey dalawa na ang comment hehehe.. anyway about ur question kung mahal magboracay, eh mura lang kung hindi ka mapili. like sa gma resto tulad ng nasabi ko pwede ka kumain sa proper resto once pero sa mga normal days na ung gusto mo lang mapatid ang pagkagutom mo eh sa turo turo o andoks ka na lang kumain. sa titirhan, wag kang kukuha ng cottage sa front beach kasi dun triple ang price. kuha ka sa bandang likod mga 2-5 minutes walk lang nman un. Station 2-3 dun masarap tumambay. sa station 1 ksi ginto ang lahat at mejo sosi. ako naman namahalan lang kasi sagot ko halos lahat un pagkain at un family ko eh dala ko diba.
ReplyDeleteWow Eds, ganda ng mga pictures! I wish i was there, kakaingit.
ReplyDeleteganda talaga ng pinas :) kuhang kuha sa pictures nyo
ReplyDeleteadded you on my site; i hope we can be online friends
RJ's day to day activities
Journal of RJ's mom
tita eds, hindi ko alam kung naiinggit ako dahil pumunta ka sa bora, kasi ako hindi pa nakakaapak dyan eh (hopefully this october..sana!) or siguro naiinggit ako dahil ang ganda ng bulaklak sa tenga mo, di kaya sa mga damit mong suot, ang se-sexy...
ReplyDeletehhmmnn..siguro all of the above
ahay naku jez kung ako sau eh punta ka na sa Bora .. magugustuhan mo dun promise.. actually ako eh start na magtipid kasi we're planning to go back ..
ReplyDeleteBakit yung comment ko eh di na post dito? dinilit mo noh! sabi ko panay ang pa sexy mo dyan, nang iingit ka lang, huwaaaa!!!
ReplyDeletengek.. baka nman hindi mo dito pinost? sa friendster hehe o sa facebook? dami mo kasi inuupdate eh nalilito ka na tuloy. pero wala nman comment na pending..
ReplyDelete