31 Jul 2009

Dating Pangulong Corazon “Cory” Aquino, Patay na!

cory-aquino

Nagulat ako habang ako eh nanonood ng TFC ng mabalitaan kong si Ginang Cory Aquino ay patay na. Siya po ay namatay sa ganap na alas 3:18 ng umaga dahil sa Cardio Respiratory Arrest.

 

March 2008 ng malaman ng sambayanang Pilipino na siya ay nagkaroon ng colon cancer. Nag-undergo sia ng operasyon para maalis ang nasabing cancer at ito ay naging successful nman. Ngunit nagulat ang lahat ng noong June 22, taong kasalukuyan ay isugod muli sa Hospital ang dating Pangulo. Hanggang sa mangyari nga ang kinatatakutan ng lahat ng pamilya partikular na ang bunsong anak na si Kris Aquino.

 

Isa sa pinakamaimpluwensyang tao sa kasaysayan ng Pilipinas ang dating Pangulong Cory Aquino. Ika-labing isang Pangulo at kauna-unahang babaeng naging Pangulo sa buong Asya. Sino ba ang hindi makakalimot sa People Power – Edsa Revolution? malamang halos lahat tayo ay alam ang patungkol dito. Pero nakakalungkot isipin na ang orihinal na Ina ng bansa ay pumanaw na.

 

Para sa Pamilya ni Ginang Cory Aquino, ako ay lubos na nakikiramay. Sana’y mahanap mo ang tunay na kapayapaan kasama ng Poong Maykapal. Mananatili kang ala-ala sa kasaysayan ng Pilipinas.

3 comments:

  1. Let's pray for her...May she rest in peace...
    Nagulat din ako sa news dito na namatay na nga raw si Cory...

    ReplyDelete
  2. talga nman nakakalungkot.. lalo na when kris shared her last few days with tita cory... so kaiyak! alam kong maarte si kris ha pero i can feel her emotions.. tapos when i tune my TFC again the next day parang edsa revolution na namn nun nilipat un labi ni tita cory sa manila cathedral.. nakaka-touch promise how she can unite the filipinos kahit na namatay na sia

    ReplyDelete
  3. siya ay ating tularan kasi siya ang inay ng demokradya ipagpatuloy natin ang kanyang sinimulan.


    lumaban tayo mga pilipino laban........

    ♥denise♥

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin