Gusto kong matawa sa naisip kong title ng post ko. Palibhasa walang letrang umiikot sa kukote ko kundi A-D-I-K. Siempre nman hindi ako adik sa ipinagbabawal na gamot hano.. Kundi adik sa paglalaro. Parang narinig kong sinabi mong :
“ Sa tanda mong yan naglalaro ka pa??””
Eh kumusta nman si Ate liza? hehe ( Kutos ang aabutin ko dito kay ate liza, maniwala ka.) Hay naku di nga ba’t one week ko nang nilalaro ang hinayupak na FARMTOWN sa facebook. Shocks! Maniwala kayo at sa hindi, nakakaadik talaga. Eto nmang si Peachy, lahat ng Farm in-introduce na yata sa amin. Pambihira.. Nagkabuhol-buhol na ang brain ko sa pagchecheck ng aking mga Farm. Hindi lang yun, di pa nga nakakamumog eh nag-fa-farmtown na ako. Maging si Habibi eh na-diet na kakafarmtown ko. At pagsapit ng gabi hihiling pa akong masahehin ako dahil maghapon akong nagfarm town. Eh bakit nga, kahirap kayang mag-araro, magtanim at maki-ani hehehe.. ( Talagang tunog adik na hano?) Eh kung curious ka kung ano nga ba itong Farmtown na to eh Sign up na at magchismisan tayo sa bukid hihihi…Yan lang ang ginagawa nmin ni ate liza halos araw-araw.. Eh maalala ko pa nga nung isang araw eh un hinarvest naman ng mga anak nia ang kanya mga plastic na tanim gawa ng kaka-farmtown. Eh ako nman kaya ano nman ang effect ? Susme, katatayo pa lang uupo na ako. At pag naglinis ako paspas talaga at baka mabulok ang mga tanim kong ubas, raspberries, pumpkins, melon at kung hano-hano pa. Mainip ka ng bahagya, cge at kulitin mo ang palengke ni Tom kung magkano niya bibilhin ang hinarvest mo at kung me ibang farmer na kelangan ng tulong mo. Tsk!Tsk!Tsk!
Minsan nga me nakilala akong pinay na taga-Norway, ang sabi ba nman eh sa harap na raw sia ng PC kumakain at naadik na rin sia. 40+ na kaya ang edad nun nawili rin kalalaro. Eh kumusta nman ang gumawa ng door lock namin ng minsang kumulimlim, hindi naisip kung sia ba eh mababasa ng ulan. Naisip pa ang mga pananim sa Farmtown at jusmio baka raw bagyuhin ang mga ihaharvest nia. Ano ba yan!!!
Kaya sa mga katoto kong hindi ko nabibisita eh pagpasensiyahan nio na kami at kelangan Lumevel up ng mga FARMISTA hehe.. Kahit na nga ba itong aming mga kamay eh mukhang nirarayuma na at ang hintutturo eh nagmasel na talaga kaka-click. Sorry talaga. Kung hindi ko man kau madalaw eh , ano kaya kung subukan niong magfarm town? baka sakaling hini lang ako ang maging adik, pati sia at tayong lahat maging adeeeek sa farmtown.. wuhoo!!
Ate Issa! Gumawa ka ng bagong account at naku maki-uso na! tara na!