7 Aug 2009

Bulaklak

DSC_0342

DSC_0344

DSC_0340

DSC_0343

 

“Bulaklak…. ang ganda ng bulaklak.. ng mga bulaklak…”

 

Senti mode lol! Wala lang! Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganun na lang ang nararamdaman ko today. Parang ang lungkot ng buhay …. Hayz… Siguro dumadating lang sa buhay ng tao na minsan makaramdam ng biglaang pagkalungkot. Oh well, gusto ko lang i-cheer ang sarili ko sa pamamagitan ng paggawa ng post bago pa gumulong ang nag-uunahang patak ng luha sa aking pisngi. Siguro naaalala ko lang ang isang problemang naiwan sa Pinas at isang masamang balita mula sa isang kaibigan. ( Siempre wala namang namatay noh!) Medyo masyado lang kumplikado kung aking hihimayin ang istorya.

 

Anyway, kwento ko na lang kung paanong nagkaroon ako ng mga pictures na ito. I actually took these pictures while we’re in Bora. Hmmm… masyadong na-amaze lang ako kung paano magiging maganda ang kuha sa mga bansot na rosas sa Pinas hehe.. Sa picture pala, hindi naman nakikitang ang mga halaman na to eh nakatanim sa mabato at tuyong lupa na kundi pa uulan eh hindi madidiligan. ( taray!) Pero nakakachallenge lang kung paanong ang pangit ay nagiging maganda kahit sa litrato man lang. Feeling photographer nman ako? hehe Dapat cguro eh magpasalamat ako sa aking sweetheart sa gift nia last bday.. Thanks sweetpeach!

2 comments:

  1. Ano ine emote mo dyan huh? Lungkot ka lang kasi kakadalaw mo sa Pinas, ganon talaga yun. Home sick po yan. Ang buhay naman kasi di laging masaya, syempre dumarating ang lungkot. May magandang karanasan at may pangit din siyempre. Di pwedng puro maganda, mabango at masaya lagi noh! That's the fact of life Misis...Gumising ka! at tingnan mo angkapaligiran, mas maraming taong mas mabigat ang problema kesa sau..Kaya cheer up..Hehehe.. Na post ko na ang basement namin, kaya lika na..pasyal ka na dito, kahit ikaw lang mag isa...

    ReplyDelete
  2. Cheer up dear,Eds!!Naho-homesick ka lang!Punta ka dito sa lugar ng mga sakang at singkit at pumunta ka dito sa amin para mawala ang lungkot mo--stress naman ang papalit sa kakulitan ng mga alaga ko dito lolz!!\(^0^)/Wag ka ng malungkot,dearie Eds!!

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin