27 Apr 2010

Umagang Kayganda

Kahit natulog ako na Zigzag ang hugis ng nguso ko sa nakakaimbyernang lunes eh nagkaroon naman ng umagang kayganda sa araw na ito. Halata ba? hehehe Eh kasi nga last weekend ng makausap ko ang aking new found friend na si Mary Joy, inintroduce nia ako sa online pinoy shop kung saan makakabili ng mga fresh filipino foods at ibang pang products na miss na miss ko na talagang gamitin. Ang totoo niyan, meron nman akong online store na binibilhan pero kadalasan puro ingredients lang. Eh hindi naman pupuwedeng the same recipe ang filipino foods na ilalaman ko sa aking sikmura araw araw hano. Kaya nman tuwang-tuwa ako ng dumating ang parcel kaninang umaga. Hay, sa sobrang excitement di ko napicturan ng buksan ko.

 

Iditetalye ko na alng ang nabili ko ha. Voice, Red Horse ( request ni Habibi yan), Papaet, Longganisa, Tocino, Bopis, Bangus Belly, Adobo Marinate ( silver Swan), Chicken Sausage at kung ano ano pa na hindi ko na maalala. Balak ko nang bumili ng ng mga gulay kaso hindi ko sure kung maipapadala nila thru parcel force no. Kaya pupuntahan ko na lang sa katapusan ng Mayo para mapili ko lahat ng gusto kong bilhin. hehe teka bago ko makalimutan, heto’t maglaway ka muna dito sa aking masarap na agahan. Engrande yan … tamang-tama hindi ako kumain ng kahit ano kahapon lol!

 

DSC_2240

O diba ang bongga ng umaga ko.. ? Ang sarap sarap nga eh .. Yun longganisa kasabay ng sariwang kamatis at ang bangus belly sinawsaw ko sa sukang maanghang.. huwaw!!!

Babalik ka rin…

Wala akong magawa.. sabi ng relo ko ala una- kuwarenta’y kuatro na. Sus! parang bago ng bago sa pagtulog ng late ano.. Ano ba yan, kanina kasi kumukulo ang aking dugo. Ang aking pakiramdam eh gusto ko mamilipit ng leeg. Yung tipong ngaun na. Hay naku buti na lang at nakapagtimpi pa ako ng konti.

 

Eto nga matapos kong magbrowse ng magbrowse, napadpad ako sa aking lumang tahanan. There’s no place like home talaga ano. Ilang beses ko na iniwan tong blog na to eh bumabalik ako ng bongga. O ayan, lagyan ko ng ng post kasi ang latest post ko dito eh nun namaalam ako at nung panahon pa ni Ondoy. Jusmio eh summer na kaya sa pinas? tagal na no?

 

Sige nga… Popost ulit ako ng bongga dito. Tagalog parang un talambuhay ni edna. hihihi.. Parang mas type ko magpost ng tagalog para mas maexpress ko ang aking sarili. Tulad ng kapag ako ay galit, at masaya.

 

O sia, bukas na lang kita ulit bisitahin. paggigisng ko ng alas dose.

LinkWithin

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin