6 Apr 2009

I Love Your Blog Award

Got a tag from Meryll and Ate Issa – One of the best blogger buddies i’ve got here in blogosphere.. Thank you soooo much!

I-love-your-blog

So here's the rules:
1. The winner can put the logo on his/her awesome blog.
2. Link the person you received your award from.
3. Nominate at least 7 other blogs.
4. Put links of those blogs on yours.
5. Leave a message on the blogs of those you’ve nominated!

Sorry for breaking the rules too but anyone grab this tag.. you are all welcome to put this on your blog .. Ciao!

Friendly Blogger Award

Ako’y napa-wow sa Tag sa akin ni Ate Issa naks! Touched nman ako sa Award na to. Salamat ng marami sa pagbibigay sa akin nito.. hehehe friendly pala ako. :D

 

2009_Friendly_Blogger

The Rules

1. Take a Photo of yourself (optional).

2. Do not change clothes,do not trim the hair,the main image is to be captured (optional).

3. Post a picture that is unedited (optional).

4. Post this instructions (required).

5. Tag people to show appreciation to them that touch your heart because of their friendly attitude (required).

 

100_3220

At Dahil ngayon ko lang nabasa tong tag na to, eh ngayon ko lang din nagawa kung saan ang picture ko ay talaga namang mukhang pasyente. Kuha ito after ng aking Blood Test.

 

Now, I’m passing this tag to Meryl, Ate Liza, Anney, Marifen, Jez and sa lahat ng gustong gumawa ng tag na ito. Paki-grab na lang and enjoy blogging!

5 Apr 2009

Pasensiya na..

Naisip ko kanina nung nagblog walk ako eh parang ang lahat ng blagista eh namahinga sa pagbblog. Kitang-kita ko sa list ko kung sino lang ang mga nagupdate ng blog.. at isa ako sa mga hindi hehehe.. Abril na kaya tapos wala pa ako sa mood magpost. Huhuhu.. kasi nman hindi ko alam kung bakit lagi akong inaantok at feeling ko pagkagising ko sa umaga eh hindi pa ako nakakabangon gusto ko na ulit matulog. Ano kaya ang nangyayari sa akin??

 

Eto pa.. kung hindi ba nman ako nerbyusin. Bukas nakatakda ang aking blood test. at dahil hindi nman ako sanay sa mga doktor doktor na yan at lalong hindi ko naranasan ang ma-confine sa ospital eh ako ay takot na takot. Gaano kaya karaming dugo ang kukunin nila sa akin?? takot nga ako matusok ng aspile eh.. pag nga sa bukid natitinik ako eh di ko rin gusto ang feeling yun pa kayang ang talagang goal nila eh tusukin ka at kuhanan ng dugo? hmmp! Pero bahala na! para nman daw sa akin sabi ni habibi.. parang kinurot lang daw ako.. sana nga ganun lang.. tapos after nito next week at another blood test na nman .. huahhh. si doktora talaga parang gusto nila magdonate ako ng dugo ah? Anyway sana ay maging manhid ang aking pakiramdam bukas.. wish ko lang! hehehe

 

101_3216Siempre pa, bilang paghahanda sa aking doctor’s appointment, ako ay kumain ng napakasarap na sinigang. naks.. eto nga ang picture niyan eh .

 

O di ba? maswerte ako na nakasama ako nun minsan na namalengke si loving neighbor sa asian store at naku.. lumuwa talaga ang mata ko ng makakita ako ng bangus.. hehe kaya halos maglumuhod ako today para sa dinner ko kasi ang sarap talaga kumain ng isdang familiar na familiar sa’yo. Tulad nitong sinigang ko. Hindi man ako makahanap ng pechay dito eh yung spinach at chinese cabbage na lang ang isinahog ko. Siyempre pa eh sinigang ko ito gamit ang tubig mula sa pinaghugasan ng bigas. ano ba ang tawag dun? yun kasi ang paraan ng pagsisigang namin sa baryo kaya naisip kong gawin ang paraan ng pagluluto ni mamu.. haha itry mo at masarap .. walang halong biro!

 

Eniway, ako ay matutulog muna at wish me luck tomorrow. sana nman ay healthy pa rin ako. Have a good Holy Week  at pasensiya na rin sa lahat ng mga hindi ko nadadalaw. promise puntahan ko kayo soon.. :)

3 Apr 2009

Rome Part 1

Here’s some of the pictures I’ve taken during our Rome Italy.. Will soon post here other pictures as my Flickr account as I’ve exceeded my limit in uploading pictures.. Censia na addict lang sa picture..

 

1 Apr 2009

Happy Birthday Ate Liza!

1_895293841l

Ok.. Ok.. Ok.. Its her Birthday nga! Palalagpasin ko ba naman ang araw na to? Hmmmm…. Nakakaamoy ako ng Mainit-init na pansit, spaghetti at kung hano-hano pang noodles sa lamesa.. ( Tipikal na Pinoy Bday Party!) Siempre lahat ng noddles inilatag sa lamesa hekhekhek.. pamparami daw un ng handa.. Heniway, gusto kong ipaabot ang lubos na pagbati sa aking Pinsan na hindi ko pa nakita sa personal hehehe.. Pero cousin kami ( Beeehh!!) For ate liza,

 

MyHotComments.com

Seryoso na to! Ang bilis talaga ng panahon 16 ka na..( Oiii naniwala! )Pero Insan another year older ka na nman .. Yan ang katotohanan na bagamat hindi natin mapigil eh talagang darating. Lahat naman tayo ay patungo sa pagtanda, ang mahalaga ay nagiging makabuluhan ang bawat araw na nagdaraan sa atin kasama ang ating mga pamilya. At kahit na tumatanda basta bata ang puso at laging nakangiti kahit na merong mga problema paminsan-minsan eh ayos na ayos lang. Kaya ang wish ko na lang sayo ay magandang pangangatawan ( Dahil parating na si kaibigang Rayuma hihihi) at happiness siyempre sa iyong family. Kahit na alam ko naman na haping-hapi ka sa ngayon dahil iyong macucute na chikiting.

MyHotComments.com
Gusto ko na ring i-take ang opportunity na ito para ikaw ay pasalamatan sa lahat ng iyong mga payo at suggestions. Ang lahat ay naappreciate ko, Siyempre nman. Kahit hindi pa kita nakikita ng personal eh parang ang gaan-gaan agad ng loob natin sa isat- isa. Lahat nga ay napag-usapan na natin kahit na mga sikretong malulupit eh napagchikahan na rin natin. Mula sa mga latest showbiz news sa Pinas hanggang sa aking latest movie na nasunog eh napaguusapan pa rin. Ang bibilis nga ng reply mo pag tayo ay magkachat kahit na halos magkasya na ang patagilid na skyflakes sa bibig ni alex kakangawa dahil gustong mag-youtube pero hindi ka nagsasawang makipagtsikahan sa akin. Wala ka ring pinalampas na mga post ko na hindi ka nag-comment. Pati Friendster at Facebook iniisa-isa mo talagang lagyan ng comment hehe.. Naaapreciate ko lahat yun ( Singhot).

Gusto ko rin malaman mo na hindi ka lang isang MABAIT at MAGANDANG pinsan para akin kundi isa ka na ring ATE.. Sister na nga itatawag ko sau bukas eh wuhoo!! At huwag mong isipin na kaya kita binabati ngayon dahil alam kong ikaw ay uuwi sa Pinas at ikaw ay aawitan ko ng Tuyo at daing pagbalik mo dahil yon ay totoo wahahaha.. This time makikiusap ako sau hehe.. Na padalhan mo ako ng tuyo kung sakaling ikaw ay makapagpuslit ng kilo-kilong tuyo at gara-garapong bagoong.. Dahil jan love na kita ate liza hehe. Nung nakauwi si mother dear eh hindi niya talaga ako nakalimutan. Akala ko nga joke joke lang yung padadalhan niya ako ng mga tuyo na yun eh pero totoo pala.. Sana ngayong pag-uwi niya eh hindi talga joke hehe.. Pero teka, bakit ba parang ako ang humihiling? hehe nadala lang po ako ng emosyon. Pero insan, since panahon ng graduation ngayon eh sasabitan kita ng isang kumikinang kinang na Ribbon. Nabasa mo ba yan, WORLDS GREATEST COUSIN? Totoo talaga yan. Kaya kayo ha Dont Ever Break or hurt my Cousin’s Heart or I will Break your face hehe.. Ang tapang hano? Isang bagsak para kay Ate Liza Happy Birthday Again! … Sana ay mabusog mo kamiiiiiii….

 


LinkWithin

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin