23 Feb 2009

Santino - The Miracle Boy (May Bukas Pa ABS-CBN Teleserye)

maybukaspa

</CENTER>

Ilang beses ko na ring sinusubaybayan sa aking TFC itong Pinoy Series na " May Bukas Pa". Hindi ko alam kung bakit parang ang sarap panoorin ng mga tsikiting na pagkagagaling umarte. Katulad na lang ng " Anghel na walang langit ". Nahumaling din ako sa series na yun. Teka, ano nga ba ang istorya nitong " May Bukas Pa "? Ang pagkakaalam ko base na rin sa mga napanood ko, ito ay istorya ng isang bata na gumagawa ng milagro. Hango ito sa Spanish series na The Miracle of Marcelino. Yan ang pagkakaintindi ko. Ang kaibahan nga lang, ang bida sa Pinoy series na ito ay si Santino at hindi si Marcelino. Ano ba yan naguluhan ka ba?

Bueno, (ayan ha nag spanish pa) itong si Santino ay si Zaijan Jaranilla. Una ko siyang napanood sa GOing Bulilit (isang comedy spoof ng mga bata) na kadalasang gumaganap bilang Boy. Nakakatuwa kasi dahil minsang gumanap siya nito naalala ko ang aking adopted brother. Ganung-ganun kasi magsalita yun nung bata pa siya.

Ano naman ba ang istorya nito? Bukod sa maganda ang theme song ng serye, ang istorya ay napakaganda. Religious theme kumbaga para sa mga nakakalimot sa Diyos. Minsan nga nakaka-guilty pa dahil yung bida sa istorya ang nakakapagmulat sa kagaya ko. Milagro talaga, pinanood ko lang hehe.. Mainam din ito para sa mga anak natin kasi natututo ng ilang mga good values na wala sa ibang programa.

Muntik ko na makalimutan. Si Santino nga pala ay isang batang iniwanan ng ina sa harap ng isang simbahan. Pinalaki ng mga Pari na sina Father Anthony (Jaime Fabregas), Father Jose (Dominic Ochoa) and Father Ringo (Lito Pimentel). Dahil sa ipinamulat ng mga naturang pari kung paano sia napadpad sa monasteryo, naging wikness ng bata ang makita ang kanyang ina. Dahilan na kapag siya at nalulungkot, siya ay pumupunta sa isang bahagi ng monasteryo kung saan merong isang malaking imahe ni Kristo. Ang imahe ay tinawag niyang "Bro". Ang lahat ay nacu-curious siguro kung sino si Bro at dahil sa pamamagitan ng isang mataimtim na mga hiling at panalangin ni Santino kay Bro. Siya ay binigyan ng isang kakaibang misteryo na makapagpagaling ng mga maysakit. Dito iikot ang istorya ni Santino the miracle boy at ni Bro. Gusto niyo bang makita ang trailer? Check niyo ito :

Ilan sa mga bumubuo ng palabas na ito ay ang sumusunod:

  • Zaijan Jaranilla bilang Santino - the miracle boy
  • Albert Martinez bilang Enrique Rodrigo - Ang mayor ng bayan na sadyang sakim sa kayamanan at kapangyarihan. Gusto niyang mapasakanya ang kinatatayuan ng monasteryo. Pangunahing kontrabida sa serye.
  • Dina Bonnevie bilang Malena Rodrigo - Siya ang asawa ni Enrique. Katulad nito, isa rin siyang kontrabida at sakim na kagaya ng asawa. Mahal na mahal niya ang asawa at gagawin niya ang lahat para mapatunayan dito ang pagmamahal niya. Sa isang banda, siya lang ang nakakaalam ng katotohanan sa likod ng pagkatao ni Santino.
  • Precious Lara Quigaman bilang Selda - Asawa ni Mario at nakababatang kapatid ni Malena.
  • Tonton Gutierrez bilang si Mario - isang pulis din nakagaya ni Selda. May isang anak na may malubahang sakit na pinagaling ni Santino.
  • Rayver Cruz bilang Cocoy - isang palaboy na kinupkop din ng mga pari at nagtatrabaho bilang boy at nag-aalaga kay Santino. Love interest niya si Estella.
  • Maja Salvador bilang Estella Roddrigo - anak ni Enrique at malena. Itinuturing niyang nakabaatang kapatid si Santino at mayroong kakaibang istorya sa likod ng magandang koneksyon ng dalawa. Siya ang biological daughter ni Mario.
  • Jaime Fabregas bilang Father Anthony - ang namumuno sa monasteryo. Masungit ngunit nagkaroon ng pagmamahal sa batang si Santino.
  • Dominic ochoa bilang Father Jose - Gumaganap bilang tagaluto sa monasteryo at kinikilalang ama ni Santino.
  • Lito Pimentel bilang Father Ringo - Isa ring tagapag-alaga ni Santino.

Kung ako sa inyo, subukan niyo ring panoorin. Nakakatuwa, nakakaiyak, nakakainis at nakakainlove. Sama-sama na siguro. Sana lang wag nilang masyadong habaan ang istorya. Kasi minsan pag pinapahaba nawawala ang istorya nito at nagiging dahilan ng pagkainip ng mga manonood. Natutuwa naman ako at isa ito sa pinakamataas ang rating na programa ng ABS-CBN. Censia na kapamilya kasi ako hehehe..

Para sa mga gustong manood ng episode nito, try niyo www.pinoychannel.tv. dito ako nanonood minsan.

19 comments:

  1. sinusubaybayan ko din nung mga unang araw ng airing nya, kaya lang medyo naging busy ako sa blogosphere kaya di na ako makasunod sa story nya..

    nagpapaalaala lang ang serye na yan sa mga taong naliligaw ng landas kase nga puro tungkol sa kabutihan ni bro ang kalimitang tinatalakay di ba? magaling din gumanap si santino kahit baguhan sa pag arte..

    ReplyDelete
  2. Aba sinabi mo pa kuya payatot. NUn una ko tong mapanood bulol pa at di ko maintindihan ang salita pero nagiimprove siya araw-araw. Gumagana na ang comment. yehey! salamat sa pagdalaw :)

    ReplyDelete
  3. ganun ba Abou? Naku ako nga rin .. too bad at mamimiss ko sia ng mga ilang araw huhuhu. anyway, itry ko nman sia panoorin sa mga masipag mag upload sa pinoy sites..

    ReplyDelete
  4. hay super ganda sg show na to gabi gabi akung pinapaiyak at gabi gabu din sumasakit ang aking panga, dahil syempre sa pigil na iyak hahaha...

    ReplyDelete
  5. naku talaga nman. baguhan lang tong artista na to pero tingin ko malau ang mararating di ba pretty mom.. salamat sa pagbisita..:)

    ReplyDelete
  6. it never fails to make me cry!

    ReplyDelete
  7. Tama ka jan anonymous.. sana magtuloy-tuloy ang ABS CBN sa paggawa ng mga makabuluhang serye na kagaya nito.. Salamat sa pagdaan :)

    ReplyDelete
  8. Santino Bigay a ulit ng numero sa Lotto

    ReplyDelete
  9. I am an avid fan of santino.
    "It is the duty of the little SANTINO to fling peebles of truth between the eyes of those who have no faith in "bro" or Jesus"

    ReplyDelete
  10. ur right anonymous. Yan din ang dahilan kung bakit ko sinusubaybayan ang porgramang ito. na kahit marami sa nakakasalamuha namin dito sa ibayong dagat ay hindi naniniwala kay BRO, napapalakas talaga ang faith ko sa KANYA dahil sa mga episode na napapanood ko..

    ReplyDelete
  11. IM THE ONE OF FUNS THIS PROGRAM

    ReplyDelete
  12. santino is good boy!!!

    ReplyDelete
  13. i never fails to watch may bukas pa. it always makes me cry. i'm a fan of santino. sana humaba pa ang show. congrat's sa buong staff and crew ang MBP for giving us a heartwarming show.

    ReplyDelete
  14. lagi ako napapahagulgul sa batang yan. ayaw ko nasasaktan sya. npaka bait n bata nya sana pati sa personal ganun sya.

    ReplyDelete
  15. Sana totoo ka ung as in may miracle sa lahat Lav ya santino

    ReplyDelete
  16. amp.. and i think most people, especially those who're trying to be involve in politics but doesn't understand any of those, must realize how they look like when seeing the "taong bayan" at bagong pag-asa.. they're that dumb making rallies against politicians and believing some morons who's trying to manipulate their minds.. this election, try to be objective..

    ReplyDelete
  17. I really like MBP everyday pinapanood ko ito isang chanel na lang yata ang alam ko pag gabi na dahil gustong gusto ko madami akong natututunan sa mga episodes ni santino.... sana humaba pa ito. God Bless and More Power to all the cast.

    From: Nash Basas Wyeth-Pfizer

    ReplyDelete
  18. please have a happy ending. kawawa naman ang mga bata who looks up and is inspired by Santino. Hopefully...please... a happy ending for Santino. Thanks..

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin