After valentines day, back to normal na naman.. will wait for few weeks to celebrate naman our Anniversary wohooo!!
This is what I've got last Valentines day ....
After bringing Cleo at the Vet, he decided to surprise me with flower.. ( kasi daw he's in mood coz Cleo is now fine! Ngak! Tama ba yun? Depende ang mood dahil magaling na ang pusa? Uahhhhh!) Ang tagal ko inasam mula ng huli niya akong bigyan ng bulaklak... At ang kumag nung nililigawan ako monthly kung magpadala ngayon kasal na kami madalang pa sa patak ng ulan?? hmmmm..... Anyway nasorpresa naman ako. And i thought he will give me pure roses ha like the way he did when he's still courting me but he said :
" I had the other bouquet earlier worth 2.99 but I thought its too cheap for Valentines day so I got you this one instead ... " Jamie
Kuripot talaga.. Hay naku bakit nga ba ang mga guys pag ligaw pa lang kahit nga ayaw mo ng ng flowers bili sila ng bili every month. Bakit pag kasal na kung kelan na lang maisipan? I mean not all but some guys are like that.. Well i don't mind naman me flowers or wala as long as the LOVE is still there. Pero mas ok yung paminsan-minsan eh meron din surprise to keep the LOVE burning eka nga...
As my valentines present naman sa hubby ko, I bought him a novelty gift lang. This one is called Coughing and screaming ashtray which I came across while browsing Ebay one night. Natuwa ako kasi he's a smoker and he just can't quit smoking dahilan para mag-argue kami minsan. So time na para makaganti harharhar... para hindi na rin ako napapagod magpaalala na masakit na ang baga ko kakahithit ng usok ng yosi niya and not only that, recorded na rin ang complain kasi when he put the ciggy on the right side pihadong talsik ang tutuli niya sa recorded scream hehehe.. Ayos! Wag lang niya ibabato pag ginamit niya one day morning na masama ang timplada niya at nakupo, maghahalo ang balat sa tinalupan ( tama nga ba?). Sabi nga ...
" Biruin mo na ang lasing wag lang ang bagong gising.. "
Sus maryosep! Applicable pa ba kay Jamie and kasabihan na to?? hmmp...
I'm also writing our love story in time for Valentines sana pero sa sobrang haba i think next Valentine na maipupublish hehehe.. Pero I'll try to finish it before our Anniversary parang dun talaga dapat ipublish yun hehe.. I mean hey few days to go and 1 year na kami! 4 years to go at medyo malalagpasan na namin ang adjustment period daw ng buhay may asawa.. Whew! Hirap pala pag me asawa na noh?? kaya those Singles! Enjoy your life while you're single hehe... On the other side, masaya din ang May-asawa kasi you found your life time partner na. Sabi nga ng friend ko before :
" Don't focus daw masyado in finding friends or bestfriends because they will just come and go. Focus instead in finding a Partner kasi daw sila daw ang makakasama mo forever till your hair turns to grey.. "
I asked her, why? Sabi ko ang friends naman pag meron kang problem he or she always finds time to listen and give advices as far as she/he can.. Then she replied ::
"...kasi pag partner complete package na. Pwede mo maging friend, best friend, at asawa. Ang kaibahan nga lang yung partner as in asawa won't leave you kahit na magkaanak at magkaapo na... Till death do us part nga di ba?"
Tama nga nman.. Your friends will find their partners rin and sooner or later will be busy looking and taking care of their family and problems kaya mahirap din yun aasa ka na she or he will always be there whenever you need them.. I know kasi one time it happened to me. Single pa nga ako nun eh un mga berks ko meron na mga loved ones hehe... But I can't text or phone them always kasi nakakahiya naman. They have their own life and problems to deal with. Unlike ang ating mga husband, kahit nasa gitna sila ng giyera kapag tumawag ka nanginginig pa sa pag-aalala ma-comfort at maprotektahan ka lang ... Hayyy...Kaya naman hindi na nawala sa isip ko yun though I treasure my friends naman.. All of them... They will be forever treasured, But I have to admit na 1st na sa list ko eh yun aking lifetime partner na di ba... and that's my ever loving hubby na kahit madalas ako paiyakin eh hindi ko matiis hehehe...Kumbaga pag meron tampuhan pusong-mamon ba ang tawag nila dun. Yung kahit gusto mo ipakitang naiinis or nagagalit ka pero pag nagtama ang mata niyo eh hindi mo na mapangatawagan na galit ka. magtatawanan na lang kau tapos bati' na yehey! Happy Tuesday!
Wow! Buti ka pa nga at may butraktrak, eh ako kahit buto ng halaman, wala. hmp! samantalang nuon, sa umagang paggising ko pa lang, naka tabi na sa akin para pagmulat ng aking mata nandyan na, huwaaaaa! But, it's OK, alam kong he loves me really and sometimes he's just too busy to do sweet stuff because some days he works 12 hours a day. Ako nga daw, yung mga cards ko para sa knya di ko na sinusulatan, hehehe..sabi niya, para ano raw, para next year eh yun uli ang ibigay ko sa knya..Hahahaha! Ay oo nga, malapit na ang anniv nyo, March 4 di ba? Wow, 1 year na kau la pa kau baby, OT ang kailangan..
ReplyDeleteano ka ba ate liza march 3 hehe.. card? di nga ako nakapagbigay ng card at me point ka dun. wag mo na sulatan or pwede mo sulatan wag lang lagyan ng date hehe.. recycle mo na lang .. love your environment nga di ba nakatulong ka pa sa mother earth yahooo!!
ReplyDelete