10 Feb 2009

What a Day!

"What a day !" not because I'm tired but because I don't really know if I will feel upset or pity Jamie. Imagine-in mo, hindi natulog from 5:00 PM yesterday till 10:00 PM tonight. Feeling ko ako ang hihimatyin sa ginagawa niyang pagpaparusa sa kanyang katawan.

Kahapon kasi, he let me play Call of Duty sa Wii Console. And sadly, wala na akong malalaro kasi I've finished the whole mission na. Sabi ko pa nga, wala ng silbi ang game ko at wii zapper. So he suggested na makipag game exchange ako sa sister nia. Which is a good idea kasi its saves money. Ang mahal kaya ng Wii Game. 34.99 pounds isa. Pag sinuwerte ka naka sale naman. Like 5 Pounds off! Pwede na rin. Pro ang sama nito ang mabili mo yun rubbish games na para bang naglalaro ka lang ng tetris or brick game sa sobrang dali. Minata ko ang brick game noh? Eh naadik din kaya ako dun nung araw. So ayun nga sabi ko ibilhan niya ako ng saging sa shop kasi para kakong natinik ako ng Tuyo na pinadala ni ate Liza. Aba at ayaw kasi daw its his turn na raw to play  Fall out 3. Shocks! Uunahin pa ng loko ang Ps3 at eto nga't hindi ako nakatulog ng nagdaang gabi kakaisip na baka mapunta sa utak ko yun tinik ng tuyo. (Pagmamalabis hehe) Kaya napilitan na rin siyang pumunta sa shop pero sa isang kondisyon..... Ako raw eh gagawa ng Beef Stew at dapat daw pagbalik ko eh handa na un Beef Stew. Ngak! Ano ako si Ina Magenta at minamagic ang pagkain. Aba sitting pretty pa rin ang lola mo pagbalik niya galing ng shop. At since bumili sia ng saging eh nag-start na ako magluto. Thats when he started playing na nga. Hmmp! Ano pa ang meron kaya sa laro na ito at wiling-wili siya? Sabi nya sa akin its a Pre-Apocalyptic Story daw. About Nuclear radiation ek-ek. Hay naku, hindi ko n ga type yun game. bukod sa ang hirap patayin ng mga kalaban eh parang masyadong mabagal ang takbo ng story.Sabagay kanya-kanyang hilig yan eka nga.

Nakaluto na ang lola mo, nakakain at nakapaglinis ng kusina, nakatutok pa rin sa game si Jamie. Pambihira susurutin na ata ang puwet eh hindi talaga tatayo. Pero kapag time for a cup of tea na at yosi eh tatayo siya para kumuha. So balik ako sa kuarto, naligo, nag-surf tapos check ko ulit baka kako nagsawa na sa paglalaro. Kaso nagkamali na naman ang Lola  mo at talagang walang humpay kakakalabit sa controller.

2:00 am, final decision na to, matutulog na ako. Humingi pa nga ako ng sleeping table para nga dire-diretso ang tulog ko. So nangyari naman nga. Diretso ang tulog ko at paggising ko, wala pa rin si Jamie sa Tabi ko???? Huwattttt!!!! Ano ba 'tong tao na to. hindi na natulog kakalaro. Samantalang ako pag naglaro ako ng 30 minutes bukod sa mapula na ang mata ko eh napakahapdi pa. Ang tibay talaga ng asawa ko oo. I asked him to take out the can and bottle recycle box para sakto pagdaan ng recycle van. Balik sa room then nakatulog pa ulit ako ng mga ilang oras. I decided to get up past 11:00 AM. At ang kumag gising pa rin!!!

Tinanong ko bakit hindi natulog. Na-carried away daw siya sa game. Nuknukan naman ng tagal yun game na yun. At nagrereklamo pa nun ha, kasalanan daw nun mga Zombie dahil and hirap daw patayin. Sabi ko naman sa sarili ko, oo nga hirap mo nga rin patulugin! (hekhekhek)

Finally 10:00 PM nagretire ang loko sa paglalaro. Sa tagal niya na nakatutok sa TV pihado baka mas sariwa pa ang mata ng galunggong na tinitinda sa baryo. Naisip ko wag na mainis kasi nga eh minsan-minsan lang naman siya maglaro. Yun nga lang kung di mo pahintuin eh baka taon ang bilangin hahaha.. Akalain mong uminom na din sia last night ng sleeping pills pero di umepekto??? Siguro nga sobrang ganda ng game? Anyway, palagay ko ako naman ang hindi makakatulog ng maayos nito. Kaya kailangan ko ng mahiwagang ear plug dahil sa lakas ng hilik ni darleng. Itutuloy bukas.....

6 comments:

  1. More than 24 hours walang tulugan? grabe na yan ha. nag adik si darleng mo. buti na lang at si rodney ko eh matanda na para dyan, saka pagod sa work. hayun nga at 846pm palang dito eh naghihilik na, hehehe. Matanda na kasi.

    ReplyDelete
  2. 8:47am na nga dito eh commatose pa ang mokong.. lakas maghilik nabulahaw ang aking matahimik na pagtulog pambihira kaya bumangon na nga ako at makapagsurf na nga lang sa net..

    ReplyDelete
  3. ehehe anku nami miss ko ung ganyan ung laro up to sawa....

    kaso hindi pwede sa akin kasi bukas may pasok at kealngang mong gumising..

    nung nag bakasyon nga ako last december.. ung call of duty world of war un.. ang minagdamag ko.. hahah kaso til 6:00am lang ako..

    natapos naman agad so pag natapos na ung game ayun na.. dun ka na mag iisip worth ba tong game na nabili ko harharhar..

    sabay kanta -- > ** kung pag kain sana nabusog pa ako... ***

    ReplyDelete
  4. hahaha.. oo nga! Thanks to Ebay dahil yun mga games na napagsawaan ko eh pwede ko ibenta online auction or buy it now.. un nga family trainer na binili ko minsan ko lang ginamit eh nabenta kopa ng mas mataas ang price sa original hehe.. Kaya ikaw pag nagsawa ka ibenta mo na lang or swap. para hindi ka kakanta ng " Kung pagkain sana nabusog pa ako..."

    ReplyDelete
  5. ah kung pwede lang dito..

    hindi supported ang ebay dito eh.. pag benta ko namna outside eh mas mahal pa ang shipping cost.

    mag homebrew n lang siguro ako .. :) :)

    ReplyDelete
  6. hehe pwede mo isama ang shipping cost dun ah ... hmmm eh i-save mo na lang or kung gusto mo send mo dito at ibenta namin hekhekhek

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin