21 Mar 2009

Aligaga nga ba ako o Gaga lang ako?

Aligaga, ang kasing-kahulugan ay maraming ginagawa. sa Ingles ay BUSY at sa mga hindi naniniwala o pabirong-salita, pwede na rin ang bisi-bisihan.

 

Kahapon nga dahil ang ganda-ganda ng sikat ng araw at nag-ayaw si Habibina maglakad-lakad sa tabi ng beach.

104_2119Heto nga at dali-dali akong nagbihis ng pang jogging ko. Jogging sa alas tres ng hapon.. Hehe. Pero pwede na yun hano, napakalamig kaya ng panahon dito. Ang naiba masikat ang araw ngaun pero ang temperatura eh parang alas-singko na rin ng umaga sa Pinas. 

 

Reding-redi na nga ako to kaya pumose pa muna ako bago namin umpisahang tahakin ang daan patungo sa beach.

 

104_2132

Andito na nga kami sa Beach kaya take some picture muna .. ang lugar kung san kami nakatyo ay tinawag ni jamie na small beach. Ewan ko ba kung anong kaibahan. pero itong view na kinuhanan ko kung dun kami nagpunta, ang tawag daw ay large beach? ahahay! Naloka ako…

 

104_2135  Heto pa ang picture niya na nanghihinayang at mukhang nagbibilang ng Seaguls na lumalangoy sa tubig dahil natalo na nman sa scratch card ang loko.. hayan napala mo!.. hehehe.

 

Adik kasi sa scratch card si Habibi… Siempre masaya ako pag nananalo sia dahil sisigaw na nman ako ng “BALATO”. Sabay sapilitan talaga ako hihingi ng balato para me maisubi sa aking walang laman na pitaka. Pero pag natalo, kadalasan sinisisi ko pa hihihi.. Ang daya hano?

 

Siyempre pa nag-stay muna kami jan. Nagkulitan at nanood nga mga bata na naglalarao sa dalampasigan. Kasama siempre ang mga mommies nila. Nainggit tuloy ako ulit dahil nakita ko silang nagbabatuhan ng buhangin at nakikibaghabulan sa kanilang mga alagang aso. Ang iba nman ang nangongolekta ng shells at makikinis na bato. Pero bago pa ako mainggit at kulitin si jamie na gumawa na kami ng chitkiting patrol namin eh lumarga na kami pabalik ng bahay.

 

Gamit ang short cut napadaan kami sa kids park at sa ilang kabahayan na na napliligiran ng mga Daffodils. Naaliw ako siyempre. Kaya nman pinagpipicture-an ko sila at heto nga ang close up encounter ko sa kanila.

 

104_2142 104_2144

 

Ang gaganda talaga nila.. Kelangan ko na lang maghintay ng ilan pang linggo para nman makita kong mag-usbungan ang iba pang mga bulaklak gaya ng tulips at kung anik anik pa.

 

Pag-uwi ko wala pa rin naisipan kong Iluto si Lucky Me pancit canton para sa aming dinner. Hindi healthy kaya nman nilagyan ko ng shrimp, cabbage at carrots. ( Dahil yan na lang ang meron sa Fridge… huhuhu)

104_2149

O ayan, niluto ko pa yan na ako ay lumuluha. Hehe kasi nga meron ginawa si habibi na hindi ko nagustuhan. Kung hano yun eh secret na lang.. Ahihihi  ..Pero in fariness, tamang-tama ang alat nito kahit na nilagyan ko ng konting tubig para maluto ang mga gulay. Try nio magluto ng lumuluha at naku .. PERFECT ang timpla!

 

 

104_2152

At dahil Tampo mode ang lola niyo pati ang Fireplace ay napagdiskitahan ko. Sinimento ko ng bonggang-bongga. Nagawa tuloy sia ng di oras hehe.. Napapabuti pa yata pag ako ay naiinis kasi nagiging superwoman ata ako at sumasapi ang aking byenan sa katauhan ko.

 

Eto kasing fireplace na to ay nasira dahil na rin kay Jamie. Nagcrack sa side. At dahil baka abutin nman ng kung ilang panahon bago magawa, eh naisip kong simentuhen kesa magbasag ng pinggan sa kusina.  Sayang kaya yun? Ayan kelangan ko na lang ng makikinis na bato para ilagay next time.. at ayos na uli ang aming fireplace yihaaa!

 

PS.. Bati na kami after 30 minutes hehe… Kasi nahulaan na niya kung bakit ako na-upset. Ang tanong naging Aligaga nga ba ako o naging gaga lang ako? Censia na tinopak lang …

7 comments:

  1. hehe..naku,ganyan din ako minsan sinisipag kapag nagagalit..

    ReplyDelete
  2. Wow! dapat pala lagi kayong nagkakatampuhan ni Jamie, para sa susunod, ang bubong naman ang tapalan mo, hehehe. Sarap ng jogging nyo ha, kakapagod yun, aatakehin ako sa puso kapag ganon haha. Tamad ko talaga noh? OH well, parang masarap ang pancit canton mo ah. penge naman!

    ReplyDelete
  3. ay naku si tita eds talaga oo, ang alam ko lang naman dyan sa mga sinabi mo e tingin ko'y naglambing lang ang pagkakataon dahil wala naman kumpletong relasyon..kasama talaga yang ganyan na tampuhan at di normal pag wala yan..

    mabuti naman at nakapasyal ka kahit di matagal, ang hirap na lang e jogging sa hapon ang nangyari sayo ano? hahahaha, kakatuwa naman talaga..

    yan bang canton na yan ay dyan mo binili o pinadala lang sayo ng taga rito sa pinas? aba ok ang recipe mo, kase mas ok naman talaga kung may iba pang sahog yan...ang pinay nga naman...sige, babay muna..

    ReplyDelete
  4. hi peachkins oo ganyan nga ako pag nagagalit. kung ano ano ang binubutingting ko kesa magrambulan kami o magbunganga ako.. tatahimik na alng ako at gagawa ng kung ano-ano.

    ReplyDelete
  5. Ate liza mssarap talaga tong pancit canton hehehe.. fave ko to sa pinas eh nilalagyan ko pa nga ng itlog to lol. lam mo na weird recipe hehe..

    Jogging oo talgang nagjogging ako. paminsan-minsan kelangan ko lumanghap ng sariwang hangin..

    ReplyDelete
  6. Tama ka kuya tot.. madalas din kami magkatampuhan pero saglit lang.. nagsosorry agad sia or ako depende kung sino ang me kasalanan..

    Un pancit canton naman inoorder ko pa sa online pinoy shop yan hehe.. kaso last two pack na kaya ubos na nman ang aking supply.. salamat sa pagbisita.. ako eh mawawala muna pero pilitin ko magblog hop later ..

    ReplyDelete
  7. nakaka-miss ang pansit canton!!ang ganda ng pics mo saflowers!!

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin