Sori mga ka-blag kung hindi ako makakablog hop ng madalas. Ang beauty nio eh mejo gagala muna sa capital city of Pizza and spaghetti hehe.. Mejo nagppraktis na nga ako ng mga salitang natutunan ko pa sa kaibigan ko na nagttrabaho dun kamakailan lang. Kaya nman feel na feel ko na ang pagbabakasyon.
Anyway, matapos ang masalimuot na paghahanda sa aming pag-alis heto at i-si-share ko sa inyo ang ibang piktyur na kinuhanan ko pa habng bising-bisi sa paghahanda. Gaya nito:
Ho di ba? Para sa kaalaman ng lahat ako ay natutong magsariling-sikap sa mga pagpapalandyutay na kagaya nito. Kung sa pinas eh halagang 300.00 – 500 pesos lang ang facial na meron pang kasamang collagen o oatmeal face pack dito hindi ko pwedeng gawin yun dahil ginto ang lahat ng serbisyo dito. kaya nman matiyaga kong pinag-aralan ang lahat ng ito mula balakubak hanggang tibak.
Tama ang nakikita mo at hindi ka namamalikmata. Ako nga ay nagffacial mag-isa hehe. Minsan ginagawa ko to sa aking Habibi at mother in law nga pati si mother in law at si Habibi ay mine-make over ko gaya nito kaya nman loves na loves nila ako. At wag kang mabigla pati footspa, pedicure and manicure, isama mo na ang massage ay kinarir ko na rin dito.
Makikita sa larawan na gumamit pa ako ng steamer sa mukha para maging fresh nman bago kami lumarga. Kasi nga ako ang babaeng hindi biniyayaan ng magandang kutis at mukhang tinugis ako ng mga pimples nung aking kabataan. Kaya nman pwede kang maglaro ng connect the dots kung ako eh makikita mo 10 years ago. Sabi nga ni itay, madali daw akong idrowing kasi daw tutulduk-tuldukan lang daw niya ang magkabilang pisngi ko para maging hawig na hawig ko.. Huaahhh!! Noon nman kasi ay hindi ko alam kung ano ang igagamot ko. Nariyang nagpakulo ako ng camias at ihilamos sa mukha ko at gumamit ng ching-chang-su para lang mawala pero makukulit talaga sila.. Pasalamat na lang ako at mejo nagsawa na sila ngaun sa pagtubo. Kung hindi, baka akalain niong bumaba na ang buwan dahil makakakita talga kau ng craters ng malapitan.. ( Hay salamat talaga at humupa na sila..)
Akala nio ba hanggang steam lang at paggamit ng metal na bagay pang-alis ng black heads at white heads ang kaya kong gawin? Nagkakamali ka dahil nagmumud pack din ako. Katunayan cucumber ang flavor niyan .. Sarap talaga at ang lamig sa mukha .. Pero naisipan kong magpicture kahit hindi ako makangiti at baka magcrack na bigla..
Promise, i-try niyo ito at talgang nakakarelax. Why pay eka nga when you can do it yourself? Ganun din ang effect nun. Ang kaibahan nga lang hindi ka hihiga at iidlip habang nagfafacial dahil ikaw mismo ang gagawa.
Habang nga ginagawa ko yan meron pang instrumental na tumutugtog sa background ko. Feeling nasa facial spa clinic din nman ako di ba?
Kumbinsido ka na ba? Fasten your seatbelt dahil heto na ako ng matapos ko ang pagfacial sa sarili kong face. Ay ang gulo?!
Hayan na ang finish product. Hindi kasing kinis pero at least hindi na kasing lala ng dati ang bakas ng nakaraan hehe.. Fresh na fresh na ang lola niyo para sa aking paglipad.. nyahehehe…Wala akong make-up jan kaya wag na kayong magtaka kung kulang sa kagandahan hehe..
Pero siyempre pwede bang mawala ang pedicure at manicure? Siempre nman nilinis ko rin ang kuko ko at baka nman pagdaan ko sa x-ray eh tumunog ng bonggang-bongga ang alarm. ( Pagmamalabis yan siempre.. lol) . Siguro nga ay eksayted lang ako masyado sa dream kong bakasyon.
O diba? pulang pula ang kuko ng lola niyo. Para akong aattend ng awards night hihihi.
Actually, first time ko gumamit ng pula sa aking daliri dahil feeling ko eh babagay na sia sa aking mga kamay. Lol.. Feeling ko kasi eh pumusyaw na siya ng bahagya. At kahit hindi maganda ang aking mga daliri eh mukhang me changes naman kumpara sa dati. Para kasing bagong hukay na luya ito noon. Wag niyo na hanapin un sa paa kasi minalas. Na-murder ko yata sa dami ng in-grown hehe..Pula din ang kulay para terno kahit na magsasapatos nman ako. Bakit nga ba hano? pag meron mga importanteng event na pupuntahan o ano tayong mga babae eh mahalagang nakahanda ng husto. Make-over to the max talaga.
Heto ba ha, sabi ni habibi eh malapit ko na raw siyang kakulay… Huaattt?? Lakas talaga ng amats ni Habibi eh sobrang puti kaya niya. Ako eh subukan maarawan ng minsan. yun bang sinag-araw na kagaya ng pinas at pag di umitim ako agad in seconds lol.. Laking-ilog kaya ako?
Pero, pwede ba nmang ako lang ang meron make over? Kagaya nga ng sabi ko kanina, kinarir ko na ang lahat ng pwede kng gawin dito para makatipid. Kung pagsesemento ang drama ko kahapon, ngayon eh puro beauty trip naman. isinama ko na sa list ang pangugupit. Abangan nio at minsan isang araw eh magtatayo na talaga ako ng salon dito. Heto ginupitan ko ulit si Habibi.
Gamay ko na to promise. Kaya nman poging-pogi na ulit si Habibi. Bagong ahit, bagong gupit. Courtesy of me? O ipagpapalit pa ba nman niya ako sa iba niyan? One whole package na ako ! ( Nyay! Masyado akong makapagbuhat ng bangko hano?). Ang totoo niyan eh lahat eh gagawin ko para ke Habibi. Promise! Kahit lumunog ng blade at kumain ng apoy gagawin ko para sa kanya ( Awww!)
,
Ito lang nman ang mga pinagkaabalahan ko kahapon bukod sa pamamalantsa at paglilinis ng bahay bago kami pumunta papuntang Wirral. Lunes kasi ay aalis para sa Dream Vacation kaya nman ready na talaga ako. Ang hindi ko lang sigurado eh kung tama ba ang mga damit na nai-empake ko. Kasi nga last week ay maaraw na at feeling ko eh umpisa na ng summer pero kanina nakita kosa BBC News na nagssnow pa sa Italy? Pambihira nman. Mukhang maninigas ang lahat sa akin pagdating namin sa Italy. Kasyang-kasya pa nman ang baon ko hehe.. Walang pambilin g pangginaw kung sakali kasi nga libot lang ang type ko.
Hmmm.. mukhang nasabi ko na lahat ng pwede ko ikwento. So pano? pagpacensiyahan nio muna hako ngayon kung di makalibot hane? at gagala lang ako. promise babalik at babawi ako senyo.
Saludo ako sa'yo gurl.Isa kang one-woman-salon.Di na kailangan pa ng mga baklita!Pahiram ako ng steamer??
ReplyDeletewow, make over man sister ko...heheeh musta na Eds? its been sunny noh, ano gawa nyo dyn?
ReplyDeleteThanks pla sa mga comments mo, I really appreciate them.. sorry to have not been around for these past couple of days kc lagi akong feeling exhausted. All I wanted was just to sleep or lie down, knock out beauty ko hahhahha...
Take care always, hugs & kisses to your princess, God bless you and family...
hi peachkins . oo bah yeang steamer ko na yan ang the best. ordered it on Ebay .. galing pa ng china hehe pero it works perfect..
ReplyDeleteHi madz.. its nice to see you here again ... naku ok lang yun.. ako nman ang hindi makakablog hop for few days..
ReplyDeleteAnyway, kelangan mo talaga ang pahinga for your baby na rin . :)
ei tukayo! buhay na ko...
ReplyDeletemejo matagal tagal din ako hindi nagawi dito pero salamat at lagi ka nadaan sa page ko ha. astig ka naman dear, lahat na eh kinarir mo... pwede ka na mag-business jan ah.. :)
anyways.. hope you'll enjoy your vacation. beach hop muna uli ako.
hahahaa!!ang galing mo,Eds!!all in one sitting,nagawa mo lahat yan?kelan nga ba ako naging kikay sa sarili ko?hmm...parang walang maniniwala na dati akog nagjajapan sa hitsura ko!lol!
ReplyDeleteAng galing mo naman! All aroung beautician ka. hehehe! Mahal nga mag pa facial, foot spa at kung anik anik pa. Laki ng natitipid mo ah! E patay na kuko bumubuhay ka ba? aheks! meron kasi akong isang dedbol na kuko hehehe!
ReplyDelete