24 Mar 2009

First Day – Rome, Italy Trip

Habang ako nga ay nakaupo sa trono eh ako eh nagbblog hehehe.. aba ngaun ko napatunayan na Time is Gold pala talaga lalo na kapag ikaw ay turista. Lol! Ang totoo niyan, ako eh gumagamit lang ng Top Up at ini-insert lamang ang simcard sa aking Lapitapip.Kaya bawat megabytes na aking gamitin ay ginto. Ho di ba? Mabilis pa yun dial-up sa pinas pramis! hehe tangek ko talaga eh parang dial up nga rin pala ito ..

 

Hindi ako nakatulog halos kagabi dala ng aking pananabik sa pagpunta ng Rome. Half eight pa lamang eh nakahiga na ako para makabawi sa mga nagdaang puyat. at pagtapos alas onse nga , ano’t gising na ang lola niyo. Kaya pinilit ko ulit matulog pero hindi na ako dalawin ng antok.

 

Nang marinig ko si Biyenan na bumangon para sa isang tasang kape, eh bumangon na rin ako at gumayak. Talagang sabik na akong makita ang Rome hehe.. Obvious ba? Alas dos ng madaling-araw nun eh tapos alas tres nakagayak na ako eh ihahatid kami ng taxi ng 3:45 sa Liverpool John Lenon Airport. Naks! Kabisado ko pa talaga eh hano.. Pero ang ginaw in fairness! Tingin ko umurong ang lahat ng uurong sa akin pero hala-bira pa rin ako kahit na singhutin ko pa ang usok ng mga aking mga byenan sa paghihintay sa kanila bago magcheck in ng luggage.

 

Eh ayun nga nakarating na nga kami sa airport. Eto nga ang katibayan niyan . Mga pictures na isshare ko sa inyo..

 

100_2214 4:00 Am at Liverpool JohnLenon Airport – Departure

 

 

100_2220My In-laws both excited to take off.. First time ever ni Dad na mag-flight sa ibang bansa kaya he’s getting ready to sing his song – FLY ME TO THE MOON at YOU RAISE ME UP .. Lol

100_2229 

Ayan nasa background pa ang Plane na kung san kami nag-book.. Mura jan promise hehe.. Wala nga lang pagkain pero ayos na rin. 2:45 minutes lang nman ang Biyahe from UK … Pa- EPAL pa ako niyan kahit ngarag na ngarag..

 

100_2236 

 

Taking Off .. Teary eyes si Dad at hindi niya akalain na siya eh nakasakay na nga sa Plane at papuntang Rome.. Habibi and me was also happy seeing them both excited. Last week kasi eh parehas na meron sakit yan pero parang bglang gumaling nun paalis na kami sa bahay kanina.

 

100_2241

Up, Up and away from UK. Well, na-prove namin sa tatay ni Habibi na kapag nag take off ang plane eh hindi katulad ng inaakala niya na lahat ng pasahero at titiwarik din lol! Tingin ko nman naniniwala na siya ngaun hehe.. Dumudungaw pa nga sa bintana eh parang sanay na sanay na rin umasta.

 

100_2254

Just another scene up and above hehe.. dont worry nag- HI ako kay Bro (papa Jesus ) para sa inyo and he winked at me ..Happy trip daw to me at kayo daw patuloy niyo daw basahin ang blog ko kahit wala ako. lol :)

 

100_2261

30 Minutes before landing at naaliw ako sa scene na to hehehe.. Feeling ko nasa patalastas ako ng Gatas na Alfine ehe..I like those mountains covered with snows.

100_2264

I think we’re nearly there, by just looking at this picture. Not so clear but that lake or river looks like a Giant Cross.. Its amazing!

 

100_2274100_2271

 

Malapit na nga kami.. I can see a massive river over there! Lovely!

 

100_2276

 

10 Minutes before landing .. Yahooo heto na nga kami … naaamoy ko na ang mga Italyano .. Pizza Mia with pepperoni at pasta italiano .. si.. si.. si.. senior!

100_2279 100_2277

 

Finally here!.. sila pinakita lang ang picture ayos na.. ako lagi nakahiwalay kainis.. but the good thing is we are now here, chilling for a bit wile waiting for the bags..

 

 100_2287 100_2290

O kumusta naman ako? Ngarag na pero pose pa rin sa labas ng airport un pic sa left -at the Terravision shuttle bus to Rome City Center naman un sa kanan.. Lapit na pero antok na antok na talaga ako… hayz..By the way, this is the first time that I’ve removed my coat and showed my arms sa labas hehehe.. Sabi ni mam in law , “ Ohoo I didn;’know you have arms edna lol” .. lagi kasi ako naka pangginaw. Pero promise ang ganda ng sikat ng araw sa rome. Nag-strip ako ng kelangan kong alisin at init- na init ako . Parang pinas nga eh pero lahat ng makikita ko naka-coat??!! Bloomenheck”!

 

So after 40 minutes, we have reached the train terminal. My in laws and habibi bought some cappucino na sobrang mahal. Take note wag kang uupo pag ikaw ay nag-kape kasi mas mahal ang charge sau. Kaya nakatau lang kami siempre pero nangangawit na ako kaya I asked them to find the Hotel first kasi masakit na ang bungo ko sa antok.

 

Hay salamat! After 10 minutes walk we’ve finally checked in. Me and Jamie took a doze of around 2 Hours sleep. But not really two hours kasi nga ang ingay ng kabilang room. Ewan ko kung ano ang ginagawa hehehe.. Pulot-gata cguro! At eto na humahangos si Dad kasi nga hindi sila nagpahinga and decided to walk around the place where we are in habang kami ni Habibi ay comatose. He has a good news about the Basilica we saw earlier and they have been there. Kaya nman gumayak na ako kaagad! Aba hindi pwedeng namimiss ko ang ibang attraction lol!

 100_2300

Jamie in the Center of Rome drinking some hot Cappucino.. and Coke kasi mas mura hehehe

 

100_2301

Me and Mam at Irish Ristorante.. Napag-isip isip nia na malamig na pala pag hapon kaya she’s going back to the Hotel to get her coat.

 

Me and mam still infront of a small church dedicated to St Paul. Actually meron kinakasal when we are there.. And the reason why we are chilling on this side ay dahil sa beggar na panay ang balik  to ask for money.. Tingin ko nga eh type si Mama.. lol

 

 

These are some of the pics the we;ve seen today including the Santa Maria BASILICA near the Nationalizmo Fountain. It was really nice and the church is one of the most beautiful church ive ever seen..

 

O ha .. patalo ba nman ang lola nio jn … promise its one great church na hindi mo dapat palampasin.... the paintings, mga haligi at marmol..everythng ..grabe sobrang ganda..

 

Well, ito lang muna ang mga pictures na maisshare ko sa aking first day. kasi nga ang lola nio ay low bat na sa pagod. I have to get more energy for tomorrows marathon sight-seeing. Vatican City nman ang aming hahanapin. So enjoy lang kayo jan at ako eh babawi sa inyo sa aking pagdating..

 

PS .. Hindi ko pa na-try ang Pizza, Lasagna at Spaghetti Italiano hehehe bukas cguro… Babay muna mga kaibigan at kita-kita tau sa mga blog niyo next week.. :)

8 comments:

  1. kay ige naman ng lola ko at nakapunta pa ng italya...sa tingin ko naman kahit lagi kang nakahiwalay sa pix nila ay nag enjoy ka di ba? oi, napansin ko nakahawig ni habibi mo si padir in law mo, hehehe, pareho sila kalbo ano? meron ata takot sya pagsakay ng plane ano?

    ReplyDelete
  2. naku kuya tot nauna ka talaga magcomment ha... At napansin mo si dad at si habibi.. oo magkamukha nga sila pero mas maganda ang hilong ni habibi lol.. mana sa mama nia.. heniway, hindi nman kalbo si habibi. nauna lang malagas ung bandang noo kaya mukhang kalbo sa lapad ng noo.. nasisilaw nga ako minsan pag mejo maaraw dito sa uk eh .. lol..

    Ayun ok nman si dad.. hyper nga ng makarating kasi libot tlaga agad ng walang pahinga ang ginawa.. samantalang bagsak kami ni habibi after the flight.

    Thanks pala sa pagbisita mo kahit ako eh wala sa aking blog country naks..

    ReplyDelete
  3. lola, ang ganda ng get up mong green huh? Panalo! Buti ka pa at pa-tour tour na lang

    ReplyDelete
  4. talaga naman at nakapunta na sa italya si edna pot!enjoy ka lang muna dyan kasama ang in-laws mo.nakakatuwa naman yang escapades nyo dyan--mahal ikamo ang cappucino dyan?nasa italya ka eh!!!

    ingat ha!!^_^

    ReplyDelete
  5. wow nice pictures Eds, glad you enjoyed your trip! pero nkablik na kau sa country dba? planning to visit Italy too to see my best friend maybe by end of next month, dpende if mkakuha ako ng visa...

    UUmm tudo bonding ka sa mga in-laws mo ha... good...

    ReplyDelete
  6. asteeg ka ate eds..hehe...pangarap ko din makapunta jan sa italy. ill cross my fingers para magkatotoo habang winiwish ko..:)..chka sa paris din..:)

    ReplyDelete
  7. ang sosyal ha, pa ita italy ka lang dyan. sige lang pasyal ka lang at magpa picture. sabi mo nga adik ka naman sa kodak moment, isama mo naman asawa mo, hahaha! next vacation nyo, dito na sa US ha, kahit sa gilid tayo ng bundok, oks na rin..

    ReplyDelete
  8. huwawwwwwwwwwww anjan ka na!! Sarap naman!! kagaya ni payatot napansin ko din si dad mo. Nung unang tingin kala ko si habibi mo sabi ko "ay bat parang tumaba at biglang tumanda" hihihi! tangengot ko di pala si habibi mo yun. Magkamukha talaga sila. O enjoy your vacation at magiingat ka parati jan! Send me some Italian na Papa!! hahaha!

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin