26 Mar 2009

Salve senyor at senyora mula sa Basilica de San Pietro!

Bunjourno, Senior y Seniora.. Naks ganda ng intro ko wah.. hindi ko nga alam ang spelling kung ano ang mga sinasabi nila ahihi.. Ang Bibilis kasi nila magsalita at talaga namang ang RRRRRR ay tumataginting!

 

Hindi ko naipublish agad ang aking 1st day kagabi dahil ayaw pumasok ng post ko dito sa blog sa bagal ng internet ko haha.. nakatulog pa nga ako ng mga ilang minuto eh kakahintay na ma-publish pero failed daw kaya tinigilan ko na .. Natulog na nga ako ng bonggang-bongga na may ngiti sa labi para sa araw na ito..

 

Today ay Vatican City Marathon naman ng kinarir nmin. Lakad, takbo, tawid, pose, akyat, baba, liko upo ng konti at lakad na nman tapos sakay then upo tapos picture na nman. Yun leeg kulang na lang umikot ng 360 degrees sa dami nang nakikita. Heto nga at nakita ko na ang famous St. Peter Square Church.. Hay! Sabi ko kay habibi dapat nagdala kami ng tent at dun na kami tumira.. hahaha… kahit Holy water ang inumin hayos lang.. Kahit puro ostiya ang kainin parang full pa rin ang energy ko. Ang ganda-ganda talaga.. Hindi ko maisip kung paano nila naukit ang magagandang estatwa gayun din kung pano nila naipinta at naitayo ang magagandang arkitektura na gaya nito. Kahapon nga mejo hindi ako naimpress kasi on the way from the airport sobrang dami ng graffiti. Alam nio yun puro vandalism talaga. Walang malinis na space na tinira. Sabi ko naku mukhang nag-expect ako ng sobra tapos ito lang pala ang makikita ko. But not until today! Take a look at these next pictures.

 

Sa entrance pa lang yan. Tumambad sa amin ang napakaluwang na space. may dalawang fountain sa magkabilang gilid tapos lahat ata ng matatabang poste na yun ay may nakalagay na malalaking estatwa na hindi ko na alam kung sino-sinong mga Roman personality eh. Mga po na nagdaan, Saint peter siyempre at alexander VII nga ba.. Ahay basta yun na yun at hindi nman na ako nagbasa ng history nila. basta picture na lang ako ng picture! kasi pag binasa ko ang history neto malamang pagawan na rin nila ako ng estatwa bago ko matapos yun lol!

 

Isipin nio na lang kung gaano katagal humubog ng mga skulptura na kagaya ng mga kerubin na un? Hindi ba ang taga nun ? eh nakapalibot yan sa bung St. Peter square at ang maliliit na detalye at talaga namang kininis at pinerpekto. Ang ilan sa mga picture na nakuha ko ay karamian ceilings. kasi naroroon din ang mga nakamamanghang ukit at gawa sa bronze, at ginto. Meron din gawa sa marmol at porselana na sadyang naipreserve nila ng husto. At kung mpapansin ang pic ni habibi eh ceiling yun. ginawa ko niyang background pero sa paikot nun ay may mga turista rin na matiyagan inaalam ang bawat kwento ng magagandang paintings, rebulto at ukit sa pader ng famous st. peter square – vatican city.

 

Hindi ko alam kung ppwede na ang mga picture na ito pero palagay ko eh gagawa ako ng part 2. Kasi nga eh inaantok na ako. Di bale, bibitinin ko muna kau ng konte para nman merong thrill..

 

Siya pala dahil sa dami ng picture na kinuhanan ko kanina eh nainis sa akin si habibi. naka 20 shots na raw ako sa labas pa lang ng church. Moody si lolo kaya nainis tuloy ako. Naiyak ako sa gitna ng st. peter square.. Imaginin nio ha first time meron isang turista na umiyak sa git na ng st peter square hehehe.. Pero as soon As we get in tapos ng bless ako ng holy water form the querubins jan sa picture, the bad moods has blown away.. so sabi siguro ni Papa Jesus, better enjoy the day rather than spoiling your vacation.. kaya humayo kau mga anak at alamin ang iba pang ganda sa bahay ko.. naks! Si bro talaga no gina-guide ako. So after nun, believe it or not game na game na si jamie sa lahat ng pituran. Ultimo nga yata un ibang italyano eh pinicturan na rin. at pag ako nman 3 shots agad para daw sure.. hehehe..

 

O pano, post ulit ako bukas.. kahit hindi ako updated eh iuupdat ko ang lahat ng aking napuntahan as soon as possible.. papahinga na ang beauty kaya see u again tomorrow.

 

100_2417

Eto nga pala ay picture namin ni mamita at ni mamito sa harap ng Basilica de San Prieto. Salve mga senyor at senyora bloggero! Awhoooo!!

12 comments:

  1. aba.. ayos.. kakainggit naman.. ako kaya kelan makakapunta jan?

    bka after 30 years pa ako makagala jan.. bwahaha.. sa ngayon sa encyclopedia at sa libro ng sibika at kultura ko pa lang nakiktia ang mga lugar na yan. .:) :)

    sige, san ba ang next destination?..

    ReplyDelete
  2. nice nice!
    mukhang super enjoy ka jan.. keep it up, kesa naman stress ka.. hehe

    ReplyDelete
  3. Hya naku eds.nag-enjoy at napagod din ako sa pamamsyal nyo..

    ReplyDelete
  4. woi sis talagang bakasyon galore talaga kayong pamilya....been wanting to visit Europe....hehhee...:) someday soon...:) mukhang masarap ang buhay pag traveler ka ano...hehee! am sure nag enjoy kayo ng todo-todo...love the pics....thanks for sharing them all...miss you sis...ingat jan!

    ReplyDelete
  5. Naku lapit na yan .. di pa naman aabot ng 30 years hehehe... Next destination? sabi ko Paris nman hehe ..

    ReplyDelete
  6. ukayo talagang nag-enjoy nman kami hehe kahit na nanakit ang ga paa namin kalalakad at nabutas ang bulsa ok nman .. at least masaya kami lahat ..

    ReplyDelete
  7. Hi Peachy salamat sa pagbisita.. ako nga din pagod sa pamamasyal hehehe..

    ReplyDelete
  8. Naku Dhemz kelangan lambingin mo ng husto si Banana mo at ng mapasyalan mo ang europe.. I suggest kuha ka ng Schengen visa kasi pag nasa rome ka na mga ilang oras lang ang layo ng austria, paris, france amsterdam at iba pang kalapit na lugar. at dapat pang 2 weeks hehehe para sulit ang bakasyon nio

    ReplyDelete
  9. Ganda nang mga pictures, thanks for sharing them, parang gusto ko na rin mag punta sa italy....

    ReplyDelete
  10. Punta ka na rin marife. sama mo si habibi mo at mag eenjoy nman kau talaga :)

    ReplyDelete
  11. weee!!ang ganda naman dyan!!salamat at naka free trip ako papunta dyan through your pics!!\(^0^)/

    ReplyDelete
  12. ang galing talaga ng mga inukit na estatwa di ba? sabi ko nga sa comment ko sa friendster mo, sana inuwian mo kong galong galong holy water. nakalimutan ko palang magbilin ng ostiya. Hehehe. Sana next time, tayong dalawa na ang magpasyal dyan, oh ha? panay rin siguro ang posing natin.. mahilig din ako mag pose eh, pero sa ngayon, ako taga picture.

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin