27 Mar 2009

Benvenuto Great Britain!

Feel na feel ko pa rin ang Italya kahit na nasa Great Britain na ako. Naks meron pang hang over ng bakasyon. Hayun at feeling ko ngayon eh nanaginip lang ako. Parang hindi nangyari ganun baga? Hindi ko alam kung epekto ito ng panghihinayang na sana eh mas matagal kami nag-stay o dahil sa nabingi ako sa plane. Tsk! Tsk! Tsk! Anuman ang dahilan eh isa lang ang ibig sabihin nito. Babalik ako!

 

Sa totoo lang masama ang pakiramdam ko. Kasi nga sa dami siguro ng nakasalamuha namin sa pagbabakasyon, kaliwat kanan ang sumisinga, umuubo at bumabahing naItalyaho at turista eh nasagap ko ang pambihirang souvenir na tingin ko eh talgang di ko makakalimutan. Hay naku, tuluyan na ngang bumigay ang aking katawan sa pagod at puyat na aking narasan. isipin mo puyat ka na tapos masasakit pa ang mga binti ko. Tingin ko nga dudugo ang talampakan ko eh hindi ko matatapos libutin ang Rome sa loob ng iilang araw. Parang narinig ko me nagsabi na “ E di dun ka tumira!” .. Mali ka jan dahil ayaw ko tumira sa Italy. Lol! Mahal mabuhay sa Italy. Parang nga lahat ng pangarap ko na tumira sa bansa kung saan ang sibilisasyon ay nagmula ay naglaho na parang bula. Sus ginoo! Nasaid ang aming salapi dahil kaliwa’t kanan ang bayad. Rip off pa ang ilan sa kanila na talgang ginawa nang business lahat ng pwedeng gawin business. Heto pa, sa Italya na isa sa sentro ng fashion meron din mga pirata! Ano ang ibig kong sabihin? Eh di IMITACION! hehe nakabili nga ako ng LV na peke kaso malapit sa Coloseo dahil sa dami ng laman ay napigtas ang hinayupak na bag. Buti na lang hindi nila alam kung ano ang nasabi ko sa aking pagkagulat. Isang metro ang tilampon ng bag ko na nalagot at sumadsad sa buhanginan. Pambihira sa Italya pa ako nagsabog ng kahihiyan. Pinulot ko agad kahit kasagsagan ng mga turistang naglalakad at ibinuhol ng pagkahigpit-higpit. Di bale, tatahiin ko na lang sa aking pagbalik sa Wales.

 

So hayun nga, tapos na ang bakasyon at ako ngayon ay nandito sa New Brighton. Uubo-ubo at sisinghot-singhot sa aking nalanghap na masamang virus mula sa Italya.Kung hindi nio nalalaan, eh ngaun lang ako dinapuan ng sipon at ubo mula ng hako ay dumating dito sa UK. Ang sakit ng ulo ko at parang puputok ang magkabilang tenga ko dala ng pagkabingi ko sa plane. Di ko rin na-enjoy ang joy ride pauwi kasi nga mukhang si manng piloto eh di maganda landing. Kumbaga sa jeep nakakalso pa kami sa mga ulap lol! Yun pagland kasi namin parang ang feeling eh ilang ulit akong itinaas at biglang ibinagsak sa roller coaster. Tingin ko nga kamuntikan na nman maiwan ang kaluluwa ko sa langit sa bawat baba ng plane bago namin marating ang kalupaan. Hay nakahinga ako ng maluwag ng naka-land na kami. Yung tenga ko hanggang ngaun umuugong. Ang lalaki na nga ng nguya ko eh para hindi ko ma-feel na parang tinakpan ng earplug pero parang blocked pa rin sia. Tapos unti-unti lang nawawala sa bawat hikab ko lol! Hay naku, ngayon ko naisip na parang pinarusahan ko ng minsanan ang aking katawan. Pero ayos lang at least nakita ko na ang ibang mga larawan na sa picture ko lang madalas makita.

 

Ayun, nakita ko pala ang mga mensahe niyong bonggang-bongga sa aking tagboard Salamat sa mga walang sawang dumadalaw. Ako nman eh babawi sa inyo bukas. Hindi ko talaga kasi magamit ang aking internet sa pagbbloghop kasi nga mabagal na mabagal. Malamang pag ginamit ko to eh lumaylay ng bonggang-bongga din ang aking eyebugs kakahintay sa pagloload ng inyong mga sites. Siempre nman ayaw natin mangyari yun kaya konting-konti na lang at magagamit ko na rin un internet na pag binuksan mo eh hindi mo matatapos ang alpabetong piipino bago magload. (Repeat twice pa yun ha ) hehe.. Nagmamalabis na nman ako. Bueno, pahinga muna ako. Buonanotte mga seniorita at seniorito! Grazie and Arrivederci!

3 comments:

  1. o sya matulog ng ayos at saka na yang blog hop na yan dahil tila nga nabingi ka at baka di tayo magkarinigan sa mga usapan, nge..joke lang..mabuti na rin na nakapunta ka dun kase naranasan mo na minsan e galing ka dun sa bayan ng mga purong katoliko..pahinga ka at para mawala ang sipon..

    ReplyDelete
  2. oo nga masisinghot ko na ang aking PC neto .. thanks sa pagbisita kuya payatot.. do ko pa mashare ang other pics ..

    ReplyDelete
  3. wow, italiana na ang dating mo, may pa arrivadechi ka pang nalalaman. goodbye ba yun or goodnight? hehehe. Hayan ang napapala ng layas, hehehe. buti ka nga at nalibot mo na ang lugar na sa panaginip lang nakikita at sa mga larawan lang. kapag umuwi ka sa pinas, i print mo mga pictures at ipakita mo sa kapitbahay nyo, oh ha? Hehehe. I hope you feel better now..

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin