Tama ang nabasa niyo. New look nga ang favorite area ni Jamie. Promise nabaliw-baliw kami kakakalas-kabit ng mga kapirasong kahoy na ito bago nabuo. Isa itong Computer Hide-Away unit na nakuha pa namin sa Great Universal. 3 weeks ang nakaraan bago magdesayd si Jamie na Buuin ito pero ang sama neto kamuntik pang masira dahil pinilit niyang gawing mag-isa. Hindi man lang humingi ng tulong sa akin eh ako nman eh panay lang ang nood ng Love me Again ni Piolo at Angel.
Bumaba na nga ako dahil ng marinig ko ang malalakas na kalampag. Nakita ko na nakaupo sia sa isang sulok at stress na stress sa pagkakabit ng mga piraso ng kahoy. Gusto kong matawa kaso baka ibato sa akin yun Philip na hawak-hawak niya hehe. madali pa nman mapikon to pag stress hehe.
Dahil nga mapilit ako at to the rescue ang beauty mo eh tinulungan ko na siya at wala na siyang nagawa. Nakipukpok at naki lagay na rin ako ng mga screw. Pero ang pinakamahirap na parte dito ay ang pagkakabit ng cover. Yun dalawang isinasarang pinto sa harapan. Pano ba naman kasi hindi namin malaman kung bakit ung isang bahagi ay mas mababa kesa sa kabila. Ayaw ding sumara? Naloko na! Ito yata ang pinakaunang hide away unit na hindi mo maisara. Kaya kalas na naman kami at pilit na inaalam kung bakit nagkaganun ang resulta.
Pok-Pok-Pok! Ayan martilyo dito martilyo doon. Masasabi kong rubbish itong unit na nabili namin dahil sa mga parteng hindi kainaman. Gawa lang ito sa lawanit na tinakpan ng vinyl. So san ka nman dun? kaya pala mura tapos bubuuin mo pa parang puzzle hehe. Pero ayun nga nalaman namin na yun manipis na plywood pala na naikabit namin sa bandang likod nito ang siyang magbabalanse sa pagtayo nito. At kung ikinabit namin ang plywood na yun ng hindi chineck ang pagkakatayo nito eh talaga nga palang hindi sasara ang pinto. At isang rebelasyon nito, ako ang nagpukpok ng plywood sa likod dahil pakialamera ako hehe. kaya inalis at ipinukpok namin pabalik ng matantiya naming balanse na ang dalawang pinto na nakakabit sa harapan. ( Pambihira kasalanan ko pa pala haha) at tsaraaan!! Nagawa na nga. Mukha namang palang maganda ang kinalabasan. Ang Computer ni Jamie ay hindi na mapupuno ng alikabok at pwedeng maisara kapag kami ay umaalis na parang lalagyanan lang ng damit. O diba? sino bang mag-aakala na computer ang laman niyan? Isa pa kahit mumurahin ang unit mukha na ring mamahalin dahil mukha nman professional ang nakaupo.( Sows! Salamat sa Lasagne kagabi—Siya ang nagluto ng dinner ) Ayan nakasalamin na sia nakita niyo? kasi nga eh mejo nasosobrahan ata sa gamit ng PC kaya sabi ko isuot para hindi na lumala ang sakit nia sa mata. Tingin ko nga kelangan ko na rin ng salamin. Pero naman! Hindi ako magtataka na lahat ng blagista eh nakasalamin pagdating ng ilan pang taon? Agree ba kau? At dahil sa kaadikan sa pagba-blog eh darating ang araw na konti na lamang ang matitirang blagista na may malinaw na mata ( Kinopya ko pa yan sa paghohost ni Korina Sanchez sa RATED K pag nagbibigay siya ng tsinelas sa mga bata haha.. )
Bweno, ng matapos ito, ako na rin ang naglagay at nag-instila ng computer ni Jamie pati na ang internet nito. Isipin niyo ang itsura ko na lumusot-tumuwad-humiga para maayos ang mga kable sa likod. Ayaw ko kasi na gulo-gulo ang mga kawad kaya ako na ang nagprisinta. Pag si Jamie ang gumawa niyan malamang na yun mga wire ng mouse at keyboard eh sa harap dumaan. Akala mo mga kawad ng kuryente sa Pinas na kung saan nagsulputan. Whew! Kafagud! Pag mejo umaraw-araw magsemento nman ako ng fireplace namin na nasibak ni Jamie haha..
pok pok pok ba? Hehehe, kaya itong si Rodney, galit na galit sa mga binibiling mga need assembly, kasi minsan kulang ng mga screw or mali mali ang parts. Wala lang siyang magawa kapag minsan eh may binibili ako na siya ang nag aasemble. Sabi ko, kaya nga mura, kasi pahihirapa kang mag kabit.
ReplyDeleteBaligtad pala tayo, ako kapag nagkabit ng mga cords, bara bara, si Rodney, tinatali pa para daw di nakakalat, oh ha..minsan eh organized naman ang asawa ko.
Oy maganda ang computer table ba yan or cabinet? What do you think pala of the movie, Love Me Again? Oks ba sa iyong panlasa??
computer table and cabinet in one hehe.. oha? eh ako nman ang madiwara sa mga cable .. gusto ko maayos talaga hindi yun matitisob tisod mo makaaksidente pa.
ReplyDeleteAbout Love me again naman ok nman ang movie pero cguro 7/10 ang rate ko. I think mas maganda ang kwnto ng Don't give up on us kesa dito hehe.. or cguro hindi lang nagjive ng husto ang team up nila? anyway still a good movie worth watching. hehe..
naku tita eds, isa lang ang massabi ko dyan, may lahi ka palang karpintero ano? buti na lan na rescue mo ang muntik nang masira dahil sa stress ni tito jamie..hehehehe..akalain mong marunong ka pala nyan? ang pinay nga naman oo, kahit saan mapunta, may abilidad...
ReplyDeleteTama ka kuya payatot.. malamang pagbalik ko nang pinas ako na rin ang gumawa ng bahay hehe.. Nung napunta ako dito, dun ko natutunan lahat. mula sa pagluluto hanggang sa mga pagkakarpintera.. di mo naitatanong, ginawa ko na rin ang fence sa likod ng bahay haha. pero sa tingin ko yan ang mga bagay na hindi makakalimutan ni tito Jamie sa akin. Kasi im willing to learn everything [ara maging isang ulirang maybahay .. naks!
ReplyDeleteHi Eds, ang ganda naman nito! pag tapos na gamitin ugn computer pede na itago! hay...sana me ganyan ako. :)
ReplyDeleteTama ka ate beth .. kaya nga nagustuhan ko rin sia.. ang panget nga lang dito eh mejo hindi top quality ang materyales. pero tingin ko nman nasa pag-iingat rina ng itatagal ng isang bagay... Malmang sa meron nito jan sa atin .. try mo magtingin tingin minsan sa mga furniture shops..
ReplyDeletenice ang ganda ng computer cabinet na yan. safe na safe ang computer ng hobby mo. grabeh ang hirap pala buuuin yan. nakailang oras kayo sa pagbubuo nyan..
ReplyDeleteHi rose.. Una salamat sa pagbisita. Kung itinatanong mo kung ilang oras na buo, mahina ang 4 hours hehe.. mejo ginabi pa nga kami niyan kasi sinimulang niya alas 8 ng gabi. kaya nun kakalasin na ipinagpabukas na namin at baka balibagin kami ng kapitbahay dahil nagpupukpok kami eh gabing-gabi hehe..
ReplyDeleteIts my idea na bilhin to kasi laging nakatiwangwang ang PC niya. minsan kasi meron kumakatok bigla eh un agad ang nabubungaran.. kaya sabi ko itong hide-away table eh bagay na bagay sa kanya
hay naku, terible! naalala ko tuloy yung cabinet ko nuon na lawanit lang din ang kahoy na tinakpan ng vinyl. swear! gusto kong sunugin pagkatapos ma-assemble yung cabinet, nauuga. kaasar! kinuha na lang sakin ng tita ko kesa daw sunugin ko.
ReplyDeletebuti naman napagtyagaan nyong buuin yan..
Hehe edsie, umuuga ba? etp rin umuuga eh pero nun maikabit un wood sa likod un pala ang susi para hindi umuga. pwede na pagtyagaan gang sa makabili kami ng talgang kahoy na makakapal talaga. at hindi vinyl ang nakatakip kundi un totoo nang varnish naks..Asa pa ako
ReplyDelete