Kanina lang pagkadating ko galing sa Beach house na nilinis ko dumiretso agad ako sa pagbblog. Pano nga nman kasi sabi ni kuya payatot sa blog niya pag walang internet nakakabaliw at nakakabanas. Susme ganun din kasi ako. Para bang katapusan na ng mundo pag hindi ako nakagamit ng internet sa isang araw, Ito kumbaga ang nagsisilbi kong bitamina. Walang araw na nagmintis ako sa paggamit ng internet lalot nandito lang ako sa bahay. Minsan nga mas gusto ko pang i-kiss ang PC ko kesa kay Habibi hehe.
Tuloy ang kwento.. Ayun nga nakita ko nagmessage si kuya payatot sa aking Purse/Bag Tag at gusto raw niya dekwatin ang laman ng bag ko. hehe Yan ang dahilan kaya nagpost ako. Kasi naalala ko yang dekwat na yan! Ano nga ba ibig sabihin niyan? Magnanakaw ang kasing-kahulugan nito ayon sa aking pagkakaunawa..
I-share ko sa inyo ang nangyari.. Heto na ang kwento..
October 8, taong 2007 nanggaling ako ng Maynila dun sa Philaxa Building sa tapat ng RCBC Plaza sa Makati para magsubmit ng aking mga rekitutos sa pag-aaply ng aking Fiance Visa papunta dito sa Uk. Dala-dala ko lahat para kako sigurado nang ma-approve ako. Ang mahal ng Visa Fee! 49K plus pero siempre hindi ko dala yun ng cash no. Naka Money Order siya.. Kala niyo yun ang na-dekwat no? Anyway, Maghapong stress ang inabot ako. Bukod sa nasa 25th floor yun eh yung pagsusubmittan mo ng mga documents mo eh napakasungit. Ang sarap tirisin! Kung bakit ang tatapang nila na kelangan ka pang supladahan eh pwede naman sabihin ng maayos. Hindi eh! Ippahiya ka pa sa harap ng ibang aplikante, dahilan para manginig ang mga bahay-tae nun mga ibang nakapila. Haysus! after ko maibigay lahat biometric ang sumunod. Akala ko hinlalaki lang ang kelangan ng fingerprint, lahat pala ng daliri hehe.. Natapos nman ng maayos ang pagsusubmit ko. sabi sa akin tatawagan ako. Binigay ako ang mobile number ko kung sakali at meron nang result pwede nila ako matawagan anytime. Diretso kami pauwi ng Cabanatuan kasama ko ang kaibigan ko. Tapos kamalas-malasan, mainit na nga ang panahon, umusok pa ang sasakyan ng kaibigan ko dun sa bandang Bulacan. Mejo talahiban pa nman tapos magttakip-silim na eh di kinakabahan kaming parehas. Kamilang dalawa ang bumiyahe papunta manila tapos balikan din, yun pa ang inabot namin. Buti na lang me mabait na mama na tumulong sa amin at naremedyuhan nman. Ako nman, ang sama na ng pakiramdam ko ng humirit na uli sa kalsada ang kaibigan ko. Lalagnatin ata ako kasi nga sa sobrang init at lamig na inabot ko sa Maynila. Inuubo at sinisipon akong dumating sa Cabanatuan dun sa apartment ko sa Bantug. Dalawa lang kaming nakatira dun. ako at yung dalagitang pinag-aaral ko ng vocational.
Kinabukasan nga ay natuloy ang trangkaso ko at nagdecide ako na magpahinga na lang ng isang araw bago muling pumasok sa opisina. Yun namang dalagitang nakatira sa akin na ang pangalan ay Carmie eh nagsimba at maagang umalis ng apartment. Naiwan akong hilong-hilo at uubo-ubo.
Bandang alas-diyes ng umaga me naririnig akong pumupukpok. Hindi ko lang mawari kung sa kapitbahay ba o sa sa kabilang apartment. Hindi ko na tiningnan kasi baka meron kakong ginagawa o baka meron inrerepair sa katabing unit eh kalilipat lang din. Isa pa, nahihilo nga ako dahil nilalagnat ako. Naidlip ako ng ilan pang oras..
Maya-maya narinig ko bumukas ang pinto sa sala. Yung apartment ko kasi up and down. Dalawa ang kuarto sa taas tapos sa baba sala, kusina, labahan at toilet. Pero dahil nasa taas ako at nakaawang ang pinto ng kuarto ko narinig kong may pumasok na sa bahay. Sabi ko sa sarili ko baka si Carmie na. Eh naiinis pa nman ako kasi hindi ako ipinagluto ng agahan eh me trangkaso nga ako. Sabi ko sesermunan ko pag nakapagpalit na siya ng pambahay. So dahan-dahan akong lumapit sa pinto at sinara ng dahan-dahan, bumalik ako sa kama at nagtulug-tulugan. Naririnig ko kumakaluskos pa rin sa salas ko. Hmmm medyo kinakabahan na ako pero cge, baka kako nagluluto na si Carmie. Umiba ako ng posisyon patalikod sa pinto ng kuarto ko para hindi niya mapansin na nagtutulug-tulugan ako at nakikiramdam. Ang laptop ko naka-on pero yun mga wire, nakapaikot sa paa ng kama ko. Yun dalawang cp ko, kung hindi ako nagkakamali, N70 yun at isang 3310 nakapailalim sa Unan ko na inuunanan ko pa. Dun ko kasi hilig ilagay ang Cp ko para pag meron nagtext or tumawag, gising agad ako.
(Eto ang itsura ng Sala ko nun sa apartment na yun. Yung mga drawer na yun ang binaklas ng manderekwat)
Ilang saglit pa akong nakarinig ng mga kaluskos sa sala pero mukha nmang pati yun nakalock na mga drawer eh binubuksan. Sabi ko iba na yata to. Pumasok sa kabilang kuarto at narinig ko nagbagsakan ang ibang gamit doon.Tapos narinig ko bumukas ang pinto ng kuarto ko. Nakapantulog lang ako nun. Hindi ako gumagalaw kasi nga iba na talaga ang pakiramdam ko. Hindi ko na inisip na tingnan o ano kung sino ang pumasok kasi alam kong hindi ako makakasigaw kung sakaling tama nga ng kutob ko dahil wala akong boses nun araw na yun. Naaninag ko lang na nakataklob ng Orange tuwalya na nagkataong tuwalya ni Carmie. Binuklat ng kung sino man ang nagmamay-ari ng kamay ang aking table. Naalala ko yun kamera ko nasa bandang ibaba ng drawer. Natatakluban ng mga underwears ( hehe ). Tingin ko meron hinahanap yun tao. Sigurado na akong hindi si Carmie ito. Kasi hindi naman yun pumapasok ng biglaan lalo na kapag nasa loob ako ng kuarto. Pigil hininga na talaga ako. Todo ang pag-arte ko na tulog ako. Naramdaman kong gumalaw ang unan ko tapo Ilang saglit pa narinig ko na ang yabag palayo sa kuarto.. Dinig ko rin ang mga hakbang sa hagdanan atmalakas na pag sara ng Screen Door... Kinapa ko yun cp ko sa ilalim ng unan ko para itext sana yung kuya ko na nasa Office nun mga oras na yun. pero uahhh!! Hindi ko makita ang cp ko ?? Hala !! Tama nga yata ang hula ko .. Kinuha ko ang walis tambo na nakalagay sa puno ng hagdanan pababa at tuloy-tuloy na tumakbo palabas ng pinto. Maingay sa kabilang bahay dahil meron mga estudyante na nag-iinuman. Pagtingin ko sa sala nakabukas ang mga drawer, sira ang mga lock. Tiningnan ko ang main door buong natanggal ang door knob! Akyat ako hawak ko pa rin ang tambo, nakita ko parang ni-ransak ang kabilang kuarto. takbo ulit ako palabas ng bahay! This time sumisigaw na ako! Sabi ko paglabas ko na nakatakip pa sa daster na suot ko at nkapambahay lang ako ..
(Eto yun room ko nun. Yun yung 2 phone ko na nadekwat. Me ala-ala pa pala ako )
" Wala ba kayong nakitang lumabas ng bahay ko? Nanakawan ako!!" Halos wala pang boses na lumalabas sa bibig ko.
Tapos sabi nun estudyante na kapitbahay ko.. " Bakit ate? Ano ang nangyari??"
"nanakawan ako! Nawawala ang cellphone ko! Ang mga cellphone ko" Sumisigaw na ako nun.
Narinig ata nun landlady yun sigaw ko. " Eds ano ba yan? Ano ang nangyayari jan?"
" Ate Lanie pinasok ako ng magnanakaw!" nangininig ako. Tapos nakapaa lang ako at hawak ko pa rin ng mahigpit ang tambo.
"Eh paano mo naman nalaman? Paano nakapasok? bakit hindi mo napansin?" sagot niya.
"Ate Lanie hindi ko talaga alam na magnanakaw nga. Nagtulug-tulugan ako kasi akala ko si Carmie yun nasa loob ng bahay. Pero nun bumangon ako at hinanap ang CP ko nawawala na ito. Tingnan mo ate ang pinto ko at lahat ng mga lock ng drawers sira lahat!! Hindi ba kau ang dapat kong tanungin kung bakit hind niyo napansin na meron na palang tumutungkab ng pintuan ko??" yan ang sagot ko na may halo ng pagkadismaya at galit sa land lady.
" Diyos ko! Buti hindi ka napano! Hindi ko rin alam kasi naidlip ako. Pati yang mga estudyante di rin nila napansin?" sagot ni ate Lanie
(Eto yung table ko sa room. Yun laptop di niya nakuha kasi nga nakapulupot ang mga cables nia sa kung saan.. hehe ganyan ang set up nun time na pinasok ang bahay ko.)
Sabi nga ng mga estudyante na naabutan ko nag-iinuman pa sa labas ng bahay eh hindi nga rin nila napansin. Pero may nakita silang isang binata mga edad 20 years old na umiinom ng ice tubig sa harap ng apartment ko. Dalawang lalake at yung isa naka-jacket ng itim at naka-cap na kasawa nun look-out sa labas ( yun umiinom ng ice tubig) Naiwan pa nga yun ice tubig sa labas. Sabi ng anak ng may-ari sa kanya pa bumili ng Ice tubig. At hindi nman niya napansin ang itsura. Diyos Miyo eh mananakawan nga pala talaga ako. Wala na rin akong magagawa Kahit siguro maghumiyaw pa ako dun. Buti na lang naisip ko pa lang magtulug-tulugan kung hindi eh isa na pala akong malamig na bangkay kung sakali. Na-trauma ako sa totoo lang. Tinawagan ko ang kuya ko para sabihin ang nangyari at ng dumating sabi tumawag kami ng pulis. Yun may-ari bumalik na sa tindahan na para bang walang nangyari. Tapos tumawag ako sa pulis at ang sabi kelangan daw na ako eh pumunta ng personal kung ako eh nagrereklamo. Huh!! Nanakawan nga ako eh? hindi ba dapat nasa area of incident ang pulis para mag-imbestiga? At maiiwan ko ba ang aking bahay na nakabuyangyang? eh sira nga ang mga lock nito?? Kaya kesa sa pag-aksayahan ko pa ng panahon, tutal cp lang naman ang nawala at hindi ang aking buhay eh magpasalamat na rin ako. Ang Pilipinas hindi talaga uunlad kung meron mga landlord na walang pakialam sa mga tenants nila at walang kapulisan na gagawa ng mga responsibilidad nila. Tsk! Tsk!
Inisip ko na lang na premonition iyon ng aking pag-apply sa UK. Siguro kako ang negative katumbas nun eh postive naman in the future. Pero hindi pa rin maiaalis yun trauma ko mula ng ako ay madekwatan. Ipinagwalang-bahala ko kasi yun madalas kong madatnan ang bahay na nakabukas. Akala ko kasi nakalimutan lang isara kasi wala nman nawawala. Nawala ang GOld Watch ko pero inisip ko nailaglag ko sa kung saan. Ang totoo pala eh naghahanda na pala ang mga magnanakaw sa kanilang susunod na pagbisita. At malamang na ilang beses nang pinag-aralan ang pasikot sikot sa loob ng bahay. Kaya after ng incident eh lipat-bahay ako agad within 24 hours haha.. Biglaan talga! and this time ang pinili kong apartment eh yung meron mataas na gate at may security guard. Pero bago ko pa nailipat ang mga gamit ko sinisingil ako ng may-ari sa door knob na nasira! Ano ba yan, hindi nman ako ang sumira kundi ang magnanakaw! Sa accounting nga kung hindi ako nagkakamali eh kasama yun sa fortuitous events. Yun bang mga expenses or loss sa di inaasahang pangyayari gaya ng kalamidad, sunog at kung ano-ano pa. Inassume ko an kasama na rin ang hindi inaasahang manakawan hehehe
November 17 tumawag ang British Embassy sa number ng Kuya ko. Ang sabi nila eh matagal na raw sila kumokontak pero cannot be reached ang mobile number ko. Siguro kako ito na ang kapalit ng insidenteng nangyari. Nang tawagan ko ulit ang embassy eto ang usapan:
"Hello sir this is Edna Leen Agustin. Nabanggit po ng kuya ko na tumawag po kau sa kanya twice today. Ask ko lang po sana kung regarding po saan? Meron na po ba akong visa? " Excited pa ako niyan ha.
" yes tumawag nga ako miss agustin pero ive tried if for 2 weeks pero palaging patay ang celphone mo. Sinubukan ko ring tawagan ang isa pang number na iniwan mo pero ring lang ng ring. Nakita ko ang number ni mr. oliver agustin sa likod ng passport mo at ayun buti namn at nakausap ko. regarding your visa hindi ko alam kung meron ka nang visa pero meron nang result yun application mo nun pang november 6. Please visit our office tomorrow. 2-3 Pm mo lang pwede ipick-up ang result. " Yan ang sabi ng baklang operator. Pero mabait naman hehe tumatawa pa nga eh
" Sorry sir about the contact numbers. Nanakawan po kasi ako. i've called the embassy in fact to tell them my new contact number pero hindi pala naiupdate. Anyway hindi ko ba sir pwede malaman ang result? para nman makatalon na ako at makahiyaw kung positive ang result..." Asa pa ako niyan hehe
" Sorry but we are not allowed to open your envelope. Puntahan mo na lang tomorrow dito sa Philaxa Building. Ang higpit no?
E di wala nang magawa ang beauty niyo kundi lumuwas ng manila oramismo. nang makuha ko ang envelope, hindi ko binuksan hanggang sa makarating ako sa sasakyan ng friend ko. Sa loob ng sasakyan ko binuksan un envelope. nanginginig pa! hehehe and thanks GOD! Ive got the Visa. Pero siguro kung hindi ko nkuha ang visa ko malamang sa tinutugis ko kung sino man ang magnanakaw na pumasok sa bahay ko. Langya na yun! Pasalamat siya at meron magandang balita after ng ginawa nila.
P.S. After one month nabalitaan kong lahat ng kapitbahay ko sa lumang apartment na tinutuluyan ko ay nanakawan. Hindi ko alam kung natimbog kung sino man ang mga magnanakaw na yun pero inisip ko na lang na sila sana yun nakitang bangkay sa isang bakanteng lote sa terminal ng bus sa cabanatuan. Nabalitaan kong isinabit ang apat na braso sa wire ng kuryente.
Moral lesson? Wag magcelphone ng mamahalin hahaha.. O kaya bawal magkasakit kasi malas! Ano pa ba? Magkabit ng CCTV para makilala ang mga manderekwat! At maglagay ng note sa labas ng pinto na " NO VALUABLE THINGS INSIDE!" Joke lang Sa susunod i-share ko nman ang nangyari sa akin sa Budol-budol gang hehehe.. Type na type nila akong biktimahin bakit kaya?
naloka naman ako dun sa last part mo na ishare mo yung sa budol budol..hehehehe, grabe pala ang karanasan mo sa landlady mo at siningil ka pa ng lock na nasira ng hunghang na mandedekwat...
ReplyDeleteang haba ng post mo pero masarap basahin kase ramdam mo ang totoong eksena sa wento mo...
alam mo nung naghihintay ka ng result dun sa visa mo e naalala ko rin ang wifey ko ng biglang dumating ang visa nya sa bansa ng mga dahon ang watawat..
ang sarap ng feeling pag nalaman mo na naaprub yung apply mo at visa pa ha!....dun naman s nakabitin sa wire e sana nga sya na yun dahil kung sakali at di ka nagtulog tulugan at tinangka mong sumigaw, naku malamang bangkay ka na nun at wala ka dyan sa UK...
salamat na rin sa pagiging alerto mo ano, kase nailigtas ka ng sarili mo...
Tama ka jan kuya payatot. Hindi naman ako naghangad ng sosobra pa sa makulong ang may sala ng krimen pero kung sakali sila nga un na-salvage na yun eh malamang Diyos na ang nagbigay ng katarungan sa mga taong ninakawan nila kagaya ko.
ReplyDeleteAbout naman sa Visa, bgla kong nalimutan ang krimeng naganap nag makita ko ang nakasulat na MULTIPLE VISA sa passport ko. O di ba? Babaeng nanakawan pero kapalit nman eh panghabang buhay na kasiyahan kasama ang naging asawa niya.. Sarap lang alalahanin. Tumalon-talon ako ng bonggang-bongga pagdating ko sa bahay at kandabulol-bulol ako kakaenglish nun ibalita ko kay Habibi.
Sa pagiging alert namn eh buti nga naisip ko un. O sabihin na natin ginabayan ako ng panginoon na yun nga ang gawin ko kesa maging babaeng walang buhay ako after ng mga sandaling yun..
Salamat sa pagdalaw mo sa bahay ko kuya payatot .. thanks ng bonggang-bongga din hehe:)
nabasa ko buong kwento mo grabe haba hehe anyway i'm grace alam mo baka ang mga anak nung may ari nagnakaw o posible yun
ReplyDeleteoh my god sis..kakaloka naman ang experience mo...kakatakot..at least d ka nasaktan..that's all it matters....iba talaga pagmagnanakaw....
ReplyDeletethanks for sharing sis!
Sinabi mo pa dhemz.. lam mo after ng incident hindi ako lumalarga o natutulog ng walang kutsilyo o kahit anong bagay na magagamit ko for self defense just in case.. hehe grabe talaga yan..
ReplyDeleteThanks Grace for visiting my blog. As far as I know hindi yun anak ng may-ari un haka kong nagnakaw kundi yun mga kapitbahay 200 meters away lang sa apartment namin. Meron kasing iskwater area dun at mga tricycle drayber na tingin ko matagal na nagmamanman sa amin. buti na lang wala silang nakuha kundi cp hehe.. ako pa nman kahit 10 pesos ang mawala ang sakit na agad ng loob ko haha..
ReplyDeleteawts grabeh naman po ung nangyari sayo ate. buti nalang po at walang nangyaring masama po sayo. grabeh naman ung mga magnanakaw na iyon ang babata pa nila ah at ang bibilis ng mga galamay nila. ang dami mo palang gamit sa bahay ate. siguro pinag-aralang mabuti yang bahay mo bago nilang pinasok yan. Akyat bahay gang po ata ang mga iyon eh.
ReplyDeleteTama ka Rose. Ni hindi ko napansin at ng mga kapitbahay ko na binabaklas na pala ang door knob ko. talagang tahimik silang trumabaho ha.. Pero thanks God na rin at safe ako kahit na nanakaw ang cp ko. Salamat sa pagbabasa :)
ReplyDeleteAng MORAL lesson ng story mo eh, "Always lcok your door" ke umaga or hapon. double lock, lalo pa sa PInas, ang daming akyat bahay gang. Buti di ka na ano. Wala pa naman akong naging karanasan sa nakawan, eh wala naman kasing nanakawin sa akin eh.
ReplyDeleteEh ate liza naka-lock nga ang pinto. dun sa sala hehe.. Screen door at main door yun .. parehas na nabaklas san ka pa.. Sadya lang matinik ang mga magnanakaw sa atin.. tingin ko nga pwede na sa guiness book of world record ang mga magnanakaw sa Pinas eh.
ReplyDeleteoh my gosh,,,,buti na lang nagpaka best actress ka sa pagtutulog-tulugan. nakakatakot naman un, kasi nandun mismo ang face mo nung mangyari..
ReplyDeletenakakawindang tlga d2 sa pinas, mismong pamamahay mo hindi kana safe
Alam mo Jez darating ang araw talaga na yun mga nagnanakaw jan sa pinas eh gawin ng eskwelahan ang mga pamamahay natin. Hindi na talaga safe! Dito nga sa UK alam mo ba iniiwan lang na nakabukas ang bahay pro walang nawawala kahit na buong isang linggo mo iwanan wala mananakaw sayo hehe
ReplyDeletenaku!buti na lang at walang nangyaring masama sa yo!!ang hirap naman ng maka-experience ka ng ganyan!!kung ako siguro,ngatag ng tuhod ko sa nerbiyos!
ReplyDelete