14 Mar 2009

Pahiyang si Muning!

Mag-aalas Dos na nga ng umaga dito sa UK at ako eh gising pa. Si habibi ay mag dadalawang oras na ring humihilik na nagsisilbing music ko habang nagbbrowse ng internet. Haysus! masyado nman ata akong nawili sa pagbabasa. At eto nga, thanks goodness at dinapuan na rin ako ng antok. Pero bago yan huling-huli ko si muning at si Jamie sa kanilang sleeping position. Tingnan ang larawan.

 

102_2013

Pihadong umuusok ang lahat ng butas sa katawan ni Jamie pag nakita niya na nakahambalang sa aking blog ang picture niya at ni Cleo. Masyadong pahiyang si Muning sa kanyang new found sleeping place hehe.. Gusto niya kasi jan kasi nga eh mainit ang katawan ni Jamie. Minsan naiisip ko maabilidad itong si muning. Jan siya lagi natutulog at tuloy hindi ko madantayan si habibi kasi nakahambalang siya duon. Naiisip ko nga eh hindi ako sa babae magseselos kundi sa pusa niya haha.. Hmmp! Hayaan mo na nga!

 

At dahil pasado alas dos na sa mga oras na tinitipa ko ang mga letrang ito, ako eh mamamahinga na rin muna. Medyo doble-doble na kasi ang tingin ko sa mga letra. At malamang nito, tirik na ang araw bukas eh Comatose pa ako. Shocks! Sisimba pa nman kami bukas.. Hay naku makapagbeauty rest na nga muna! Happy weekend to all and good morning naman sa akin ..

12 comments:

  1. ok din naman si muning ano, sa dinami dami ng pupwestuhan ay dun pa napapwesto kay tito jamie..hahahaha

    buti na lang at pusa yan kung babae yan naku tiyak ko na uusok ang paligid mo dyan....

    o sige sleep na at para mas maganda ang umaga mo dyan sa UK..

    ReplyDelete
  2. hahhaha...kakaloka..thanks for sharing this funny pic sis..hehhehe! kaya nga ako d ako sa bed namin nagbloghop kasi nga lakas din nang music ni banana...ahhaha! buti si miming nasa ibabaw...hahha...:) cute ng miming nyo!

    ReplyDelete
  3. hi, nakakaaliw naman basahin itong mga posts mo... ^_^

    ganda ng position ni muning ha ^_^

    ReplyDelete
  4. Kuya payatot kung babae yan kanina pa duguan yan hehe.. pagmasdan mo nga ang picture.. hindi na nakuntento sa paghiga dun at naka-pakurot pa ng konte hehehe.. salamat sa pagbisita.

    ReplyDelete
  5. Dhemz ito talagang si miming namin eh cute. matanda na to mga 14 years old pero malambing. Kaso kakainis lang kasi nanggigising sa umaga hehehe

    About naman sa music ko eh minsan nasasanay na rin ako. pero nun bago-bago kami naku po. Laglag ang eyebags ko kasi nga hindi ako makatulog sa gabi hehe.. ayun tuloy gabi-gabi ko ring gamit ang magic wand ko.. TADA! Ang earplug.

    ReplyDelete
  6. To Meryl salamat sa pagbisita mo sa blog ko.. balik ka ulit at ng maaliw ka hehehe

    ReplyDelete
  7. Naku balik na lang uli ako dito maya gabi para magbasa.napadaan lang to say happy sunday! May lakad kasi ako. kagabi wala naman ako internet connection kainis.grrrrrrrrrr. thanks nga pala for following my blog. I also added you sa blogs na pina follow ko. pero I follow anonymously lang at may makukulit na lalaking gusto follow ko sila e yoko naman ng blog nila. hehehe! osya take care at bibisita ako dito madalas!

    ReplyDelete
  8. Salamat annyw, hihintayin ka ng blog ko sa pagbabalik mo nanginginig pa.. hehe.. bisitahin ko rin palagi ang site mo .. ::)

    ReplyDelete
  9. baka nagseselos si muning sa yo--minsan naman eh patulugin mo naman silang dalawa( bulong sa kin ni muning!)hehehe!!ang cute nya ha!!

    ReplyDelete
  10. Hi ate clarissa.. naku buti nman at nabisita mo si muning hehe.. Ayun si muning epal palagi yan.. nagagalit pa pag hindi mo pinagbuksan ng pinto hehe..

    ReplyDelete
  11. Awa ako sau Teng, pusa ang karibal mo, ehehehehe! buti na yan, magalit ka man eh oks lang kasi di mo naman pwede sabunutan, wahhhh! kapag girlsih pa yan, baka mabigyan mo pa ng mag asawang sampal, di ba?

    ReplyDelete
  12. hehe ate liza mnsan gusto ko itapon sa dagat si muning eh .. aba kahit umagang umaga eh naka kandong ke jamie.. daig pa ang GRO sa bar hehe... kaya minsan sinusutil ko sia lol!

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin