13 Mar 2009

Mag-Brunch Muna Tayo!

102_1996

Hayan recipe entry na naman ang ginawa ko today. At habang nga ginagawa ko ang post na ito, eh nagmamantika pa ang nguso ko dahil katatapos ko lang mag-BRUNCH.

 

Sabi ni Jamie gusto raw niya kumain pero wala siyang gana. Nagugutom siya pero parang ayaw niya kumain. Huh? Ang gulo nman niya? Kaya naman, Operasyon Google-search na nman ang lola niyo. Naghanap ako ng recipe na alam kong magugustuhan niya. At eto nga, nakita ko si HASH BROWN RECIPE.

 

Madalas pag pumupunta kami sa Bangor o sa Holyhead basta nakita niya ang magic M, nangininig na yan sa Mcdonald Big Breakfast. Tapos kukuha sia ng Hash Brown kasi sarap na sarap sia dun. Eh eto nga ako, bakit hindi ko i-try gawin for my habibi.

 

Mabilis pa sa alas kuatro na inihanda ko ang mga kailangan sa aking Hash Brown Experiment. Mukhang hindi nga ako confident kasi parang hindi nman sia mabubuo ng katulad ng sa Mcdonald. Pero cge try pa rin. Chop-chop dito chop-chop dun. Tapos heto na sabay-sabay ko nang ginawa ang aming brunch. 2 pan agad ang gamit ko. Habang ginagawa si hash brown, niluluto ko na rin si sausage at nakasalang na rin si scrambled egg sa bestfriend niyang microwave. Ahahay! Si Jamie hindi na makatiis. Nagugutom na raw sia sa amoy ng hash brown kaya inupakan agad ang una kong naluto. Mejo nasunog nga ng konti ang sausage ko kasi hinihintay ko ang kanyang comment kung ano ang lasa ni Hash Brown.

 

“ Perfect! Its better than Mcdonald..” sabi niya

Hindi ko alam kung nang-uuto siya o ano kasi pagkatapos ng unang hash brown eh sinabi niyang si Mcdonald daw eh gumagamit ng ready to fry nang hash brown. ( Siniraan pa ng loko!)Hmmm, pero maaari! Pero nman nun ako ng ang titikim sa gawa ko, mejo naglaway ako ng konti bago ang unang kagat! Wow! Mainit-init pa at lasang lasa ko ang bacon, pepper at onion na inihalo ko.. Ang sarap talaga! Kahit nag-amoy ginisa ang damit ko ayos lang dahil sulit. I-try mo rin para maiba nman ang breaskfast mo. heto HALUNGKATIN MO ULIT DITO para sa buong detalye ng recipe.

 

102_1999Habang nga kami ay kumakain, muntik na masira ang Brunch ko dahil itong si Jamie ko tumaya na naman sa kabayo. Eto sa kanan ang katibayan. Ewan ko ba hate ko talaga ang kahit anong klaseng sugal. Tapos naalala ko pa ang dabi ng tatay niya, na bakit daw ang mga wife galit sa husband kapag nagsusugal sila at natatalo. Pero kapag nananalo eh bati sila at humihingi pa ng balato. Sabi ko sa isip-isip ko, eh siempre ganun talaga. Nagagalit talga tayong mga wifey pag talo. Hindi mo na kaya maibabalik yung pera na yun. Tapos pag nalulong sa sugal eh di mas maraming talo hehe. Pero pag panalo eh dapat talagang me TONG! hehe

 

Dun nga pala sa picture, kabayo niya ang nauuna pero dahil Friday the 13th ngayon, natalo ang kabayo niya hehehe. Ayan buti nga sa kanya at nang tumigil na kakataya sa kabayo. Pag ako nainis gagawin ko tong kabayo eh hehehe.. Jowk lang!

12 comments:

  1. hehehe!!gawin mo ngang kabayo yang dyowa mo!!lol!

    ReplyDelete
  2. wow ang sarap naman nyan! Nagutom tuloy ako..

    anyways, care to exchange links? pls comment back if ok lang.. ^_^

    ReplyDelete
  3. hehe malapit ko nang gawin kabayo lol! hano kaya ang hitsura ni jamie.. Blonde na kabayo ahihihi

    ReplyDelete
  4. hi mon sure xlink tau no problem.. nagutom ka ba sa entry ko hehe naku lutuin mo na pampaei din ng gutom yan .. hehe

    ReplyDelete
  5. yaan mo kapag ako eh sinipag, lulutuan ko si rodney niya, para di lang puro itlog, bacon at sausage ang kinakain niya.. mukhang masarap ah..

    ReplyDelete
  6. hhahahha...oks na sunog sis...what matters the most is nasarapan si banana mo...hehhehe!

    wifey na wifey na ang image mo ngayon sis ah...great job! iba ata ang hashbrown jan ah....ehhehe!

    ReplyDelete
  7. naku i-try mo ate liza at minsan nakakasawa na talaga ang bacon, egg at sausage .. hayz..

    ReplyDelete
  8. dhemz binubuking mo nman ako hehehe.. hindi talaga kamukha kasi nga mejo malaki ang grater ko. wala akong makitang mas maliit. pero ok na yan basta kalasa hehe.. naka 4 na hash brown nga sia un last pinaka-malaki hihihi

    ReplyDelete
  9. mula kay habibi, sempre masarap ang luto mo tita eds di ba? alangan namang mas gustuhin ko pa ang luto ng iba...sempre ikaw muna ang una sa puso nya kaya ganyan..at saka totoo naman ata na masarap yong luto kaya nya nasabi yon...

    yun nmang kabayo, naku pareho pala tayo na di mahilig sa sugal, lalo na yan at kabayo pa e di malakihan ang taya dyan ano? mahirap pag laging talo, lalo mag iinit yan sa sugal pag ganyan kase babawi yan e..

    ReplyDelete
  10. Naku kuya payatot kahit ilang beses ko bawalin eh hindi naman makikinig. nakasanayan na kasi nia mula ng bata sia. namana niya sa kanyang ama. nagkatampuhan pa nga kami eh at nang tumawag ang tatay nia sabi magsori sia sa akin dahil kundi dahil sa mga wifey malamang baon sila sa mga utang o di ba? kaya labs ko si father in law eh lagia ko kinakampihan hehehe..

    ReplyDelete
  11. Mukhang special yang hash brown na yan kasi may bacon pa. E yung ready made patatas lang talaga. Masubukan nga yan!

    ReplyDelete
  12. Hi anney, salamat sa pagbalik.. eh kasi nun mangapitbahay ako kay google eh ito ang best na recipe na nakita ko.. kaya nman ito na ang ginawa ko since available naman ang mga rekado. isa pa, pagkakataon ko na para mapakain ng veggies si habibi.

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin