Tulad ng nabanggit ko dati, ibabahagi ko nman ang aking kwento sa aking BUDOL-BUDOL EXPERIENCE. Umpisahan ko na ang kwento.
2002, buwan ng Setyembre. Kami ay abala sa nalalapit na kasal ng pangatlong kuya ko. Kung tutuusin, nauna ang pangyayaring ito kesa dun sa 2007 Dekwatan sa apartment. Nung mga panahon na to, naging biglaan ang planong pagpapakasal ng kuya ko. Kaya nman, tumulong na rin ako sa paghahanda ng mga imbitasyon. Hindi naman karamihan ang ginagawa namin pero dahil sa isang rolyo lang ng ribonette ang nabili ng soon-to-be hipag ko nung mga panaon na iyon, nagpasya silang bumili ng karagdagan kinabukasan.
Alas nuwebe dumating sa opisina ang kuya ko para isama ako sa pagpunta sa Mega-Center. Sabi ko hindi pa bukas yun sa mga oras na ito. At saka itinuro ko kung saan sila pwedeng makabili ng kapares na kulay ng ribonette. Eh mapilit ang kuya ko, kaya nman sumige na nga ako. Sumama nga ako sa kanila. Tutal malapit lang naman at madali akong makakabalik sa opisina. Isang sakay lang ng traysikel.
Dumating kami mga bandang alas 10:30 cguro. Wala pa halos tao sa basement na nagkataon isang maluwang na foodcourt. Aalog-alog pa ang basement dahil kabubukas lang halos ng mall. yung mga may-ari ng stall, nag-uumpisa nang maghanda ng nga ididisplay nilang pagkain para sa mga kakain ng tanghalian. Ito kasing Megacenter, hindi niyo naitatanong eh napakalapit sa mga schools. Kaya ang mga patron nila kadalasan eh mga estudyante.
Pero teka tuloy ko muna ang kwento. habang binibili ko nga ang ribonette, yung hipag-to-be ko at yung kuya ko naupo sa isang bakanteng lamesa. Meron isang lalake na lumapit sa knila. Nakaputi ng polo, naka short, naka reebook ng cap at mamahaling sapatos. Maputi and singkit ang lalake at mukhang mayaman. Kausap pa rin ito ng kuya ko nun bumalik ako sa upuan. Tapos ipinakilala ako ng kuya ko. Sa isang bahagi ng pakiramdam ko meron akong naramdaman na kutob at kaba. Pero ang nasa isip ko kakilala cguro sia ng kuya ko. Naisip ko baka kakaklase niya nun college. Kasi nga itong mamang chinito eh nagkwekwento tungkol sa isang subdivision at mga kakilala sa Kapitan Pepe. Mukha ngang Nueva Ecijano ang mama.
Maya-maya pa eh nag-aya itong pumunta sa isang stall at pilit na pina-order ng pagkain ang kuya ko. Sabi ko kaaga pa. Busog pa ako. Pero si mamang chinito eh mapilit. Umorder ng salad at cake. Hmmm.. Mukha nman kakong mabait. Tapos ng ring ang phone ko. Ung mga kaopisina ko eh hinihintay na pala ako. Meron kasing papasok ng check ng supplier at kelangan ako para mapondohan iyon. Yung mobile ko nun 1 week ko pa lang nabibili. Hindi ko matandaan ang model pero yun ang pinaka-latest noon. nabili ko ng 19,500 dun sa Greenhills. At halos hindi ko pa nga naalis ang plastic nito sa screen kasi nga eh bago pa at ayokong magasgas ito. Tingin ko nakita ni mamang chinito ang cellphone kong bago. Kaya walang isang iglap ay bigla nitong sinabi na meron siyang kapatid na may-ari ng cellphone shop and repair sa 3rd floor. Ang daming kinuento ng mama. Pati yun kotse daw niya na nasa labas at sia eh naiinip na sa paghihintay sa kaibigan niya na manggagaling sa Araullo. Ang bangis at ang yabang ni mamang chinito.
Sabi nun mama sa kuya ko, pupunta daw sa 3rd floor. isasama siya sa taas at ipapakilala sa kapatid. tuloy daw ay kukuha ng phone cards para bigyan daw kami. Sabi ng kuya ko wag na kasi hindi nman namin kailangan. Pero mapilit yun mama. Sa madaling salita, napilit nga yun kuya ko. Naisama sia ni mamang chinito sa 3rd floor. Tapos naiwan kami ni hipag-to-be. Nagkkwentuhan kami ng bumalik si mamang chinito. dala pa rin niya ang cap niyang reebook. Sabi ko nasan yun kuya ko. Sabi niya naiwan daw sa taas. meron daw nasalubong na kakilala at nakipagkwentuhan. Tapos sabi ni mamang chinito,
“Wala palang available na smart card. Phiram nga ako ng cellphone mo at itetext ko yung sister ko para malaman niya ang number mo tapos isesend na lang sayo un PIN..”
Yung hipag-to-be ko nakatahimik na tulala. hindi ko alam na ito na pala ang sinasabi nilang HIPNOTISMO. Isa sa modus operandi ng mga magnanakaw ng cellphone magpahanggang ngayon. Ayaw kong ibigay ang cp ko kasi nga eh kanina pa ako nakakaramdam ng kaba..
“Miss hihiramin ko lang ang cp mo. Hindi ako magnanakaw. Kung gusto mo iwanan ko itong Cap ko. Dito lang ako o. isang text lang hindi ako lalayo..”
Ewan ko pero ayaw ko talaga ibigay ang cp ko. Pero sa kabilang bahagi ng utak ko naisip ko parang ang damot ko nman para hindi ipatext si mamang chinito. Wala sa hinagap ko na ako pala ay unti-unti nang ginagamitan ng hipnotismo. Kahit sa isip ko ayaw ko ipahiram ang cp ko parang walang lakas ako na naiabot ang cp ko kay mamang chinito. Tapos urong ang dila ko at nanginginig ang tuhod ko. parang nanlambot ako tapos napaupo ako. Nakita ko nga si mamang chinito na papalayo na. Yun hipag-to-be ko hindi pa rin kumikibo sa harap ko. Meron apat na NEHS student na naghaharutan sa kabilang lamesa pero parang nakabibingi ang yabag ni mamang chinito palayo. Ewan ko pero blangko ang utak ko para sa isang desisyon. Naghuhumiyaw ang isip ko na “habulin mo si mamang chinito dahil itinakbo na ang CP mo!”. Pero ang lahat ay parang slow motion sa paningin ko. Para bang pelikula na lahat at bumagal sa paggalaw. Tahimik. tapos…
“Kinuha niya ang cp ko..” kausap ko ang hipag-to-be ko pero tulala ako na nakatingin pa rin sa tumatakbong mamang chinito. Bigla sobrang dami na pala ng tao sa foodcourt. Hindi ko napansin tanghali na pala at nagdadagsaan na ang mga patron ng megacenter na kakain ng pananghalian. Peak hours kumbaga.
“ Bakit mo ibinigay? Habulin mo!” yan ang sagot niya sa akin. naisip ko kanina pa ako tumitingin ng humihingi ng saklolo pero parang kagaya ko wala siyang kibo.
Tumakbo ako. Halos matapilok ako sa pagtakbo sa suot kong boots. Pero ang lalaki ng hakbang ni mamang chinito. Sa escalator na punong puno ng tao pataas at pababa. Dun sia humagibis at kumubli tangay-tangay ang cp ko. Ginamit ko ang yun manual stairs pataas. Sabi ko magnanakaw yun mama. Pero un mga tao walang pakialam. Nanginginig pa rin at parang walang lakas ang tuhod ko na pilit na humahabol sa mamang chinito pero hindi ko na sia makita. Nagkubli na sia sa mga tao. Pagpanik ko kasi sa 2nd floor marami siyang pwedeng pagtaguan. kaliwa’t kanan ang pintuan sa mall. Ibilang mo pa ang mga pintuan ng shops. san ako unang maghahanap? Para akong naghahanap ng karayom sa buhanginan. Eh panano kung pumasok siya ng sinehan? eh di lalo nang walang pag-asa na makita ko pa si mamang chinito. Hindi ko alam kung saan nagsuot. Nakita ko si mamang guard at uutal-utal akong sinabi na nanakawan ako ng mamang chinito na nakaputi at nakashort .. basta maporma pero tingin ko late na kasi ang mamang security guard eh aanga-anga. Sa madaling salita hindi ako tinulungan o hindi man lang niradyo ang mga kabarong security guard. naisip ko ito nga palang mga security guard kuno eh hindi nman talaga security guard. Parang decorasyon lang nman ito ng mga mall para meron katakutan. Pero wala rin silang silbi! Hindi ko nilalahat pero cguro 70% sa kanila wala talagang alam sa pagiging security guard. Siguro minalas lang talaga ako.
Tumakbo ako sa 3rd floor at nasalubong ko ang kuya ko. sabi ko san ba sia galing? at nasan ung mamang chinito na kausap nia? Eh sabi niya nag-toilet daw sia. Akala daw niya nasa tabi pa nia pero bgla pala siyang iniwan sa 3rd Floor ng mama. Hala confirmed na nga na itinakbo ang cp ko.
Sabi ng kuya ko malakas ang kutob nia dun sa mama na yun nun biglang nawala. Tanong-tanong ako sa ibang mga stall dun kasi madalas din ako sa cellphone shop. Pero wala daw silang nakitang ganung mama.
Wala na nga ang CP ko. Sabihin na nating tatanga-tanga ako o sadyang matalino ang mga magnanakaw sa Pinas? Ito ang una at huling experience ko sa Budol-Budol Gang. Ang bago kong cellphone ay tinangay ng walang-hiya. Ang tagal mo pinag-ipunan tapos nananakawin lang? Uaahhhh!! Wala akong choice pero tanggapin ang nangyari. Pero promise, 1 month kong iniyakan ang cp na yun. Hindi ako makakain at naiisip ko un mamang nangnanakaw nito. Naisumpa ko pa nga yata eh, Sana kako dahil sa pagnanakaw niya ng cp ko eh dun din sia matiklo o maging dahilan ng pagkaaksidente o kamatayan hehehe. ( Ang lupit ko no!) .. wala lang nanggigigil talaga ako. Pero wala na nga.. wala na akong magagawa… Kung sakaling ikaw ang manakawan, sasabihin ko sayong hindi maganda sa pakiramdam. Naroon un frustration mo na wag na wag papakita un taong nagnakaw at malamang sa ikaw pa ang kumitil sa buhay niya. Ganun ang pakiramdam ko. Babasagin ko ang pagmumukha niya pag sia eh nakita ko ulit. hehe pero as if naman papakita pa ulit sa akin yun? eh madulas pa sa palos ang mga kriminal na kagaya ni mamang chinito hano!
Anyway, bumalik ako kinahapunan sa Megacenter at dahil nawala ang cp ko, kelangan ko ng another cp. hahanap sana ako ng second hand para makontak pa rin ako ng mga kaibigan ko. Nagtanong-tanong na rin ako kung meron sila nakitang mama na ganun nga ang hitsura. Sabi ng isang nagtitinda,
“a yun ba? meron nga isang lalaki na nag-aalok ng ganung cp kanina. Mainit-init pa nga eh bago pa at binebenta nga dito ng 17K.. Hindi ko nga binili kasi delikado kako at mukhang nakaw”
At base sa pagdedescribe ng ale eh mukahng sia na nga ang hudas na magnanakaw. Sus! naalala ko tuloy ulit ang nangyari. Sabi nung ale..
“maraming budol-budol dito kaya mag-iingat kau. Last week lang meron tatlong lalaki na nagpanggap na bibili ng cp. titingin-tingin ng cp tapos akalain mo un bag ng me-ari na meron laman na 150k nakuha nila ng walang aberya. Hihipnotismohin ka nila yan ang tactic na gamit nila.. Kaya ingat na lang kayo. “
Hindi ko masabi kung totoo ang sinsabi ng ale pero marami nman nagpatunay sa nangyari. At mukhng madalas din silang maging biktima ng nagkalat na budol-budol gang sa mall. Ang sabi pa, hindi talaga sila taga-Cabanatuan. Ang siste, ang mga kawatan at pumupunta sa mga probinsiya dahil alam nila na mas madaling lokohin ang mga probinsiyano kumpara sa mga tao sa maynila.
Ang moral lesson sa istorya ko ay :
- Don’t talk to strangers. Hindi mo nga kilala kakausapin mo di ba?
- Pag kinausap kayo wag kau titingin sa mata at malamang na hinihipnotismo na kayo..
- At kahit anong mangyari wag niyo ipahirama ng cp gaya ng ginawa ko. Paminsan-minsan kelangan maging suplada at suplado tayo. Pwede niyong sabihin na wala kayong load at birahan niyo ng alis.
- Wag nang gumamit ng magagandang celphone o di naman kaya silent mode niyo na lang ang mga cp nio lalo na sa public places gaya ng mall.
- wala na akong maisip pero kung binabasa mo ito pwede mo ilagay sa comment area ang suggestion mo.. ( hehehe)
PS. Yung mamang nagnakaw ng cp ko eh nagtext pa nga sa mga number na nasa simcard ko. Isa na nga sa itinext ay ang hipag-to-be ko. At ang sabi, ibabalik daw niya ang CP kung makikipagkita siya kay mamang chinito.
Ang kapal din ng mukha ni mamang chinito at mukhng natipuhan pa ang hipag-to-be ko. Pero hindi na kami kukuha ng batong ipupukpok sa ulo para lang pumasok sa isa na nmang patibong. Alam namin na ito ay isang patibong dahil once a magnanakaw is always a magnanakaw.. hehehe
Sana' ay kapulutan ng aral ang aking kwento .. I – N-G-A-T!
hhuwwwwaaaa!!nakakatakott!!dyosme day!!ba't ka ba nakaka-experience ng ganyan??pasalamat na lang tayo at walang masamang nangyari sa yo at cp lang ang nakuha nya sa yo.di ko lang alam kung anong gagawin ko kung ako ang nasa lugar mo!
ReplyDeleteewan ko ba ate clarissa at mukhang peborit nila akong biktimahin. hay naku sinasabi ko sau hindi mo talaga magugustuhan pag sau nangyari hehe.. baka maging kriminal ka in less than a minute ahihihi
ReplyDeleteang haba ng post mo tita eds pero sa totoo lang, tinapos ko dahil mas mabibigyan ko ng justice ang komento ko kung tatapusin ko sya di ba? eto at ramdam ko pa ang kawalanghiyaan ng mga hinayupak na mamang chinito na kumuha ng cp mo habang ikaw naman ay nakikita kong humahabol sa hudas na yon..kakainis ano pero ang daming ganyan talaga at sa hirap ng panahon e ginagawa nilang hanap buhay na yan..
ReplyDeleteang masakit nito e di mo naman sana mawawala yon dahil ayaw mo ngang sumama sa kuya mo di ba? ang hipnotismo kase e para kang nawawalan ng lakas para labanan ang anumang emosyon na meron ka sa oras na yon kaya ganun ang nangyari sayo..hay nadala na naman ako sa post mong ubod ng haba...
hehe pacencia ka na kuya payatot kasipag iniklian ko hindi ko mailalahad ng sakto un feeling at un experience ko sa mga budol-budol. Marami na akong kakilala na naging biktima rin ng gang nato. ewan ko ba bakit meron mga grupo na ginagawa na talagang hanapbuhay ang pagnanakaw.iniisip ko lang mahirap na nga ang buhay tapos ganito pa ang ginagawa ng ilan nating mga kababayan. Paano na aangat ang pilipinas nto?
ReplyDeleteButi na lang natapos mo basahin. hamo sa susunod iklian ko na rin. kasi minsan pag ineedit ko sumasakit din mata ko hehehe.. salamat sawalang sawang pagsubaybay sa aking mga post kuya .. thanks talaga..
Naligaw ako dito from Liz's blog. Pinsan mo pala sya. nakakatakot namn tong nagyari sayo. Nag google tuloy ako ng budol budol. Ewan ko kung nabasa mo na tong ngyari sa isang lola na biktima din ng budol budol. Grabe!! Maswerte ka pa nyan at ganyan lang etong si lola jusko super na hypnotize yata. If you have time you can read her story at talaga namang grabe yung nagyari at dami natangay sa kanya.
ReplyDeletehttp://www.pinoyunderground.com/archive/index.php/t-101514.html
yung pinsan ko naman natangayan ng kwintas at bracelet na suot nya. Parang na hypnotize din daw sya. Binigay nya dun sa mama. Di ko pa alam noon na budol budol ang tawag sa kanila. kakatakot din kasi wala ka kalaban laban at under hypnotism ka nga.
nku tama ka jan anney. Yung kaopisana ko like your cousin eh natangayan ng alahas. 3 lalaki din yun nangbiktima sa kanila. Eto pa ha ibinigay din niyang kusa yun mga alahas niya.
ReplyDeleteYun isa nman kapitbahay nmin, kakasweldo naman ata nun. isang grupo nman na nagpanggap na manager ng bank parang ganun. tapos dahil malaki ang salary ng asawa niya eh siya pa ang nagwidraw ng pera at ibinigay sa mga hudas. Dyosme! Bakit ganito ang nangyayari sa Pinas hano? Kaya doble ingat yan ang pwede nating magawa.
Ang mga budol budol ba na yan eh nag aaral ng hypnotism? pano ba mag hypnotize ng tao? kakatakot naman yan edna. Parang ayaw ko ng punta sa mall. sabagay, di naman nila ako maiisip na nakawan kasi ang cp ko laging tig 1500 lang, hehehe. yung pinaka mura, kasi naman lagi ko lang iniiwan sa mga pamangkin ko. Need ko lang na may commu kami ni Rodney. Holy tamoli! siguro nga eh iwas na lang kumausap sa mga taong di kilala,di ba? saka kapag mamahaling cp, wag na lang i expose sa mga public places..magiging mitsa pa ng buhay
ReplyDeleteNaku sinabi ate Liza. Natry mo ba basahin yung link na ibinigay ni anney? pasalamat na nga ako at ako eh hindi man lang nagalusan. kayna na yung cp na yun hehe.. pero isip-isipin ko mang mapulit-ulit eh parang dapat sunugin ang mga hinayupak na magnanakaw na un
ReplyDeletena biktima nadin ako ng budol gang money and cellphone nadali sakin ang style nman nila sakin eh survey daw for their school madami silang style tsk!
ReplyDelete