11 Mar 2009

Cooking Experiment Time

102_1987

Nag-experiment na nman ako kasi nga eh nainip ako kahapon. Isa pa nagsawa ako kakakain ng sausage roll at lasagne kahapon.

 

Tinanong ko muna siyempre si Jamie kung anong meat at veggies ang meron sa aming fridge at freezer. Sabi nia meron daw chicken, carrots, onion, cabbage etc… Naisip ko magsearch ng pwedeng maluto mula sa binanggit niya.

 

Nangapitbahay ako kay Google at nag-search nang keyword na “FILIPINO CHICKEN RECIPE”.  At bonggang-bonggang naglabasan ang mga site na pwede kong mahanapan ng recipe. Napadpad ako dito sa www.philippinecountry.com . Tapos nakita ang napakaraming pwedeng lutuin. Pinapilian ko pa nga ang Chicken Afritada, Guinataang Manok at itong recipe na to pero naisip ko, ito ang pinakamadali. Hehe Siyemre dun tayo sa madali.

 

Nasa kusina ako matapos ko maiprint ang recipe. Collect ko muna ang mga ingredients.. Tapos prepare ko na .. maya-maya nagmamarinate na ako. Eh sabi sa recipe Marinate for 2 hours. eh di iniwanan ko muna ng mga 1 hour lang.

 

Habang naghihintay ako sa pagmamarinate, akyat ako para kunin ang maruruming damit. Pasok sa washing machine. Linis ng kusina. Urong ng mga pinggan. Akyat sa 2nd floor ng bahay pagbaba ko dala ko na si Hoover. Hoover.. Hoover.. Hoover.. tapos naupo ako ng konti at nanood kay Jamie habang naglalaro sia ng PS3.

 

Time to start cooking.. in less than 45 minutes, naluto na ang dinner. Yum yum! Hindi ko alam kung naluto ko ng perfect pero tingin ko naman tama ang pagkakaluto ko. Ayan nga sa itaas ang itsura niya.

 

Siyempre pa inilabas ko na ang bagong saing kong kanin at ipinaglagay si habibi. Mukha namang nagustuhan niya at naubos niya ang inilagay ko sa pinggan niya. Ang sama nito, baka nman napilitan hehe..

 

O diba? naglaway ka na hano? Gusto mo ba malaman kung paano gawin yan? heto HALUNGKATIN MO DITO kung paano.

 

Note : Wag niyong pakadamihan ang peppercorns kasi habang kami ay kumakain ni Jamie nagbatuhan kami ng peppercorns hehe.. parang sulpak hano. Me lilinisin na naman tuloy ako. Wala lang nagkulitan lang kami. Tapos ba naman ipinapaliwanag ko kung paano ko niluto tong dish na to, tinitigan ba nman ako ng pagkalagkit-lagkit ahahay! na-conscious tuloy ako. Feeling ko eh sumasabog ang kanin habang nagsasalita ako. Nun tinanong ko nman, sabi niya “ You look so beautiful today ..” Lol! Si Habibi talaga hindi na niya ako napapansin kalalaro ng PS3 at kaka-computer.

 

O siya, luto ka na rin ng niluto ko hehe.. Masarap yan promise! Successful na naman ang experiment ko wuhooo! malay mo maging successful ka rin? Teka basahin mo rin ito :

12 comments:

  1. alay kadami mo namang post today, naka tatlong comment yata ako ah, ay..dalawa lang ba? ang sipag mo teng! Mukhang masarap naman ang experiment mo, subukan ko nga kapag minsan..For a change eka nga, para di nalang pare pareho ang kinakain ko, kaka umay din.

    ReplyDelete
  2. hehetry mo at masarap nman talaga siya.. check mo na lang ang recipe.. pero kahit cguro nakapikit ka maluluto mo yan.. magaling ka nman magluto hehehe..

    ReplyDelete
  3. ano kaya ang nangyari tapos kumain? parang alam ko ah! hehehehehe..ang sarap naman talaga ng buhay ni tita eds ano, isipin mo naman na magluluto ka lang e kay google ka pa napadpad kundi ba naman ganyan ka komportable ang buhay mo...

    palagay ko nabusog si tito jamie dahil nakita nya ang kagandahan mo ngayon,waaaaaaaaaaaaaa, alam ko na talaga ang sumunod na eksena..hahahaha

    ReplyDelete
  4. wow sis..mukhang masarap tong luto mo ah...may hidden talent ka pala...hehhe..great job...ako still learning to cook parin...hehhe!

    ReplyDelete
  5. wahahahaha...gutom na me!!!!

    ReplyDelete
  6. Oi kuya payatot, pilyo ka ha ..kung hano-hano ang naiisip mo hehehe.. Siempre ang sumunod nag-urong ako at si Jamie nman itinuloy ang paglalaro ng PS3 .. Ikaw talaga .. Nyahahaha

    ReplyDelete
  7. Hi Dhemz, lagi mo ako binibisita ha.. Naku kagaya mo eh learning pa rin ako. Nun mapunta ako dito ang baon kong nalalaman eh marunong magsaing at mag-gisa hehe. Kaya nga sa tuwing meron akong gustong lutuin eh dinadayo ko si Google para sa recipe..

    ReplyDelete
  8. Hi Jez makikain ka na hehe.. nakakagutom talaga yan pag tinitigan mo lang hehe salamat sa iyong pagbisita..

    ReplyDelete
  9. wow mukhang masarap nga yan te eheheeh...
    meron pang tira pahingi naman dyan lol...
    ako din gumagamit din ako ng recipe book...
    pag nagluluto di kasi ako sanay ng patsamba...
    tsamba lang baka mamaya di ko na alam kung...
    anong lasa nung niluluto ko...
    ang galing mo pala magexperiment ng luto ate eh...

    ReplyDelete
  10. basta alam mo ibagay ang mga rekado wala ka dapat ipagworry. Hehe tayong mga pinay kahit na sabihin natin na hindi marunong eh mabilis tayong matuto jan.

    Tira ba? eh pacensia ka na kasi inubos ni Jamie hehe.. salamat sa mga comments ..

    ReplyDelete
  11. sarap naman ng luto mo day!!kakagutom!!lunch time pa naman habang nagko-comment ako dito!and keeping my fingers crossed that this post will get throughhhh!!!

    ReplyDelete
  12. haha ayan ate clarissa pumasok na nga ang comment mo. hehehe Naku itry mo na rin para nman matighaw ang natatakaw mong sikmura.. salamat sa pagbisita :)

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin