29 Mar 2009

Proud of Myself

Bakit ba ito ang title ng aking post entry today? Hindi ko maipost ang ibang mga pangyayrai sa aking vacation dahil hindi ko maisip kung papano uumpisahan .. hekhekhek.. kaya naman minabuti kong ipahinga muna ang isip ko sa pagbabalik tanaw ng mga magagandang alaala sa aking ITALY get-away. Ni sa hinagap kasi hindi ko inisip na mararating ko ang isa sa mga holy country na gaya nito.

 

Five years ago binuo ko sa pangarap ko na isang araw at mararating ko ang Italy. Yun ay sa kadahilanang 5 years ago ay may nakilala ako sa chat na sa Italy naka-base. Yunung taong biglang nawala. hehe Natatandaan nio ba yun sa love story ko? Kaya sabi ko nun bigla siyang nawala eh mararaitng ko rin ang lugar kung nasaan sia. Ang nasa isip ko nun eh hahanapin ko sia . Pero since ako nman eh meron nang Habibi nabago ang aking pananaw at imbes na hanapin ang taong naging sanhi ng aking unang pagkabigo eh aba keber ko? hehe Libutin ang Rome kasama ang love of my life hano?

 

Hindi ito ang tema ko today eh . Hehe kung bakit Proud of Myself ang title ay heto ang dahilan :

nonoy

Kung nakita mo at nabasa ang picture sa taas, eh yan ang dahilan kung bakit Proud of Myself ang titulo ng aking post. Natatandaan nio ba ang entry ko na  Frustrated Singer? Kung hindi pa eh balikan mo at makikita mo kung saan ko kinaptyur ang comment na yan. Hindi ko alam kung siya nga ay si Nonoy Zuniga pero sino man siya eh sapat na para maging proud ako sa sarili ko. Hindi lang sa kanya kundi sa mga kaibigan ko sa blogosperyo na matyagang pinakinggan ang aking pagngawa sa mikropono. Pero fan talga kasi ako ng mga kanta ni Nonoy Zuniga dahil madalas itong kantahin ni tatay sa aming videoke kapag naka 4 na bote na siya ng beer. Isusunod pa ang kanta ni Marco Sison. Bonggang-bongga di ba? sabi nga eh mga alamat na itong mga singer na to pero hanggang ngayon kita nio nman at patok pa rin sa takilya ang kanilang mga kanta. Kahit siguro mga new generation eh kabisado ang mga kantang kagaya ng mga song piece ni Nonoy Zuniga. Ang pinakapeborit ko siempre sa lahat eh ang DOON LANG. Pero alam niyo ba nun nareceive ko ang comment na to parang nabigyan ako ng moral na ipagpatuloy ang pagkanta. Mula kasi ng mapunta ako dito eh parang feeling ko walang lugar ang pagkanta dito kasi hindi nman sila talaga mahilig kumanta gaya nating mga pinoy. Hehe Ako lang talaga ang adik lol! Well, tingin niyo ba si Nonoy Zuniga sia?

 

Para sayo Nonoy Zuniga, maraming-maraming salamat sa pagdaan mo sa aking blog. I appreciate it sooo much!! Kaya nga I’m so proud of myself na eh. Sana makagawa ka pa ng mga bagong kanta at ipagpatuloy mo ang pagperform kasama ang iyong mga kaibigan. Alam kong kayo at may mga concert na ginaganap sa iba’t ibang bansa kaya ang masasabi ko, MORE POWER to you!

13 comments:

  1. Sushal ka sis! Celebrity status ka na!Sana ako din bisitahin ni nonoy Z kahit sintunado akey..

    ReplyDelete
  2. Kung tutoo man o hinde-- cya ang naging dahilan kng bakit ka nagkaroon ng tiwala sa sarili mo at yun ang importante!Naks!ang lalim na naman ng tagalog ko!lol!

    ReplyDelete
  3. halo sis...hehhee...wow! I am proud of you too...hehhee..anong frustrated singer...hehhe..kakaloka naman to..buti kapa frustrated singer...ako nako..ayaw sakin ng mic....hehehe!

    wow! bonga..si Nonoy Zuniga ba naman ang nag comments...hehhee..hope sya nga yon....:) hehhehe

    ReplyDelete
  4. ahhh???!!! sandali, wala bang sinabi si nonoy zuniga na ibubuild-up nya ang singing career mo? magtatayo na ba kami ng fan club?

    ReplyDelete
  5. Hi Peachy celebrity na ba lol.. naku ha naligaw lang siguro talaga si Mr. Nonoy ZUniga .. salamat sa pagkoment..

    ReplyDelete
  6. Ate Clarissa tama ka jan. i dont care kung totoo o hindi sia ang alam ko eh isang premonition na kelangan ko pang pagbutihin ang pagkanta.. hehe at korek ka na malalim nga ang tagalog mo.. kumusta ka na ?

    ReplyDelete
  7. Hi sis Dhemz ok na ang ears ko.. humikab ako ng humikab at nawala ng bonggang-bongga. Nku ung iba kahit ayaw ng micropono sa kanila eh cige lang sa pagkanta. kaya dapat ganun ka rin pasasaan bat magugustuhan ka rin niyan hehehe

    ReplyDelete
  8. Hi Jez.. naku wala nman nasabi. hindi yata nakumbinsi at kung saan saan napunta ang boses ko .. lol .. magtatag ba ng fans club? naku how i wish sikat ako hehehe.. gagawin kitang presidente hehe

    ReplyDelete
  9. aba, aba, aba, at wag ka pang artista na pala ang musika ng lola ko ah! galing naman talaga ng boses mo tita es kaya tama si ka nonoy sa tinuran nya na konting polish pa at pede na...o sya at magbabad ng luya sa lalamunan para lalong gumanda ang boses ha!

    ReplyDelete
  10. Hi kuya tots.. naku naunahan ka ni Peachy hehehe.. artista-artistahan lang ang lola mo kuya tots.. naligaw lang s ka nonoy. pero ayos na ayos sa akin dahil tulad ng nasabi mo eh ako eh magbababad ng luya para lalong gumanda ang boses.. hehehe

    ReplyDelete
  11. hi sis, wala akong ma say...pati si nonoy z. napabilib mo..
    susunod nyan pang international na ang voice mo...
    pang charisse pempengco... ^_^

    ReplyDelete
  12. Bonggang bonggang bongga!!!!Feeling ko si Nonoy talaga yun. Tingnan mo yung URL nya, sarili nyang domain ibig sabihin nagbabayad sya. Alangan naman ibang tao may ari nun at pag aksayahan nyang bayaran ang website ni nonoy. Pag celebrity ka na wag mo kami kakalimutan ha! Pa autograph na nga! hehehe!

    ReplyDelete
  13. Aba, talaga lang ha. binisita ka ng The Legend? Wow, baka naghahanpa sila ng bagong boses. Malay mo, sumikat ka, wag mo lang akong kalimutan ha..Hehehe. Maganda naman talaga ang boses mo, kala nga mi mother nagpatugtog ako ng radyo while listening sa iyong kanta..oh ha?

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin