Hindi ko alam kung ito nga ba ay masasabing bangungot pero kaninang madaling-araw, matapos kong di makayanan ang antok ay nagpasiya na akong maunang matulog kay habibi. Dumating kasi kahapon ang sister nia at ang bf nito para itest-drive ang bagong biling sasakyan at isinabay na rin ang pagpapareformat ng laptop nia kay habibi. Pag ating pinag-usapan ang format eh medyo me katagalan ito. kaya nman dahil sa ako ay pagod sa pagttrabaho sa bahay buong maghapon, go to bed na ang drama ng lola mo.
Mag-aala una ng maramdaman ko na pauwi na ang kapatid ni Jamie. Wirral pa ang uwi nito kaya pihadong mahina ang 2 1/2 na biyahe. Not unless patatakbuhin niya ng sobrang tulin ang kanyang sasakyan.
Nakatulog ako tapos ng maramdaman ko naako ay nawiwiwi, bumangon ako at dun nakita ko si habibi nanonood pa ng movie sa salas. tinanong ko kung anong oras ba sia matutulog at ang sabi nia eh sandali na lang daw siya. So balik ako sa pagtulog.
Hindi ko alam kong half awake and half sleep ako pero umugong ng napakalakas ang dalawang tenga ko. Malakas na malakas na feeling kko mabibingi ako. Naramdaman ko na nangingilabot ang buong katawan ko. Tapos pinilit ko ibukas ang mga mata ko pero pakiramdam ko meron isang taong nagcocontrol sa akin. Umikot ang mga mata ko na mabilis na mabilis. As is super bilis. Pakiramdam ko nga nagrambulan un lahat ng parte ng ulo ko. Nung hindi ko na makayanan dahil masakit na rin ang ulo ko tapos hindi ako makahinga, pinilit ko tawagin ang pangalan ni habibi. Nasa tabi ko na siya nun at naramdaman ko pa nga ang paghiga niya sa kama mga ilang minuto lang bago ko naramdaman un nakatutulig tunog sa aking tenga. So ayun, alam ko sa isip ko tinatawag ko ang pangalan ni habibi. Ibinuka ko ang bibig ko pero walang boses na lumalabas. Iniisip ko parang mamamatay na ako sa oras na yun dahil hindi na talaga ako makahinga. Hindi rin ako makagalaw. Kamay, paa at leeg ko nasa isang posisyon lang habang pilit ko tinatawag ang pangalan ni habibi. nakakakilabot mang isipin pero talagang nararamdaman ko na parang humihiwalay un aking kaluluwa sa aking katawan na pilit ko pinaglalabanan na maibalik. Nakikita ko ang sarili ko sa akinng balintataw kung ano ang nangyayari hanggang sa naisip ko banggitin ang pangalan ni Bro ( Jesus ). Nagdasal talaga ako ng mabilisan. Tapos tinawag ko ulit ang pangalan ni habibi, dun na lumabas ang boses ko. Buti na lang hindi pa tulog na tulog si Habibi. Umiiyak ako at humihingal nun yugyugin nia ang aking mga balikat.
“What’s wrong Edna?".. Sabi ni habibi
Nasabi ko na lang na isang masamang panaginip. O matatawag nga bang bangungot? Kung ano man ang tawag dun, ayoko na muling maranasan. Sabi ko tuloy kay Bro, wag niya pa akong kunin kasi bata pa ako. At kung yun nga ay masamang elemento na naninirahan sa bahay na ito, sana naman wag na nila ulit akong gambalain pa dahil wala nman akong nagawang masama. Nakakakilabot kaya tatlong beses akong nagdasal bago muling nakatulog.
Yikes..kakatakot naman yan buti okay ka naman...
ReplyDeleteparang bangungot yun kase nagkaganyan na din ako noon na talagang di makahinga at walang lumalabas na salita sa aking bibig pero may tinatawag naman ako kaya nga lang parang walang lumabas ano? ganun ang bangungot pero kung sa isip mo e meron dyan na espiritu na gumagala sa inyong bahay, aba masama yan kase malamang na ulitin nya yan..ang maganda lang siguro e magdasal tayo bago matulog kase dun nakasalalay ang ating buhay kapag wala na tayong malay...
ReplyDeletenaku peachy kung alam mo lang yun takot kkagabi.. buti pinakalma ako ni habibi...
ReplyDeletekuya tots nagdadasal nman ako kaya lang minsan pag pagod na pagod ako nakakalimutan ko na. ewan ko about espiritu dito pero sabi ng mama at ni habibi eh meron nga rraw dito. pero sabi nila angel naman daw kasi ang dating nakatira dito eh priest. ganunpaman nattakot pa rin ako mangyari ulit. baka mamaya un tulog na tulog si habibi eh di hindi na nia ako magigising.. dedo akong uuwi ng pinas .
ReplyDeletewoi sis nako kakatako naman yung sinabi mo....hope it will not happen again....just let you habibi knows about it...kasi you know...who knows it will happen again to you...at least alam na nya...by the time na mangyari yon ulit...he will wake you up...I think that was bangungot...I have an Aunt like that....just keep praying sis...ingat lagi!
ReplyDeleteHi sis Dhemzy tama ka jan. talaga hindi ko malilimutan yun bangungot na yun. promise sabi nga ni habibi para daw akong inaatake sa puso kagabi..
ReplyDeletebangungot, ayaw ko nun. kaya kailangan relax ang mind, body and soul natin before we go to bed..hayyyzzzz...pray and pray tita eds...
ReplyDeletebago ang bahay ko..ahihihi, tignan mo man,.,,ahhihi
hay naku ako grade 4 ako nung una kong naranasan yang ganyan. hanggang sa nagtuloy tuloy. High school ako e almost everyday nagkakaganyan ako kaya lagi ako may katabi para taga gising. Nung mag college nako hanggang nagyun e nagkaroon ako ng sariling kwarto kaya wala nako katabi matulog. Ako kasi nakakapagsalita at nakakasigaw pag naninigas na at di maigalaw ang katawan ko. Siguro na master ko na yung nakakapagsalita ako dahil sa sobrang daming beses na ngyayari sakin yan. Parang normal na lang din sa akin at kinasanayan ko na. Si sis ang laging nakakarinig sakin at tatakbo na yan sa kwarto ko. Ako naman madaling magising basta may pumasok na ng kwarto. Di na kailangan yugyugin. Ewan ko kung bakit ganun. presence lang ng isang tao sa kwarto biglang makakagalaw na uli ako. Nagigising ko din ang sarili ko sa pilit na pagdilat ng mata. Bumubwelo talaga ako para maidilat mata ko. Minsan nabibitin, half dilat ako pero di pa rin makagalaw. Yung paghinga ko ang lagi kong inaantabayanan na huwag ko pabayaan na di ako makahinga. nilalabanan ko talaga. Normal na mag hallucinate pag binabangungot. ako kapag pilit na dumilat e nakakakita ng kung anu ano na nakakatakot. Nilalabanan ko na lang, sinasabi ko sa sarili ko na di yun totoo at hallucination lang. Minsan naman feeling ko lumulutang ako at babangga na sa ceiling, o kaya naman parang tinutusok ng karayom ang buo kong katawan. Nakupo kung ano ano talaga nararanasan ko. Eto buti naman buhay pa din. hahaha! nakasanayan ko na din. Sana di na maulit yang sayo.
ReplyDeletenaku jez sinabi mo pa.. ya nga pray ako everyday with sindi pa ng kandila oha ..
ReplyDeletenadalaw na nga pala ako sa bahay m o.. sinunod mo si kuya tots ha .. hehe dalawin kita ulit mamaya .. busy lang ang lola mo at meron kami bisitang mag stay mula bukas till monday
super linis tuloy ako
oi anney naloka nman ako sa bangugnot experience mo. ang dami muntik ako matabunan hehehe.. nun mapunta ako dito sa UK madalas talaga ako bangungutin. minsan nga kasi me kuadro ng picure ni Jesus sa room nmin tapos cross sa may bintaha first experience ko mabangungot eh nag turn to demon un pic ni Jesus. Grabe talaga ... sana nga eh huawg na mangyari ulit sa akin kasi baka humimlay ako ng maaga... wala pa nman akong ykaie pa eh di hindi ko naranasan maging ina.. huahh!!
ReplyDeleteButi naman at okay ka lang.You should be thankful dahil nandyan si hubby mo. Scary naman yang ganyan--wala pa akong experience ng ganyan at ayokong mangyari sa akin yang ganun.Takot tuloy ang lola mo!waaahh!!
ReplyDeleteoo nga eh .. tingin ko ate issa eh nasobrahan ako kakakain ng english breakfast hehehe.. biruin mo puro fried foods un at pork.. ngek.. i hate pork na nga!
ReplyDelete