Nung ni-research ko kung ano ang scientific name ng damo na to, eh eto raw:
“Mimosa Pudica is the scientific name of Makahiya. Pudica = shy = hiya.” – from wiki.answers.com
Hindi nman talaga ito ang topic ko for today. Pero dahil kasi nahihiya ako ay naisipan kong i-taclke na rin ito. I’ll tell you later kung bakit.
So natatandaan nio ba ang isang uri ng damo na ito? Nung ako ay bata pa, madalas ko kolektahin yun pink na bulaklak nito. inilalagay ko sa gilid ng aking tenga o di nman kaya at ginagawa kong laruan sa bahay-bahayan. Kung minsan pag nawiwili ako sa paglalaro ng tutubi sa parang, madalas na mapagdiskitahan ko ito. kasi nakakatuwa na kapag nahipo mo ng bahagya eh kusa talaga siyang titiklop na animo nahihiya. Wala niyan dito sa UK. O maaaring meron pero sa kasamaang-palad eh wala pa akong nakikita. Hindi ba nakakatuwa na maalala ang mga simpleng bagay nung ating kabataan?
Nung elementarya nman ako, madalas kami pagdamuhin sa harap ng aming room. Gamit ang matatalim na dulo ng bato, madalas ko ma-encounter ang damong makahiya. kung pag-uusapan eh paglalaruan lang gustong-gusto ko ito. pero kung ito ay bubunutin ko gamit lang ang aking mga kamay, hate ko talaga. kasalungat ng pangalan nito ay ang bagsik ng katawan nito na puno ng matitigas na tinik. hay.. sarap magbalik-tanaw!
Eh bakit nga ba ako nahihiya? kasi nga meron kaming bisita sa ngaun. Kanina halos mag-chorus pa sila sa pagccheer sa kanilang football match na pinanonood. Hay ang ingay! pero nakahiyaan ko nang lumabas kasi hindi nman kami close nun kahit na sabihin pang best friend ni habibi.. hindi ko pa siya ganun kakilala. tutal nakaluto na ako at malinis ang bahay nun kanilang datnan ayos na akong manood ng TFC sa aking kuarto. ito kasi ang hirap kapag nag-iisa kang babae. Ganito na nga ako nun tapos hanggang dito ba naman? uahhh?!!
At speaking of food, pansit bihon ang niluto ko. mga chinese mahihilig sa bihon hindi ba? ayun! first time yata kumain ng pansit bihon kaya nun nag-hello ako eh natapon pa sa sahig ang hinayupak na bihon. hehehe.. nagandahan ba sa akin o ano? lol! kaya pumanik na ako agad para hindi nman sia mapahiya. heniway, bukas nman ay aalis na sila at babalik ulit sa biyernes. bigla ko tuloy namimiss si habibi. minsan kasi pag ganitong oras eh kulitan time na hahaha..Eh ngayon ayun at priority nia ang mga friends nia. hmmp.. di bale ako nman ang aalis sa friday. sabi kasi ni habibi kanina eh na-miss daw nia ako nun minsang gumising sia na wala ako sa tabi niya. tumuloy sia sa kusina at nagtimpla ng kanyang tsa-a pero un bahay daw ay parang siya lang ang nakatira. sabi ko nman dati nman siyang namumuhay na mag-isa. ang sagot niya, iba na raw ngayon kasi ayaw na raw nia na mawala ako sa tabi niya ( o di ba ang sweet ni habibi). Eto pa, parang itinadhana ng Diyos na amraming maka-miss sa akin. ito ba ay dahil sa binangungot ako nun isang araw o talaga lang namimiss nila ako. hehehe tinawagan ko kasi si tatay. Medyo nakainom pero mabuti nman at nakatawag ako, napauwi tuloy siya ng di oras. Ayaw nia bitawan ang kanyang phone at ipasa kay tatay kasi nga eh namimiss daw niya ako. Nung makatulog, ang sabi ni nanay naiyak daw si tatay. hay naku! kung hindi lang nila alam, namimiss ko na rin sila. Mahirap kaya mabuhay ng nag-iisa ka dito. kung pwede nga sanang lumipad akong simbilis ni Darna or nu Underdog eh ginawa ko na. kaso hindi nman ganun kadali yun hindi ba? kelangan ng datung bago makauwi hehe.. Di bale malapit na! Malapit na akong mag-start mag-ipon ng pamasahe lol!
naku.. mahirap nga yang mag-isa sa ganyang lugar. pero yaan mo, sigurado ako, masasanay ka din nyan. Hindi sa pag-iisa ha, kundi dun sa pakikisalumuha sa kanila. Baka nga mamaya nyan, kasam ka na nilang sumisigaw habang nanunuod ng tv. it may take some time but i'm sure going to be there. :)
ReplyDeleteingat lagi tukayo!
naalala ko rin yang makahiya na yan nung nasa Pinas pa ang lola mo.wala din akong nakikita nyan dito sa lugr ng mga singkit.hahahahaa!!nagkahiyaan ba ng marami dyansa inyo at makahiya ang title ng post mo?!
ReplyDeleteYan nga ang mahirap pag nalalayo sa mga mahal natin sa buhay eh--palagi natin silang naiisip.Lalo na pag nag-iisa ka.(T_T)
sinabi mo pa edsie.. nakilala ko na nman sila kaso siempre ang kanilang get together ay for the boys .. alangan nman makisigaw ako sa football hehehe hindi nga ako mahilig dun..
ReplyDeleteate issa nakakatuwa itong makahiya ano? sarap laruin lalo na sa umaga hehehe. at eto nman ang hirap sa malayo.. tama ka lagi nga natin sila naiisip at napapanaginipan pa.. minsan nga iiyak na lang pag wala magawa..
ReplyDeleteat yun pala ang istorya ng makahiya mo? siguro preho kayong nahihiya sa isat isa kase nga nung binati mo sya ay bigla naman sumabog ang pansit sa sahig mo..hahahaha....napahiya yun kaya ganun...
ReplyDeletesi habibi mo naman talaga oo, ayaw ka na nya mawala sa tabi mo..lintik din ang kamandag ng lola ko ah! joke, nagpapakita lang na mahal na mahal ka ni habibi mo.. di ba?
saka sa isang banda kakabagot idn mamuhay ng solo kaya ganun na lang ang pag hihintay sayo at hanap ka ni habibi..o sya sige na at sa susunod na kabanata ulit tita eds...
Naku hilig ko paglaruan yang makahiya na yan kasi nakakatuwa sila. At kailan mo namn balak umuwi ng pinas?
ReplyDeletenatawa nman ako sau kuya tots .. pambihira yang KAMANDAG at LINTIK na word na ginamit mo tawa tuloy ako ng tawa dito. hehehe... ayun nga kaya nga ako pumasok sa kuarto para hndi sia lalo mahiya at nagsabog ang pansit sa sahig hehehe.. sabi daw ni habibi pulutin nia un pansit at ang sahig ay malinis lol! eh bakit nga halos mawala ang kulay ng sahig na un kakakuskos ko nun isang araw para sa kanilang pagdating kaya nman siguro nasabi ni habibi yun.
ReplyDeleteoist anney alam kong meron magtatanong niyan kung kelan ako uuwi. parang kanina lang eh tinanong din ako ng freind ko at mag boracay daw kami. sabi ko nman pamasahe nga ay wala pa akong pera mag iipon pa lang hehehe
ReplyDeletenatawa naman ako from makahiya to pansit bihon hehe.
ReplyDeletewow sarap naman ng luto mo..pansit bihon at ang sweet ng habibi mo ha... ^_^