19 Apr 2009

Hindi masakit..

Medyo may pagkapilya ang entrada ko pero mali ang iniisip mo frend.. hehehe Eto kasi yun, natatandaan niyo ba nun minsan nagpablood test ako. Got the result yesterday nun ako eh bumalik para sa Cervical Screening naman. Ang sabi ni Nurse eh all is well nman daw. Everything is normal kasi chineck sugar, thyroid and kung anik anik pa.  Poteks! Yun kasunod na test ang hindi ko maimagine. Eto nga yata ang dahilan kung bakit nag-hahallucinate ako madalas sa pagtulog dahil ako eh natatakot. Kung hindi nio alam ang Cervical Screening, na tinatawag ding Pap Smear or Smear test ay compulsory dito sa UK. Lahat ng kababaihan na edad 25 pataas ay kailangan mag-undergo ng test na ito para ma-check at ma-protektahan ang mga kababaihan sa anumang sakit gaya ng cancer o ano pang mga pwedeng maging sakit nating mga babae.

 

One week before, panay ang tanong ko sa hipag, byenan, kapit-bahay, pinsan, nanay at kaibigan ko. lahat na yata ay natanong ko tungkol dito. Huahh! kinakabahan talaga ako. So ang sagot nman nila eh ang mga sumusunod :

 

Byenan : Its not painful at all. You cant barely feel it and its just one minute. You can bring your husband with you if you are shy. But don’t take it for granted. ( Talagang kelangan ko raw.. )

 

  • Hipag : No, its not painful. Ive had that last year 3 times coz they’ve found abnormal cells and had it removed. ( O siempre lalo ako kinabahan. Eh paano kung ako eh magkaroon din ng abnormal cells ? huahh!)
  • Nanay : Hindi masakit yun. Kukuha lang sila ng sample para ma-test. Pero kayang-kaya mo yun. ( Moral support pa )
  • Kapit-bahay : Naku nakakahiya talaga yan. Siempre meron sila ipapasok na bagay sa ano …. ( Yun na yun .. itong comment na to hindi nakatulong sa akin.. hehe mas lalo ako kinabahan.)
  • Kaibigan : Matagal na ako nagpaganun. Kelangan ko na nga pero kaya mo yan. Go Girl! ( Motivate din to.. Mejo tumatapang na ako ng konti. Kumabaga nasa 70% na yung tapang ko.)
  • Pinsan : Hindi nman masakit yan. Uncomfortable lang. ( Umakyat na sa 80% ang lakas ng loob ko lol)
  • Habibi : You’ll be fine. It wont be painful and just focus that after the test u’ll be home and won’t bother again for the next 3 years.

 

At dahil hindi pa ako nakuntento, pati so Google tinanong ko. At si Yahoo Answers hehe. Pero Bumagsak sa negative 1 yung lakas ng loob ko na umakyat na sana ng 100%. Shocks! Eh pano nga namn sobra nman ang mga pagdedescribe na nabasa ko sa mga nasearch ko. Na kesyo asyadong masakit at dumugo. Gross and horrible experience ang mga nabasa ko.

 

So, habang lumalapit ang araw ng test, lalo kumakabog ang dibdib ko. First time ko eh , bakit ba? Hindi ko nman mapigil wag maimagine ng napasama kasi nga nagbasa pa ako ng mga comments sa internet. Hayz! Wednesday, aga kong nagising kasi ang sched ko at 10:30 am pero kinansel ng nurse kasi wala daw un doctor ko. They had to postponed it till friday tapos nurse din pala ang bagsak ko. hay aku eh di lalo nadagdagan ang kaba ko.

 

Eto na Friday, nagbestida pa ang lola nio para hindi ako mahirapan pag isinagawa na ang test. Nanginginig ang bahay-tae ko talaga pagpasok sa may kubling kurtina. Pero tinanong ako ng nurse na friendly hehehe kung nag-undergo na ako before. pilit ko pa nga hinahagilap ng mata ko un material na gagamitin ng nurse pero di ko makita. Sabi nia, “ help your self, remove everythings thats needed to remove and lye in bed. you can cover ur self using this…” sabay turo sa giant tissue hehe. Nasa loob pa rin ako ng cubicle na may kurtinang nakatabing habang si Habibi eh kinakabahan din na nag-aantay sa isang tabi.

 

Maya-maya, sabi ng nurse.. “ You’ll be fine.. Don’t be nervous I will be quick. Ill just get a sample and its finished.

 

panay ang salita ni nurse na alam ko namang pinapakalma nia ang nararamdaman ko. nakita ko un hawak niang isang piraso ng para plastic clamp. transparent at kaiba sa ineexpect ko na metal na nakasaad sa nabasa ko.

 

“ Are you ready now? Are you comfortable ?” tanong pa ni nurse.. Tapos tumango lang ako. Di na ako makakibo. Di na nga rin ako makalunok nag-unahan na un tibok ng puso ko at parang nabubulunan ako sa hangin hehehe.. ( Exxagerated ba? ) pero totoo yan ang nararamdaman ko talaga.

“ Of course I need a light. Open ur legs… Take a deep breath and <TOINK>..”

“ the take a deep breath again .. and its finished! That’s it. I’ll leave you now to fix urself.. “

 

hay naku! Ganun lang pala yun kadali. hehehe hindi ko nga naramdaman kahit kagat ng langgam hehe. Kasi ang talagang iniisip ko eh meron akong mararamdaman na pain inside. Pero hindi naman pala. At hindi pa nga yata tumagal ng 1 minute ang pagkuha ng sample. Siguro nagiging masakit lang talaga kapag mejo uncomfortable ang pasyente. Yung tipong nahihiya talaga. Eh ako nman kinakabahan pero sabi ko sa isip ko kelangan matapos to at ma-treat kung merong makitang problema di ba? kaya sa mga natatakot jan, eh wag kau matakot kasi we need to undergo cervical test para maagapan ang problema. kaya nman nakakatulog na ako ng mahimbing sa gabi ngayon hehehe.. ill be expecting result in the next 3-4 weeks. Normal kaya or what? sanay nakatulong ang aking pagbahagi ng experience ko. Promise hindi talaga masakit!

8 comments:

  1. para sa akin e mahirap mag comment kase di ko nararanasan yan at kung paano ba yan? so, siguro ay ipapaubaya ko na lang sa mga kabaro mo ang anumang komento na pede nilang ibahagi sayo..at saka sabi mo naman e madali at di mo naramdaman kahit kagat ng langgam di ba? kaya siguro nga ay ok na rin yan...

    ReplyDelete
  2. hehe pero sa isang banda nakapagcomment ka na rin hehehehe

    ReplyDelete
  3. naku eds para sa akin eh...nakakatakot ata yan...dahil na rin siguro di ko pa nararanasan...nakakakaba naman yan..

    pero sabi mo eh di masakit.. ^_^
    pero nakakakaba talaga kapag ako mag undergo sa ganyan ...

    ReplyDelete
  4. hindi ko pa naranasan yan tita eds, pero minsan isang araw magpapacheck din ako nyan..kasi sabi mo nga for protection...
    promise ah, hindi tlga masakit!? heheheh..oks lang yun, basta babae ang gagawa at hahawak huwag lang sa doktor na lalaki.nyhahahahah

    ReplyDelete
  5. Sabi sau, di masakit eh, buti nga at plastic ang clamp mo, eh yung sa akin every year metal na napakalamig, agay!!! I hope everything turns out fine.

    Napadaan lang po ako, at meron pa akong hinihintay na tawag ng Loan Especialist, at ako eh binigyan ni Barnett ng job..huh! Musta ka na ba? Ngapala, di namin makita ang You've changed my life...grrrr

    ReplyDelete
  6. Nakapag-check up na rin ako nyan kaya lang yun sa akin naman e medyo masakit.pero dito sa Japan,hinde masakit!

    ReplyDelete
  7. wahaha.. buti kinaya mo tukayo.
    biglang naalala ko ung experience ko nung kinailangan kong i-transvaginal ultrasound gawa ng abnormal mens ko.
    nung simula, sabi pa ng nurse sakin.."miss, hinga ka malalim,ay... bakit ayaw pumasok" wahehe.. masikip?
    nung tapos na.. "relax ka lang miss, ay... ayawa matanggal.." haha..inipit?
    kinaya mo un?haha

    ReplyDelete
  8. Mas mahaba pa yung ninerbyos mo kesa sa pagkuha ng sample a. hehehe! palagay ko naman e normal ang resulta.

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin