25 Apr 2009

Busy o wala sa mood?

My mind is occupied lately with lot of things. Kaya nman naetsapwera ang aking blog. Kasi nman, nagkaroon kami ng bisita for how many days. Prior to that, eh nagbisi-bisihan ako sa kakalinis para sa darating na bisita. of course hindi rin ako makapost dahil ako ang knilang chef hehehe.

 

Anyway, last monday at nakaalis na ang aming bisita. Kasunod nun ang pagkaubos ng aming pagkain kaya nman sumugod kami sa Morrisons para mamili ng stock. Ano pa ang pinagkaabalahan ko?

 

Ayun nga at matapos ang pag-iistima sa bisita ay bumalik ako sa paglilinis. wala akong maisip maipost talaga. Isa pa naging busy ako sa ilang araw na pagtutok sa kaso ni Ted Failon hehe.. Close kami eh. Parang naging mas interesting sa akin ang uriratin ang pagkamatay ng asawa niya at ang pang-aabuso ng ating pulisya… TSk!tsk!tsk! Tingin ko nman ay walang kasalanan si Failon sa mga pangyayari pero hindi rin natin masasabi. baka merong ibang isyung maglitawan ..

 

Pero balik tau sa aking linis-trip. Eto nga at ang kuarto namin ni habibi ang aking pinagdiskitahan. lipat ng posisyon ng kama at hoover, hoover, hoover na walang patumangga. pinagtatapon ko rin ang mga maliliit na papel at inilagay sa charity bag ang mga damit na hindi naisusuot. Ang mga winter clothes ay itinabi ko na rin dahil summer na yehey! Eto na ang bagong porma ng aming bedroom.

 

101_3303

Eto na ngayon ang posiston ng bed. malapit sa bintana para mabilis kong makikita ang pagsikat ng  araw hehehe.. lagi kasi akong tinatanghali magising lol. Hindi nman direkta sa araw yan kung inyong itatanong dahil kami ay naka sideview sa pagsikat at paglubog ng araw kaya ok na ok lang. isa pa, nasa likod niyan ang aming radiator kaya pihadong hindi kami lalamigin sa panahon ng taglamig hehe.Eto pa ang istorya ng kama na ito. meron kasing mga kahoy na nakakabit sa paligid niyan kaya pinagbabaklas ko at ng magkaroon nman kami ng konti pang espasyo.

101_3299

At siyempre sa tapat ng aming bed ay ang aming TV. Free ko lang yan sa aming pag-sign up sa mobile hehe.. isang 32” sony bravia para sa aking panonood ng TFC. Kaya mas lalo akong nagbababad sa aming room ngaun kakapanood ng mga teleserye at kung ano-ano pa. Naka connect din yan sa aming skybox para nman pag si habibi eh gustong manood ng movie bago matulog eh ayos-ayos ang aming panood. palipat-lipat na lang.

101_3300

At eto nman ang aking office kuno. Sa tabi lang ito ng aming bed kaya kahit hindi ako magmumog pagkagising eh isang talon ko lang jan at ako ay online na. ang gulo ng table ko hano? sa tabi nito inilagay ko ang aking mga bag para mabilis makapamili ng bag na aking dadalhin in case na kami ay magshopping. O d ba? para akong tindera ng bag hehe.

 

101_3305

Sa kabilang side nman ang aking collection ng cap. Hehe! hindi ko inisip na makakakolekta ako ng hat pagdating ko rito. Pero dahil malamig eh ayan, meron na akong limang piraso ng hat at cap na napagpapalit-palit sa tuwing kami ay may pupuntahan.

 

101_3311

At bago matapos ang aking araw ngaun, heto at niluto ko na ang isang Irish recipe na itinuro pa ni mother in law. hehehe.. Very easy to cook to kaya itry mo na. Click mo lang DITO.

 

Kaya naman, paumanhin sa mga hindi ko nabibisita ng madalas lately. Ngayon bumabalik na ulit ako sa mood sa pagpopost, bibisitahin ko kau at iiwanan ng bakas sa abot ng aking makakaya.

 

At sa mga madalas mag- HI sa aking site, maraming salamat sa inyo. Busy lang talaga ako at wala sa mood magpost nung mga nakaraang araw.

12 comments:

  1. Naku ako nga e e katamad tamad ko mag post ngayun. maski tags and awards di ko ma post. heheeh! Siguro talagang ganun dumarating yung nawawala ang mojo. Ang gusto ko lang gawin ay mag surf online. Speaking of TV, ang laki namn ng tv nyo at free lang talaga? Ang ganda namn nila magpa free jan!

    ReplyDelete
  2. korek ka jan anney free talaga pramis. hehe sabi nga ni habibi pag marami na raw ako kakilala eh pwede na rin ako kumuha ng line.. at ng makakuha ng bagong free hehehe..

    ReplyDelete
  3. wow sis, ang ganda ng pagkakaayos mo ng kwarto ^_^..cozy...talaga namang mageenjoy ka sa magandang mong tv lalo na't may TFC wowowie! ^_^
    ang ganda naman ng chairdesk mo sis...
    mukhang masarap upuan yan ah...
    dami mo ding hat ^_^
    mukhang masarap yang luto mo sis ah...

    ReplyDelete
  4. ako nga e halos 2 wiks na ang post ko dahil wala rin ako maisip na mai opst..siguro napapagod lang tayo sa mga araw araw na pangangailangan ng ating mga katawan..di man sya mahirap gawin pero kakapagod talaga minsan...

    ReplyDelete
  5. hello sis kumusta ka na? been a long time never heard from you....miss to be here around your place...:) honga pla try to add this link:

    http://demcyapdiandias.blogspot.com/

    kakaloka naman tong url ko...hehehe...:)

    ReplyDelete
  6. tama ka kuya tots.. bakit nga ba ganun hano? di kaya sa hindi rin ako makatulog ng diretso sa gabi? kaya sobrang pagod at blangko ang isip ko araw-araw?

    ReplyDelete
  7. sis demzy, try ko ulit copy paste tong url mo at ayaw talaga ng blogspot. bumabalik sa dot.com.. huahhh...

    ReplyDelete
  8. naku meryl yang desk ko utang pa yan hehehe.. pero talagang gusto ko kasi siya kaya harangan man ako ng sibat ni habibi eh ipinagpilitan ko bilin yan. eto nmang chair eh nabili ko sa ebay hehe.

    yung room nman eh hindi talagaako magaling sa pag-aayos trying hard talaga ako ayusin na kahit hindi maganda sa paningin basta comfortable eh ayos na.

    irish recipe yang binanatan kong lutuin hehe.. try mo at napakadali..masarap pa

    ReplyDelete
  9. ha ha ganyan din ako katabi ng bed yung PC ko para pagtau dipa nga ako minsan magmumug nasa computer na at pupungas pugas pa he he

    ReplyDelete
  10. OK lang yun, lahat naman tayo eh dumadating sa time na natatamadmag post.Medyo borken hearted ako this timegawa ni Alex,kaya wala parin ako s amood mag post ng masaya at kaiga igaya..Oh well, ang ganda ng ayos ng room nyo ha, hat collection at purse, isa ka ng westerner....wahahaha! san ang shoe collection, i want some pics too!!!

    ReplyDelete
  11. G.O.D. salamat sa pagbisita mo sa aking site.. tama ka .. madalas nga ganyan ang trabaho ko.. at pag nakahiga eh un baby laptop ko nmana ng katabi ko hehe...

    ReplyDelete
  12. ate liza hinahanap mo un sa sapatos hamo at susunod na hehehe.. hindi pa ako nakakabili ng rack eh lol.. alam mo nman ang mga sapatos ko ay mga pipitsugin at mumurahin.. kung makakabili ako ng tamang lalagyan eh magmumukha silang sosyal hihihi

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin