Half ten ng mag-alarm ang aking phone. Ibig sabihin kelangan ko nang bumangon kahit inabot ako ng alas dos kakakain ng chocolate habang nanonood ng ASAP 09. Hindi kasi ako makatulog dahil ang bituka ko ay nagrarambulan ata sa loob. Tsk tsk tsk! Isa pa na-late akong matulog dahil kakahanap ng mga documents na kakailanganin ko today.
Ehem! narinig ko tinanong mo kung san ko gagamitin.. Eh kasi nga nag paschedule si habibi ng appointment sa college of Menai para sa akign plan na mag- back to school. Kaya nman lahat ng credentials na meron ako ay inipon ko sa isang envelope kung sakaling kailangan para sa aking interview.
Heto na nga at humahagibis pa kami ni Jamie sa pagtakbo sa bus stop. Pano ba nman nasa kabilang dulo kami naghihintay eh sa kabilang dulo pala dapat. Haysus! lumawit ang dila ko kakatakbo. At kung pakabalot-balot ko ang sarili ko sa lamig ( kahit na nga umaaraw na ngayon) eh pinapawisan ako ng di oras.
Isang oras din mahigit ang itinagal ng biyahe. At pagtapos namin tumawid-tawid sa makikipot na kalsada eh heto’t parang nagmmountain climbing kami ni Habibi. Sabi nia kasi eh yun daw ang shortcut papunta sa College school. At ginagawa daw nia un araw-araw 15 years ago. Ang sabi ko naman, kung ako ay mag-aaral at ganun ang gagawin ko araw-araw, parang ngayon palang eh gusto ko nang umuwi. Madedehydrate pala ako ng bonggang-bongga. Sabi pa eh ayos lang daw at exercise ko raw at magigit physically fit ako. Sus! Eh siya kaya ang kelangan maging physically fit? Natawa ang loko ng sagutin ko ng ganun..
Heto at nakaraitng na rin kami sa aming destinasyon. Hiningi ang mga kelangan hingin hehe.. Kasama na siempre ang passport at ang aking diploma at transcript of Records. Oha! Nabitbit ko pa yan dito sa UK.
Basa! Basa! Basa! At pagtapos hiniritan na ako ng pagkahaba-habang paliwanag ni Madam Sue. Oi ha in fairness kahit Harry Potter ang accent nia eh naiintindihan ko sia. hehehe.. Inivaluate ang aking diploma at Toink! Ako raw eh hindi nararapat sa College. Kelangan daw na dumiretso na ako sa University dahil ako ay over qualified para mag-take up pa ng college course. As I understand it, iba ang College sa University nila dito. Kung daw ang balak mo ay kumuha ng work sa mabilisang panahon eh College ang nararapat mong pasukan pero kung ang goal mo eh magkaroon ng degree sa course or line of career na napili mo eh University ang dapat pasukan. Medyo na-confuse ako. Kasi idinagdag pa ni madam na pag ako ay nag-university since may degree ako from the Philippines, ang university ang mag-aassess kung ilang taon pa ang kailangan kong bunuin para maging isang UK Professional. At sa university dun daw ako mamimili kung anong major ang gusto kong kuhanin. Like Finance, Accounting, Taxation, Law auditing at kung ano-ano pa. Pero kung ako raw eh bongo sa English, pwede daw nia ako ipasok sa accounting (NVQ Level 1, 2 or 3) kasama ang English language pero hindi nia sinuggest dahil hindi naman daw ako katulad ng ibang international students na hindi marunong magsalita ng english, makapagsulat o makaintindi. ( siempre nman Proud Pinay ang lola nio) Sabi ko pa nga..
“ We have English subject since Kinder or Pre-school till college..” English yan hehe.. Mejo dumugo pa ng konti ang ilong ko niyan. Kaya nman si Mam eh medyo na-amuse sa ating education sa Pinas.
Perong suma-total ng aking appointment eeh kailangann ng panibagong appointment para sa university. Pero kung gusto kong magtrabaho na agad ang sabi ni madam eh cgurado daw na makakahanap ako ng equivalent NVQ level sa course na natapos ko. Meron nman palang magandang kinahinatnan ang aking pagpapainterview at pa-assess. Ngayon ang aking plano at mejo maatrasado dahil balak naming lumipat ng bahay. So, ang sabi ni habibi kelangan makalipat muna kami bago ako magenrol para nman tuloy-tuloy ang aking pag-aaral kung saka-sakali.
Diretso kami ni Habibi sa shopping. Correction pala! Ako lang ang nagshopping. Namili ako ng asian foods at ilang pirasong damit na nagustuhan ko sa Peacock. Heto nga ang love na love ko sa lahat!
Ayan nag-collect na talaga ako ng summer dress sa sobrang pagkamiss ko sa mainit na panahon. O di ba? parang un telang inilalatag sa lamesa. Pero i like it kasi cotton at fresh na fress ang feeling. Halter style at talagang pwede ko magamit kahit sa simpleng paglilibot sa dalampasigan.
Kami nman daw ni habibi suot ang kanyang chinese-style cotton long sleeves. Para kaming aattend sa kung saang okasyon hhehe. hawaiian party ba ito? kulang na lang ang bulaklak na kwintas sa aking leeg.
O bueno, kahit na hindi pa ako makakapag-aral this year, ayos lang. Positive naman ako sa lahat g bagay. Kapag ang isang chance kasi hindi napasaiyo ibig sabihin merong ibang bagay na dapat mauna bago ang aking pag-aaral di ba? Happy Monday everyone!
halo sissy dear..finally I got to see you in your summer outfit...kala ko kasi naka medyas at sweats kapa dyan....hehehe!
ReplyDeletemainit na din dito....woi kamukha mo na talaga si Ate Liz...hehehe!
honga pla nako..madami pa naman years to come to go back to school eh...ako nga din bumalik din ako sa school..planning to get into the nursing program.....pero hinay hinay naman ako..kasi mahirap to go back to school pag my family na...tapos anak pa ..nako...kakaloka...hehhee!
thanks for sharing dear...love your summer outfit...sweet namn nyo:)
umatake na naman ang kahabaan ng wento mo tita eds, aba muntik na umusok ang mouse ko ah...parang naimpress pa sayo ang nag interview sa lola ko, magaling ka kase umingles kaya ganun..pero ok ha dahil kung trbaho pala agad ang hanap mo e dun ka na sa college at iba pa rin ang level ng university dyan..kaloka naman yon...samantalang dito halos pareho lang yan...akala ko naman sa suot mo e peacock ka nga dahil sa design waaaaaaaaa
ReplyDeleteoist dhemz sabi sau magpinsan kami .. hehe nasa dugo yan naghahawig-hawig na yan hehe..
ReplyDeleteNkau nagmemedyas pa rin ako mapinsan minsan pero nakakaya ko nang mag summer dress ... feeling ko girl na girl ako kasi sa pinas eh puro pants ang suot ko at shorts.. dito lang ako nagddress .. hehe
Kuya tots umatake ba?? hehe alam mo nman minsan topak ako magpost at wala misip ngaun meron naglalaro sa isip kong mga kwento ng aking araw-araw na experience eh sinusulit ko na .. baka bukas - makalawa wala n nman akong entry hehehe
ReplyDeleteAT tama ka.. sa pinas eh parehas lang yan. ang kaibahan nga lang daw sabi ng kuya ko eh yun pangalan.. (Example : Good Samaritan COllege vs Wesleyan University Philippines ) Hehe pangalan lang pero degree pa rin ang tatapusin mo lol!
ganuuunn..iba ang college sa university..hhmmnnnn...at mukhang impress nga sa iyo si madam sue kasi sa university ka nya pinapapunta....hehe
ReplyDeletesummer na summer nga damit mo ah tita eds, hayyz..dito sa pinas maulan na..kainis diko pa naenjoy ang summer dumating na si ulan,,ggrrrrrr