3 May 2009

Nervous for Pacman!

Sa totoo lang habang binibilang ko ang bawat minutong nagdaraan, kinakabahan talaga ako sa nalalapit na laban ni Pacman. Alam kong sa mga oras na ito, malamang sa nag-uumpisa na ang mga unang laban bago ang big match nia para kay Hatton. Uahh! Ano ba ito kinakabahan talaga ako para sa kanya. Pero tulad nga ng nagdaang post na ginawa ko ang labanang Pacquiao –Hatton ay para ring labanan namin ni Habibi. Ang totoo niyan, pumusta talaga ako ng 10 pounds kahit na 2-1 ang betting odds hehe.. At ang aming usapan ni Habibi kung sino ang manalo sa mga pinusta namin eh sia ang magttreat bukas para sa aming Monthsary. Naks! Sana lang ay si Pacquiao ang manalo. hehe I don’t mind treating habibi sa isang meal basta si Pacquiao ang winner.

 

 

Anyway, ayon sa mga analysis ng mga bihasa sa larangan ng isport na to, kayang-kaya raw pabagsakin ni Pacman si Hatton in 6-7th round o sa mas maagang round. Pero wag din iunder- estimate si Hatton dahil isa rin sa pinakamagaling na boxer si Hatton. Isa pa, merong siyang mga dirty tactic na kungmapapanood nio sa youtube ang style ng kanyang laban ay talaga namang nakakapag-init ng laman hehe.. Yan ang madalas namin pagtalunan ni Habibi. Ayaw nia kasing pumayag na si Hatton eh merong ganung style. Well, well, well… Ilang araw bago ang laban na to ay nagka-asaran pa kami. Ang sabi ba nman dapat daw nagbaon na ng unan ang team pacquiao dahil baka daw matulog sa ring si pacman. Eh ang sabi nman ng aking kapatid eh inihanda na raw ng coach ni pacman ang amonia para sa pagtulog ni hatton hehehe.. Asarang walang humpay! Pero ilang oras mula ngaun, magkakaalaman na. Yan ang dahilan kung bakit sa oras na 1:54 ng umaga dito sa UK ay gising pa ako. At malamang sa hindi lang ako ang gising haha.. Si habibi ay natulog at ang sabi wag daw akong matulog para magising ko sia sa oras ng laban. Ang totoo niyan mejo nahihilo na ako sa paghihintay pero baka nman kasi pag naidlip ako eh maalimpungatan ako at si Habibi ang ma-knock out ko.. Lol!

 

Hay naku, ano nga kaya ang nahihintay na kapalaran sa ating ipinagmamalaking Pacman? Sana ay siya pa rin ang manatiling pound-for-pound king sa larangan ng boxing. Sana.. sana—sana.. Makikidasal talaga ako kay aling DIonisia maniwala ka .. Goodluck sau Pacman! Yakang – Yaka mo yan!

 

wailing-pacquiaoPero teka, napadaan ako kay google kanina at nakita itong picture na to.. nakaktuwa pero sana wag nman umuwing ganito ang itsura ni pacman? hehehe Hindi nman cguro ano?

 

By the way, basahin niyo nman ito para nman ma-inspire kau ng konti sa buhay ni Pacman .

 

Pacquiao - a Philippine Goliath

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin