Sa oras na ginagawa ko ang post na ito ay parang pakiramdam ko umaakyat ang dugo ko sa ulo ko. Pano ba nman kasi, meron kaming kapitbahay dito na matanda na at mahina na ang pandinig. Mabait nman talaga siya kung tutuusin pero yun nga lang madalas sa mapaghusga at nag-iisip ng masama sa kapwa.
Nung dumating ako dito sa Wales, yung ale na to (na hindi ko na papangalanan_, ang isa sa mga napakahirap intindihin sa lahat ng makausap ko. Bukod sa hindi maliwanag ang salita eh gaya nga ng nasabi ko mahina na ang pandinig nia. Kamakailan nga eh nagkaroon daw sia ng infection sa tenga at madalas kumatok at humingi ng pabor kay habibi tungkol sa mga kailangan ayusin at kung ano-ano pang bagay na hindi nia kayang gawin mag-isa. Madalas nman din na pinupuntahan ni Habibi. Kahit ang mga byenan ko at madalas din siyang kumustahin. Dahil nga sa kaibigan ng family ni Habibi kahit hindi ko sia naiintindihan polite nman ako lagi at madalas ngumingiti na lang sa kanya para nman hindi nia isipin na iniisnab ko sia. Hindi nman talaga ako pala-isnab. Lahat nga ng makasalubong ko ay nginingitian ko at binabati kahit di ko kilala. Pero ang totoo ngang dahilan eh nahihirapan talaga akong makipag-usap sa kanya. hindi nia ako naririnig kahit na makalimang beses kong uulitin ang sinabi ko hindi pa rin maririnig. kahit pa nga nasa level 9 na yata un volume ng boses ko.
Ang isyung ito ang dahilan kung bakit ngaun ay sumusulak ang dugo sa ulo ko. Kahapon kasi habang nagmamadali akong ibalik ang mga bins at boxes sa mga Beach house na pinamamahalaan ko eh nasalubong ko sia. si Habibi ay nasa shop at bumili ng ilang mga gagamitin namin sa bahay bago siya tumuloy papuntang Holyhead. Nasalubong ko ang ale kasama ang kanyang aso. Sabi nia eh kelangan daw nia ang tulong ni Habibi. Ang sabi ko namn eh sasabihin ko kay Habibi na puntahan sia sa bahay nia na hindi nga rin narinig. Pero iminostra ko na lang. After ng ilang oras, si Habibi ay nasa kabilang bayan na para sa kanyang check up. Kumatok itong ale at tinatanong si Habibi. Sabi ko nasa holyhead at may appointment sa kanyang doktor. Ilang ulit tinanong at ilang ulit ko rin pinaliwanag at sinagot kung nasan si Habibi. Ang sagot sa akin itinatago ko raw ba ang asawa ko. Ahay! Hindi ko nman talaga pinansin ang kanyang panghuhusga sa mga oras na ito. Ang sabi ko bakit ko nman itatago ang asawa ko. Ibinukas ko pa nga ang pinto para makita niyang mag-isa lang ako ng mga oras na yun. Sabi ko pagdating ni habibi eh sasabihin ko na pumunta sa kanyang bahay oramismo. Tumalikod na ang ale nang hindi nagpaalam sa akin bagay na hindi ko naman sineryoso dahil nga naiintindihan ko ang kalagayan niya.
Kanina lang alas dos ng hapon at kumatok na nman ang ale. tutop-tutop ng kanang kamay nia ang tenga niya. Naawa pa nga ako eh pero nun tanungin nia ako kung nandito si Habibi ( na sa oras na un ay tulog pa) ang sabi ko nga eh natutulog pa. Napuyat kasi nun nakaraang gabi kaya hinahayaan ko na magpahinga muna. Nakasimangot ang ale. Ako nman ay nangiti na nagsosorry sa kanya kasi ilang beses niyang nattsambahan na laging wala o tulog si Jamie. Hindi ko nman pakay na tawanan sia pero sumimangot bigla ang ale at sinabi wala daw nakakatawa sa sinabi nia. At dinagdag pang “ Nevermind, I won’t be bothering you ever again. I’ll just ask my neighbor to do it for me..” yan ang sagot nia na nakasimangot at nagmamalaki pa sa akin. Nagulat ako siyempre, bakit naman bigla niya na nman akong hinusgahan. Bakit ang init-init ng dugo niya sa akin? Ang sabi ko nabanggit ko na kahapon kay habibi na kelangan nia ng tulong pero busy rin nman kasi si Habibi at nasa kabilang bayan. Ang sama nito eh yun pa ang sinagot sa akin at bagkus tinalikuran ako ng bonggang-bongga. nabastos talaga ako sa mga oras na yun. Kaya nman dali-dali akong pumanhik at ginising si habibi at ipinaalam sa kanya na ang ale eh nagagalit na, kahit sia ang me kailangan eh siya pa ang nagagalit. ( Jusmio marimar!) Pambihira! Na-depress ako at naiyak ako sa galit. Alangan nman na bungangaan ko un matanda hano ? kawawa din nman pero sa isang banda hindi ko nman yata deserve na bastusin ng ke-aga-aga. isa pa ilang beses na niya akong hinuhusgahan kahit na napakabait ko sa kanya. Ipinagluluto ko pa nga ng pagkain un kahit na hirap ako mamili dahil vegetarian sia. Ang sa akin lang nman, ang dapat ay binigyan niya ako ng chance na ipaliwanag sa kanya ang actual na sitwasyon. Hindi ko nman ugali ang sumagot sa matanda. Nakasanayan ko rin nmang gumalang dahil yan ang turo ng aking mga magulang pero iba pala pag kahit gumagalang ka na eh binabastos ka pa rin ng mas nakatatanda. Mas nakakukulo pala ng dugo pag ganun? Hay naku, Dapat ay tigilan niya ang panghuhusga sa kapwa at dapat kung sia ang nanghihingi ng tulong eh magpakumbaba. Ganun nman talaga di ba? Ang sama nito, ako pa ang lumabas na masama. Ang sakit ng loob ko talaga pero idinaan ko na lang sa iyak. Ang sabi ko kay habibi eh hindi ko na siya kakausapin kahit kailan. Ignore ko na lang din sia yun pala ang gusto nia. Sabi nga, kapag puno na ang salop, kailangan nang kalusin. Pasensiya na lang si ale, napuno niya ang salop eh.. Kung naging mas mapang-unawa at polite sana siya sa paghingi ng pabor eh malamang kausapin ko pa siya? Eh pano nman kung palaging ganito ang gagawin nia sa akin? Parang tinanggap ko na rin na bastusin nia ako kung kelan niya gusto hindi ba? Hindi ko alam ukung maiintindihan nio mga ka-blog ang aking pag-aalburoto pero talagang hindi ko gusto ang naramdaman ko. :(
Wag mo nlng pansinin eds, ganyan talaga mga matatanda. Just continue to be kind as you always have been to her. Cguro mainit lng ulo nya that time :) Anyway, u have done nothing wrong, dont bother yourself thinking about it :)
ReplyDeleteSabagay tama ka jan marife.. ang sama nga lang kasi eh nasira ang araw ko. Alam mo nman tao lang nman din kasi ako nasasaktan din di ba. Im pretty sure hindi lang ako ang nakakaranas ng mga ganitong sitwasyon. Minsan talga sa buhay natin eh nakakatagpo tau ng mga nasty people.. Thanks sa pagbisita mo sis..
ReplyDeletehayzz!!kailangan lang talaga ng konting pasencya sa mga matatanda--dati nung bago pa lang kami nakkitira sa MIL ko,yung pinaka lola dun eh ayaw ako kasi nga pinay ako.palagi akong pinagdadabugan,wala naman akong ginagawang masama sa kanya pero patuloy pa rin ang magandang pakikitungo ko sa kanya hanggang sa nagustuhan nya na rin ako.ang tagal nun,inabot ng isang taon bago kami nag-usap ng hindi nya ako pinagdadabugan.
ReplyDeletehi sis, siguro kadalasan ang tao pag tumatanda eh madalas mag init ang ulo o magtamporurot..maramdamin...hayaan mo na lang siguro.
ReplyDeletei understand you sis...kung ako rin siguro magdaramdam sa ganung sitwasyon. wag ka ng umiyak dyan sis. now ko lang ako nakabasa sa post mo na malungkot ka... ingat palage and God bless.
aba tira eds, easy lang si ikaw ha at baka atakihin ka ng sakit dyan! minsan kase e ganyan ang mga matatanda lalo na nga kung ang unawa nila ay di mo naman sinasabi kay habibi na nagkukunwari ka lang na sinabi mo kay habibi..baka ganun ang unawa nya ano? pero ganun pa man e medyo mag lie low ka na nga muna sa kanya para di ka na mabastos nya at di mo rin sya mabastos di ba?
ReplyDeleteNaku e puro pagpapasensya na nga lang gagawin mo. Dahil mahina na rin ang tenga nya kaya di kayo masyado nagkakaintindihan. Siguro dapat bumili ka ng magic slate para isusulat mo na lang dun yung mga sagot mo sa tanong nya. hehehe! baka mas ma gets ka nya.
ReplyDeleteang madalas kong marinig sa mga matatanda..."tatanda ka rin"..kaya tita eds..tatanda ka rin,,hehehe.....pinapangiti lang kita baka may namumuo ng wrinkles dyan sa face mo weh...
ReplyDeletetska neighbor yan..diba nga love your neighbor as you love yourself..ahihihi..huwag mo na syang pansinin,,,sabi mo nga matanda na sya so sa malamang sa hindi, makakalimutan na nya na nangyari yan..kaya sabi nga ni marife, dont bother yourself thinking about it..remember, ang wrinkles....
Ate Issa tama ka jan.. sabi nga ni habibi eh tumatanda na nga kasi kaya un behavior niya eh nababago raw..
ReplyDeletethanks meryl sa iyong comment again .. alam mo nman pag nag-iisa tau sa malayong lugar nagiging sensitive.. so naiisip ko parang nag over react lang siguro ako .. pero talaga nman kasing hindi magandang mabiro first thing in the morning hehe..thanks sis ha:)
ReplyDeletemaganda ang suggestion mo anney.. pero naisip ko wag ko na lang sia kausapin para hindi na kami magkaroon ng misunderstanding ulit hehe.. minsan kasi pag nagppretend ako na naiintndihan ko sia at ngumingiti eh nagiging masama ang pagkakaintindi niya.. si habibi na lang ang makikipag-usap sa kanya hehe.
ReplyDeletehehe jez natakot nman ako sa Tatanda ka rin .. ahay.. ayokong maging super nasty na gaya ni lola hehe.. siempre di natin masasabi kung magiging ganun ako or mas malala pa.. nakupo wag nman sana..
ReplyDeletetita eds, nibura mo ata ang aking mensahe sayo dito sa post mo na ito ah? bakit kaya? nanggaling na ako dito kahapon tas ngayon bigla nawala ang aking komento..hmmm, ano kaya dahiln nya?
ReplyDeletehi there, just droppin and wishing you happy weekend...enjoy it!
ReplyDeletehttp://gracie-rocks.blogspot.com/
http://fidelity-lilyofthevalley.blogspot.com/
http://benchiegrace.blogspot.com/
http://www.benchiegrace.bravejournal.com/
http://allaboutlifebyme.blogspot.com/