20 Feb 2009

BEAT IT.. Lucky Boy

Kanina nga ay napatagal ang pakikipag-usap ko sa telepono nang maglong-distance ako sa Pinas. Nakausap ko nga yun aking adopted brother eh, panay ang pagyayabang sa akin,

"Ate, kumpleto na ang Michael Jackson DVD Ko. Alam ko na rin yung ibang kanta niya pero un ibang liriks nakakalimutan ko.." Lucky

100_1681

Taken December 2005 at NE Pacific Mall

Pagtapos hiningan ko siya ng sampol. Kinantahan ako ng mga apat na kantang pinasikat ni Michael Jackson. Beat it, Smooth Criminal, You are not Alone, at Bad. Hindi ko mapigil matawa kasi bukod sa matigas ang pagbigkas niya ng mga liriks ng kanta eh talagang naka-emphasize pa ang "RRRRR" sa bawat kataga. Palibhasa sa probinsiya nag-aaral kaya nahahawa siya sa mga kalaro.

Kung hindi niyo naitatanong eh 9 years old na si Lucky. Pero sabi ko nga mulang ng matutong magsalita eh nakahiligan na niya ang kumanta. Tanda ko nga eh "Laklak" ang una nitong natutunang kanta. Eto ang isang linya niya,

" Pabilin-bilinan ng Lola, wag nang uminom ng serbesa

Ito'y di inuming pambata, MAG-SOPAS ka na lang muna..."

Naririnig niya lang kasi yang kanta kaya pasensiya na kung mali ang liriks niya.

Dahil sa kami ay meron parentahan ng Videoke sa probinsiya, nagaya na nga sa mga kanta ng manginginom. Una na kasi sa listahan ng mga boy kanto sa lugar namin yang kantang laklak ( sa mga kabataan) o My way sa medyo me katandaan.

Isang araw nga eh nun 4 years old pa yun, umuwing pawisan. Meron dalang nakabalot na Piktyur Preym. Tinanong daw ni nanay kung san nanggaling. Sagot ni Lucky,

" Nanalo po ako sa Videoke Contest sa birthday ni Mayor. Nakakuha ako ng 100% na score "..

Si Mayor naman, manong pinera na lang hano? Neway, isipin mong sa edad na apat na taon maisipan niya na sumali sa kontest. Samantalang ako nung araw eh kahit impit o sipol hindi ako mapapakanta ni nanay sa harap ng maraming tao.

Totoo, meron din kaming mobile disco nun araw. At ang uso pa lang nun eh yun bang Multiplex na tape at yung plaka na pagkalalaki. Gamit namin un malalaking bapols, trompa at turn-table. Kung hindi niyo alam yun, yun eh yung mga sinaunang istilo ng component na makikita  mo sa pelikulang " The Ghost" ni Demi Moore. Yun na yun mismo! Oh eh ayun nga, pag gusto namin magkantahan noon, hala kelangan memoryado ang bawat liriks. At tapos kung hindi mo naman memoryado eh kelangan mong mangolekta ng songhits o di kaya makikopya ka na lang sa mga kaklase mo kung cant afford kang bumili. Dun ako sa huli hehe kasi cant afford ako nun eh. Isa pa gusto ko ako ang nagsusulat para naka-compile lang lahat ng gusto kong kanta sa isang notebook na tinahi ko pa mula sa mga natirang pahina ng mga gamit na notebook. Resaykel din hehe nagtitipid.

Yun dalawa kong kuya, walang problema sa pagkanta. Dahil nga madalas maisali sa singing contest sa school tuwing linggo ng wika eh nakakapagpraktis sila. Eh ako nun, bata pa ako at mahiyain. kadalasan eh nakikinig lang ako at maswerte na yung mapakanta ako sa banyo habang naliligo o habang nagwawalis ng bakuran (tiyempuhan mo lang at maririnig mo rin ang boses ko hehe). Minsan nga narinig ni nanay na nasa tono rin pala akong kumanta kaya pinilit-pilit akong kumanta ni nanay. At dahil hindi mapilit ng walang bayad, sa halagang limang piso ( un eh emilio aginaldo pa, na dating perang papel ng pinas - kulay green Ba yun? ) bumigay ang lola niyo. Kanta naman ako! Eh siyempre dahil mahiyain ako hanapin mo kung san ako nakatago habang kumakanta. hehe maaring sa silong ng lamesa o sa ilalim ng kama. Taguan-pung pa ang drama namin hano? Pero tiklo ako palagi kasi nga wired naman yung mic. Eh di sundan lang nila un mic kita na nila kung kaninong mala-dyosang tinig un umaalingawngaw sa trompa. Ngayon mo nga gawin yun sa mga makabagong gadgets natin pag di kahit sa itaas ng puno ng niyog ka kumanta ayos na ayos. Wireless na eh! hehe

Tinanong ko ulit si Lucky kung nag-aaral ng mabuti at kung ano na siyang top. Kasi nga matatapos na nman ang School year sa Pinas. Ang sagot,

"Hindi ko lang alam ate.. Hindi pa nman sinasabi ni Mam. Pero nun grade 1 ako top 5 tapos grade 2, top 6.. Ngayon hindi ko alam pero nung last kami nag-exam naka 92% ako out of 100... Ang hirap kasi ng mga tanong. Wala pang pagpipilian yung iba kaya hinulaan ko lang .."

Tinanong ko nga kung sino ang highest, eto nman ang sagot,

" Hindi ko alam. Parang ako yata..."

Hindi nman siya mayabang di ba? humble lang hehe.. Chinachallenge ko kasi siya kasi nabili ko ang Nintendo Wii ng kapatid ni Jamie. Naisip ko ipadala sa kanya iyon kapag nakapasok siya ulit sa top 10.

Hindi pa nga natapos magkwento itong si Lucky at naibida pa yung ngipin niya na binunot ni nanay. Tinalian daw kasi ni nanay ng sinulid pagtapos ay hinatak bigla.

" Ate nanghihinayang nman ako sa ngipin ko. Kung alin pa yung pinakamaputi siya pa ang naalis. tapos nun tinalian naman ni nanay at biglang hatakin eh tumurit bigla! Hindi ko tuloy makita, ilalagay ko pa naman sana sa ilalim ng unan ko eh..."

Muntik nang manikip ang dibdib ko katatawa. Hindi dahil sa nabungal na naman siya kundi dahil sa sinabi niya na kung alin pa daw ang maputi un pa ang naalis. Pambihira oo... Eh naranasan niyo na ba yun? Kasi ako dati ginagawa ko rin un "Operasyon Sinulid". Kesa nga nman magbayad ka ng dentista eh talian mo na nga lang ng sinulid at isabit mo sa pinto saka mo biglang isara. Hindi nman masyadong masakit yun eh. Madugo lang at makati-kati ng bahagya hehehe..

100_2257

December 2006 ito kuha habang kumakanta siya ng " Makita kang Muli" theme from the series Ang Panday! Kung mapapansin niyo eh medyo nakakagulat ang pagkalagas ng ngipin niya dito. Ang hilig nman kasi sa matatamis! Ayan tuloy ang nangyari.

Nakakamiss din ang kakulitan ng batang ito. Sana lang pag mas nagkaisip na siya eh hindi siya magbago. Sa susunod ko kayang tawag, ano na naman ang nakakatuwang kwento nito? Hmmmm.. isa lang ang aabangan ko. Yun ay kung aling song ni Michael Jackson ang latest niyang namemorize hehe!

8 comments:

  1. hhahaha...kakatuwa naman sis ano....hehhe...galing ng baby bro mo....anong taon sya inadopt nyo? ako matagal ko nang d nakakausap family ko...hehhehe....2 a month lang ako tumatawag sa pinas...hehheh....:)

    ReplyDelete
  2. Ah si lucky in-adopt namin siya pagkapanganak pa lang.. kaya masyado siyang malapit sa akin.

    Oi ako ang gamit ko kasi eh bestminutes mura lang ang tawag kaya sinusulit ko na. paminsan-minsan lang din ako tumawag pero un bang tawag eh halos masunog ang tenga o ma-drain ang battery ng mobile nila.hehe I wonder kung itong bestminutes na gamit ko eh pwede jan sa country kung nasan ka.. or pwedeng meron ibang company na nagooffer ng murang tawag try mo research minsan :D

    neway, salamat ulit sa pagbisita. hop-hop ako sa site mo tomorrow.. pag me nakita kang patalon-talon ako na yun ahihi..

    ReplyDelete
  3. aba'y rocker naman pala yang brod mo, isipin mo lakalak pa ang unang natutunang kanta..dyan galit si lola e..bawal pa namn ang serbesa..waaaaaaaaaaa

    ReplyDelete
  4. rocker naman pala yang brod mo eds, laklak pa ang natutunan, kabilin bilinan ng lola wag ng umino ng serbesa..ayan napasabay ako ...waaaaaaaaaaaaa

    ReplyDelete
  5. rocker pala yang utol mo eds, laklak pa ang naisipang kantahin at matutunan..

    ReplyDelete
  6. naku 3 version pa ang comment ni kuya payatot hehe nacarried- away ka nga talaga hano ?

    Itong little bro ko e talaga nmang mahilig kumanta. Tingin ko nga halos sumabog na ang litid nito maabot lang un mga high notes .. hehe Per its good nman kahit papano eh meron talent na nasalo kumbaga..

    ReplyDelete
  7. im here today sis, hope your doin fine..ingat lagi


    http://www.benchiegrace.bravejournal.com/
    http://fidelity-lilyofthevalley.blogspot.com/
    http://allaboutlifebyme.blogspot.com/
    http://benchiegrace.blogspot.com/

    ReplyDelete
  8. hi fidelity.. nice to see you here.. will visit your sites too .. :)

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin