21 Feb 2009

Resaykel

Nagtataka siguro kayo kung bakit "Resaykel" ang pamagat ng post ko sa araw na 'to. Ito'y hindi patungkol sa pagreresaykel ng papel or ng bote at garapa kundi Resaykel sa pagkain.. Oo tama ang iyong nabasa kaibigan. Naisipan kong i-post na nga ang patungkol dito at kanina pa nai-stress yung utak sa mga letra ng salitang ito. Sabi na utak ko ipost mo na, sabi naman ng isang bahagi nito gawin mo muna ang tag ni ate Liza. ( hehe censia na nauna na ito te liza.. di ko maisip umpisahan yun tag ahihi).

Ang pagreresaykel ng pagkain ay madalas nating maranasan. Mapa-ulirang ina man o ulirang negosyante. Nabanggit ko ito dahil ganito ang byenan ko. Lahat yata ng tao dito sa village namin kilala ang nanay ni Jamie. Bukod sa makwento ay talagang napakabait. Lahat din ng tips tinuturo niya sa akin. Naroong magbake kami ng pastry, cake at tinapay. Yun nga lang napakabilis gumalaw. Lahat ng bagay ay alam mula pagkakabit ng tiles, pagkukumpuni ng sirang silya, pagpipintura, pagsesemento, pati nga bakod tinira na rin. Hay bilib talaga ako sa kanya pagdating sa pagreresaykel. Wais siyang tunay! Hindi siya bumibili ng bagong gamit. Tulad ng ibang ina, laman siya ng charity shops kapag meron siyang pera. Laman din siya ng furniture shop dun sa bandang Birkenhead. Yung mga sinoling items na hindi nagustuhan ng mga clients dun kasi ibinebenta. Sa dami siguro ng karanasan nito sa buhay kaya natuto sa lahat ng bagay. Kailan lang nung binisita kami chineck niya ang buong bahay. Kapag ganito kasing binibisita ako ng byenan ko, nahihiya talaga ako. Kasi alam kong lilibutin niya ang buong bahay at maghahanap ng mga sirang gamit na kelangan kumpunuhin. Ayun habang nga suot ang kanyang bagong bestida, boots at talagang kuntodo porma, eh nakita kong inaayos ang aming bath tub. Kasalanan ko rin kasi dahil nagbara gawa ng mga buhok kong nalalagas (lol). Eh hindi ko maalis. At dahil siya rin ang nagkabit ng bath tub na yun, alam na alam niya kung paano ang gagawin. Baklas dito, baklas dun tapos........ Toink! Tapos ang trabaho! Di ko nga lam kung tatawagin kong Wonder Woman eh. Aba bihira talaga ang babaeng kagaya niya. Kaya swerte talaga ng asawa at mga anak niya. Hindi pa marunong magreklamo.

Teka nga, mabalik tayo sa resaykel na pagkain.. Eto na talaga! Nun kasing despedida ng kapitbahay ko eh maraming chicken na natira. Kasi nga dalawang roast chicken ang inihanda namin para sa kanila. Eh siempre hindi nman naubos. Kung ibabaligtad ko yung manok eh marami pa talagang laman. Pero ayoko naman ulitin yung ginawa ko last valentine na pinilit ko ubusin yung manok. Nahilo nga ako nun eh nasobrahan ata ako. So ang ginawa ko nga ni-resaykel ko. Bakit ba eh sayang nman kung itatapon. Pwede pa nman kainin. ang kaso wala naman kakain ng ganun ang estado nito. Puro pinagkurutan tapos meron buto-buto. Kaya ang ginawa ko hinimay ko lahat! Himay, himay, himay.. Nangawit ako kakahimay tapos un ibang natitira sa buto kinakain ko na rin.. hehe sayang at saka tipikal na pinoy di ba? Bati buto nginangatngat natin dahil nandun ang lasa. Kung nakita siguro ako ni Jamie malamang sabihin nin "... Eeewwww..." Ayaw kasi nun ng buto.. gusto nun puro pitso ..At pagtapos ginawa kong chicken soup. hehe gusto mo malaman kung paano.. Maging wais ka na rin kagaya ko heto ang ihanda mo ..

Rekado :

  • 1 piraso katamtamang haba ng Hiniwang Leek ( Yun parang chop-chop lang)
  • 3 Piraso Patatas , hinati sa apat bawat piraso
  • 5 pirasong sprout ( Hindi ko alam ang tagalog pero tingnan sa baba ang itsura nito)
  • 1 piraso ng katamtamang carrot ( Chop-chopin mo rin baby)
  • 1 piraso ng Chicken Knorr Cubes
  • 4-5 Tasang Tubig
  • Asin ( Tantiyahin )
  • Betsin (.. kung abeylabol )
  • Hinimay na manok ( Walang buto siempre,hinimay nga eh..)

390688507_80f6a2ffd7

Heto ang picture ng Sprout. Ewan ko lang kung meron nito sa Pilipinas. Pero malamang ang makita niyo sa pinas eh ung malaking version nito, hehe Repolyo ba. Ito kasi, madalas steam ko lang kasama ng brocolli at baby carrots. Masarap kasi iterno sa mashed potato, chicken and gravy.

O ayan na ang mga rekado. Pagsama-samahin mo sa isang kaserola. Pagtapos pakuluin mo hanggang sa lumambot lahat ng gulay. At dahil sa ang manok nman na gagamitin natin ay resaykel nga, dun na sila magkikita ng gulay sa finals dahil luto na yun

Pag ayos na ang lasa ng pinakulong mga rekado, ilabas ang Liquidizer o blender. Ilagay ang pinakulong gulay at iliquidize. Pagkatapos, ibalik sa kaserola pag pino na lahat. Dagdagan ng tubig kung kinakailangan at isama ang hinimay na laman ng manok. Pakuluan ng mga ilang minuto at huwang hayaang matuyo. Jaran!!! Meron ka nang instant soup!

Mas masarap itong kainin with bread and butter. Paborito ng mister ko yan. Isa pa, pagkakataon ko na rin na mapakain siya ng gulay. Pwede niyo itong gawin sa mga chikiting na hindi mahilig sa gulay.

Ewan ko kung makakatulog ang Tip ko. Pero kung gusto mo magtipid pwede mo gawin. naisip ko lang kasi ipost ito dahil sa hirap ng buhay ngayon kelangan maging wais. mahirap pa naman humanap ng pera ngayong panahon ng krisis.Isa pa alam kong kahit sa maliliit na karinderya eh ginagawa itong pagreresaykel ng pagkain. Aba puhunan ang pinag-uusapan dun. Kaya minsan makikita niyo meron lugaw, arrozcaldo, goto o di naman kaya sinangag hehe...Yun  iba nga ginagawang spring roll un mga natirang karne. Saka ko lang nman nalaman na may mga resaykel sila kasi meron na ako dating nakainan na ganun eh .. ang sama nito nalasahan kong mamanis-manis un arrozcaldo with egg pa kamo. Kaya pala panay ang abot sa akin ng kalamansi hehe.. Hindi ko nga nman mapapansin kung panis nga bang talaga o sadyang maasim lang.

Anyway, wala nman masama sa resaykel basta pwede pang kainin at malinis hindi ba? Pero kung tayo mismo ang gagawa " nakakasisiguro, pagkain ay laging bago .. este malinis pala "" Toink!

2 comments:

  1. hello eds, una salamat sa mga komento nyo na ubod ng haba at nakakatawang basahin..kahit paano napatawa nyo ako...hahahahahhahaha..

    yung byenan mo mukhang super woman ano, imadyin babae sya pero marunong ng mga ganung kalikot sa banyo pa ha! impresib masyado sya kumpara sa ibang babae ano? werte mo rin at nagkaroon ka ng byenan na ganyan..

    nilagyan mo talaga ng recipe yung resaykel na pagkain mo ano, halatang mahilig kang mag eksperimento sa pagluluto at siguro'y hilig mo na rin yun?

    ReplyDelete
  2. Tumpak kuya payatot! Nakakapanghinayang kasing magtapon ng magtapon ng pagkain. Isa pa naiisip ko ang family ko pag ganung ang daming pagkain tapos itatapon lang kahit pwede pa kainin..

    Ung byenan ko nman sobrang super woman talaga. Kasi nman 30 ilang taon na ring kasal yun sa asawa niya at hindi nman marunong sa mga gawaing panglalaki ang asawa kaya imbes na hintayin daw niya eh siya na lang daw ang gagawa hehe.. ayun natutunan lahat! Sabi ko nga eh ako kaya maging ganun sa kanya?

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin