8 Feb 2009

Tagalog Entry : Beer Lite

Naisip kong gumawa ng tagalog entry ngayon dala ng aking pagkainip. Palibhasa, paulit-ulit lang ang ginagawa ko araw-araw. Blog, Kain, linis ng konti at matulog. Paminsan-minsan naloloko din ako sa paglalaro ng game console. Eto nga at ang kinahuhumalingan ko ngayon ay ang Call of Duty World at war. Shocks! Sabi siguro ng iba, Ke-babaeng tao ang laro eh shooting games. Bumili pa nga ako nga Wii Zapper yun bang Gun. Panay ang tutok ko ng baril sa TV na animo'y para akong nasa gera. Oo nga at pag ikaw ay naglaro nun mamumura mo pa ang mga hapon at germans sa tuwing ako eh mapapatay. Tulad ng picture na to:

100_1104

Yun hawak niya, yun ang Wii Zapper or Wii gun. Ganitong-ganito siguro ang itsura ko pag naglalaro. Isipin mo minsan tumatago pa ako sa center table na yun para maipatong ko ang namamanhid kong braso sa lamesa. At sa tuwing mapapatay ako ng mga hapon at germans sa laro, halos matuklap ang anit ko sa inis at pagkamot kung bakit naunahan ako mapatay ng mga kalaban.

100_1106

Screenshot naman to ng level ko sa Call of Duty. Biruin mo sa likod ng drum na yun at sa likod ng pader na yun meron mga hapon na nakaabang sa aking pagdaan. Siyempre pa pakasa-kasa rin ako ng baril at pabato-bato ng granada. Nakakaadik talaga tong laro na ito. For the first time akong nahumaling sa larong panlalake. Kadalasan kasi na nilalaro ko ay simulation or yun bang mga pambabae kaya ng The Sims. Or Tomb Raider. Basta babae ang bida eh ginaganahan ako maglaro. Pero isang sign ng pagkaadik ko nga eh yun mapanaginipan ko pa. Pambihira, kapag pumikit ako sa gabi nakikita ko ang mga Japanese. At ako eh dadalhin na naman ng aking imahinasyon kung nasaan ang Giyera. Naloko na! Pinagtatawanan tuloy ako ni Jamie.

Anyway, hindi naman talaga itong call of duty ang topic ko. Kanina kasi matapos kong kumain ng tanghalian eh bumalik na ako sa kuwarto para mag-edit ng blog or maghanap ng maipopost. Kaso wala akong mai-post. Naisip kong magpatugtog at nakapukaw-pansin nga sa akin ang kantang Beer. 2007 pa sumikat ang kantang ito ng isang bagong banda na ang pangalan ay itchyworms. Sa totoo lang, di ko nga pinapansin ang mga kanta ng band na to. Pero meron itong kanta na nabanggit ko ay sadyang kakaiba.

Pakinggan ang kanta :


Beer Lite

Nung una kong marinig ang kanta na to, inisip ko sobrang sakit ng loob ng kumanta. May halong comedy ang kanta at gustong gusto ko ang lyrics at areglo ng ginawa ng composer. Kakaiba kahit na ang lyrics ay kanta ng isang typical na nasawi sa pag-ibig. Bakit nga ba kapag nasasawi sa pag-ibig ang isang tao ang unang ginagawa eh uminom ng beer at imbes na mag-move on eh sirain ang sarili na para bang kapag ginawa nila yun eh makakaganti sila sa taong naging dahilan ng kanilang pagkasawi? Ano nga ba ang meron ang beer at bakit sa panahon ng problema na wala kang makakasama at makaiintindi sa iyo ay parang ang BEER ang nagsisilbing "bestfriend" natin? Nakakapagtaka talaga..Enjoy listening to Beer Lite!

5 comments:

  1. First of all, ako eh bilib sau at matyaga kang mag laro ng video game, ang huling nilaro ko eh Sega Genesis, 3 years old pa lang si dan, (15 na sya ngayon) di ako makaalis sa isang level, busit ako, kasi inabot na ko ng madaling araw di ako makatagpos, kaya sinumpa ko sa sarili ko, wala ng video game para s aakin, hehehe..

    Second of..well, ang mga nasasawi sa pag ibig na nagpapakalango sa alkohol, mga praning..Hehehe..Sawi ka na nga, sirain mo pa buhay mo, parang tanga...Di ba nga ang iba eh nagpapakamatay pa. Oh well..mahirap magsalita kung di ikaw ang concern. So, tahimik na lang tayong dalawa, hahaha!

    ReplyDelete
  2. Oo nga .. sabagay wala nman akong kilala na nasawi sa pag-ibig or un tinatawag na basted. Basta na-praning lang din cguro ako magpost ng tagalog entry hehe..

    ReplyDelete
  3. ehehe basta tuloy mo lang sa bandang huli makikita mo mamamatay din ang bida.. .

    teka.. nintendo wii ba yan or ps3.. di ko na napansin maganda rin pala ang graphics ng wii eheheh di ko na magamit mula ng nagka ps3 ako..

    sunod mo bilhin panget.. ung MSG4 ( Metal Gear Solid 4) maganda rin... at dun tactical na..

    ReplyDelete
  4. at teka nga pala may post din ako neto noong sinaunang panahon ah.. :) check mo >> Senti Mode Beer

    post ko nung pagkagaling ko jan sa pinas..

    ReplyDelete
  5. hehe kuya zaldy wii yan. kita mo me wii zapper.. un nintendo wii malabo lang ng konti kumpara sa ps3 pero nakikita pa nman un kalaban kaya ok lang hehehe...

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin