Since this month is our anniversary month, I want to share my Love story. Wohoo! Four years ago, ako po ay isang ordinaryong single na namamasukan bilang isang Bookeeper sa small business ng aking brother. Nag-eenjoy sa pagiging dalaga. At dahil work, gimik at bahay lang ang Lola niyo eh sobrang boring ng aking buhay. Though I have friends, paminsan-minsan lang din kami magsipagkita. Isa pa, they all have their loved ones na rin that time kaya sa tuwing kami ay magkikita-kita at mapag-uusapan ang Lovelife, palagi akong Out of place. I started having insecurities kasi nga at my age, hindi pa ako nagkaroon ng Boyfriend. Hmmm.. I think it has something to do with being the only girl among 4 siblings. Dala ng takot na malaman ng mga kapatid ko at parents ko na nagpapaligaw ako o nagkaka-crush eh naging pihikan ako sa lalake. So when I graduated, natuon na lang ang aking isip sa pagwowork.
Year 2002 when my brother hired me in his company. And when I started working nun din ako na-addict sa pagchachat. Usung-uso nun ang yahoo messenger.I've met loads of guys online. Most of them are really nasty but some of them are quite nice. Tumatambay ako sa yahoo rooms at naghihintay ng makakachat tapos minsan tamang kantahan lang sa chatroom which I enjoyed much. At dahil maliit lang ang sweldo ko nun, sa office ako nagchachat. Di ko minsan napapansin 10:00PM na.. At laging OT (Overtime) sa Chatting. Kakachat ko, For the first time I fell inlove online. Yeah! You heard me right. Nainlove ako online at the age of 22 I think. Akala ko nun seryoso na kasi the guy always calls me. Sending gifts, love letter. Hindi ko na babanggitin ang name kasi past naman na siya. So yun nga, it lasted for about 6 months siguro ng hindi ko nakita yun guy. Sa picture lang! And I keep on believing in long distance and online relationship. Palibhasa inosente pa ako sa laro ng pag-ibig. eh Kung di ba naman ako may pagka-hogeng eh bakit ko nga kasi seseryosohin ang ka-chat. hindi ko pa naman nakikita? Hindi ko rin alam kung totoo nga ba ang sinasabi nun kachat kong digital kumbaga. Ooopss.. di ko pala nabanggit kung ano ang nangyari sa guy. Bigla siyang nawala. As in parang pumutok na bula! I can't contact him on YM, Email, Phone. I sent letter on the address he gave me pero bumalik sa akin. So tingin ko lahat ng personal details na sinabi niya sa akin was all LIES. Imagine-in mo. Napaka Genuine ko pa naman na nainlove sa kanya tapos biglang nawala? Nagdurugo ang aking pusong sugatan... Sabi nga sa kanta eh,
"...Sinaktan mo ang puso ko
Sinaksak mo ng kutsilyo,
Binuhusan mo ng asido, pinukpok ng martilyo..."Sinaktan mo ang puso ko by Michael V.
Yun song na ito eh parang joke lang pero somehow totoo pala. Pag pala nasaktan ka, para palang tinutusok ng aspile ang puso mo.Parang sinasaksak ng kutsilyo. parang kinukurot at ramdam na ramdam ko ang sakit. Ang kawawang Edna! Minsan lang nainlove nabokya pa! Tsk! Tsk! Sabi ko sa sarili ko hindi na ako magtitiwala sa kahit na sinong lalake. Sabi ko sa sarili ko lahat ng lalake eh pare-parehas lang .. at tingin ko nga magkakamukha na sila.. parang clone personality in and out.. at sabi ko pa eh tatandang dalaga na ata ako.. Sabay pahabol na huwag naman sana.. Susme! Ang hirap tumandang dalaga kaya?!
Ayun after months of recovery, balik sa dati ang lola mo. Work, bahay, Work.. mall.. bahay.. paminsan-minsan pa rin chat. Ganun lang palagi. Till i decided to go back to schooling taking up Caregiver course. Yung friend ko kasi that time eh nagtapos ng same course tapos napunta ng Canada. Then I thought it would be a good start. mag-aral ako ulit then try my luck abroad. kahit san susuungin ko na talaga. pati nga pagja-Japan tin-ry ko. I've trained and got my ARB Passport din. ang tumutulong naman sa akin eh yun sister ng bestfriend ko.. Kaso parang kahit anong gawin ko parang hindi dun ang punta ko... Not Canada.. Not japan... Eh san naman kaya? Sa Iraq? Sa Middle East? nakakatakot naman ata dun.. dun na lang sa Pinas.. tiyaga-tiyaga ako sa kung ano ang meron .. mababaling nman siguro kako sa iba ang aking pagkabigo..
But then One day I received email from another dating site. nasa work pa ako nun. patagong nakikipagchat at nagchecheck ng email hehe.. siempre pa, style ko lagi yun. pag papasok na ang brother ko sa admin office eh sabay hide na ng internet explorer at yahoo messenger. ( yung kilay kasi nun magkadugtong palagi hehehe) Idagdag mo pa ang ICQ nun.. naloko din ako dun eh! Free text kasi sa Smart network hehe..So I received a mail from a site called www.elitemate.com. Interesting! Sabi sa email, its my luck daw to find a mate. tapos ako raw ang isa sa napili nila i-email for a full time membership account for FREE! Sabi ko sa sarili ko, ano ba tong Spam message na to. nagkalat sa email ko. pero I did try it haha.. Nag-sign up ako pero un bang wala lang.. testing lang! Alam mo yun para matigil na kaka-Spam sa inbox ko eh nagsign-up nga ako. tapos naglagay ako ng picture para bongga then .... bastarduhin ko na un account... Ang picture pa na inilagay ko eh eto : (Tandang-tanda ko pa..)
This is me 5 Years Ago
O di ba? Anong panama ng Viva Hotbabes no? At super slim at payatot ko pa noon. Tong picture na to eh kuha pa sa 1.3 megapixel na digital camera.. Yung kauna-unahang nausong digicam. Pagkalabo pero ok na rin .. Pero the next days, nagulat ako kasi ang dami nang nagsisipag-email sa akin. Lahat eh ibang lahi.. at lahat sila eh desperate sa reply ko. Yung iba nirereplayan ko pero un mga above 30 eh di bale na lang.. parang masyadong matanda na para sa akin yun. I mean 23 years old ako pero nene pa naman ako sa itsura ( asa pa no?)
One depressed and stressful day eh sabi sa email ko " Someone messaged you on Elitemate". Hmmp eh puro nman above 50 ang nagmemesage sa akin.. Hindi naman ako naghahanap ng tatay. Hindi rin ako naghahanap ng Lolo. kaya iniignore ko na lang. Diretso sila sa Trash Box ko. Pero meron kaisa-isang mail na hindi ko nabura. Yung mail na ang name eh Jamie1976. Kinalkula ko pa sa daliri ko ha. pihado kako eh 1976 to pinanganak .. Hehe.. 28 Years years old tapos ako eh 23... Hmmmm Pwede! 5 years gap! Binuksan ko ang email at yun nga meron message na kung gusto ko raw ba sia maging kaibigan. Reply ako at sabi ko ok lang.. Short message lang kasi nga eh wala na nga akong tiwala sa mga chatmates. Then he replied the next day.. then nasundan pa ng nasundan.. Hanggang sa nagkakausap na kami ng madalas thru email not in chat kasi hindi siya marunong magchat. Jamie pala ang name ng kaemail ko sa Elitemate. Babae nga ang hula ko nung una.. Kasi nga eh babae un tunog nang name cguro kako eh Lesbian lol.
Naging regular email friend and chatmate ko si Jamie. Palagi siyang nakaonline simula ng maturuan ko sa chatting. Sus! Tapos hindi nagpapakita ng picture.. mga ilang buwan siguro bago pumayag magbigay ng picture. Aba kako ang hudas at nagpapakipot pa ata eh dapat ako ang pakipot. napilitan din at nakita ko na nga ang picture. Natakot ako at kapatid ata ni Palito yun kachat ko .. Shocks! Meron palang malnoris na Briton sabi ko sa isip-isip ko pero its ok. mukha namang mabait. He then started telling stories about himself, his family, his life.. Siya pala eh mag-isa lang na namumuhay sa isang rented house.tapos hindi pa sia ngka girlfriend. Insecure din sia sa looks niya tapos mga stories of his dreams na sabi niya sa akin sa chat eh parang nagkakatotoo. He always send me offline messages or stay up late just to chat with me. Europe sia nakatira tapos ako sa pilipinas so parang nasa kabilang bahagi sia ng mundo tapos ako nman nasa isang dulo. Pag Tulog ako eh gising siya pero ini-aadjust niya ang time nia para magkausap kami. I thought that was cool. Di nman siya nanliligaw pero parang nagpaparamdam. Sabi niya sa akin before nun mamatay ang lolo niya, ang hiling ng lolo niya magkaroon na sia ng GF. Tapos nanaginip yata sia one day na she met a girl in his dream wearing a gown. Parang premonition cguro na ikakasal na sia. Pero namatay ang lolo nia nang hindi na-meet ang magiging GF niya. But then he asked me for a picture again and I sent this picture:
Sabi niya sa akin .. Ako daw yun babae sa dream niya.. Yung girl na bumababa sa hagdan. He thought it was an angel from heaven pero hindi nia makilala yun mukha. Siguro daw ako yun girl. Kibit-balikat lang naman ako. Then he started telling me story about the girl he fancies and he's obsessed with pero sadly un girl eh meron relationship sa isang ka-flatmate niya. Sabi nia binigyan siya ng card ng girl one christmas time tapos with money and a big kissmark ( un meron lipstick ha). natatandaan nio ba itong buzz effect sa yahoo messenger before?
Another sign na nman daw ito.Same with the girl who left the money with lipstick kiss on. Tapos ako naman eh i BUZZ him same day and this one appears. Coincidence nga kaya? Then he started telling me kung gaano siya ka-desperate before. Like me meron din siang naging ka-email na isang Romanian girl. Tapos biglang nawala after niya ibilhan ng full membership sa elitemate. All of a sudden lahat ng emails nilang dalawa nawala lahat. he contacted elitemate about it pero walang nangyari hindi ma-retrieve ang mga emails. So dahil dun nag-email siya sa lahat ng girl na natipuhan niya sa Elitemate because of desperation. At sa lahat ng ine-mail niya, apat lang ang nagreply. at ISA AKO dun. Out of 4, ako na lang ang natirang nakikipagexchange mail and chat sa kanya. And he thinks na maybe there's a reason bakit nag-krus ang aming landas. The signs say it all sabi niya sa akin. And we met with the same experience pa online. Parehas kaming walang real relationship. After nun, unti-unti na siyang nanligaw.
He's sending me flowers every now and then mula panliligaw hanggang sa nun sinagot ko siya. isama mo na rin yun kapag kami eh nagkakatampuhan. Sa sobrang dami nga eh hindi ko na maretrieve lahat ng pictures ng padala niya. Of course lahat ng notes sa mga flowers nakatago.
Tapos he made my dream come true of going abroad. nakarating ako sa hongkong disneyland. That's one of his birthday present to me.
He also fulfil my dream of having a big, big teddy bear meron pang kasamang anak. Tapos hindi ko naman alam kung san ko itatago dahil pagkalaki-laki. Anniversary gift niya sa akin yun nun time na kami ay magsing-irog na kaya I named it Annie. Yun maliit little annie..
Birthday treats for my friends and family. Eh dati coke at pancit canton lang ang inihahanda ko sa birthday ko. Talagang sinuyo ako ang husto. haha Kuha pa sa Lamarang yan hehe
Marami pang nangyari sa aming online affair ni Jamie. Sa kung ilang daang libong milya ng layo namin sa isat-isa eh nainlove na nga kami pareho ng hindi nagkikita ng personal. nakagraduate ako sa Caregiving class gawa na rin ng tulong niya. And this Old lady was Lola Barang. This picture is taken during my volunteer duty to Bahay-Puso Bataan ( Home for the Aged). Di ko alam if she's still alive but that time hinulaan niya ako. Sabi niya
".. Ikaw hija ay merong BF na Poreyner. At Ikaw at makakarating sa ibang bansa. .. sa London.."
Hmmm magandang pangitain pero magkatotoo kaya?. That time kasi nag-try na ako sa mag-apply as tourist sa UK pero I got denied. Then sabi ni Jamie siya na lang ang pupunta sa Pinas. At naku nabuwang ang lola niyo dahil ako po eh kinakabahan. Totoo na kaya yun eh pano pala kung nakakatakot ang itsura niya sa personal? Gumagawa ako ng dahilan para hindi kami mag-meet. Sabi ko hindi pa pwede kasi nga kelan lang kami nagka-chat. Sinabi ko na hindi ko pa siya lubos na pinagtitiwalaan. at kung ano-ano pang dahilan.. Pero nung nagpunta ako ng Hongkong, ibinook niya ang pagpunta sa Pinas August 2006. Wala na akong kawala! malay ko bang patibong pala yung pagpunta ko ng Hongkong. Totoo na to.. magkikita na nga kami!
Minsan kaming nagkatampuhan online.Siempre kasama sa relationship yun diba.. He surprised me with something.
I call this our Friendship Ring. He asked me to choose style and I chose this one. Simple lang kasi and I like how it looks like. Sweet talaga ang mokong. Kaya nga ako na-inlove kasi sobrang sweet and thoughful ...
I asked for his picture again one time na magkachat kami. Kasi baka kako hindi ko sia makilala sa Airport pag dumating siya. Tapos I asked him to call me din on my mobile para masanay ako sa pag-eenglish.. Bobo ko kaya sa English noh. Pictures on the left side are some of his pics he sent me before. Payat niya no. Yun picture nia sa Elitemate is the worst picture I've ever seen so far haha..
August 2006 Came parang dinig ko 24/7 yun tunog ng puso ko. " Lub-Dub... Lub-Dub!.. " Para akong nasa Grand Finals ng isang competition. Hindi lang hindi ako makatulog ha at every week nagpapa-facial ako at baka nman sia ang matakot sa itsura ko pag nagkita kami. Punong-abala din ako sa pag-aayos ng bahay at ng kuarto na tutulugan niya. Susme! Pati ako nagpintura ng apartment bago siya dumating. Nag-research din ako ng mga pagkain na pwede niyang kainin. Gosh! Ang hirap pala ng ganito.
The time has come. August 29, 2006 around 2:30 PM nasa NAIA na ako kasama si Tatay. Akalain mo tatay ko pa ang kasama ko sa pagpick up sa kanya. Sobrang init pa nun kaya halo-halo na rin ang pakiramdam ko. Para akong naeebs na hindi mo matanto sa sobrang kaba ko. Yun na nga dumating na ang Plane kung san nandun si Jamie. Pero matagal pa bago siya nakalabas sa Plane dahil sa pagkuha ng baggage nia. Text text muna kami gamit nia ang smart sim na ipinadala ko by mail. Eto na po, labasan na ng mga passengers. Hindi ko talaga sia makita. Sabi nia sia eh 6 ft high and wearing a shirt with cream and green stripe. Si tatay naiinip na mukha raw hindi dadating. eh sabi ko dadating yun kasi katext ko na nga. baka nagyoyosi lang dahil sobrang tagal ng byahe nia. 27 hours yata including stop-over. Sabi nia nasa tapat daw sia ng duty free.. Alam rin nia kung ano ang kulay ng suot ko.
Pictures and clothes we are wearing when we met at NAIA
Maya-maya pa meron nang lumabas na guy.. Sabi ko, " Tatay ayun na siya!.." Napasigaw pa ako ng konte pero meron sumalubong na ibang babae at nag-kiss sila.. Hala, napagkamalan kako yatang ako yun. Grabe naman! Pero nagkamali ako. Hindi pala siya yun. Hehe Kasi tinext ko kung nasa n na siya eh naghahanapan pa rin kami. Sabi ko lumabas na sia at itinext ko kung saan kami nakatapat.
Eto na nakita ko na siya. Matangkad na mama na merong dalang isang malaking-malaking bag. Medyo nakayuko siya. Sabi ko nakita na niya cguro ako . Nagtama ang aming mga mata. At toink! kiniss ako ng loko sa pisngi at dahil nahihiya ako dahil nandun ang tatay ko, kakaiwan-iwas lumanding na nga ang labi nia sa labi ko .. Huaaatt!!! Sa public place pa pala magaganap ang aking FIRST KISS. Si tatay kulang na lang maibuga ang nginunguyang chewing gum hehe.. pero hindi na siya makapalag.
" Hi Jamie this is me Edna.. " Ako
" Hello Edna, Hello Tatay, Nice to meet you .." Jamie
Tapos iniabot ko yun isang bote ng Mineral Water. Feeling ko nakalutang ako sa langit tapos parang gripo ang pawis na lumalabas sa aking katawan. Hehe ganun pala ang feeling nun. Eh first time ko kaya. Hindi ko maapuhap ang English na bibitawan ko. So pasok kami agad sa Van na ni-rent ko pa mula Cabanatuan. Tinanong-tanong ko ng konti. kinumusta ang flight at tsaka ko pinaglaruan ang balahibo nia sa braso haha.. wala na kasi akong malamang itanong. Dumiretso na kami kaagad pauwi ng Cabanatuan ..
sis muntik akong mahilo sa story mo....hehhehe...joke lang! pang MMK ang dating...nako kakaloka....very interesting story...you're right sis..dami mga nasty images sa chatrooms...hehhe..kaya dko na met si hubby sa internet...iba yung story namin...we never chatted online....:)
ReplyDeletethanks for sharing sis..it is indeed a great love story....can't wait to read the continuation....hehhee..don't make it too long..bawasan mo konti..para mas lalong ma thrill ang taga subaybay mo...hehhehe...just a thought!
hehe naiklian ko na ng lagay na yan haha.. thanks for reading .. mamaya ang susunod na kabanata..
ReplyDeleteewan ko kung pumasok yung una kong koment..tigan ko na lang pag visible na sya ha? kung di pumasok ulitin ko na lang ulit para malaman mo naman reaction ko tita eds..ok?
ReplyDeletepero sa tingin ko di sya pumasok kaya eto na lang..
tulad ng sinabi ko sayo nun, palagay ko kayo talaga ang tugma dahil sa dami ng di mo kinausap sa chat e sya pa ang nagtiyaga para kausapin ka at makilala mo sya..
natuwa lang ako nung muntik na mahulog ang bubble gum ni tatay ng sumudo kayo kay jamie..iwas ka rin ha, pakipot kunyari ano? joke, pero sa totoo lang e maganda ang story nyo kase sa layo ng distansya nyo ay nagkatuluyan kayo..meron pala talagang totoo sa chat at isa kayo dun..
tukayo, katuwa naman ng story mo. parang auto-biography lang..
ReplyDeletehmp! sana ako din may ganyang kwentong maikuwento.. naghihintay pa rin ako.. haha
eds sabi nga sa kanta " Bastat maghintay ka lamang.." hehehe.. Hindi naisip man lang na makapangasawa ng foreigner pero siya talaga cguro ang para sa akin ..
ReplyDeleteAlam mo kuya payatot hindi talaga ako naniniwala nun sa na pwede ka palang makatagpo ng partner mo for life dahil lang sa pagchachat. Yung iba naririnig ko hindi naging maganda ang kapalaran. pero sinuerte cguro ako kasi mabait ang napangasawa ko. Anyway, hindi perfect ang family niya but they are nice people. Wala na akong hahanapin pa .. :)
ReplyDeletewow, what a love story you have here dear :-) very interesting :-), ako kahit na nag meet kami ng hubby ko sa internet we never chat, phone clals and email lang kami hehehe, toto yun, dami nasty chatters sa chat rooms, kaya di kami nag chat. anyway, thanks for sharing your love story with us!
ReplyDeleteAnd thanks for reading Ate Cecile.. Its my pleasure to share it on blogosphere. :)
ReplyDeleteay sus kahaba ng story, di pa pala tapos, hahahaha! anyways, ano kau, soulmates? may mga signs? great love story, pareho kayong first and first..wow, bihira na ang ganyan ngayon ha. Mabait naman pala si Kumag, eh pag minsan pagpapasesnsiyahan mo na lang, lalo kung magdamag nag vi video games, oh di ba? Thoughtful naman pala,saka labs na labs ka..Saka tama si Lola Barang, makakarating ka sa London, eh di ba nga at kagagaling mo lang dun? Cool di ba? Kaso lang, ang taba na ni Jamie ngayon, hehehe...pinataba ng iyong pagmamahal...
ReplyDeleteAte liza wag mo na masyado pakabanggitin ang mataba at naffrustrate sa pagpapapayat hehe.. Ayaw na ngang kumain eh. Last week bumaba sia ng half stone. Pero dahil nabuhay na nman kami sa restaurant food at kugn anik-anik na pagkain nun nagbakasyon kami, isama mo na si KFC at mcdonalds pihado nagkainterest pa ng yung nabawas na timbang.. hehe dumoble kumbaga.. kawawa nman si jamie .. hindi na nga madalas kumain pero tumataba pa rin ..
ReplyDeleteAnak ng...nasaan yung karugtong?!!!kung kelang me time na akong magbasa eh putol pa pala yun?!!kidding aside,wala akong experience sa mga on-line chatting pero madalas akong makabasa sa mga experience ng friends ko. Nakaka-kilig pagka nakakabasa ako ng ganyang love story tulad ng sa yo!!\(^0^)/
ReplyDeleteMay arb ka pala day-- kung tinuloy mo ang pagja-japan siguro sakang at singkit ang dyowa mo ngayon!!lol!
On the making pa un karugtong at hindi ko alam kung pano paikliin hehehe..
ReplyDeleteARB oo meron ako niyan. Poteks si Cita Astals at si pepe smith pa nga ang nag-grade sa akin jan.. yun iba nagka-ARB kahit mga sintunado hahaha.. nakakatuwa nga yun eh biruin mo desperada na ako maka-abroad nun. In fairness ha Celine Dion ang binanatan ko nun.. Approve without thinking yun mga judges hehe.
At kung natuloy nga ako sa Japan cgurado ngang hapon ang naging jowa ko haha..
namannn!!! sandali, kala ko buhay ko ang kinukwento mo eh.--- only girl, boring na buhay, office-bahay-at bihirang lumalabas----same same tayo here ah. KASO wala me love story na ganyan kalufett. ma-i-try nga yang elitemate.com. bibigyan ko ng panahon yan para mahanap ko na rin prince charming koh...
ReplyDeleteO diba ang ganda ng picture na nilagay mo?Talo talaga ang viva hotbabes!Bakit minsan lang kayo nagkatampuhan? dapat maraming beses para madami ka din alahas! ay! hehehe!Bitin pala story na to, sige dun na ko sa part 2.
ReplyDeleteThanks anny sa pagtitiyaga mong basahin ang magcomment sa post na to. Sabi nila ang haba daw hehe.. DUling-duling sila kababasa.
ReplyDeleteNaku ngaun kami madalas magkatampuhan pero dahil mag-asawa na kami ayaw na ako suyuin ng alahas hahaha..
To Jez, aba bisitahin mo na si elitemate at pihado ikaw lang ang hinihintay ni prince charming kaya sign up na ..
ReplyDeletehello edna.
ReplyDeletebago lang ako na reader mo, nakita ko yung link kay miel kasi may comments si yatot dun (di ko kilala si yatot, feeling close lang he he) na click ko dahil blogspot, ako kasi meron din sa blogspot, so i was happy alam mo yun, feeling ko blog-buddy tayo diba.
aliw naman itong post mo, tulad mo nameet ko rin hubby ko on-line. so nakaka-relate itung lolarush mo.
at aug. 29 pa ha, bday ko kya yun--he he.
so i am looking forward to be REALLY SERIOUSLY one of your avid reader. pwamis!
and sana ok lang sayo :)
thanks in advance~khel
Thanks gratitude for reading my love story. Talaga? well we can ex-link if you want.. gusto ko yang dumadami ang blog friends .. ur always welcome to read my posts o di ba ..
ReplyDelete