7 Mar 2009

Twilight Movie Trip!

twilight_movie_poster-7184

O eh siguro nman alam niyo kung anong movie itong nakapaskil ngayon sa blog ko. Ewan ko ba, December pa naipalabas ito pero ngayon ko lang napanood hehe.. Kitam nasa UK na ako eh nahuhuli pa rin ako sa mga new movies. ( nagtanong pa no e sa bundok naman ako nakatira hehe).

 

Ayun nga, pinanood namin ito kanina ni Hubby boy at matagal na akong naku-curious sa kung ano ba ang meron sa movie na ito at pagbukas ko ng friendster lahat ng background na makita ko Twilight. Favorite Movie, Twilight. Be a fan of.. Twilight. Pati sister-in-law ko bukambibig ang Twilight! Hala! Eh ano nga ba ito? Ang twilight yata diba ang translation ba nito sa tagalog eh takip-silim? hmmm?? Bakit kaya Twilight ang pamagat nito?

 

Eto na ang istorya, Matapos kong kumain ng aking hapunan eh isinalang na nga ni Jamie ko ang movie. Sariwang-sariwang sunog mula sa kanyang PC. Yung umpisa ng movie boring. Yung bidang babae nag-start na mag-narrate siyempre. Hmm.. Napanood ko na sa isang horror movie itong babae na to. Una ko siyang nakita sa Movie na Zathura. O napanood niyo ba yun? ikli ng role niya dun hehe. Tapos naging Yelo pa at tulog ng tulog haha. Pero kagulat nman at bigla siyang naging bida.

 

Tuloy ang kwento..

 

Muntik ko nang piliin makipaglaro sa pusa kesa panoorin tong movie sa mga unang 15 minutos. Pero nun lumabas ang bidang lalake, naisip ko sino ba nman tong lalake. Napakaputi ng mukha, mukhang bangkay ( Peace sa mga fans ni Edward Collin Hehe..) Eh kasi nman parang hindi nman talaga siya guwapo. Tapos hindi pa nagsasalita gaano sa first part ng movie. Pero sige, tuloy ang nood... 5...10....30...60... Ayan at lumipas ang ilan pang minuto, naging exciting ang palabas. At tapos yung bidang lalake kanina na nilalait ko eh naging love ko na. O di ba? Bilis ng transition no? Hindi nman kasi ako fan ng kahit na anong Vampire Movie. Teka ilan na bang vampire movie ang napanood ko? Eh parang yung The Lost Boys 1 and 2 pa lang? Yung Interview with the Vampire (Bradd Pitt and Tom Cruise ata ang bida dito ) nga hindi ko pa rin napapanood. Pero medyo iba kasi ang takbo ng istorya ng movie na to eh. Ikaw nga ang mortal na umibig sa bampira tapos vice versa katakot kaya yun. Eh eto pa, ipakilala ka ng BF mong bampira sa pamilyang bampira naku po, pag di nman lahat siguro ng balahahibo kahit hindi pa tumutubo eh tatayo. Kakaiba di ba? Pero itong mga bampira sa movie na to eh kakaiba rin. Meron vegetarian at merong carnival hehe. Bueno, Siguro ang pinakagusto ko sa story na to eh yung ituring ng mga bampira na kapamilya ang isang mortal. Tapos ipagtatanggol at pproktektahan ka nila sa sinumang mananakit imbes na gawin kang hapunan. Isa pa, gusto ko yung part ng tatay ni Isabela hehe.. Ang bait na daddy in fairness, laging ipinaaalala ang Pepper spray lol! Then last eh yung bidang lalake, kasi nga love ko na siya hehe. Habang tinititigan mo pumo-pogi. Eh kung ganito nman ang magiging BF mo eh magpapakagat ka na rin siguro sa leeg no? Baka nga i-suggest mo pa na.. Heto ang leeg ko sige na at kagatin mo. . Hayz! Ang ganda talaga niya...

 

And downfall, bitin ako. hehe Bakit kasi kelangan pang merong part 2 no. Hmmp! Kaya pala yung sister in law ko eh binili ang libro nitong Twilight. nakita ko nga last na pumunta kami ng England parang Libro ng mga nag-aaral ng law at accounting sa kapat. Susme! Binuklat ko ng onti ang liliit pa ng sulat! Pihado duling ako pag natapos ko yun libro. Pero sabi niya yun daw story sa libro is far better than the film version kaya ayun nag-aadik sa Twilight. Teka napanood mo na ba ito?

6 comments:

  1. naku tita eds, di ko pa sya napanood pero base naman sa nabasa ko sa post mo e tila ok nman ano? naloka lang ako dun sa magpapakagat na rin sa leeg dahil sa kagwapuhan ng bampira na ito..hehehehe...nakasunog ka pa rin ng movie ha? buti ka pa alam mo magsunog kase menos din sa gastos yan di ba..di ka na pupunta sa sinehan para manood...

    ReplyDelete
  2. Sabi nila, mas maganda daw ang story ng Twilight sa book kesa sa movie.Nope,I haven't seen the movie yet nor read the book either.Pero yun ang sabi nila...

    ReplyDelete
  3. Kuya payatot maganda naman ang movie. kaso ngaun nacu-curious na ako sa book version hehe.. Mas maganda nga daw kasi.

    Nagsusunog? oo paminsan-minsan lang pero madalas media player na ang gamit. try mo at mas matipid un di ka pa magsusunog. Mura lang nman :)

    ReplyDelete
  4. Hehe ate Clarissa aba nood na hehe.. check natin kung parehas impression natin dun sa bidang lalake..

    ReplyDelete
  5. Talaga namang ikinuwento mo ha, di mo man lang binigyan ng mystery ang iyong magiging viewers, hehehe. Ayan, alam ko na tuloy ang story, di ko na need na panoorin. Hahahaha! Anyways, di ba parnag pang teen ager? Itong si bidang jubae, eh nasa movieng "Panic Room" with Josie Foster, nasa "The Messenger" din siya at sa Land of women" ..kaya wag kang magulat kung bigla siyang naging bida. Di ko siya napansin sa Zathura ah, hahaha!
    OH well...Tingnan ko kung pwede ko ipasunog kay Rodneya ng movie, at kahit may idea na ako eh parang gusto ko ring pakagat, ahahahay!

    ReplyDelete
  6. Hahaha.. Mejo pang teenager ang dating pero medyo kakaiba ang approach netong mga bampira sa movie na to. di tulad ng mga nakagawian na ang bampira eh n atutulog sa kabaong. Laht ata eh kabaligtaran dito haha.. anyway, kung ako sau panoorin mo rin at sabihin ang iyong haka-haka at opinyon ..

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin