16 Mar 2009

RECORDING TRIP PA RIN!

Naloka ako sa mga comments ng aking mga ka-blagista sa aking album na ginawa. Na tulad ng nabanggit ko eh ako lang ang may kopya. Lol. Ayun nga ang sabi ni kuya payatot ay ma-echo hehe. talaga nman ma-echo dahil pilit kong pinapaganda ang boses ko na sadya nman panget talaga. Si ate issa nman ay naloka sa nag-uurong na background sa isa kong kanta. Pero meron isang naniwala sa aking pagkanta at pwede ko bang sabihin na humanga?? ( yaiks! Ang kapal ko nman ) Si Anney ang aking tinutukoy na matapos kong mapagkamalang isang butihing ina ay isa palang dalaga .. ( Para tuloy akong pinitpit na suso neto hehe.. kakahiya nman ). Inassume ko lang kasi nga kamukha niya. At sa iba pang mga nag-comment sa recording ko, kahit good or bad eh hindi ako nagagalet. hehe masaya pa nga ako at mamomotivate ko ulit ang aking sarili sa pagkanta.

 

Dun sa komento nga ni Anney, tinanong niya ako kung ako nga weh sumasali sa contest. Twice pa lang ako nag-attempt at yun eh hindi ko pa alam na dun pala ako sa Star In A Million Audition idadala ng aking friend. Jusko nanginig ang bahay-tae ko ng kami ay pumila kasi nga televized na ito. Pero expect the expected hehe.. Dahil failed ako. Kahit biniritan ko ng To Love You More un matabang judge at ung member ng The Company eh hindi umepek kasi nga hindi ako tumingin sa camera hahaha. isa pa lumagpas ata ako sa bilog na stage kaya na-technical haha. Eto pa ha, yung aking tape eh hindi tumugtog kaya nag-acapella ang lola mo. eh di ciempre nanginig na naman ako. Kung naka-experience na kay sa pag-aaudition sa ABS-CBN nakupo sisiguraduhin kong hindi madali. I think batch pa nga yata ni Frenchi Dy yun contest na yun at isipin nio nman ang boses nia sa boses ko. Sa sobrang taas nun boses ni Frenchi Dy eh pwedeng makabasag ng bote ng gin hano.

 

Ayun nga .. mabalik ako sa audition, isa itong mahabang pila na kahit cguro dumating ka ng pagka-aga-aga eh dadatnan mo pa rin mahabang pila. Tapos siempre meron ibang mga gustong sumali na meron backer sa loob at timer na sa pag-aaudition. Somore or less alam na nila ang pasikot-sikot sa pag-aaudition. Ma-de-dehydrate ka rin sa pagpila dahil sa napakainit at magkaka-ulcer ka dahil hindi ka makakain. Kapag umalis ka nman kasi sa pila mo eh sisingitan ka ng iba. ewan ko lang kung ganyan pa rin ang pilahan ngaun. Eto pa ha, siempre isama mo na un varicose veins na makukuha mo sa maghapong pagtayo. Idagdag mo na rin ang mga nakakabaliw na pabulong ng pagkanta ng iba pang nga aspirant maging singer. Meaning nagppraktis sila habang matiyang nag-aantay ng pagkakataon nila. Uahhh!! Ako nga eh naisalang ako alas-sais ng gabi. Walang kainan! mantakin mo, nun time na kumanta ako wala na akong lakas at nanunuyo na ang lalamunan ko. Tapos kinakabahan pa naku eh babagsak nga.

 

Yun next na experience ko eh sa isang mall nman. Sa Channel 5 nman ata yun . nakalimutan ko na ang title ng programa pero eto un meron GONG pag nasintunado. Un mismong program kung saan sumikat si Ethel Booba. Nun time na un ang nagpa-audition eh si Pops Fernandez. Pero ang sama nito yung first 100 lang ang pwede maisalang. 101 ang number ko ! Damongkles pag minalas ka talaga hano? O, kaya naman nauwi kami sa pag wi-window shopping ng mga kaibigan ko. San ka pa! Ang sumikat nman sa contest na yun eh yung komedyanteng mahaba ang baba. Hindi ko alam ang name pero nasa pelikulang Kasal-Kasalo-Kasali at Sakal-Sakali-Saklolo siya. O ayan me Idea na cguro kau kung sino sia. Siya ang mother ni Baby Johnson sa pelikula. Isa sia sa mga nakapila nun araw na iyon. Kaya nman ako eh hindi na nagtry after nun. maging sikat na singer na lang ako sa loob ng aming pamamahay. Kaya heto, sabi ni Anney eh member sia dati ng Singsnap. Eh ako rin member din pero long time ago na yon.. Kaya naisipan kong ipost muli ito. heto ang isang na-record ko mula sa site.

 

Nai-play mo na ba? Pacensia na at singing at recording trip ang gusto ko ipost sa mga panahong ito na nakakaloka. With video na yan kaya makikita niyong ako talaga ang kumakanta. hehe baka sakali makumbinsi ko kau na magaling akong kumanta.. Magaling akong kumanta .. ( ang kapal ng mukha ko talaga oo )

 

Hayan pa. Nahirapan akong abutin ang nota niyan ng pinipigil ang boses hehehe.. Tumatawa ka na hano? Ako rin natatawa sa kalokohan ko dito. ganun pala ang hitsura ko pag kumakanta. Nalulukot ang mukha haha..

 

Ngayon, kung ikaw ay nasa ibang bansa at nais mong magrecord din na kagaya nito. O kahit na saang lupalop ka  naroroon, magrecord ka na rin at nakakaaliw talaga. KALUTKUTIN MO DITO KUNG PAANO. Pihadong magiging artista ka rin sa loob ng pamamahay nio. 100% Sure yan .. Ikaw lang ang fans ng sarili mo. hehe Kaya ako ipinost ko eh baka sakali madagdagan ang fans ko maliban sa akin hihihi

11 comments:

  1. sabi ko na nga ba at maganda ang boses ng lola ko pag walang echo! bakit naman di mo itinuloy ang paggala sa mga audition e ok naman pala ang boses mo tita?

    i'm going back someday, come what mat to blue by you! ayan at napakanata pa ako..waaaaaaaaa, sige na at pasado na nga e ano pa ba ang gusto mo? hehehehe

    ReplyDelete
  2. ikaw pala'y batch ni frenchy ano? aba e talaga namang gumagala ka pala nung panahon na yon at gusto mo talagang ipakilala ang mala anghel mong boses ah!

    yung sinasabi mong kay ethel booba, SING-A-GONG po yon tita, iba na talaga ang tumatanda, makakalimutin na ano? hahahahaha

    ReplyDelete
  3. o hayan napakanta ka na hahaha.. peborit song ko yan kahit lumana hehehe..

    hindi ko na tinuloy kasi nga wala dun ang luck ko at nandito sa UK hehehe.. Malay mo makasalai ako sa British Got Talent o kaya X-Factor hahaha.. ang kapal ko na talaga .. hindi ko na maramdaman ang mukha ko hayz!

    ReplyDelete
  4. Yun naman prgram na un eh hindi ko na talga matandaan pero basta yun na cguro yun.. hehehe matanda na nga cguro ako at hindi ko na matandaan hehehe..

    kung sakali nman na nakapasok ako dun pihadong Gong ng Gong ang narinig ng mga televiewers hehe..

    ReplyDelete
  5. Talaga naman tinuloy tuloy na! hehehe! Basta ang sigaw ko lang e.. More! more! more! malapit na kami magtayo nila payatot ng fans club mo.

    ReplyDelete
  6. hahaha.. naku ha teka.. magpapaganda na ako at baka sumikat na ako.. ( ano ba yan ) pinangatawanan ko na talga ang kakapalan ng mukha hano hehehe....

    ReplyDelete
  7. malay natin imbitahin ako ni Oprah wahahaha

    ReplyDelete
  8. hi, eds nakakaloka ka talaga...baka may makadiscover sayo nyan ha...next american idol ka sistah!!!! ^_^

    ReplyDelete
  9. Hi meryl salamat sa iyong pagdalaw..

    Pag ako eh nadiscover promise may libre kang album haha.. Joke ko lang yan ..I just posted some these recordings para nman maishare sa akng mga friends here in blogging world.

    I like reading your blog as well.. very informative.. ang sama nito baka pag-uwi ko ng pinas eh araw-arawin ko ang pagpunta jan sa restaurant na iyong nakainan hehe..

    ReplyDelete
  10. I guess, kaya di ka nakakapasa sa audition eh kasi meant kang punta dyan sa UK at pakasal kay tito Jamie. Yan, ikaw ang singer ng buhay niya. Dyan mo na lang ibuhos lahat ng frustrations mo. Pero tlagang magaling kang kumanta ha,s iguro masyado na lang mataas ang standard ng mga judges noong panahon na ikaw eh papila pila sa audition. Besides, anak ka ng nanay mo na kumakanta sa radyo noong araw. Yaan mo na, dito ka na lang sa Blogosphere magpakitang gilas..Oh ha!

    ReplyDelete
  11. Haha yan na nga lang talaga ang gagawin ko. masaya na rin ako na maging singer na lang sa loob ng pamamahay hehehe.. tutal fans ko na rin nman ang aking mga kapitbahay at mga parents ni Jamie dito lol.. pag narinig na nila ako kumanta tahimik na sila lahat tapos ayaw na magsikanta. ano ba yan .. di ba katulad sa pinas na kahit san pumunta ang tono mo eh bira lang ng bira .. hahaha

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin